Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

$30 na sine at libreng kainan ngayong Sabado, hatid ng HK govt

Posted on 25 April 2023 No comments

Ng The SUN

Dineklara ng mga pinuno ng HK ang pagtatapos ng problemang dala ng pandemya noong Pebrero

May dalawang malaking benepisyo ang inihanda ng pamahalaan ng Hong Kong para sa publiko ngayong darating na Sabado.

Simula bukas, alas otso ng umaga, ay maari nang pumunta sa alin man sa 18 service centres ng  Home Affairs Department at manghingi ng entrance ticket para makapasok at makakain ng libre sa isang malaking food fair na gaganapin sa Hong Kong Convention and Exhibition Centre sa Wanchai.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Bawat katao ay maaring humingi ng hanggang dalawang ticket lamang. May ilalaan ding mga tiket para sa mga mag wo walk-in sa HKCEE sa mismong araw ng Sabado.

Sa Huwebes naman, simula 11am, ay maari nang mag online booking para makanood ng sine sa halagang $30 lamang, o pumunta sa alin man sa 61 sinehan na kasali sa pasinaya para doon magreserba ng tiket para sa Sabado.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hanggang apat na tiket naman ang maaring bilhin ng bawat katao online, o sa pamamagitan ng pagbili sa box-office ng mga sinehan.

Ang mga benepisyong ito ay hatid ng pamahalaan ng Hong Kong para tulungan ang mga negosyo na makabangon mula sa pahirap na dinala ng Covid-19 pandemic, at para na rin pasayahin ang mga tao dito.

Sa HKCEE sa Wanchai gaganapin ang libreng kainan sa Sabado

Sabi ng gobyerno, may 100,000 na ticket ang ipamimigay sa publiko para sa "Happy Hong Kong  Gourmet Marketplace," kung saan ang mga pinakamasarap na pagkain sa Hong Kong at iba pang lugar ang ipapatikim sa mga bisita. 

Para masiguro ang kalidad ng mga pagkain ay namili ang gobyerno ng mga kainang isasali mula sa listahan na ibinigay ng asosasyon ng mga restaurant, at mga konsulado.

Ayon sa pamahalaan, may itatayo ding palaruan sa loob mismo ng HKCEE para magkaroon ng libreng oras ang mga bisita na may mga kasamang bata na makalibot.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

May dalawa pang food fair na nakatakdang isagawa sa Sha Tin Park sa Mayo at Kwun Tong promenade sa Hunyo, kung saan hindi na kailangang magreserba pa ng tiket para makapasok.

Sabi naman ng mga opisyal ng isang samahan ng mga sinehan ay hindi lang bago ang mga pelikula ang ipapalabas sa Sabado, kundi pati yung mga popular din na pinalabas noong nakarang taon, lalo na noong Chinese New Year.

Hindi daw sila maghihigpit sa pagbebenta ng mga ticket dahil tiwala sila na walang mang-aabuso sa benepisyong ibinibigay nang libre ng gobyerno.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Makikipag-usap din daw sila sa mga opisyal upang maulit ang ganitong pagpapasaya sa mga residente at pagtulong para naman maiangat muli ang kanilang industriya.

Samantala, may iba pang pinaplanong pakulo ang gobyerno para magpatuloy ang kasiyahan ng mga residente, lalo sa Hulyo, para sa ika-26 na taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Hong Kong Special Administrative Region.

Tuwing Sabado ng gabi sa buwan ng Hunyo ay papapasukin ang mga tao nang libre sa Ocean Park, mula 6pm hanggang 11pm, para makapanood sila ng “multimedia lagoon shows” at isang konsyerto. 

Parte ito ng “Chill All Night” na kampanya ng gobyerno para sa siyudad na hindi natutulog.

Sa buwan naman ng Hulyo at Agosto ay isasagawa ang “Harbour Chill Carnival” sa tabing-dagat ng Wanchai. Gaganapin ito tuwing gabi ng Sabado at Linggo, mula 6pm hanggang 11pm.

Sa unang pagkakataon ay itatayo ang entablado para sa palabas na ito sa mismong Victoria Harbour, at sasabayan pa ito ng fireworks display at light show.

Magkakaroon din ng libreng konsyerto kung saan ang mga magtatanghal ay magmumula sa iba-ibang parte ng mundo.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Umpisa na ang pa-raffle ng Cathay ng 27,000 libreng air tiket mula HK

Posted on 24 April 2023 No comments

Ng The SUN

Ang mga libreng ticket ay ipinapamahagi sa mga nakatira sa Greater Bay Area, kasama ang HK


May 27,314 air tickets na inumpisahang ipamigay nitong Lunes ng Cathay Pacific sa mga residente ng Hong Kong at sa “Greater Bay Area” na kinabibilangan ng siyam na kalapit-siyudad sa China.

Ang mga ticket ay maaring gamitin sa 26 na bansa (46 na siyudad sa kabuuan), kasama ang Pilipinas, at ang umpisa ng biyahe ay sa Hong Kong, hindi katulad ng mga naunang ticket na pinamigay ng gobyerno, kung saan dapat ang lipad ay papunta dito.

Sinimulan ang pagtanggap ng mga entry nitong alas diyes ng umaga ng Lunes, at magpapatuloy hanggang 11:59 ng gabi ng April 30. Aabisuhan ang mga pinalad na manalo sa May 3.

Sa mga unang oras ng pagtatala ay salitang Pinyin, o simpleng Intsik, lang ang nasa website kaya marami ang nagreklamo. Pero sa bandang huli ay may English version na rin ito, at makikita sa link na ito: https://hellohk.cathaypacific.com/world-of-winners/gba

Pindutin para sa detalye

Paalala lang ng airline, ang lahat ng mga ticket ay para sa isang tao lang, round-trip sa economy class. Ang tiket lang ang libre, kaya kailangan pa ring magbayad ng tax at surcharges.

Dapat din na miyembro ng Cathay ang lahat ng sasali, kaya kung hindi pa nakapag miyembro ay gawin ito pagkatapos mag rehistro para sa raffle.

Ang kagandahan lang ay hindi na kailangang sumagot pa ng ilang mga tanong ang mga sasali sa raffle, hindi katulad sa mga nagdaang paripa sa ilalim ng kampanyang pang turismo na“Hello, Hong Kong.”

Kailangan lang ilagay ang pangalan, numero ng telepono, at pumayag na magamit ang pangalan para sa promotion.

Ang mga libreng air ticket ay magmumula sa gobyerno sa ilalim ng kampanya nito na naglalayon na hikayatin muli ang mga turista na bumisita sa Hong Kong pagkatapos ng tatlong taon na halos nagsara ang siyudad dahil sa pandemya.

Kabilang sa mga bansa na maaring puntahan ng mga mananalo sa raffle bukod sa Pilipinas ay ang United States, United Kingdom, France, Germany, Italy, the Netherlands, Switzerland, Spain, Australia, New Zealand, Israel, the United Arab Emirates, South Africa, Bangladesh, India, Nepal, Cambodia, Malaysia, Indonesia, Singapore, Thailand at Vietnam. 

May 700,000 na ticket ang ipamimigay sa kabuuan sa pamamagitan ng tatlong airline na nakabase dito. Bukod sa Cathay Pacific, namimigay din ng ticket ang Hong Kong Airlines at HK Express.

Sa naunang pahayag ng gobyerno, ang 80,000 ticket na ipamimigay ngayong buwan ng Abril ay para lang sa mga nakatira sa Greater Bay Area, bagamat kasama naman ang Hong Kong dito.

Ang mga ticket na para lang talaga sa mga residente ng Hong Kong ay dapat sa July pa lang ipamimigay.

Sa mga naunang pagbabahagi ng ticket ang mga airline ay namigay sa mga nakatira sa Southeast Asia, kabilang ang Pilipinas, Thailand at Singapore na gustong bumisita sa Hong Kong.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Utos na arestuhin ang Pilipina, kinansela

Posted on No comments


Kinansela ang warrant of arrest laban sa isang Pilipinang nag-overstay nang humarap siya kanina sa Shatin Magistracy dahil nakakulong na pala siya.

Ipinaaresto si Marie Chris Parane, 33 taong gulang at asylum seeker, matapos na hindi siya sumipot sa nakalipas na pagdinig ng kanyang kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Pindutin para sa detalye

Pero kinansela ni Acting Principal Magistrate Cheng Lim-chi ang arrest warrant nang magpaliwanag ang abogado ni Parane na hindi siya nakapunta sa huling pagdinig dahil nasa ilalim siya ng administrative detention ng Immigration Department.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Dahil sa paliwanag, hindi na rin kinumpiska ang nauna na niyang inilagak na $500 bilang piyansa.

Pinayagan din siyang ituloy ang bisa ng nauna niyang piyansang $500 para makalaya – sakaling pakawalan siya ng Immigration --hanggang sa susunod na pagdinig ng kanyang kaso sa May 8.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kinasuhan si Parane ng breach of condition of stay nang mag-overstay siya ng apat na buwan, mula April 9, 2022 hanggang Sept. 9, 2022.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Paano humingi ng tulong laban sa manlolokong tindero, online man o hindi

Posted on 23 April 2023 No comments

 

Mga operatiba ng HK Customs sa isang raid

Dumarami ang namimili  ng iba’t ibang bagay sa mga online seller. Pero marami rin ang naloloko -- hindi dumating ang binili kahit nabayaran na, kung dumating man ay iba, o kaya ay peke ang produktong natanggap.

Kung karaniwan ay walang pumapansin sa mga reklamong ganito, isang sangay ng gobyerno ang nagpapakita ng kahandaang tumulong sa mga biktima ng panloloko, gumagamit man sila ng internet o hindi.

Noong April 20, isang lalaki ang inaresto ng mga ahente ng  Customs and Excise Department (Hong Kong Customs) dahil sa hindi nai-deliver na mga laruang inorder sa shop na kanyang pinatatakbo, at hindi niya pag-sauli ng perang ibinayad sa kanya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Nauna rito, nakatanggap ang Customs ng reklamo tungkol sa shop, na nagtitinda ng isang kilalang laruan na hugis-bear at binubuo ng pinag-kabi-kabit na tipak ng plastic.

Ang lalaki ay kinasuhan ng paglabag sa Trade Descriptions Ordinance (TDO).

Ang TDO ay isang batas na nagbabawal sa kahit kanino na tumanggap ng bayad para sa isang produkto kung sa oras ng pagtanggap ng bayad ay wala siyang intensiyong ibigay ang produkto o ibigay ang ibang produkto.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sakop din ng TDO ang kabiguang i-deliver ang produkto sa loob ng napag-usapang panahon.

Umaaksiyon din ang HK Customs sa mga reklamo laban sa mga nagtitinda ng pekeng produkto, na sakop din ng TDO.

Noong April 19, nagsagawa sila ng special operation sa Lam Tin, Sham Shui Po, Kwai Chung, Tsuen Wan, Sha at Cheung Sha Wan at nakasamsam ng 2,000 piraso ng mga pekeng pabango, pampaganda at fashion accessories na nagkakahalaga ng $240,000.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sampu katao ang inaresto sa mga raid, kasama ang dalawang nagpapatakbo  ng negosyo at walong nagtitinda.

Ayon sa HK Customs, ang mga may reklamo tungkol sa panlolokong sakop ng TDO ay puwedeng tumawag sa kanilang 24-oras na hotline ( 2545 6182), o magpadala ng mensahe sa kanilang email: crimereport@customs.gov.hk.

Ang payo nila upang mapabilis ang imbestigasyon ay itabi ang mga dokumentong nagpapatunay sa transksiyong nangyari, gaya ng palitan ng text, resibo at iba pa. Makatutulong ang mga ito sa pagsasampa ng kaso laban sa nagkasala.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

OWWA to hold ‘Balik Saya’ in HK on May 7

Posted on No comments

 

OWWA's chief says providing entertainment to OFWs is one of his priorities  

The Overseas Workers Welfare Administration is bringing back its “Balik Saya” show to Hong Kong on May 7, topbilled by comedienne/host Boobay and stand-up artist and singer Boobsie.

The event will be held from 8am to 6pm on Chater Road in Central, and will also feature the final round of a singing contest organized by Global Alliance Hong Kong.

According to GA founder Leo Selomenio, the show was originally set to be held on Labor Day on May 1, but the Hong Kong police asked that it be moved to the next Sunday, in anticipation of a mass gathering of local labor groups.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

OWWA Administrator Arnell Ignacio is expected to speak at the variety show, with possibly the Department for Migrant Workers Secretary Susan Ople herself coming to address the nearly 200,000 overseas Filipino workers in the city.

Two DMW undersecretaries who joined Filipino community leaders in a forum at the Consulate General on Sunday, April 16, said Secretary Ople would visit Hong Kong soon, and the only reason she was unable to join them was because she had just arrived from an ILO conference in Geneva.

The “Balik Saya” show revives the “Hatid Saya” program that OWWA used to hold each year to entertain OFWs at their work sites.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ignacio, who is a TV and movie personality, said shortly after taking his oath as OWWA head last year that entertaining OFWs would be among his priorities, apart from providing assistance to them and their families.

Hatid Saya was first launched in the 1980s as a musical show featuring Filipino performers and entertainers who traveled to key cities abroad where there were a significant number of OFWs.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The program aims to help ease OFWs' homesickness and culture shock, especially those who are new to their jobs.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

HK Police, nakipulong sa mga bangko para masugpo ang scams

Posted on 22 April 2023 No comments

 

Maraming paalala ang HK Police para makaiwas-scam ang publiko (File)

Nakipulong ang hepe ng HK Police sa mga opisyal ng 28 bangko para hilingin ang kanilang tulong upang mas lalong mapahigpit ang pagsugpo sa ginagawang money laundering ng mga sindikato na nasa likod ng maraming mga scam ngayon.

Ayon kay Police Commissioner Raymond Siu, nakakatulong sa pagsugpo ng scam ang ginagawang pagre-report ng mga bangko tuwing may kostumer sila na nagtatangkang mag withdraw ng malaking halaga.

Gayunpaman, marami pa daw ang puwedeng maitulong ng mga ito para mabawasan pang lalo ang mga nabibiktima sa mga scam.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Sabi niya, baka pwede ding paigtingin pa ng mga bangko at pakikipag-ugnayan nila sa isa’t isa, at tumulong para mas mapabilis ang pag diskubre sa malalaking halaga mula sa krimen na pinapadaloy sa kanila.

Kung maari ay sagutin din daw agad ng mga bangko ang mga hiling na pulisya na bigyan sila ng impormasyon tungkol sa mga kahina-hinalang transaksyon na ipinapasok sa kanila.

Pindutin para sa detalye

Sabi ni Siu, malaki ang ibinababa ng bilang ng mga phone scam na naireport sa kanila sa unang tatlong buwan ng 2023. Bumaba ito sa 587, mula sa 1,444 na naitala sa huling tatlong buwan ng nakaraang taon.

Ang nawalang pera ay bumaba din sa $195.10 million mula sa $355.2 million.

Dagdag niya, malaki ang naitulong ng ginawa nilang pakikipag ugnayan sa mga mobile phone companies para bumagsak ang bilang ng mga scam sa telepono.

Pindutin para sa detalye

Bukod sa mga dati nang ipinatupad  na panuntunan, makakarinig na rin ng alarma ang mga gumagamit ng mobile phone tuwing may papasok na long distance simula sa susunod na buwan, kahit ang numero na ginagamit ng tumatawag ay may area code ng Hong Kong.

Layon nitong matigil ang panloloko ng mga banyaga na nagpapanggap na nasa Hong Kong lang para madaling mabitag ang mga residente dito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kabilang sa mga nabiktima sa unang bahagi ng taon ay isang 31 taong gulang na abugada na nawalan ng $5.7 million matapos tawagan ng isang nagpapanggap na opisyal ng pulis sa mainland at sinabing may kinasangkutan siyang kaso doon.

Inutusan siya ng scammer na magbukas ng account sa isang bangko, at lipatan ito ng pera. Nagising siya sa katotohanan nang makitang wala ng lamang pera ang kanyang account.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Kamakailan naman ay may isang Pilipinang director ng isang kumpanya ang nabudol kaya naglipat ng $700,000 sa account ng ilang tao sa loob lamang ng isang araw.

Halos araw-araw ay may mga nai scam din, kabilang ang mga foreign domestic worker. Nitong nakaraang linggo lang ay may nagbalita na nawalan siya ng $16,000 at nagbabalak pang dagdagan ito kung hindi niya nabasa sa The SUN ang tungkol sa mga nauna nang scam.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

May isa ding lider ng isang malaking grupo ng mga FDW ang nagbalita noong nakaraang Linggo na isang kaibigan niya ang nawalan kamakailan ng $52,000 pero nagdesisyon na huwag na lang itong ireklamo sa pulis.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

OFW sa HK, tumangay daw ng milyon mula sa ‘paluwagan’ at investment scam

Posted on No comments

 

Si Mera Jane Vicio, hawak-hawak ang perang nalikom daw niya mula sa scam

Kilala ba ninyo ang Pilipina na ito na itinuturo ng ilang mga OFW (overseas Filipino workers) sa Hong Kong at iba pang lugar na nagtatago diumano ngayon matapos kunin ang perang tinataya nilang aabot ng ilang milyong piso para sa paluwagan at investment, pero hindi na naibalik sa kanila?

Nakatakdang magpunta sa Konsulado at sa pulis ngayong araw ng Linggo ang ilan sa mga nagpakilalang biktima diumano ni Mera Jane S. Vicio, taga Kidapawan, Cotabato para magsampa ng reklamo dahil nakatakda na daw itong umuwi, marahil ay para takasan ang mga naghahabol sa kanya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Ilang mga Pilipina na nagtatrabaho sa Hong Kong ang nag post sa Facebook sa ginawang panloloko diumano sa kanila ni Vicio.

Isa sa kanila si Barbara Temblor, na nag post sa Facebook page na HK Moms nito lang April 18, at sinabi na pinaghahanap niya at kanyang mga kasama si Vicio dahil ini scam daw sila nito, at ngayon ay nagtatago na.

Pindutin para sa detalye

Kung sino man daw ang nakakakilala ay Vicio ay maaring tulungan silang matunton ito. Dagdag niya, taga Quarry Bay si Vicio.

Ayon naman kay Gelnsheryl Mae del Monte: “…hindi lang thousand kundi milyon-milyon ang na scam niya di lang saakin kundi sa kapwa (niya) OFW sa Hong Kong, pati sa lugar namin, Kidapawan City. Halos naubos na niya ang pera ng mga tao, ngayon di na nagparamdam.”

Pindutin para sa detalye

Dagdag niya, lumabas na si Vicio at ibalik ang pera nila dahil yung mga ginawa niyang agent ang hinahabol ngayon ng mga tao dahil sa nangyari.

Ang post ni Temblor sa isang Facebook page, na ngayon ay burado na

Ang isa pang nag post din sa iba-ibang account sa Facebook si Fanny Parame, na nakiusap kay Senador Raffy Tulfo na tulungan silang tugisin si Vicio. Ang partner daw niyang French ay na scam din ng Php100,000 ng MJ Investment ni Vicio.

Dagdag ni Parame, noong una ay ayaw daw ng partner niya na mag “invest” pero nakumbinsi ng isang nag-imbita sa kanila na ang sabi ay kumikita na siya mula dito. Mismong ang kapatid daw niya ay nakapag payout na din, kaya nagdesisyon silang pasukin na yung inaalok na investment ng ahente ni Vicio.

Nagpasok daw sila ng pera noong Feb. 28, 2023 at dapat sana ay first pay out nila nitong April 5, pero wala nang naibigay sa kanila, at nagkakagulo na ang buong grupo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

May isa pang nag post na ang pangalan ay Felix Lee, at sa wikang Bisaya ay nakiusap kay Vicio na isauli na ang pera ng kanyang pamilya, na umabot na sa Php1.2 million ang kabuuan.

Dagdag ni Lee, si Vicio daw ay taga Purok Durian, Linangkob, Kidapawan City.

Pero paano ba nakumbinsi ni Vicio ang mga kapwa niya OFW at kababayan na ipagkatiwala ang malaking halaga sa kanya, na ang iba ay inutang pa nila?

Mas malaki pa ang ipinasok na pera ng mga nagpaluwagan kaysa natanggap nila 

Ayon sa isang nagpakilala ring biktima na si Jhey Ca, ang unang inalok ni Vicio noong Nov. 5, 2018 (anim na buwan mula siya dumating sa HK) ay ang paluwagan, at dito siya pumasok.

Walo daw silang sinali sa isang grupo, kung saan bawat miyembro ay maghuhulog ng Php13,250 bawat buwan, at ang pay-out nila ay Php100,000. Ang una at pangalawa sa listahan ay si Vicio, kaya sa loob ng dalawang buwan ay naka kubra na siya agad ng Php200,000.

Dahil si Jhey ay nasa bandang gitna ay nakakubra na rin siya ng Php100,000, kaya siya ginanahan na magpasok muli ng pera, kasama ang isang kaibigan. Hindi niya alintana na ang kabuuang halaga ng ipinasok niya ay Php106,000 kaya sa kanya pa lang ay ang laki agad ng tinubo ni Vicio.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Payag naman daw silang magkakasama doon, na bigyan si Vicio ng tig Php6,000 dahil siya naman ang humahawak ng pera nila. Pero ang hindi niya naisip ay kumita agad si Vicio ng Php 2,400 sa kanila palang apat sa grupo, at imbes lumaki ang perang ipinasok nila sa paluwagan ay nabawasan pa ito.

Lalo pa syang nalugi dahil may parte sa perang ipinasok niya ang galing sa pautangan, na naniningil ng hanggang 50% na interes bawat taon.

Ang mas masaklap, ang pang-walo at huling kukubra dapat sa grupo nila ay hindi na nabigyan ng pera dahil nagtago na daw si Vicio.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero dahil sa tuwa ni Jhey nang makapag “take-out” siya ay ipinasok niyang muli ang Php100,000 sa isang mas maambisyon na alok ni Vicio, kung saan ang halaga ng makukubra ay Php500,000, pero Php55,000 ang kada hulog nila, at aabot naman sa 10 buwan bago mabayaran silang lahat.

Kung nagkwenta lang sila sana nang maayos imbes naniwala sa mga pangako ni Vicio ay Php550,00 ang dapat nilang makuha sa loob ng 10 buwang paghuhulog. Ibig sabihin, may kabig muli si Vicio na Php50,000 sa bawa’t isa sa kanila na pumasok sa kanyang paluwagan.

Dahil sa dami ng mga nahikayat ni Vicio na pasukin ang kanyang paluwagan ay nag-isip daw ito ng bagong stratehiya, ang investment. Mas malaki na ang ipinangako niyang balik na pera dahil pumasok daw siya sa pagbebenta ng bigas, lechon, wedding package, at nagtayo din ng water refilling station.

Muli, marami ang nahikayat, at isa sa kanila ang isang seaman na nagpasok ng Php1 million noong November 2022, dahil ang ipinangakong kapalit nito pagkatapos ng limang buwan ay Php3.2 million. 

May ipinasa itong apat na resibo ng paglilipat ng pera sa BDO Bank para kay Vicio sa halagang Php250,000 bawat isa.

Pero ayon kay Jhey, katulad ng marami na nabola ni Vicio, nawalang parang bula ang ipinasok ng seaman, at hindi na rin niya alam kung paano hahabulin ito ngayon. 

(Bukas ang The SUN sa anumang pahayag tungkol dito mula kay Mera Jane Vicio, na hindi na makontak sa telepono, at naka lock ang profile sa Facebook –ed).

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss