Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Laging i-update ang OWWA membership!

Posted on 27 June 2019 No comments

Ganoon na lang ang panghihinayang ni Carent Barroga, 37, tubong Bayambang, Pangasinan, nang malamang wala nang bisa ang kanyang membership sa Overseas Workers Welfare Administation (OWWA).

Ang masaklap kasi, kailangang kailangan ni Barroga ng tulong. Pagkadating pa lang nya sa Hong Kong noong Nov. 11 ng nakaraang taon para manilbihan sa bagong amo ay nakitang may tumor siya sa utak, at kinailangang operahan agad.

Call us!

Pagkatapos ng operasyon ay nalaman niya na expired na ang kanyang membership sa OWWA noon pang Oct 2016, pagkatapos niyang mapilitang umuwi dahil na terminate ng kanyang dating amo. Hindi man lang daw ito inayos ng kanyang agency, o pinaalalahanan man lang tungkol dito.

Dati kasi, kailangang magbayad ng OWWA membership tuwing magpapasok ng ng bagong kontrata sa Philippine Overseas Labor Office, kaya laging may paalala tungkol dito. Pero mga tatlong taon na ang nakakaraan nang palitan ang kalakaran at gawing per term, o tuwing ikalawang taon ang renewal, kaya marami ang nakakalimot na gawin ito.

Call now!

Dahil hindi na siya member, limitado lang ang tulong na nakuha ni Barroga mula sa OWWA, kabilang na dito ang Balik Pinas Pangkabuhayan, kung saan may ibinibigay na Php20,000 sa mga OFW na biglaang napapauwi dahil terminated.

Sa kaso ni Carent, pinalad siyang makakuha ng Php10,000 na tulong, marahil ay dahil dati na siyang miyembro sa loob ng halos apat na taon na nagtrabaho siya sa Hong Kong noon. Napaso lang kasi ang membership niya dahil matagal siyang hindi nakabalik dito.

Call us!

Payo ni Carent: “Dapat masabihan yung mga hindi nagre renew ng OWWA dahil kung bigla kang mapauwi baka wala ka ding makuha. Kaya dapat lagi nilang ipa-update ang kanilang OWWA (membership).”

Ganito din ang sinabi sa kanya ni Rodelia Villar, founder ng Domestic Workers Corner, isang online group para sa mga baguhan sa Hong Kong, at volunteer sa Philippine Overseas Labor Office.

Ayon kay Villar, kung gustong malaman ng isang overseas Filipino worker kung “active” o may bisa pa ang kanilang OWWA membership, I check nila sa website na ito: https://ecard.owwa.gov.ph/. Kung hindi na active ang membership ay kailangang pumunta sa OWWA counter at ipa check muli, at kung kinakailangan ay magbayad.

“Mayroon ding app ang OWWA kung saan maaaring mag sign-in para malaman ang mga services ng OWWA,” sabi niya. “Kailangan bigyan pansin ito ng mga OFW ito at iwasan ang maniwala sa mga sabi sabi na walang silbi ang Ecard o ang OWWA dahil sila ang iyong lalapitan kapag kailangan mo ng financial assistance.”

Si Villar, kabilang ang ilang miyembro ng DWC, ang unang nagbigay ng tulong kay Carent, na kinailangang manatili sa ospital ng mahigit isang buwan habang nagpapagaling sa kanyang operasyon.

Ipinaalam nila ang kanyang kundisyon sa mga kinauukulan, kaya pati ang dapat na ibayad sa ospital ni Barroga na sinabing ultimo turista dahil hindi siya nakapanilbihan ng kahit isang araw sa amo,  ay hindi na siningil.

Pagbalik niya sa Pilipinas nitong nakaraang Jan 5 ay pinagpatuloy pa rin ng DWC ang pagtulong sa pamamagitan ng pagpapadala buwan-buwan ng panggastos sa pag-aral ng kanyang mga maliliit na anak.

Ayon kay Villar, ayaw nyang matigil sa pag aaral ang mga bata dahil alam nya na patuloy ang pagpapagamot ni Carent kaya patuloy nila itong tinutulungan.

Pinadalhan din ng DWC ng isang sakong bigas ang mga Barroga bilang dagdag-tulong. – The SUN
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

CALL US TODAY!

Filipina jailed 2 months for stealing $9,000 from employer

Posted on No comments
By Vir B. Lumicao
 
Andrada offered no excuse for the thefts when she appeared in Eastern Magistracy

A 30-year-old Filipina domestic helper has been sentenced to two months in jail for stealing a total of $9,000 from her employer in Chi Fu Fa Yuen, Aberdeen.

Jilliane Andrada pleaded guilty in Eastern Court on Jun 26 to three charges of stealing money belonging to her 65-year-old employer Alice Cheung on three occasions between February and Jun 23 this year.

Andrada, who had been working for Cheung since Jan 14, 2017, first took $4,000 from a locked drawer in the bedroom where the employer kept her money. Cheung kept the key in another drawer inside the bedroom.
On Jun 10, Andrada again entered Cheung’s bedroom and stole another $1,500.
She did the same thing on Jun 23, this time taking $3,500.

Cheung told police that on Jun 14 she put $30,000 cash she had withdrawn in the drawer, but when she checked the money on Jun 23, she noticed some was missing.

The employer asked her husband if he took the money but he said no. Cheung then asked the helper and she readily admitted the theft. The police were called and Andrada was arrested.
During a police interview, the helper confessed stealing money from her employer’s drawer on three occasions. She even wrote a confession detailing the dates when she took the money.

Andrada said of the total amount that she had stolen, she remitted $7,500 to her family and kept $1,500 for herself to buy food.

In mitigation, the defense lawyer said Andrada had just renewed her employment contract with Cheung in January this year. She was supporting her parents and a child.
The lawyer asked for leniency, pointing out that the helper had admitted the charges at the first instance and was remorseful.

Magistrate Peter Law told Andrada her crime was a serious breach of her employer’s trust committed on three occasions. He imposed a sentence of two months for each offense, to be served concurrently, after giving a one-third discount for her guilty plea.   
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

CALL US TODAY!


DH gets suspended sentence for possessing counterfeit goods

Posted on No comments
By Vir B. Lumicao
No photo description available.
Fake Longchamp bags being sold online

Here’s a warning to foreign domestic workers in Hong Kong: If you are planning to sell fake branded goods for extra income, think twice. You will be in double trouble.

Such is the case of Filipina helper Digna G. Calagui, who was caught by a Hong Kong Customs agent in possession a substantial number of fake branded sport shoes, bags, wallets watches and lipsticks, among other items, on Sept 23 last year in Central.

On Jun 26, Calagui pleaded guilty in Eastern Court to a charge of “breach of condition of stay” for engaging in an activity that violated the condition of her permit to work only in Hong Kong as a domestic helper.

Call us!

The defendant also pleaded guilty to a charge of “possession for sale for any purpose of trade or manufacture goods to which a forged trademark was applied”. Possessing such goods is an offense under Section 18 (1) if the Trade Descriptions Ordinance, Cap 362, Laws of Hong Kong.

After admitting both offenses, Calagui, 41, was sentenced to a total of seven weeks in jail, suspended for 12 months. She was meted a suspended sentence of one week in jail for breach of condition and six weeks for possessing the fake goods.

Calagui was warned that both sentences will be enforced if she commits any offense within a year, but she still looked relieved when the interpreter explained the outcome to her.
The prosecution said the Customs undercover officer saw a big bag lying on the pavement at the Exchange Square bus terminus in Central around 1pm on Sept 23, 2018 and waited until someone came to take it.

When the Filipina arrived and took the bag at 1:15pm, the officer accosted her and asked to check the contents of the bag.

The bag yielded a haul of counterfeit goods, including 19 pairs of shoes bearing the brands Nike, Under Armour, and Adidas; 5 bags labeled Longchamp, Lacoste and Michael Kors; 3 Longchamp wallets, 3 Hello Kitty caps, 1 Hello Kitty mini brush kit, 83 MAC lipsticks, and 6 Casio watches.

Calagui was in a sense lucky as she was let off with a suspended sentence, and for having a supportive employer who has allowed her to continue working in Hong Kong. But Immigration authorities will still have to decide later whether to extend her work visa.
The defense lawyer said in mitigation that the defendant’s husband, a former driver in Hong Kong, had undergone a kidney transplant here but returned home to continue his medication there.
Outside the courtroom, Calagui said she was relieved because she needed to work to earn money for her husband’s treatment. She was also glad that her employer who lives in Aberdeen has been supportive.

She has two children, a son aged 18 who is in first year of a maritime course, and a 17-year-old daughter who is in senior high.
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

CALL US TODAY!


Handa na sa panibagong pagsubok dahil sa Card

Posted on 26 June 2019 No comments
Image may contain: 3 people, including Emz Bautista, people smiling, people standing, sky, tree, outdoor and nature
Si Nanette (gitna), kasama ang dalawang kapwa Card trainor

Ni George Manalansan

Ang mag-asawang dating kalahok lang sa seminar ng Card Hong Kong Foundation ay handa na ngayong isakatuparan ang kanilang mga natutunan tungkol sa tamang paghawak ng pera at pagpapalago ng kanilang kita.

Sa susunod na buwan ay uuwi na si Nanette, maybahay ni Val Bernabe, para alagaan ang kanilang tatlong anak na ang edad ay 9, 8 at 7 taong gulang, at pawang nag-aaral na.

Sila ang pangunahing dahilan kung bakit naisip ng mag-asawa na mag for good na si Nanette, at iatang kay Val ang pagpapanatili ng kanilang regular na kita.
Ngunit hindi ito nangangahulugan na maglalagi na lang sa bahay si Nanette, dahil balak niyang ituloy ang kanilang pangarap na magtayo ng boarding house at grocery sa kanilang lugar sa Roxas City sa Capiz.

Sa kanyang pag-uwi, baon ni Nanette ang lahat ng mga natutunan niya mula sa Card HK, mula sa tamang paghawak ng kanilang regular na kita, kabilang ang kaalaman tungkol sa pagkakaiba ng luho sa pangangailangan; hanggang sa tamang pangungutang kung kinakailangan.

Sumali din siya sa mga usapin tungkol sa pagnenegosyo at kung ano ang mga dapat niyang isaalang-alang kung maglalagak siya ng pera at umaasam ng tubo.
Ayon kay Nanette, naisip nila ni Val na magtayo ng boarding house dahil ang nabili nilang lupa mula sa kanilang kinita sa Hong Kong ay malapit sa isang kolehiyo, at alam niyang may ganitong pangangailangan ang mga mag-aaral doon.

Image may contain: 5 people, people smiling, people sitting and indoor
Sina Nanette at Val kasama ang kanilang 3 supling

Dahil doon din siya mismo titira ay mas madali na daw na bantayan ng sabay ang kanyang pamilya at kanilang negosyo.

Sa ngayon ang pangunahing pakay niya ay matututukan ang paglaki at pag-aaral ng mga anak. Sila naman daw talaga ang dahilan kaya pati si Val ay nagdesisyon na magtrabaho sa ibang bayan.

Nasa pagitan ng nag-uumpugang bato si Nanette dahil iiwan niya ang kanyang mahal na asawa sa Hong Kong, pero mas mahalaga daw sa kanilang mag-asawa na makakasama  na niya at mahuhubog sa tama ang kanilang tatlong anak.
May dalawang dekada nang OFW si Nanette, pero ang lahat ng kinita niya sa unang 10 taon niya sa Hong Kong, noong dalaga pa siya, ay ginugol niya sa pagpapaaral sa kanyang mga kapatid.

Ayon kay Nanette, magaan naman ang pasok ng pera sa kanya noon pero laging nadaan lang. Ang ibig sabihin, hindi siya nakapag-ipon ng para sa sarili.

Nang matapos ang mga obligasyon sa mga kapatid ay bumalik siya sa Pilipinas para mag-asawa, pero hindi naglaon ay nagdesisyong umalis muli. Nalugi daw kasi ang ipinundar nilang ihawan ni Val na noong una sana ay kumikita, pero bumagsak nang ipaubaya nila sa isang kamag-anak dahil nanganak siya.

Ngayon, sa tulong ng mga natutunan nilang mag-asawa sa Card, mas kumpiyansa sila na mapupunta sa tama ang mga perang inipon nila, at mas uunlad ang kanilang buhay-pamilya.
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

CALL US TODAY!

Don't Miss