Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Placement agency charges —for the Nth time

Posted on 21 June 2018 No comments
By Cynthia Tellez

It is quite disheartening to have the chance to discuss this topic every now and then. We have noticed that migrant workers continuously approach the Mission for assistance for this kind of problem, most of them new arrivals. This means that the information drive in our home country about placement agency fees is not sufficient, if it is being done at all.

Our compatriots leaving the Philippines as household service workers, to any parts of the world including Hong Kong, should be reminded that by law, placement agencies are prohibited from charging placement fees. It is zero-agency-fees for household service workers (e.g. domestic workers, caregivers, caretakers).

As a matter of agreement, the Philippine government has established the Standard Employment
Contract (Contract) with Hong Kong. In the Contract , it is clearly stipulated that the expenses of processing the employment of a new domestic worker in Hong Kong should be shouldered by the employer. This includes the visa fee, plane fare, Philippine government mandatory fees such as the POEA and OWWA, and other requirements either from the government of both countries or by the prospective employer, including medical certificates and the like. (see Clause no. 8 of the Contract)

However, placement agencies in the Philippines have exploited the POEA policy of requiring assessment and training for applicants processing their contract application from the Philippines. The range of fees reported to the Mission alone is from PhP5,000 to PhP150,000! Unfortunately, there is NO standard fee to these two requirements. Placement agencies then have a way of charging their applicants to their heart’s desire. The common practice, therefore, is charging the applicants without issuing receipts or they may issue one but with only the “acceptable” amount written on it.

There are other schemes experienced and shared by migrant workers, such as agencies asking for a “facilitation fee” to supposedly expedite the issuance of a medical certificate by a medical clinic they know (of which some employers are skeptical so they require another medical examination when they arrive in Hong Kong). Some agencies also charge for the plane fare on the pretext that they had not yet received the plane ticket from the employer for the migrant worker’s travel. Indeed, there are many other ways and means that agencies use to extract money from their applicants.

But most of the victims of these unscrupulous agencies do not know anything about the no-placement-fee policy. Most are first timers, or even if they are former OFWs they are simply not aware of it because there is no sufficient and thorough information campaign on it from the POEA, which is supposed to enforce the policy.

If victimized, what can be done and what should be done when applying?
1. Have a good account of every step that you take while processing your employment contract application.
2. Keep a record of every single event, action, conversation and instructions every step of the way.  In other words, keep a diary and actively update it. You may share it with any of your relatives.
3. On your departure for Hong Kong, be sure to bring with you the receipts or any papers that the agency signed, or acknowledged, to prove the payments that you made, and most importantly, the written account of how things went during the process.
4. When already in Hong Kong, the earliest you can go to any service providers for consultation, the better. You will need their guidance on how to go about filing a claim for the illegal exaction of fees by your agency.
5. Remember this. If the illegal fee was recorded in the Philippines but the collection of money is happening in Hong Kong, it is better to refer the claims to the Philippine Overseas Labor Office (POLO), an extension of the Philippine Labour Department based in Hong Kong, to stop it.
6. At POLO:
a) Present your statement explaining how the illegal exaction of fees happened. Even for those who were forced by circumstances to make a loan and the whole amount was taken by the agency, be sure that you have a good account of what happened You may need the assistance of any service providers to assist you in making your statement.
b) Submit the statement to POLO and ask them to assist you in claiming back the illegal fees collected from you by the agency and if applicable, waive the disputed “loan”.
c) A conciliation meeting might be scheduled. This meeting is between you and the agency representative with a POLO official serving as the arbiter and facilitator at the meeting. Hopefully, the claims are settled at this level.  This means that the agency should give you back the fees illegally collected from you because the agency in Hong Kong is equally responsible for any actions committed by the agency in the Philippines.
d) If the parties fail to reach a settlement at the meeting, you can be endorsed by the POLO official to the POEA in Manila.
e) We know how difficult the justice system in our country is, so let us take the extra step of lodging a complaint at the Hong Kong Labour Department’s Employment Agency Administration (EAA) against the illegal fees collected by the counterpart agency in Hong Kong. This is to record the illegal activities of the Hong Kong agency.
f) Meanwhile, when filing claims in the Philippines against the Philippine-based agency, you may need more assistance to hurdle the bureaucracy there. Let a service provider in Hong Kong, like the Mission, refer you to a service provider based in the Philippines. But make sure that you take note of what you need to prepare: get an Endorsement letter to POEA from POLO and make a Special Power of Attorney naming a person whom you are authorizing to file the claims and to further represent you at the POEA and in subsequent hearings.

It is strongly suggested that when the illegal collection of fees happens, share the information to your employer to make them understand your predicament. They might even help you address the matter with the authorities. If you are unsure on how to go about this, consult a service provider like the Mission.

In most cases, if not all, those victimised by unscrpulous agencies do not have any proof or evidence (i.e. official receipts) that payments were, indeed, made to the agency. It does not mean that you cannot file a case. A detailed account of what happened will be most helpful in place of this evidence. 

---
This is the monthly column from the Mission for Migrant Workers, an institution that has been serving the needs of migrant workers in Hong Kong for over 31 years. The Mission, headed by its general manager, Cynthia Tellez, assists migrant workers who are in distress, and  focuses its efforts on crisis intervention and prevention through migrant empowerment. Mission has its offices at St John’s Cathedral on Garden Road, Central, and may be reached through tel. no. 2522 8264.

Dayong katulong sa paningin ng mga taga-HK

Posted on No comments
Ni Vir B. Lumicao

Batay sa tratong-alipin ng di-iilang amo sa kanilang mga dayuhang katulong at sa mga patakaran ng gobyerno ng Hong Kong, ang mga kasambahay ay itinuturing na parang mga walang personalidad sa lungsod na ito.

Mahirap tanggapin ang katotohanang may mga among Intsik na mas mahal ang kanilang mga alagang aso kaysa sa mga katulong na ipinagpalit ang sariling mga pamilya at dignidad upang nagsisilbi sa kanila.

Mababa kaysa sa hayop ang turing nila sa bawa’t Pilipino, Indonesian o iba pang dayuhang naglilingkod sa mga pamilyang lokal na kayang magpasahod sa kanila. Madalas, ganoon din ang turing nila pati sa mga nakakaangat na kalahi ng mga katulong dito.

Halos dalawang dekada matapos umalma ang mga Pilipino sa sinabi ng kolumnistang si Chip Tsao na tayo ay “isang bansa ng mga busabos” (a nation of servants), muling sumungaw kamakailan ang panliliit ng mga tagarito sa mga dayuhang katulong.

Ngunit sa pagkakataong ito, kasama na ang iba pang mga lahi sa nilait ng isang mambabatas ng Hong Kong, si Eunice Yung ng New People’s Party. Ang pinuna niya ay ang pagsisiksikan ng mga DH sa mga liwasan, mga tulay na pantao, at sa ilalim ng mga tulay kapag araw ng kanilang pahinga.

Ayon kay Yung, ang mga nakahambalang na karagatan ang mga dayuhang katulong sa mga pasyalan ng mga taga-Hong Kong ay nagdudulot ng abala at panganib sa kalusugan ng mga lokal na mamamayan.

Nagpanting ang mga taynga ng mga katulong, kabilang ang mga tagasuporta nilang Intsik at iba pang mga lahi. Ayon sa kanila, nababakas sa tinuran ni Yung ang diskriminasyon at panliliit sa ibang lahi at nasasalamin doon ang mga patakaran ng gobyerno ng Hong Kong na nagsasawalang-bahala sa mala-aliping pagtrato at abang kalagayan nila.

Hindi pinakikinggan ng gobyerno ang mga hinaing ng mga katulong ukol sa sapilitang pagtira nila sa bahay ng amo, labis-labis na oras ng pagtatrabaho, kawalan o kakulangan ng proteksiyon laban sa pagmamalabis ng mga amo, at di pantay na parusang ipinapataw sa amo at sa kanyang katulong kapag sila ay parehong napatunayang lumabag sa batas.

Ilan na ang mga kaso ng pananakit, pagmamalabis o pang-aabuso ng amo sa katulong ang matagumpay na inusig sa korte at napatawan ng karampatang parusa ang maysala? Halos wala. Tanging ang kaso ni Erwiana Sulistiyaningsih ang nagtagumpay sa korte. Nakulong ang amo dahil natuunan ng pandaigdigang media ang kaso at puting hukom ang lumitis.

Ngunit sa kasabay na kaso diumano ng pagmamalupit ng amo sa katulong, pinawalang-sala ng korte ang amo ni Anis Andriyani sa bintang na tinangka niyang putulin ang talasinsingan ng katulong matapos nitong iwasiwas ang walis sa alagang aso ng amo.

Ang halos kasabay ding kaso ng pagmamalupit ng amo na dinanas ng isa pang katulong, si Rowena Uychiatco, ay binale-wala ng pulisya dahil daw sa kakulangan ng ebidensiya.

Nariyan ding bantulot ang pulisya na aksiyunan ang mga kaso ng pambibiktima ng mga manloloko sa mga katulong, lalo na kung may kasangkot na salapi. Nakapagtataka ito dahil kapag may na-scam sa mga mamamayang lokal ay kumikilos kaagad ang pulisya at mabilis na nalulutas ang kaso.

Marami sa mga korte rito ang mga kasong panlilinlang sa kapwa na ang mga biktima at maysala ay mga lokal na mamamayan. Mabilis na dininig at dinisisyunan ng hukuman ang mga kaso nila.

Samantala, ilang kaso ng panlilinlang ng mga gahamang recruiter sa mga katulong ang ayaw pakialaman ng pulisya, at kapag naisampa naman ang mga iyon sa hukuman ay natutulog doon. Kapag napatunayan namang nagkasala ang recruiter, pagmumultahin lang ito ng kakatiting lamang ng kabuuang halagang piniga sa mga biktima.

Marami pang pagmamaltrato o diskriminasyon sa mga katulong ang madalas masaksihan ng madla sa Hong Kong, tulad ng hindi pagpapagamit sa kanila sa mga lift na pang-residente sa ilang gusaling tirahan, ang pagbabawal sa kanila sa mga clubhouse ng mga residential estate, ang pang-aaway ng mga local sa kanila sa mga park o mga bus.

Maraming insidente noong nakaraan ang ibinabalik sa alaala ng salita ni Eunice Yung. Kulang na lamang marahil na may magsabit ng karatula sa bungad ng liwasan na ganito ang nakasulat: “Bawal dito ang mga dayuhang katulong.”

Siguro ay oras na para itigil ng ibang bansa ang pagpapadala ng mga katulong dito. 

Nabaon sa utang

Posted on No comments
Naawa na naiinis ang mga kaibigan ni Josie dahil tuwing araw ng pahinga ay palagi na lamang siyang nanghihingi ng $5, na pamasahe daw niya sa mini bus. Maaga siyang lumalabas tuwing Linggo para maabangan niya mga kapwa niya Pinay sa sakayan ng bus para makahingi ng barya-barya lang.

Nagtataka ang mga hinihingan niya ng pera tuwing araw ng pahinga kung bakit lagi na lamang siyang nanghihingi, hanggang sa kalaunan ay nalaman nila na sagad pala ito sa utang kaya lahat ng sahod niya ay naipapambayad niya buwan-buwan.

Nagpatayo daw kasi siya ng bahay kaya kinailangan niyang umutang ng malaki. May trabaho naman sa Pilipinas ang asawa niya kaya wala siyang problema sa allowance ng mga anak nila. Nagtutulungan sila na makamit mga pangarap nila para sa kanilang pamilya, pero si Josie ang nagmumukhang kawawa.

Kung kani-kanino siya nakikikain sa simbahan na kanyang dinadaluhan, lumalapit siya sa mga umpukan ng mga Pinay at nakikipagkwentuhan hanggang ayain na siyang kakain. Bago umuwi ay hihirit pa siyang humingi ng $5 para sa kanyang pamasahe pauwi.

Payo naman ng isang kakilala niya, sana naman ay magtira siya sa kanyang sahod ng pangkain at pamasahe para hindi siya magmukhang kawawa. May isa namang nagsabi na maaring ayaw ni Josie na magtagal sa Hong Kong kaya ganoon na lang ang kayod niya. Gusto lang niyang matapos ang ipinatayong bahay, at pagkatapos ay uuwi na para makasama na ang kanyang pamilya. Kahit magsakripisyo na siya ng husto, kahit mamalimos na, ay gagawin para sa pamilya.

Si Josie ay tubong Metro Manila, may asawa at anak, 35 taong gulang, at malapit ng matapos ang unang kontrata sa pamilyang kanyang pinaninilbihan sa New Territories. – Marites Palma

Nang dahil sa spaghetti

Posted on No comments
Bago pa lang si Lani sa kanyang amo na mabait naman pero sobrang selan pagdating sa kanilang kinakain. Lahat ng pagkain ay dapat eksakto sa timbang, lalo na yung baon ng mga bata sa eskuwela. Dapat alam ni Lani kung ilang grams ng pasta ang lulutuin kasama na ang gulay at pansahog na karne o isda dahil dapat ay tama lang na mailagay niyang lahat sa lunch box nila na walang sobra. 

Minsan ay nagluto ng spaghetti si Lani at may dalawang subo ng spaghetti na sumobra. Nilagay niya sa isang tabi at tinakpan, at pagkatapos magligpit sa kusina ay kanyang kinain. Nakita siya ng kanyang among babae at pinagalitan siya. 

Sumama ang loob ni Lani na sarap na sarap pa namang kumain. Hindi niya lubos maisip na sa kaunting tira ay pagagalitan siya ng amo niya. Kaya imbes na tumigil ay tinapos nya ang pagkain ng spaghetti, sabay sabi ng, “Sayang itapon kaya kinain ko, kung galit ka na kinain ko ang spaghetti just deduct from my salary.” 

Tahimik na umalis ang amo ni Lani bitbit ang lunch box ng mga bata. Pagod man pero napatawa si Lani sa ginawa nya, sabay sabi sa sarili na “1 point” dahil nakuha niyang mangatwiran sa amo niya. Pagbalik niya mula sa paghahatid sa mga bata sa eskwelahan ay hinanda na niya ang kanyang tenga sa sermon ng amo.

Pero laking gulat ni Lani dahil hindi lang siya hindi pinagalitan kundi ay kinausap siya ng mahinahon at humingi ng paumanhin ang amo. 

Hindi niya akalain na nang dahil lang sa spaghetti ay naging mabait ang kanyang amo. Patapos na ang kanyang kontrata ngayon at kinausap siya ng amo na pumayag siyang mag renew dahil gusto daw nila ang serbisyo niya. 

Laking tuwa naman ni Lani lalo at kailangan pa niya ng trabaho para sa mga anak na nasa kolehiyo. Si Lani, 48 taong gulang, ay nagtatrabaho sa Mei Foo at tubong Batangas. - Rodelia Villar

All-Filipina team Divas grand slam cricket champs

Posted on No comments
By Vir B. Lumicao

Jennifer Alumbro delivered three sixes and bowled out three rival players as Filipinas stormed to the championship of Cricket Hong Kong’s Development League on Jun 3 with a clean sweep of all their games in their maiden season in the sport.

he form that carried the team to victory.
The SCC Divas, an all-domestic helper team, formally took the crown via a devastating 141-run victory in 16 overs against their Game 2 opponents Craigengower Cricket Club, which managed only 37 runs.

The Filipinas warmed up for the final match in a 124-run win in 16 overs against United Services Recreation Club’s 48 in the morning game.

“Thank you for making this league very exciting,” head coach British Richard Waite told the Divas players after the final game.

Waiter later handed the team a small, token gold trophy, which he said would be replaced with a big one at the awarding of trophies and medals on Jun 22, at a still unknown venue.

“You easily dominated the league in your first cricket tournament. Next season, we will move you up to the T20 league, where you will be playing against more experienced teams,” Waite said. He urged the Filipinas to invite more of their friends to the sport.

Opposing teams in a T20 game play a single innings restricted to 20 overs.

Jennifer Alumbro was declared the most valuable player of the day, as she scored three sets of six runs against USRC by batting the ball past the border in the first game on Jun 3 and another six in the match against CCC. Ma Luz Madia was also picked as an MVP.

For the entire league that began on May 6, Alumbro was the highest scorer with a total of 193 runs. Close behind her was Divas captain Josie Arimas with 189 runs, and while Zeny Badajos was the third-highest with 140.

“I’m speechless. I can’t believe we are the champions,” Arimas told The SUN after the league. The former Palarong Pambansa baseball player from Bacolod was astounded after the last match.

“Grand slam talaga, walang talo,” she said, digesting her team’s success. “Ang saya kanina. Tapos, ang kalaban (CCC) ay dating naglalaro na sa main league.”

Team manager Animesh Kulkani was not in Hong Kong to watch his wards clinch the championship, but was in touch by phone most of the time during the match asking how the team was faring, Arimas said.

The Filipinas’ cutting edge appeared to be their background in baseball and softball, which made them “strong whackers,” as Hong Kong national team coach Waite has described them. Their experience on the diamond also made them good bowlers.

The left-handed Alumbro, a slugger from Aklan, denied the all-Hongkonger CCC a chance to overtake the 141 runs that the Divas had strung in their innings by dismissing three batters with precision bowling. 
The SCC Divas celebrate their victory in the Cricket Hong Kong’s Development League.

Romina Osabel, a powerful softball and baseball player, took down two wickets while Arimas dropped one as the Divas showed the opponents they were on target even from a distance. Badajos did just that when she recovered as fast ball from the right field and struck down the stump about 20 meters away.

All CCC could score in their innings was 37 runs for 16 overs, after losing some from deductions for the fallen wickets.

Coach Najeeb Amar, who honed up the baseball and softball-oriented Filipinas in this entirely unfamiliar sport, joined the players in savoring their victory.

“You made my life easier, girls,” Amar said, recalling that it was he who at first had some difficulty calling them up for training, understandably because of their jobs. But it did not take long before the Filipinas themselves would call him to come out and train them, he said.

He said in the T20 league, he will divide the 25 Divas players into two teams playing in the same tournament. 
\
For now, the team will have a month-long rest before they begin rigid training for the next season, which will begin in September.

Mahal ang yaya

Posted on 18 June 2018 No comments
Mahigit ng 20 taon na nagsisilbi si Rita sa mga among Indian na mayaman at taga Mid-Levels, at siya na ang nagpalaki sa dalawang anak ng mga ito na ngayon ay parehong binata na. Naging sobrang malapit si Rita sa mga alaga, lalo na at ang ina ng mga ito ay mahilig sa sosyalan at hindi masyadong naalagaan ang mga anak.

Pero dahil halata ng ina ang sobrang lapit ng mga anak kay Rita ay malaki ang lihim nitong galit sa katulong. Noong pareho nang pumunta sa Amerika ang dalawang binata para doon mag-kolehiyo ay sinamantala ng kanilang ina ang pagkakataon at pinaalis si Rita sa kanilang bahay.

Nalaman ito ng dalawang binata, at agad-agad na bumalik sa Hong Kong ang panganay para awayin ang ina, at sabihan ito na kunin ulit si Rita.

Walang nagawa ang ina kundi sundin ang anak, lalo pa at totoo naman na malaki ang ibinuwis na hirap ni Lita para mapalaki ng maayos ang mga binata.

Isa itong malaking patunay ang pagpapahalaga nila sa kanilang kasambahay.

Tuwang tuwa naman na tinanggap ni Rita ang alok na bumalik sa mga amo dahil parang tunay na mga anak na rin ang turing niya sa mga alaga, kahit na may sarili siyang pamilya sa Pilipinas. - LMD

How to stand up for your rights

Posted on No comments
By George Manalansan

Ever experienced being treated wrongly because you’re a migrant worker, and a member of an ethnic minority group?

This was what happened on May 31 to Rowena Bustos, 47 and a native of Pampanga, who found herself being overcharged for some grocery items she bought from a store in Shaukeiwan.

After going through the receipt given her, Bustos realized there had been a mistake, and decided to go back to complain to the cashier. But instead of explaining the charges, the cashier took one look at her and ignored her request to go over the receipt with her. The cashier then spoke in Cantonese to another store employee, and the two of them told Bustos to leave the store.

The Filipinas was so upset at the way she was treated. The grocery staff did not even listen to what she was complaining about, even if she tried her best to sound respectful. On the way back home, she weighed things through. Should she let things be, or should she seek redress? She decided to seek justice.

She called up her employer, a former policeman, and he immediately agreed to go back with her to the store.

At the store, the cashier was suddenly meek, and readily admitted her mistake on checking the receipt. She also apologized for the error, and Bustos’ employer graciously accepted the apology, having proved his point.

The former police officer commended the helper for her vigilance and courage in defending her rights despite being bullied.

Bustos for her part, is advising her fellow domestic workers to always stand up for their rights, and to never let anyone degrade them.

Mga taong grasa at OFW

Posted on No comments
Mapagmatyag na tao sa kapaligiran si Dindo, 40, taga Maynila, at kabilang sa mga napagtuunan niya ng pansin ang isang matandang taong grasa. Napansin niya na kapag inaabutan ito ng pagkain ng mga nagdaraan, ano pa man ang lahi, ay ayaw nitong tanggapin. Pero kapag iniwanan nila ang pagkain sa ibabaw ng basurahan at kanya itong kukunin.

Kamakailan ay naikuwento ni Dindo sa mga ka-tropa sa Statue Square ang tungkol sa matanda, at ang lahat ay nagtaka sa narinig.

“Bakit kaya?” ang tanong ng lahat.

Ang taong grasa ba na ito ay naninindigan na hindi siya mamamalimos, balik-tanong ni Dindo. Sagot ng isa, ayaw siguro magkaroon ng utang na loob. Biglang napahagalpak ang isa pa, “Aba, mataas ang pride chicken” wika niya. “Maaring may mapait na karanasan ang matanda” sabat ng isa pa. Dito na nabuksan ang usapin tungkol sa mga taong grasa o ang iba pang may problema sa katinuan na makikita sa lansangan.

Sabi ni Dindo, maaring ang mga taong grasa ay may bubog o sugat sa pagkatao na hanggang ngayon ay dada-dala pa.

Iyung matandang “ma pride ay lagi daw niyang nakikita noon na palaboy-labor  sa may Shelter street sa Causeway Bay noong doon pa nakatira ang kanyang mga amo.

May isang Instik din na pilay at may diperensiya sa pangangatawan na laging nakapuwesto sa gitna mg mataong lugar sa Causeway Bay.

May isa pang nakabalot ng masking tape ang buong ulo at nakabalandra sa dulo ng kalsada sa gilid ng tindahan ng Sogo.

Hindi niya tuloy maiwasan ang mag-isip kung sino ang nag-aalaga sa mga ito kapag hindi nagpapalimos o namumulot ng pagkain. Akala daw niya noon, kapag maunlad ang isang lugar katulad ng Hong Kong ay walang nagpapalimos. – George Manalansan

Mga OFW naging kaibigan ng turista

Posted on No comments
Nagpunta ng Hong Kong si Cezar, isang inhenyero sa Pilipinas, upang mamasyal. Dumaan siya sa Chater Road at nakita ang pagtitipon ng mga Pilipino doon para sa programa ng Mission for Migrant Workers na “Care to Caregivers.”

Nakatuwaan niyang tumambay sa grupo na nagbibigay ng libreng masahe at blood pressure check-up. Tuwang tuwa ang mga miyembro nito kay Cezar dahil magiliw at masaya itong kausap kaya kahit unang pagkikita pa lang nila ay magaan na ang loob ng mga ito sa kanya.

Nakipagkilala si Cezar sa bawat isa at tinawag na kaibigan ang lahat sa grupo, bago humingi ng permiso para doon magpalipas ng buong araw.  Masayang nagkwentuhan ang lahat, at ipinaliwanag ng grupo ang takbo ng buhay ng mga OFW sa Hong Kong, lalo kapag araw ng pahinga.

Napabilib ng grupo si Cezar sa kanilang ipinakitang pagkakawanggawa at malasakit sa kapwa, kaya nasabi nitong masaya pala sa Hong Kong dahil nagtutulungan ang mga Pinoy. Paliwanag naman ng lider ng grupo, mas mabuti na ang tumulong sa kapwa kesa sa tumambay ng maghapon. Isang paraan din iyon para hindi mangulila sa pamilya na nasa Pilipinas, at para hindi mapabarkada sa mga taong mapagsamantala at walang ginagawang makabuluhan sa buhay.

Hindi pinalampas ni Cezar ang pagkakataon na i-add ang mga bagong kaibigan sa Facebook para daw kahit wala na siya sa Hong Kong ay tuloy-tuloy pa rin ang kanilang balitaan. Inimbitahan naman si Cezar ng lider ng grupo na makipagkita muli sa kanila sakaling bumalik sa Hong Kong.

Hindi nakalimutan ng lahat ang mag-selfie bago sila tuluyang naghiwalay-hiwalay. Nagpasalamat si Cezar sa grupo dahil sa kanilang naging masayang kuwentuhan sa maghapon. Si Cezar ay tubong Daet, Camarines Norte, at nagtatrabaho sa isang pribadong kumpanya sa Pilipinas. – Ellen Asis

Ay, mali: naghanapan ang mag-amo

Posted on No comments
Dapithapon nang tumawag ang amo ni Celia upang magpasundo sa Park N Shop dahil  marami itong pinamili na mga gamit para sa bahay. Sinabi ng amo na sunduin siya ni Celia, sa Park N Shop na nasa Bonham Road.

Dalawang beses siyang tinanong ni Celia kung saang Park N Shop sila magkikita bago siya nagmamadaling umalis. Dahil sa pagmamadali ay hindi niya nadala ang kanyang cellphone. Halos kinse minutos na siyang naghihintay at nakailang pasok at labas na siya sa grocery ay hindi pa rin niya makita kahit anino ng  amo.

Kinakabahan na siya dahil hindi niya nadala ang kanyang telepono kaya hindi niya ito matawagan. Tahimik siyang nanalangin bago biglang nakita niya ang kanyang ka-building na Indonesian. Nakiusap siyang makigamit ng telephone upang makontak ang amo. Mabuti na lang at memoryado niya  ang numero ng  amo.

“Where  are you?,” agad na tanong ng amo pagkarinig ng boses niya. Sabi naman niya, “Maam  I can’t see you, I’ve been  waiting outside Park N shop.” Noon lang biglang naisip ng amo na nasa Market Place pala siya sa Second Street at hindi sa Park N Shop sa Bonham.

Agad nang tumakbo si Celia sa tamang lugar, at halos maputulan ng hininga sa pagmamadali na makarating sa amo. Pawis na pawis siya nang magkita sila kaya binigyan ng amo ng tissue  si Celia upang pahiran niya ang kanyang pawis, sabay hingi ng paumanhin.

Nahiya din si Celia dahil hindi siya nagdala ng cellphone kaya napatagal nang husto ang kanilang pagkikita.

Dahil sa nangyari ay isinumpa niya na hindi na ulit lalabas ng bahay ng walang telepono lalo na at mali-mali din sa paghahabilin ang kanyang amo. Si Celia ay dalaga na tubong Mindanao at naninilbihan sa mga among Intsik na taga MidLevels at may dalawang anak. – Ellen Almacin

Don't Miss