Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pabona’s photo exhibit kicks off Women’s Month

Posted on 16 March 2019 No comments
Acting Head of Post Germinia V. Aguilar Usudan (5th from left) and Joan Pabona (6th from left) with (from left) Consul Roderico C. Atienza, Tynna Mendoza of Enrich; Consul Kyaw Zay Yar Lin of Myanmar; Consul Grace Teh of Malaysia; Catherine Gurtin of Pathfinders; Dr Ju-chen Chan of the Chinese University of Hong Kong, Olivia Cheng of HK 01 Company Limited; Alma Quinto; Dr Julie Ham of the University of Hong Kong; and Carmen Lam, Gellin Byatt and Medina Speers of Pathfinders, at the exhibit opening. (Consulate photo). 


By Vir B. Lumicao

Joan Pabona, a domestic worker who has shot to fame as a finalist in last year’s National Geographic Youth Photo Competition in Hong Kong, will be hanging up her cleaning gloves soon to focus on her passion, photography.

Joan Pabona
Pabona’s solo show, “Babae, Ipagbunyi: Empathy in a Click,” which opened on Mar 10, kicked off the Consulate’s celebration of the International Women’s Month as part of its Gender and Development program for Filipina domestic workers.

The talented 36-year-old woman from Sudipen, La Union, says she aims to transition into “a new and better person” when her work contract ends in June this year.

Call us now!

What has made this happen was her success in the National Geographic-Wheelock photo competition last year, and her winning the international photographer award from Gawad America in the same year.

Leading the accolades for Pabona at the opening of her show was Deputy Consul General Germinia Usudan, who traced the artist’s work history, from being a factory worker, cashier, and debt collector, to becoming a domestic worker in Singapore and Hong Kong.

Call us!

The change Pabona had undergone moved her friend and sponsor, Dr Ju-chen Chen of the Chinese University of Hong Kong, to urge other Filipina helpers to also follow their dreams.

“This is not a representation of what Joan does only”, Chen said of the exhibit, which her team from the CUHK Department of Anthropology put up in collaboration with the PCG and Wimler Foundation.

Call now!

Chen said the photographs that Pabona exhibited are not about domestic workers in Hong Kong, but her view of the city where she lives and works.

She told the Filipina workers who were guests at the launch that with every picture they took of their new idol, “Joan becomes a new and better person” who they can emulate.

“You can also do that to become a better person,” Chen said.



 In September last year, Pabona told Chen she wanted to mount her first photo exhibit and the professor agreed readily. They approached Consul Fatima Quintin of the PCG and Wimler to enlist support and from there the project became a reality.

“I am interested in photography because I want to tell stories that I can only effect and convey in pictures,” Pabona said in her brief speech.

Photography “forces me to pay attention to things most people take for granted. When I take pictures, I look to capturing a moment in an artistic and creative way,” she said.

“When I take a picture, I feel like I am in communion with my subject. For in one split second I can put myself in their shoes.  When I get a good picture, I feel extremely content,” she said.

She told The SUN she started dabbling in photography using a Nikon digital SLR camera in college while enrolled in a computer course. It has since developed into a passion.

In June, when she winds up her six-year stay in Hong Kong as a domestic worker, she plans to go back to Sudipen to rest before going full time into photography.

“May plano na ako pero gusto kong magpahinga muna dahil pagod ako,” she said.
===

BAGO ITO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Call us!
CALL US!
Call us!
Call us!

Call us!
Call now!
Call us now!
Call us now!

Relasyong Agot-Pilo, ibinunyag sa HK

Posted on No comments
Inamin na din ng aktres na si Agot Isidro at senatorial candidate Pilo Hilbay ang kanilang pag-uunawaan nang mangampanya sa Hong Kong noong Mar 10 ang grupong Otso Diretso kung saan kabilang ang binatang abugado.

Matagal na ring nababalita na may namumuong relasyon sa dalawa, pero panay pahaging at pakilig lang ang mga salitang binibitawan nila tuwing tinatanong sila tungkol dito.

Pero sa Hong Kong ay buong tamis nilang ipinakita na sila na nga. Naunang dumating si Agot sa Chater Road, at pagdating ni Pilo ay agad siyang tinabihan sa mesa samantalang nagkakagulo ang mga Pilipino sa pagkuha ng litrato.

May nagtanong kay Agot ng “Yes or no?” na sinagot niya ng isang matunog na halakhak. Pero kitang kita sa mga mata nilang dalawa ang kasiyahan sa kanilang pagsasama.

Sa stage, kung saan naging isa sa dalawang host si Agot, panay ang mga papuri niya sa boyfriend. Bago niya ito tinawag para magsalita, sinabi ni Agot na labis siyang humahanga sa talino ni Pilo.

Call us!

Hindi naman sila nagkakalayo sa talino. Si Agot ay nagtapos sa UP Diliman bago nag-aral sa Fashion Institute of Technology sa New York kung saan nagtapos siyang magna cum laude. Habang busy sa mga TV shows at pelikula, nakuha pa niyang mag master’s sa Ateneo.

Si Pilo naman na lumaki sa Tondo at ang tatay ay messenger at labandera ang nanay, ay nagtapos din sa UP ng kursong economics bilang scholar. Doon din siya kumuha ng abugasya, bago nag number sa Bar examination. Siya ang pinakabatang naging solicitor general ng bansa.

Isang journalist na kaibigan ni Pilo, si Philip Lustre, ang nagsabing noon pa man ay umamin na sa kanya ang senatorial candidate na may namumuong relasyon sa kanila ni Agot. Pero pilit nilang nililihim ito hanggang ilunsad ni Pilo ang kanyang kandidatura sa Tondo, kung saan siya lumaki, at sinorpresa siya ni Agot nang bigla itong lumuhod sa kanyang harap habang inaawitan siya.

Call now!

Bago sila nagkakilala, sumikat si Agot sa kanyang matapang na pagtuligsa sa pamahalaang Duterte. Si Pilo naman ay bumalik sa pagtuturo ng batas sa UP matapos siyang mapalitan bilang solicitor general nang magpalit ng administrasyon.

Si Agot ay dating kasal sa kapwa artistang si Manu Sandejas pero wala silang anak. Si Pilo ayon sa mga balita, ay binata.

KATHRYN–ALDEN FILM KUKUNAN SA HONG KONG 
Positibo ang reaksyon ng mga fans nang i-anunsyo ang pagtatambal sa isang pelikula ng Star Cinema ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo at Kapuso actor na si Alden Richards.

Call us now!

Ang huling pelikula na tinampukan ni Kathryn katambal ang boyfriend na si Daniel Padilla ay ang tinaguriang “highest grossing movie of all time” sa Pilipinas na “The Hows of Us” (Php800 milyon daw ang kinita).

Hindi naman siya dehado kay Alden dahil ito ang pinakasikat na aktor ng GMA Network ngayon, at nagkataon pang ang kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza, ang kalahati ng phenomenal na parehang AlDub ay nagdeklara nang may tunay na karelasyon ngayon, si Arjo Atayde.

Dahil dito ay malabong matupad ang ilusyon ng kanilang mga fan na silang dalawa ang magkakatuluyan. Nguni’t kung dati ay hindi nila matanggap na ma-ipareha sa iba ang kanilang mga idolo, ngayon ay marami na sa kanila ang nagsasabi na susuportahan nila ang pelikula ni Alden. Ang mga KathNiel fans ay handa ring suportahan si Kathryn kahit hindi si Daniel ang kapareha niya.



Isa sa malaking dahilan kaya tinangggap daw ni Alden ang pelikula ay dahil gusto niyang maka-trabaho ang director nilang si Cathy Garcia-Molina. Fan daw siya ng direktor dahil sa pelikula nitong “One More Chance” na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Si John Lloyd daw ang isa sa mga aktor na kanyang hinahangaan.

Ayon kay direk Garcia- Molina, 90% ng kabuuan ng pelikula ay kukunan sa Hong Kong, kung saan ay gaganap na mga batang OFWs sina Kathryn at Alden.

CHOKOLEIT, PUMANAW 
Bumuhos ang pakikiramay mula sa mga kaibigang celebrities, fans at kamag-anak para sa komedyanteng si Chokoleit, 46, (Jonathan Aguilar Garcia sa tunay na buhay) sa biglaan niyang pagpanaw noong gabi ng March 9. Atake sa puso at pulmonary edema ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Nag-collapse siya pagkatapos mag-perform sa Abra Kawayan Festival 2019 sa Bangued, Abra at hindi na nagkamalay matapos isugod sa ospital.

Ilan sa mga celebrities na huling nakausap at nakasama ni Chocoleit sa pagtatanghal sa Abra ay sina Pops Fernandez, Paulo Avelino, Enchong Dee at JM de Guzman. Marami ang nakapuna na tila hindi maganda ang pakiramdam ng komedyante, pero pinili pa  rin nitong ituloy ang kanyang performance. Sa inilabas na video show, halata sa kanyang pagsasalita na nahihirapan siya dahil halos hinahabol na niya ang paghinga, at kahit nagpapatawa ay tila may lungkot ang kanyang mga mata.

Labis na nalungkot ang mga matalik niyang mga kaibigan na sina Pokwang, K Brosas, Pooh,  John Lapus at Vice Ganda nang dalawin nila ang kanyang labi sa unang gabi ng burol.
Namataan din nang gabing iyon sina Shaina Magdayao, Agot Isidro, Ogie Diaz, Ryza Cenon, at ang mga komedyanteng sina Ryan Bang, Atak, Lassy, at Teri Onor. Nakatakdang dalhin ang labi ni Chokoleit sa kanyang bayan sa Davao sa March 15.

Binigyan ng munting tribute ang komedyante sa Kapamilya shows na Umagang Kay Ganda, Showtime, at ASAP, kung saan ay kinanta nina Regine Velasquez, Zsazsa Padilla at Kyla ang awiting “Send In the Clowns” para sa kanya.

Ilan sa mga naunang nagpahatid ng mensahe ng pakikiramay sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Angel Locsin, Anne Curtis, Claudine Barretto at AiAi delas Alas.

Si Chokoleit ay nakilala sa pagganap niya bilang si Pearly Shell sa TV series na “Marina” noong 2004.  Napanood din siya sa Kampanerang Kuba, Asintado, at mga pelikulang Volta, Rollerboys, ZsaZsa Zaturnaah, Etiquette for Mistresses,  The One That Ghost Away, at Fantastica.

GABBY, SINAMPAHAN NG KASO NG KAPATID 
Inireklamo ng falsification of public documents ni Miguel Arellano Concepcion ang nakatatanda niyang kapatid na si Gabby Concepcion (Gabriel Arellano Concepcion ang tunay na pangalan). Sa kasong inihain nito sa Criminal Investigation and Detective Group – National Capital Region (CIDG – NCR) sinabi ni Miguel na may anomalya sa pagbebenta ng lupain na nasa pangalan ng kanilang inang si Mrs. Ma. Lourdes Arellano Concepcion.

Ayon kay Miguel, noong panahon na ibinenta ang lote na (may sukat na 890 sq. meters, at nasa P. Guevarra sa San Juan), at nagkapirmahan ng dokumento, nasa Amerika ang kanilang ina, at ipinakita bilang ebidensya ang kopya ng pasaporte nito. Nalaman lang daw ni Miguel na iba na ang may-ari nito nang umuwi siya sa Pilipinas  noong January. Ilang beses daw niyang tinangkang kausapin si Gabby tungkol dito, pero ayaw nitong makipag-usap.

OGIE AT INA, INAMING NAG-DATE NOON
Nagkabistuhan sa presscon ng pelikulang “Kuya Wes” na pinagbibidahan nina Ogie Alcasid at Ina Raymundo. Inamin nila na naging close sila at nag-date noong kasikatan nila, pero hindi raw umabot sa naging sila na, dahil nabisto raw ni Ina na may non-showbiz girlfriend si Ogie habang nanliligaw sa kanya.

Naungkat ang pagiging chickboy ni Ogie dahil napag-usapan din na may girlfriend itong nangangalang Mia habang karelasyon noon ang ex wife na niya ngayong si Michelle Van Eimeren. Nagkaroon ng dalawang anak sina Michelle at Ogie, pero nagkahiwalay din bago siya na-link sa asawa na niya ngayong si Regine Velasquez.

Sa kabila nito ay naging maganda pa rin ang relasyon ng dalawa kahit may kanya-kanya na silang pamilya. Parehong dalaga na ngayon ang mga anak nilang sina Leila at Sarah, samantalang may anak na din siya kay Regine na si Nate.



Ayon kay Ogie, wala nang dapat ipagselos si Regine ngayon. Masaya rin daw siya para kay Ina dahil successful ang buhay may asawa nito. Si Ina ay kasal sa Canadian national na si Brian Poturnak at may apat silang anak.

Ang “Kuya Wes” ay naipalabas na sa Cinemalaya Film Festival 2018, at kamakailan ay isinali sa 2019 Fantasporto Fil Festival sa Portugal, Spain, kung saan ay nanalo si Ina bilang best actress, ka-tie si AiAi delas Alas para naman sa pelikulang “School Service”.

Ang director nito ay si James Robin Mayo, at produced ng A-Team Productions ni Ogie, Spring Films at Awkward Penguin. Ipapalabas ito nationwide simula sa March 13.


===

BAGO ITO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Call us!
No photo description available.jargonhr@yahoo.com

CALL US!
Call us!
Call us!

Call us!
Call now!
Call us now!
Call us now!

Ang kapalaran mo

Posted on No comments

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Ang relasyon sa mga kasamahan ay mas maayos kaysa dati. May pagkakaiba ng panananaw pero walang seryosong alitan. May mga maiinis din sa iyong kaibigan dahil sa pagiging prangka mo; para sa iyo, nagsasabi ka lang ng totoo at hindi mo ugali ang mambola. Sa pag-ibig, hindi ka man naipapakita ang pagmamahal, maipadarama mo naman ang lalim nito. Lucky numbers: 9, 17, 29 at 37.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Mahaharap sa seryosong problema sa trabaho, kailangang maging maingat at maghintay ng tamang pagkakataon bago kumilos. Mag-ingat sa pagtaas ng cholesterol, bawasan ang pagkain ng matataba at matatamis at pag-inom ng alak. Basahin ang mga detalye at intindihing mabuti ang lahat ng pinapipirma sa iyo. Lucky numbers: 11, 22, 36 at 44.

Call us!

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Makakaramdam ng labis na saya, kaya hindi napapansin ang ibang nangyayari sa paligid mo, mag-ingat na maging kampante. Iwasang lutasin ang problema sa pamamagitan ng ilegal na paraan na maaring mauwi sa eskandalo. Upang makaiwas sa sakit sa puso, bawasan ang pagkain ng karne at mantekilya, palitan ito ng isda at mantikang galing sa gulay. Lucky numbers: 15, 26, 31 at 42.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Magiging mas matapang ka ngayong makipagsapalaran at sumubok ng bagong mga bagay. Ipagpatuloy lang ito ng hindi lumilingon sa likod. Malulutas mo  ang problema ng dahil sa iyong pasensya at husay. Mabibighani ka ng husto sa isang tao na malakas ang karisma, pero kulang sa talino, kaya maninimbang ka ng husto. Lucky numbers: 9, 13, 40 at 43.

Call now!

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Malulusutan mo rin ang matapang mong pagsubok at lahat ng hadlang ay isa-isang mawawala. Mahililig ka sa pulitika at pakikipagtalakayan. Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa mga anak at magulang. Bigyan ng prayoridad ang pamilya upang maging masaya ang malalapit sa iyo. Sa panahong ito ay mabibigyan-pansin ang pakikipag-kapwa mo. Lucky numbers: 7, 12, 28 at 38.

DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Mag-ingat sa sobrang sampalataya sa kakayahan ng kapartner at baka ka mabigo. Aayawan mo ang lahat ng responsibilidad na ibinibigay sa iyo kaya damay din ang kinaiinisan mong obligasyon sa trabaho at pamilya. Malaki ang tsansa na makakuha ng bagong posisyon na ikaw ang masusunod at magawa ang gusto mo. Lucky numbers: 15, 19, 31 at 40.

Call us now!

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Para sa iyo, ang umpisa ng atraksyon ay mabilis na nagiging pag-ibig agad. Huwag hayaang maapektuhan ang pagdedesisyon ng pagiging sentimental mo. Marami kang mga ideya na pwedeng mapakinabangan lalo na sa trabaho, kaya mag-focus ka, sa kabila ng mga nakakainis na relasyon sa mga kapamilya at maging sa kapitbahay. Lucky numbers: 13, 29, 32 at 40.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Ang mga kabiguan, limitasyon at hadlang sa iyong mga gustong gawin ay unti-unting maglalaho. Magiging mapalad ka sa pag-ibig, pera, kalusugan at trabaho sa panahong ito. Huwag magpatalo sa sabay-sabay na bagay na gusto mong gawin. Malalagay sa posisyon na kakailanganin mong maglakbay sa iba’t ibang bansa ng dahil sa trabaho. Isang kaibigan ang susubok pa ring abusuhin ang kabaitan mo. Lucky numbers: 20, 21, 27 at 35.



KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Makakaramdam ng labis na nerbiyos at emosyon. Magiging suspetsosa ka sa mga kalaban at lahat ng makaharap mo ay ayaw mong sinasalubong ka ng tingin. Kailangan mong kalmahin ang iyong negatibong imahinasyon. Mag-ingat na mamuhay nang higit sa kaya mo; kung dati ay nagagawa ito, ngayon ay wala ka nang lulusutan. Lucky numbers: 19, 33, 42 at 47.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Pamamaga ang mararanasan ngayon. Magpakonsulta agad at iwasang uminom ng gamot na hindi inireseta sa iyo. Magkakaroon ng aberya sa trabaho na ikaiirita mo ng husto. Kumalma, dahil wala kang mapapala kung magwala ka man. Piliting maging positibo at iwasang mag-isip ng negatibong bagay. Lucky numbers: 16, 18, 29 at 34.

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Malalampasan ang problema dahil sa suporta ng mga kasamahan. Pero sumasagi pa rin ang takot sa iyo paminsan-minsan. Ang pamilya ay mahaharap sa ligalig at tensiyon din ang mararanasan ng mga kasamahan ng dahil sa sunud-sunod na problema. Magkakaroon din ng usapin tungkol sa pera at mararamdaman mo na masama ang loob ng iba sa iyo. Lucky numbers: 6, 9, 17 at 41.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Gumaganda lang ang pakiramdam mo kung ikaw ay in-love kahit hindi sa iisang tao lang. Kung may asawa, para sa iyo, kailangang sundin nito ang gusto mo at gawin ang lahat na ikasasaya mo upang maging kanya ka lang. Iwasan ang anumang diskusyon sa ngayon at piliting huwag mairita sa mga problema sa tahanan. Higit sa lahat, huwag parusahan ang mga anak ng dahil sa maliliit na bagay na nagawa nito. Lucky numbers: 9, 13, 21 at 39.

===

BAGO ITO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Call us!
CALL US!
Call us!
Call us!

Call us!
Call now!
Call us now!
Call us now!


Pinay, walang malay pa rin sa ospital

Posted on No comments
Matagal naghintay ang mga kaibigan at ka-probisya ni Asuncion P. Salubre sa intensive care unit ng ospital,


Ni Merly P. Bunda

Itinakbo si Asuncion P. Salubre sa ospital noong gabi ng Marso 8 matapos matagpuan ng among babae na nakahandusay sa loob ng kanyang kuwarto at walang malay.

Agad siyang inoperahan sa Queen Mary Hospital sa Pokfulam pero habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin siya nagkakamalay.

Call us!

Si Salubre, 60 taong gulang at dalaga, ay halos 22 taon nang naninilbihan sa kanyang amo na taga South Horizons sa Aplei Chau.

Ayon sa amo, nagtaka siya ng walang nagbukas ng pintuan sa kanya nang siya ay mag doorbell. Pagpasok niya ay agad niyang nakita ang kasambahay na walang malay, kaya dali-dali siyang tumawag ng ambulansiya para maitakbo ito sa ospital.

Call us now!

Agad namang nagdesisyon ang mga doktor na operahan ang Pilipina dahil kritikal na daw ang kundisyon nito. Malaki daw kasi ang namuong dugo sa kanyang utak sanhi ng pagputok ng isang ugat doon (o aneurysm).

Call now!

Isang kababayan na sumama sa amo ni Salubre sa pagdala sa kanya sa ospital ang nagsabi na inumpisahan ang operasyong bandang alas 10 ng gabi, at tumagal ito ng mahigit tatlong oras.

Kinabukasan ay ipinaalam din ng amo sa OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) ang nangyari kay Salubre para mabisita nila at maipagbigay alam din sa kanyang pamilya ang tungkol dito.



Ayon sa limang kababayan ni Salubre na bumisita sa kanya noong Marso 10, parang naririnig ng pasyente ang pagtawag nila sa kanyang pangalan dahil ginagalaw nito ang kanyang mga mata. Kahit hindi makadilat ay nakikita daw nila na nangingilid ang luha sa mga mata nito.

Ayon sa amo ng Pilipina, gusto daw nito na gumaling talaga ang kasambahay bago umuwi sa kanilang bahay sa barangay Anuang,Cabatuan ,Iloilo.

Nanghihingi naman ng panalangin ang kanyang mga kaibigan, kababayan at kaanak para sa kanyang mabilis na paggaling .

===

BAGO ITO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Call us!
No photo description available.jargonhr@yahoo.com

CALL US!
Call us!
Call us!

Call us!
Call now!
Call us now!
Call us now!
Don't Miss