Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

De susi ang sangkap sa pagluluto

Posted on 14 October 2018 No comments
Nadagdagan ng timbang si Maura kamakailan dahil mas nakakagalaw na siya ng mabuti sa bahay ng amo. Dati ay hirap si Maura dahil masyadong napakahigpit ng kanyang among babae na 65 taong gulang, mayaman pero kuripot. Lahat ng gamit sa bahay ay kinukuwenta, at ultimong sangkap sa pagluluto katulad ng mantika, toyo at pati kanin ay nakasusi lahat.

Dalawa silang kasambahay, pero dahil kay Maura nakatoka ang pagluluto ay siya yung hirap na hirap. Bago siya magluto ay kailangan niyang sabihin sa amo para buksan nito ang cabinet na naka lock. Pagkatapos ay kailangan din niyang ipaalam para maibalik lahat ng gamit sa cabinet at masusian ulit ng matanda.

Kahit natutulog na ito ay nasa bulsa pa rin ang susi. Noong nagdaang taon ay natagpuan na may cancer sa bituka ang matanda, at nang lumala ay kinailangan nitong manatili sa ospital. Si Maura ang laging natotoka na tumigil sa ospital at magbantay sa amo.

Isang araw, ganoon na lang ang pagkabigla niya nang kausapin siya nito at humingi ng tawad dahil sa ginagawa nitong pagtatago ng mga gamit at sangkap sa bahay, at pagiging madamot sa pagkain. Pumanaw ang matanda nitong nakaraang Pebrero, at ang asawa lang nito ang naiwan sa bahay para alagaan ni Maura at ng kasama nitong Indonesian.

Kaiba sa asawa ang matandang lalaki dahil hindi nito sinususian ang cabinet na may lamang mga sangkap, at sinabihan pa ang dalawang kasambahay na maari nilang kainin ang kahit anumang pagkain na nasa refrigerator.

Binilin daw kasi sa kanya ng namayapa niyang asawa na ituring na kapamilya ang dalawang katulong. Dahil dito ay mas masaya na ngayon sa pagsisilbi ang dalawa sa kanilang amo na nakatira sa New Territories.

Si Maura ay taga Mindanao, 43 , may asawa at dalawang anak na babae na nasa high school. – Merly Bunda

Ano ang gagawin kung nasunog ang niluluto

Posted on No comments
Si Irene na isang buwan pa lang sa Hong Kong ay nanghingi ng tulong sa Facebook dahil nasunog daw niya ang niluluto niyang kamote, kaya nangitim at umamoy ang kanilang bahay. Gusto niyang malaman kung paano matatanggal agad ang amoy bago dumating ang kanyang mga amo.

Agad namang sumagot ang mga kapwa miyembro niya sa Domestic Workers Corner. Karamihan ay nagsabi na buksan niya agad ang mga bintana at i-on ang exhaust fan. May ilan namang nagsabi na magpakulo siya ng katas ng lemon o suka, at may isa naman na ang suhestiyon ay haluan ng fabric softener ang tubig bago pakuluan.

Ang isa pang popular na suhestiyon ay magsindi siya ng kandila, nguni’t sinabi ni Irene na wala siyang makita sa bahay, at hindi pa din niya alam kung saan nakatago ang mga gamit dahil bago pa lang siya.

\Ngunit ang pinakamahalaga sa mga naging payo sa kanya ay mag-iingat siya lalo’t bago pa lang siya, na ang ibig ipahiwatig ay baka maging dahilan iyon para ma-terminate siya. “Delikado yan sis, bantayan mo kalan if nagluluto ka baka mag cause yan ng sunog,” sabi ni Ofelia.

Sabi naman ni Marieta: “Pakulo ka ng lemon at cinnamon stick, high fire. Ingat kabayan. Lalo’t baguhan ka.”

Laking pasasalamat naman ni Irene dahil marami ang agad na sumagot sa kanyang panawagan. “Thank you talaga po dito sa inyong lahat..much appreciated po ang mga suggestions nyo po..binuksan ko lang po ang bintana ng kusina namin at pina on ko ang exhaust fan at ceiling fan...at electric fan..Thank you, thank you talaga ng marami..nakakaluwag sa pakiramdam na maraming mga kababayan na handang tumulong sa oras ng kagipitan....God bless po sa atin.” – DCLM


Bello sneaks into HK, fails to meet Filcom

Posted on No comments
The SUN 

Labor Secretary Silvestre Bello III made a lightning visit to Hong Kong on Sept 29 after gracing the opening of Jollibee in Macau, but did not meet with leaders of the Filipino community.

Silvestre Bello III
Migrant leaders had hoped to see him to discuss the new resolution he signed as chairman of the Philippine Overseas Employees Administration, providing for mandatory insurance coverage for all overseas Filipino workers.

The day before, Bello was the guest of honor at the inauguration of the first Jollibee outlet in Macau. Also present at the event was Jollibee Foods Corporation founder Tony Tan Cak-tiong

During his short visit to Hong Kong, Bello reportedly took the new Philippine labor attaché to Macau, Mon Pastrana, on a tour of the Philippine Consulate in Admiralty and the POLO Hong Kong offices in Wanchai.

They then had a closed-door meeting with POLO officers and staff during the visit.

According to Labor Attache Nida Romulo, Bello also visited the Filipino Workers Resource Centre in Kennedy Town to look at the situation of the 11 OFW wards there.

Afterwards, Bello reportedly told Romulo to check on the needs of the wards and promised them livelihood assistance when they return home.

A few OFWs who happened to be at POLO on the Saturday that Bello was there managed to get him to pose for a few pictures with them. One later gushed on Facebook how approachable the labor chief was.

OFWs slam proposed law forcing them to pay for SSS

Posted on No comments
By Daisy CL Mandap

Filipino migrant workers have reacted angrily to reports that the Philippine legislature has passed a bill forcing them to pay for membership to the Social Security System which starting next year, will cost them Php2,400 (HK$348) every month.

Under the proposed Social Security Act of 2018 passed on Oct 4, the mandatory SSS membership to be paid by all OFWs, both land-based and sea-based, will go up by 12% next year (from the current 11%), and will gradually increase, reaching 15% by 2025.

According to Migrante International, a support group for overseas Filipino workers worldwide, that would result to Php144 billion in earnings from the first year of  implementation alone.

The news came just a month after the Philippine Overseas Employment Administration, with Labor Secretary Silvestre Bello III as chairman, passed a resolution forcing all OFWs to pay for personal insurance each time they sign an employment contract.

Under the POEA resolution signed on Aug. 28, each OFW will have to pay continuously for mandatory insurance coverage, which currently costs US$144 per two-year coverage, or roughly HK$1,200.

Together, these new exactions will result to about HK$400 (or US$50) being deducted from the monthly earnings of OFWs.

Dolores Balladares-Pelaez, chair of United Filipinos-Migrante Hong Kong, decried the new imposition as yet another form of extortion on Filipino migrant workers.

“Nakakagalit ang panibagong pangingikil na ito. Gatasang baka lang talaga tayo sa mata ng gobyerno, dapat mandatory para walang kawala,” she angrily said. “Parang tokhang na tuloy ito, papatayin ang mga OFWs sa dami ng mga bayarin. Bakit ayaw tantanan ang mga OFWs?”

She also asked why, again, no consultation was held with the OFWs, as they will be the ones to bear the financial burden from the attempt to shore up the Social Security System’s dwindling
reserves.

“Ang dapat gawin ng SSS ay habulin at tiyakin na magbayad ng premium (pareho) ang mga employers at employees, alisin ang korupsyon, at (ang) pagbibigay ng milyong milyong bonuses sa mga board of trustees nito,” said Pelaez.

As with POEA Resolution No 4 (2018), no copy of the actual SS Act of 2018 appears to have been circulated publicly, although the SSS posted a press release on Oct 9, hailing its approval by both houses of Congress.

Migrante International also circulated a press release objecting to the SSS forced contribution, saying the Duterte government will be amassing hundreds of billions of pesos at the expense of OFWs already burdened by numerous state exactions.

“Forcing all OFWs to be covered as compulsory SSS members is outrageous since this exaction will be on top of the US$144 mandatory insurance recently enacted under the Duterte regime through POEA,” said Migrante International spokesperson Arman Hernando.

Like the POEA Resolution, the SS Act provides that employers must pay for the new contribution, but no definite mechanism is set to ensure that this requirement is followed.

“In case host countries refuse to get the compliance of foreign employers on this SSS scheme, OFWs themselves will be forced to fully pay for the entire monthly contribution rate. That is painful considering that many OFWs are enslaved through unpaid work besides suffering from other contract violations,” Hernando said.

Despite Migrante’s strong opposition, some OFWs in Hong Kong appear to be not as perturbed by the looming fee collections.

One of them is Terry Ann Acupido Jimenez from Roxas, Isabela who has been working in Hong Kong for the past five years. She said in a random interview: “Mas ok ate, para hindi luhaan ang mga OFW pag umuwi. Kung matanda ka ng umuwi, kapag wala nang tutulong sa iyong pamilya dahil wala ka ng perang maibigay sa kanila, may SSS na sasalo sa iyo. I strongly agree kasi ako mismo wala akong insurance, panay pamilya ang lagi kong iniisip.”

But MT from Nueva Vizcaya, who has been an OFW for the past 10 years, disagrees. “Una sa lahat, paano maa-avail ng mga contributors ang benefits lalo na sa hospitalization at maternity kung sa ibang bansa sila magpagamot? Pangalawa, paano mag aadjust ang karamihan ng mga OFW kung kulang pa ang kanilang budget sa pinapadala nila sa Pilipinas?”

She also suggested that OFWs must be told exactly what to expect from the proposed legislation before it becomes law.

Pelaez says she agrees that paying for SSS membership or insurance coverage is bad per se, but OFWs, many of whom are already on a tight budget, must not be forced to pay for them.

“Sa totoo lang dito sa HK, marami na ang nag member sa SSS dahil tingin nila ok ito, kaya hindi solusyon na gawing mandatory ang problema sa nauubos na pera ng SSS, she said.

But she added Unifil-Migrante will continue to oppose any new exactions on OFWs as they already bear the brunt of spiraling prices of basic commodities back home, and most had to pay through their nose just to land a job abroad.

Tumakas sa gabi bago ang day off

Posted on 10 October 2018 No comments
Naging malaking usapin sa mga miyembro ng grupong Domestic Workers Corner ang Facebook post ni Jhay Mari kamakailan kung saan ikinuwento niya ang isang Pinay na na-terminate ng amo kaagad matapos mahuli na tumakas noong nakaraang gabi.

Hindi nagbayad ang amo ng isang buwang suweldo kapalit ng abiso, kaya hinamon ng Pinay na magkita na lang sila sa Labour Department, na sinagot naman ng amo ng kaparehang hamon.

Sabi ni Jhay, hindi siya kontra sa mga may boyfriend sa Hong Kong, pero kung minsan ay ito daw ang nagiging dahilan kung bakit tumatakas sila ng Sabado ng gabi. “Wag nyo po gawin yan dahil pananagutan po tayo ng amo. Bukod sa delikado baka may mangyari sa inyo, kawawa naman yong amo na akala eh nasa room ka na natutulog yon pala nag party party ka na? Minsan yan nagiging reason bakit nagiging mahigpit ang ibang amo dahil yong nauna sa atin gumagawa ng di maganda,” sabi niya.

Pinayuhan din niya ang mga kapwa kasambahay na hindi lahat ng tineterminate ng biglaan ay kailangang bayaran ng isang suweldo, dahil kumporme daw iyon sa dahilan. “Gaya nyan na tumakas, tama ba yon?”

May isang nagsabi na 24 oras dapat ang day-off ng isang kasambahay kaya pwede nang bumaba pagpatak ng hatinggabi ng Sabado, pero agad siyang sinabihan ng marami na hindi ito tama dahil kailangan pa ring may permiso ang paglabas niya sa bahay ng amo, lalo na at disoras ng gabi.

Sabi pa ng isa, hindi naman malaking kaso ang magpaalam ng mabuti sa amo, bakit hindi gawin?

Sa bandang huli ng kanyang post, nagpaalala si Jhay: “Be responsible din po.. pumunta tayo dito para sa work kaya wag sana gumawa ng ikakasira ng trabaho. Sayang po yong paghihirap nyo ng pag-aaplay pagod at yong mga nagastos kung mapupunta lang sa wala, di ba?” – DCLM

Tanggap na niya ang kahihinatnan

Posted on No comments
Isa si Lorna sa mga Pilipinang kasambahay na sinawimpalad na dapuan ng kanser. Noong una ay ayaw siyang payagang makauwi ng kanyang amo para daw magpagamot muna siya sa Hong Kong, at kung kakayanin ay sa Amerika.

Pero habang sumasailalim siya sa chemotherapy ay lumipat sa mas malaking bahay ang kanyang mga amo, kaya hindi niya napigilan na tumulong sa pag-aayos. Ramdam na ramdam daw niya ang pagkapagod sa maghapon dahil dito, kaya kahit malakas pa rin ang kanyang loob ay kitang kita naman ang malaking ibinagsak ng kayang katawan.

Nang hindi na niya makayanan ang nararamdaman ay siya na ang nakiusap sa amo na payagan na siyang umuwi sa Pilipinas para makasama naman niya ang kanyang mga mahal sa buhay sa mga nalalabing araw niya sa mundo.

Hindi na siya pinigilan ng mga amo niya dahil mukhang hindi na rin kayang magamot ang kanyang karamdaman. Nasa Pilipinas na sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay si Lorna ngayon, at ipinasa Diyos na lamang daw niya ang kanyang hinaharap. – Marites Palma

Madalas maligaw kaya winarningan

Posted on No comments
Inis na binigyan si Rosa ng warning letter ng kanyang amo dahil lagi daw niyang nakakalimutang sunduin ang alaga niya at hindi naihahatid sa tamang oras. Ayon naman kay Rosa, ang totoong dahilan ay dahil lagi siyang nawawala dahil mapa lang ang binibigay ng amo sa kanya para matunton ang mga lugar na pinapasukan ng alaga.

Dahil bagong salta lang siya sa Hong Kong, hindi pa niya kabisado ang mga lugar. Bukod kasi sa maraming aktibidad sa labas ng paaralan ay nasa malalayong lugar pa daw ang mga pinupuntahan ng alaga, kaya hirap siya.

Malaking tulong sana kung magagamit niya ang Google para matunton ang mga lugar na pupuntahan, pero hindi siya pinapayagan ng amo na gumamit ng mobile phone habang nagtatrabaho. Kaya nang sitahin siyang muli ng amo ay sinabi ni Rosa na ang totoong dahilan ay lagi siyang nawawala tuwing pinupuntahan ang alaga sa kanyang mga pinapasukan. Makakatulong daw sana kung may cellphone siya para magamit ang google maps, bukod sa maaari din niya itong gamitin kapag may emergency.

Medyo nahimasmasan ang amo sa kanyang sinabi, kaya pinayagan na rin siyang gumamit ng cellphone. Mula noon naman ay hindi na rin siya nawawala. Si Rosa ay 35 at taga Davao, may asawa at apat na anak, at kasalukuyang naninilbihan sa mga among Intsik sa Yuen Long. – Marites Palma

5 tourists to be tried for pickpocketing

Posted on No comments
Five Filipinos who were arrested for allegedly trying to steal the wallet of a Korean tourist inside the Admiralty MTR station in April have pleaded not guilty to the offense, so they will have to be detained while awaiting trial.

The Filipino tourists -- three women and two men--entered their pleas at the District Court on Sept 13. Judge W.K. Kwok adjourned the case and set it for trial on Feb 11 at the request of the prosecution.

Defendants Zenaida Aviles, Rasim Linambos, Arlene Gerodias, Manuelito Camacho and Delia Tagalo were ordered remanded in custody by Judge Kwok.

The five have been detained since they were arrested on Apr 24 after their failed attempt to pick the wallet of the Korean woman. Unknown to the suspects, the wallet was secured by a chain to the bag. Plainclothes police who were nearby arrested the five.

The defendants’ case was moved to the District Court in July and each of them was given a lawyer by the Legal Aid Department to represent them in court. – Vir B. Lumicao

Pinay ordered arrested after failing to show up for case

Posted on No comments
A 30-year-old Filipina domestic worker has been ordered arrested by an Eastern Court magistrate after she failed to appear on Sept 14 for a hearing of her theft case.
Mardelyn Mae Bandiola must not also be granted bail, Magistrate Peter Law told the prosecution.

The Filipina is facing a charge of theft for allegedly stealing cash totaling $470 dollars from her employer Lee Yuen-shan Joyce between Aug 29 and 31. The offense  allegedly took place in the flat of Lee on the 13th floor of Tower 1, Dynasty Court in Mid-Levels.

Police arrested Bandiola shortly after the money went missing but was released on police bail and ordered to await her day in court.

But when the court reader called out the defendant’s name on Sept 14, Bandiola was nowhere in sight. The Tagalog interpreter who was told to look for her outside the courtroom returned alone after a few minutes. – Vir B. Lumicao

Marian, kumpirmadong buntis; DingDong, hindi kakandidato

Posted on 09 October 2018 No comments
Kinumpirma ni Marian Rivera ang kanyang pagbubuntis sa kanyang Instagram account, na may larawan ng ultrasound result:  “ My heart overflows with gratitude and humility. Dong and I, with our Zia, have been gifted with the miracle of life! Looking forward to meeting our ‘little one’ soon,” caption niya sa post na ultrasound result na may hashtag pa na “#YesAnotherDantes #BigSisZia #YESmayIsaNana­mangDantes #4DnaKami #YesImBuntis. “

Kasabay nito, naglabas din ng statement ang asawa niyang si DingDong Dantes: “Marami ang nagtatanong kung tatakbo ako sa darating na eleksyon, at marami rin ang humihingi ng pormal na sagot. Ang pagkakataong maglingkod bilang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission, at tumulong sa pamamagitan ng YesPinoy Foundation at ng YesPH Community Development, ang ilan sa mga naging inspirasyon ko upang patuloy na magsilbi sa bayan. Pero naniniwala ako na ang pagiging ‘public servant’ ay isang mabigat na responsibilidad na dapat pinag-aaralan, pinaghahandaan at, higit sa lahat, ipinagdarasal.

“Kung gagawa ako ng malaking hakbang para sa darating na halalan, hindi lamang isang simpleng decision-making ang dapat kong pagdaanan. I should be able to discern His Will and seek guidance. And in the process of my discernment, I received His response in the most surprising and beautiful way. With overflowing joy, Marian and I, are happy to share with everyone that we have been blessed with another child! Natupad na rin ang matagal ng dasal naming mag-asawa, lalung-lalo na ni Zia.

“At sa kabila ng buong suportang ibibigay sa akin ni Marian, ng buong pamilya, at mga kaibigan sa anumang magiging desisyon ko sa pagsabak sa pulitika, malinaw sa akin na sa panahong ito ay kailangan kong maging buo para sa aking pamilya. My discernment revealed what is truly important in my life – panahon ito para suportahan ang pagdadalang-tao ng aking asawa.”

“Life has presented me with two good aspirations, and I can always rationalize to weigh the pros and cons. But I know that, at this point, I am being redirected to my reason of creation – my family. My humble service to the public will continue and it could take a different form or level in the future; but first, I have to ensure that my home is protected and secured before I can take care of others.

“Sa aking pamilya at mga kaibigan, thank you for always trusting my judgement and direction. Sa lahat ng nagmamahal sa amin nina Marian at Zia, na umaasang lumaki ang aming pamilya, thank you for your prayers.

“Sa lahat nang humihikayat sa aking lumaban sa darating na eleksyon, salamat sa inyong tiwala at suporta. Ngayon, habang nag-aaral, naghahanda, at naglilingkod ako bilang isang volunteer at private citizen, umaasa akong patuloy pa rin ang ating pagtutulungan para sa ikabubuti ng ating bayan, sa anumang paraan – maliit man o malaki, may posisyon man o wala. Nawa’y ang bawat kabataang kabahagi ng aming mga adbokasiya ay patuloy ding mangarap at maglingkod sa kanilang mga pamilya, paaralan at komunidad.

“And to all my fellow Filipinos, I am with you in believing that in times of uncertainty, God’s unfailing love will always reign supreme. Thank you and I humbly request for your continued prayers of protection and good health for my family, especially on Marian’s second pregnancy.”

Ang panganay na anak silang si Zia ( Maria Letizia Dantes) ay magta-tatlong gulang. Hiling ng marami nilang fans na sana raw ay baby boy naman ang susunod nilang anak, at maging kamukha  naman ni DingDong.

KRIS, KAKASUHAN ANG NANLOKO SA KANYA
Makaraan ang ilang linggong pananahimik, biglang nag-post si Kris Aquino ng mga bagong larawan niya, na mukhang problemado at malaki ang ipinayat. Inirereklamo niya ang isang taong nanloko raw sa kanya at tumangay ng malaking pera.

“Hirap na hirap po ako na may pinagtatakpan sa inyo. Pinayuhan akong manahimik hanggang makumpleto ang due diligence. I’ve always been HONEST, sometimes to a fault. The reason you haven’t seen me post new pics is because I lost weight in the last 6 weeks, unable to eat or sleep properly… You told me that you admired my STRENGTH, -natakot akong mawala ang bilib nyo sa akin because I am now broken. But I decided to set myself free & share with you what affected me. My family advised me to have FAITH in our legal system. I am grateful to Atty Sig Fortun for taking care of me for over 15 years and I’m fortunate to now have Atty Florin Hilbay as part of my legal team. Broken trust is like shattered glass, asyou try to pick up the pieces, your wounds bleed even more. My PAIN comes from my fear that tens of tax-paid millions from my sons’ trust fund, money I conscientiously saved for them because I made a deathbed promise to my mom that Kuya Josh & Bimb will always come first, baka mawala lahat ng pinagpaguran ko para sa kanila. It is wrong that the 2 BOYS I LOVE MOST, MY LIFE’S MEANING & INSPIRATION, may suffer the consequences because I was targeted & deceived by a person with no conscience. The settlement or legal battle will now be in the hands of lawyers I respect, auditing & accounting firms. I TRUST the word of honor of his deeply shamed mother & sister that all my investments shall be returned and all our collective prayers for justice for my sons will prevail. Everything happens for a reason-maybe God made me experience this humiliation for me to have first hand experience pag niloko ka sa pinaghirapan mong pera, dahil nga may boses ako at yung boses na yun dapat gamitin para magsalita at ipagtanggol ang mga napipilitang manahimik. I still firmly believe, ang TAMA, nilalaban.”

JANELLA AT JENINE, NAGKAAYOS NA
Masayang ibinahagi ng actress/singer na si Jenine Desiderio ang pagbabati nila ng kanyang anak na si Janella Salvador,  matapos ang mahaba-habang tampuhan. Ayon kay Jenine, ang pinakamagandang regalong natanggap niya para sa kanyang kaarawan ay ang pagkakaayos nilang mag-ina. Nag-post pa siya ng mga larawan na nila, kasama ang bunso niyang anak na si Russel.

Noong Sept. 9, nag-post si Jenine ng sama ng loob sa anak dahil mas pinaniwalaan pa daw nito ang driver nito na nangupit. Gusto niyang paalisin na ni Janella ito dahil hindi naman maayos ang trabaho, pero mas pinaniwalaan pa ng anak niya ang driver kaysa kanya.

Hindi lang minsan nangyari na nagtalo ang mag-ina, dahil madalas i-post sa social media ni Jenine ang hinanakit niya kay Janella, na inilarawan pa niyang “nuknukan ng tigas ng ulo” dahil hindi nagpapaalam tuwing umaalis ng bahay. Ilang beses din siyang nagpahayag na hindi rin siya pabor sa ka- love team at balitang karelasyon ni Janella na si Elmo Magalona.

Kamakailan, nag-post ng larawan si Janella na nakatalikod, pero kita ang braso nito na tila may pasa. Ipinahiwatig niya na walang sapat na dahilan upang pisikal na saktan ng lalaki ang isang babae. Marami ang nagtaka at nagtanong kung si si Elmo, ang siyang may gawa nito, dahil wala pa namang napabalita na naging bayolente ito. Sumang-ayon naman si Jenine sa post ng anak, at nag-post din ito ng “#notomenwhophysicallyabusewomen.”

Sa ngayon ay marami ang natutuwa dahil tila bumalik na ang magandang relasyon ng mag-ina. Nanatiling tikom ang bibig nina Janella at Elmo tungkol sa balitang break na sila. 

MAINE AT VIC SOTTO,  MAY BAGONG TV SHOW 
Natupad ang kahilingan ng napakaraming fans ni Maine Mendoza na mapanood siyang muli sa isang TV series. Kasalukuyan na siyang nagte-taping para sa sitcom na “Daddy’s Girl” at makakasama niya si Vic Sotto bilang kanyang ama.

Ilang beses na rin silang gumanap bilang mag-ama, una, sa kalyeserye ng Eat Bulaga, at sa unang pelikula ni Maine, sa 2015 MMFF entry na “ My Bebe Love# Kilig P More”, na kumita ng husto sa takilya. Ang sabi nga ni Vic: “Wala na. Nagpirmahan na kami na mag-tatay na kami forever”.

Ayon pa kay Vic, kakaiba raw ito sa mga dati niyang sitcoms na sa loob lang ng studio kinukunan. “Marami kaming bagong approach dito. In fact, para nga kaming nagsu-shooting ng pelikula.  May ibang characters, on location dahil ’yung iba kong sitcom nasa loob lang ng studio. Ito 100 percent location dahil hanggang Batangas, nagsu-shoot kami,” sabi pa ni Vic.

Kabilang din sa cast si Willie Bayola, at ang director nito ay si Chris Martinez.

Samantala, marami pa rin talaga ang sumusuporta kay Maine, kahit unti-unti na na itong nakakaalpas sa AlDub loveteam nila ni Alden Richards. Lahat halos ng produktong iniendorso niya ay pumapatok at bumebenta ng husto, kagaya ng  inilunsad na bagong lipstick shade sa online shopping site na Lazada. Diumano ay ubos agad ang unang batch na 20,000 units nito dahil sa haba ng pila ng mga gustong bumili.

CARMINA, PAPALIT KAY REGINE SA SHOW
Tila may katotohanan ang balitang lilipat na si Regine Velasquez sa ABS CBN, dahil hindi na siya nag-renew ng kontrata sa GMA Network at tinapos na ang cooking show niyang “Sarap Diva” na anim na taon ding napanood sa Kapuso channel.

May balita ngayong itutuloy pa rin ng GMA Network ang cooking show, pero babaguhin na ang titulo ng show ng “Sarap D Ba?” at ang papalit kay Regine bilang host ay si Carmina Villaroel. Makakasama ni Carmina ang kanyang kambal na anak na sina Maverick at Cassandra Legaspi, na parehong na ring Kapuso talents. Magsisimula na raw itong mapanood sa buwang nito.

JAKE ZYRUS, MAY LIBRO
Sinagot ni Jake Zyrus (dating Charice Pempengco) ang panawagan ng ina niyang si Raquel Pempengco na sana ay dalawin nito ang lola niyang si Tess Relucio, na naka-confine sa Sta. Rosa Hospital and Medical Center. Ayaw na daw sana niyang magbigay ng komento tungkol sa kanyang pamilya, lalo na at may mga nananawagan pa ng tulong dahil sa kalagayan ng kanyang lola . Sana ay sa kanila na lang daw ang bagay na ito, at kung tumulong man siya ay huwag nang ipaalam sa publiko.

Unfair daw na laging siya ang pinupuntirya kapag kailangan ng tulong samantalang may mga kapatid at anak naman ito. Buong buhay daw niya ay pinilit niyang linisin ang pangalan niya sa harap ng mga taong ito, na lagi siyang pinagtatawanan, at sinasabi pang siya ang demonyo sa pamilya.

Maraming hinanakit si Jake sa kanyang pamilya dahil hindi nila matanggap ang pagladlad nito bilang transgender at pakikisama sa isang babae, lalo na nang unti-unting bumagsak ang kanyang career at pagkaubos rin ng mga bagay na naipundar nila noong malakas pa siyang kumita.

Matagal na daw silang hindi nagkakausap ng kanyang ina, at maging ng kapatid niyang si Carl.

Nataon ang usapin ng kanyang pamilya sa paglulunsad ng libro niyang isinulat na may pamagat na “I Am Jake” noong Sept 21. Inilarawan daw niya doon kung paano niyang tinawag na “evil queen” ang kanyang ina dahil sa mga pahirap na dinanas niya mula pagkabata. 



Don't Miss