Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Missing fingerprint

Posted on 02 January 2020 No comments

Excited na gumising si Laila kamakailan para sa kanyang day trip sa China kasama ang ilang kaibigan. Nakarating naman siya ng maaga sa takdang tagpuan nila, at nakasakay ng train papunta ng Lowu.

Pagdating doon ay kailangan nilang mag finger print batay sa bagong patakaran para sa mga bagong papasok ng China.

CALL NOW!

Pumila silang magkakaibigan, at noong siya na ang nagtangkang mag fingerprint gamit ang nakatalagang makina ay ganoon na lang ang pagkadismaya niya dahil hindi mabasa ang kanyang daliri.

Halos lahat ng mga fingerprinting machine na nandoon ay sinubukan niya pero walang nangyari.

Pinagtulungan na siya ng ng mga kasama pero hindi pa rin umobra.

CALL OUR HOTLINE!

Dahil kailangan na nilang makatawid sa Immigration ay pinapila na lang siya ng tour organizer sa counter kasama ang kanyang grupo na nasa listahan.

Abot-abot ang kaba ni Laila habang nakapila sa Immigration counter dahil takot na maiwanan. Tuwang tuwa pa naman siya na makasama sa lakad dahil ito ang unang pagkakataon na magliliwaliw siya doon pagkatapos ng halos dalawang dekada niyang paninilbihan sa mga amo sa Hong Kong.

Call us!

Mabuti na lang at pagdating niya sa counter ay sinabihan lang siya na magpa fingerprint, at laking tuwa niya dahil mabilis namang nabasa ang kanyang mga daliri.

Ayon kay Laila, ang pamamasyal niyang ito ay isang pakunsuwelo sa sarili pagkatapos ng maraming taong puro pagtitipid para sa pamilya.

Sa ngayon ay natupad na niya ang kanyang mga plano sa buhay kaya panahon na din para maglibang paminsan minsan. Si Laila ay tubong Norte at 50 taong gulang. — Marites Palma
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.


Ang kapalaran mo sa Enero

Posted on No comments

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95/07
Mag-ingat na magkaroon ng alitan sa pamilya. Paninindigan mo ang kagustuhang tumayo sa sariling mga paa at kumilos ng malaya. Magiging masaya ka sa piling ng mahal mo. May problema sa trabaho; kailangang harapin ang taong alam mong galit sa iyo – posibleng magkaroon ng bayolenteng away kung hindi mo kokontrolin ang sarili. Lucky numbers: 7, 14, 23 at 35.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96/08
Ngayon ay gusto mong sumubok ng mga bagong bagay at i-enjoy ng husto ang buhay. Mag-ingat sa masaklap na pakikipaghiwalay sa dating mga kaibigan o kaanak. Umiwas sa mga maalat na pagkain at mga de-lata na nagiging sanhi ng pananakit ng ulo o pagkakaroon ng sakit sa balat. Kung may problema sa pera, makakaasa ka ng tulong sa mga taong nasa paligid mo. Lucky numbers: 6, 12, 37 at 39.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97/09
Kung wala kang ginagawa, lalo kang malulungkot- abalahin ang sarili. Ang kalungkutan ang pinakamalaki mong kaaway, makisalamuha at makipagkaibigan. Dagdagan ang pagbabasa ng magagandang libro. May problema sa pagsasama, pero ang pagiging pasensyosa at maunawain ay makakatulong upang maging maayos ang lahat. Ingatan ang puso, bawasan ang kain at piliting maging positibo ang pananaw. Lucky numbers: 17, 20, 33 at 47.

CALL NOW!

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98/10
Kulang ka sa sigla at may kaunting problema sa atay; bawasan ang kain. Mabilis ang asenso mo sa trabaho, pero magiging komplikado ang relasyon sa pamilya. Piliting ayusin ang problemang laging sumisira sa katahimikan ng tahanan. Magtatagumpay ka sa papasukang long-term investments. Lucky numbers: 13, 22, 37 at 40.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87/99
Makakaranas ng mga nakakakilig na karanasan! Ang malalaki mong plano ay unti-unting matutupad. Huwag mag-atubiling makipag-kompromiso upang maibalik ang dating katahimikan at saya ng pagsasama ng pamilya. Masyado kang magiging maluho ngayon sa kagustuhan mong mangolekta ng mga magaganda at mamahaling bagay; mag-ingat sa laki ng babayaran mo! Lucky numbers: 11, 29, 31 at 44.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88/00
Mag-lie low ka muna at iwasang maging sentro ng atensyon. Magagawan mo ng paraan na ayusin ang hindi pagkakaintindihan sa mga malalapit sa iyo at maibalik ang init pagsasama sa pamilya. Malakas pa rin ang karisma mo upang makaakit ng mga bagong tagahanga. May mga pagtatalong magaganap; huwag nang buhusan pa ng gasolina ang apoy sa pagiging agresibo mo at pagbitaw ng masakit na salita. Lucky numbers: 7, 21, 35 at 45.

CALL OUR HOTLINE!

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89/01
Magkakaproblema ka sa pera; mag-ingat sa mga gastusin at magtipid! Iwasang mauwi sa pagtatalo ang diskusyon sa usapin sa pamilya. Sa love life, huwag ikulong ang sarili sa akala mong ligtas na sitwasyon, pero mabuway pala. Kung single, maaari kang magkaroon atraksyon sa isang taong makikilala. Maayos mong gagampanan ang mga gawain, pero huwag magpakapagod ng husto. Lucky numbers: 19, 30, 41 at 47.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90/02
Masipag at masigla, alam mong pakilusin ang mga tamad. Sa pamilya, masusunod ang gusto mo ng walang reklamo. Makakakuha ka ng suporta sa mga kakilala dahil sa angkin mong husay at karisma. May oportunidad kang kumita sa papasukang negosyo. Mag-aatubili kang baguhin ng tuluyan ang love life dahil sa hindi magandang idudulot nito at ayaw mong mabago ang nakagawian mo. Lucky numbers: 6, 12, 27 at 38.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79/91/03
Mag-ingat sa mga sasabihin mo; hindi ka kailangang manahimik , pero maging malumanay at maingat. Maswerte kang makakabili o makakabenta ng lupain sa maayos na paraan at kondisyon. Huwag agad maniwala sa mga matamis na salita ng nanunuyo sa iyo, o dumistansya ka muna. May malaking pagbabago sa pamilya na ikaiinit mo ng ulo; subukang makibagay kaysa tutulan agad ito. Lucky numbers: 16, 22, 29 at 43.

Call us!

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92/04
Mag-ingat na maubusan ng mga magagandang ideya; upang maiwasan ito, maglibang at mag-relax sa pamamagitan ng sports. Isang magandang oportunidad ang ibibigay sa iyo, huwag kang mahiya. Hindi mo magagawa ang mga bagay ng sabay-sabay, gumawa ka ng paraan na maayos ito ng ayon sa prayoridad. Mas bibigyan mo ng pansin ang katangian ng mga kaibigan mo sa halip na hanapan sila ng kapintasan, na ikalulugod ng lahat. Lucky numbers: 7, 11, 32 at 44.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93/05
Marami kang magagawa sa linggong ito basta alam mong samantalahin ang pagkakataon. Iwasan muna ang transaksyon sa lupain o tungkol sa mana. Magagamit mo ng husto ang karisma mo ngayon. Dagdagan ang tulog at iwasan ang sobrang pagod sa trabaho. Nahihirapan kang gampanan ang araw-araw na trabaho dahil sa problema sa pamilya; huwag mag-alala dahil maaayos din ang lahat. Lucky numbers: 5, 14, 36 at 43.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94/06
Tatanggap ka ng magandang alok sa trabaho, at hindi lang isa ang pagpipilian mo. Mag-ingat sa labis na gana sa pagkain; ang klase at dami ng pagkain ay kailangang balanse. Maswerte sa pera ngayon. Mag-ingat sa pagsasabi ng opinyon. Alagaan ang mga magulang. Mas magiging masaya ang love life; marami ang mala-love at first sight, pero may seryosong kumplikasyon ito kung mayroon nang karelasyon. Lucky numbers: 19, 24, 38 at 42.
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

Mandatory insurance plan scrapped, but higher PhilHealth premiums take effect

Posted on No comments
OFWs packing their door-to-door boxes in Central.


By Daisy CL Mandap

There has been a mixed bag of surprises for overseas Filipino workers ahead of the start of year 2020.

First, the good news.  Mandatory insurance for all OFWs, including those renewing their contracts or returning to their workplace, has been dropped from the bill creating the Department of Filipinos Overseas.

That means, only those leaving the country for the first time to work abroad will still be the only ones compelled to pay the USD144 (HK$1,123) annual premium for what’s essentially a life insurance.

CALL NOW!

But at the same time, the 50% increase in the yearly premium for PhilHealth coverage has already taken effect this December. From Php2,400, every OFW earning the equivalent of more than Php25,000 a month is now obliged to pay Php3,600.

Both these impending charges, apart from the mandatory SSS contribution of up to Php2,400 per month, form the basis of a protest that a newly formed coalition has asked Consul General Raly Tejada to relay to concerned government agencies in Manila.

Informed that the House of Representatives in Manila has taken out the mandatory insurance provision from the bill creating the new department for OFWs, ConGen Tejada said: “A great day indeed”.

CALL OUR HOTLINE!

However, he was unhappy that congressional deliberations on the proposed bill are being carried out without consulting the primary stakeholders, the OFWs.

“While I look forward to better and focused services for Filipinos overseas with the creation of the said Department I hope there will be more hearings and consultations kasi importante na marinig ang kanilang opinion at saloobin patungkol sa panukalang batas,” he said.

The lack of consultation was among the grievances brought to his attention by a group called Rise Against Government Exactions, or Rage, made up mostly of community leaders.

In their initial dialogue with Congen Tejada in November, the group lamented that all the new government fees set to be levied on OFWs were decided upon without prior notice, much less, consultation with them.

Call us!

The move to expand compulsory insurance among OFWs was among the provisions of a consolidated bill tabled at the House on Nov 19. Section 46 of the draft legislation provides that compulsory insurance “shall be expanded to cover all overseas Filipino workers, including agency-hires, rehires, name hires or direct hires.”

Employers were supposed to pay for the insurance and the labor attaches on site (or consular officials in their absence) were to require proof of payment before issuing overseas employment certificates to the OFW.

But during a joint committee hearing on the bill on Nov. 26, several members of the House led by Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte reportedly agreed to scrap the provision, along with others that were not directly related to creating the planned government department.

This was confirmed by migrant rights advocate Susan Ople, who sits with the technical working committee that is drafting the proposed measure. Ople said other measures not related to creating the Department were also scrapped, like the one setting up an OFW Malasakit sa Kabayan Fund and another creating an  Overseas Labor Relations Commission.

“May rule kasi sa Congress na one bill, one subject matter,” Ople explained.

Ironically, the one who appeared to have fought hard to retain mandatory insurance in the bill was former Rep. John Bertiz, a recruitment agency owner whose party-list was supposed to represent OFW interests.

But while there was relief for OFWs in this arena, there was none on the implementation of the jacked-up cost of PhilHealth membership. The new rates officially took effect last Dec. 7, or 15 days after the publication of PhilHealth Circular 2019-0009.

In line with this circular, an OFW in Hong Kong will pay Php3,600 per year starting next year, but will gradually be charged more in succeeding years, until the annual premium reaches Php6,000 by the years 2024-2025.

But as the Philippine Overseas Employment Authority  has reportedly refused to make payments to PhilHealth and SSS as a requirement to the issuance of the overseas employment certificate, OFWs are theoretically still not compelled to pay for both charges. That is, until someone comes up with yet another ingenious ploy to squeeze the money out of them.
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

Ganito kaming mag Pasko sa HK, paano naman kayo?

Posted on 26 December 2019 No comments

Ni George Manalansan

May costume pa ang grupo ng Card HK nang mag Christmas party sa isang parke

Pagpasok ng Disyembre ay nagsisimula na ang grupo ng migranteng mangagawa na magsagawa ng kani- kanilang "Christmas Party" tuwing araw ng Linggo. Halos lahat ay may ka-tropa, kung hindi kababayan, kapamilya o kaibigan ay kasama sa simbahan, paglalakad, pagguhit o pagbibigay ng kaalaman sa mga kapwa OFW.

Ang pagdiriwang ay isinasagawa sa kung saan pwede, gaya ng parke, ilalim o ibabaw ng tulay, beach, restaurant at marami pang ibang pwedeng tambayan.

Samantala, ang mga may mababait na amo katulad ni Merly Bunda, isang Ilongga na beterana na sa Hong Kong, ay pinapayagan na mag-imbita ng kaibigan at kamag-anak sa kanilang bahay habang sila naman ay nasa paglalakbay.
 
Si Merly at mga kaibigan ay nagdiwang sa marangyang bahay ng amo sa Clearwater Bay

Uso din sa mga migrante ang exchange gift, at kadalasang iregalo nila sa isa’t isa ang accessories  sa telepono gaya ng powerbank, earphone, bluetooth speaker o charger, at mga personal na gamit katulad ng damit, pabango, coffe mug o cup, thermos at kung ano-ano pa.

Sa araw ng handaan, iba’t ibang pagkain ang dala ng bawat isa, at karaniwan nang may pansit, kanin at ulam gaya ng  adobong manok, lumpia, inihaw na isda, papaitan, pinakbet at iba pa. Siyempre hindi mawawala ang mga panghimagas tulad ng kalamay, maja blanca, cookies, kutsinta at iba pang kakaning Pilipino. Kung may nagdaraos ng kaarawan, sigurado ding may cake para mas lalong masaya ang pagdiriwang.

Medyo naiba lang ang pagdiriwang ng mga Pilipino sa Hong Kong sa mismong bisperas ng Pasko dahil ang nakagawian nang pagdaraos ng misa de gallo sa parke ay kinansela ng mga awtoridad at ginanap na lang sa loob ng Bayanihan Centre sa Kennedy Town.

Sabi ni Joan Reyes 30, isang Ilokana, nadama niya ang espiritu ng Pasko kahit malayo siya sa kanyang pamilya pagkatapos niyang magsimba sa araw ng kapaskuhan sa St. Teresa’s Church sa Prince Edward. Itinuloy niya ang pagdiriwang ng banal na araw sa pamamagitan ng pagkain ng masarap mula sa aginaldong bigay ng kanyang amo.

Para naman kay Elsa Simpao, 61 at Kapampangan, hindi na niya kayang magpuyat kaya sa mismong araw ng Pasko na siya nagsimba. Sa mahigit 20 taon niya sa Hong Kong ay marami nang nagbago. Maswerte daw ang mga magkakapamilya ngayon dahil mas madali nang magkausap kahit magkakalayo ang kinaroroonan. Noon, kapag nag abroad at hindi nakauwi ng dalawang taon ay ayaw nang lapitan ng anak ang OFW dahil hindi na kakilala. Pero ngayon sa pamamagitan ng video call ay patuloy ang komunikasyon sa pamilya sa Pilipinas at agad-agad ay nakakakuha ng sagot tungkol sa mga gustong malaman tungkol sa kanilang kalagayan.

Gayunpaman, hindi pa rin ito sapat kay Karen Santos, 55 at Bisaya dahil hanggang ngayon ay na ho homesick pa rin daw siya. Pagkatapos ng maghapong pagliliwaliw ay ang pamilya pa ring naiwan sa Pilipinas ang naiisip niya pag-uwi sa bahay ng kanyang amo. Isang malaking pagsubok daw ito sa mga nasa ibang bayan. Kahit nakaka video call na ngayon, hindi katulad noong mga unang taon niya sa Hong Kong, iba pa rin daw yung nakauwi ka sa panahon ng kapaskuhan.

Bigay-saya sa panahon ng Kapaskuhan

Posted on No comments
Maraming ngiti ang inani ng grupo na nagbigay-saya sa araw ng Pasko


Ni Ellen Asis

Namigay sa kapwa OFW na nakatambay sa Central ng maliliit na regalo katulad ng cellphone ring, cellphone stand, candy at chocolates ang magkakaibigang Ruth, Weng, Therese at Jocelyn na pawang miyembro ng Couples for Christ Hong Kong noong ika-22 ng Disyembre upang magbigay ng kaunting saya.

Ang balak nila noong una ay magpunta sa New Territories para pagmasdan ang mga sweet gum tree na nagpapalit ng kulay sa pagitan ng panahon ng taglagas at taglamig. Pero dahil hindi agad nakalabas ang lahat na miyembro ay nagkaisa silang gumawa na lang ng “random acts of kindness” sa kapwa OFW.

Bawat umpukan ng mga Pinay na sa tingin nila ay malungkot ay nilalapitan nila para makipagkuwentuhan saglit at subukan na mapagaang ang kanilang nararamdaman. Tinanong din nila ang mga ito kung ano sa tingin nila ang diwa ng Pasko.

Ayon sa mga nakausap nila ang Pasko ang pinakamasayang araw sa kalendaryo dahil ito ang araw ng kaarawan ni Hesukristo. Ito rin ang araw na nagsasama-sama ang pamilya habang masayang kumakain at nagkukuwentuhan, na sa Pilipinas mo lang kadalasang mararanasan.

Tuwang tuwa ang mga nakatanggap ng mga munting regalo mula sa grupo 

Isa sa nakaantig ng damdamin ng grupo ay ang tinuran ng isang Pinay na baguhan pa lang sa Hong Kong. Nakatalungko ito nang kanilang lapitan at nang tanungin nila kung bakit mukha siyang malungkot ay sinabi nito na hindi kasi alam ng kanyang pamilya na siya ay nasa Hong Kong na ngayon. Ayon pa sa Pinay napilitan siyang mangibang bayan dahil sa malaking responsibilidad sa pamilya. Pinayuhan naman ito ng grupo na huwag nang malungkot dahil anuman ang pagsubok sa buhay ay may kalutasan, basta humawak lang siya sa Poong maykapal. Naging maaliwalas naman ang mukha ng baguhan at tuluyang napangiti nang  bigyan nila ng regalong cellphone ring at cellphone stand.

Karamihan sa mga nakakwentuhan ng grupo ay nagpahayag na malungkot ang Pasko dahil hindi sila nakauwi at wala pang sweldo.

Bagamat maraming malulungkot na kuwento ang kanilang narinig ay naging masaya pa rin ang araw para sa magkakaibigan dahil may mga napangiti silang mga tao ng dahil sa ginawa nilang pakikinig at pagpapayo. 

Tinapos nila ang kanilang araw ng pahinga sa pagdalo sa simbang gabi sa Sacred Heart of Jesus Church sa Central.

Lungkot, tapang at tiyaga ng OFW sa araw ng Pasko

Posted on No comments
Midnight Mass sa Bayanihan Center sa Kennedy Town. (Photo by Weng LA)

by The SUN

Naglabasan na ang mga larawan ng Pasko ng mga OFW sa Hong Kong: Mga larawan ng kanilang pinuntahan sa araw na ito -- gaya ng Disneyland, mall o sa tabi-tabi lang sa Central -- ng kanilang mga suot na bagong damit at sapatos at, higit sa lahat, ng kanilang mga ngiti na nagpapahiwatig sa mga naiwan nila sa Pilipinas na, “Okay ako dito, huwag kayong mag-alala.”

Pero sa ilalim ng mga ngiting iyan ay nagtatago ang lungkot ng isang ina, isang kapatid, isang anak, o asawa, na nawalay sa kanyang pamilya sa pinakamasayang araw ng taon. Ang sabi ni Rosemarie Llaneta, na nagbigay ng buod ng buhay-OFW sa Pasko: “Worst feeling. Silang lahat masaya pero ikaw nagpapanggap lang na masaya.”

Sinuri namin ito at ilan pang mga comment na ibinahagi ng mga mambabasa ng The SUN nang itanong namin ang ganito sa isang post noong Dec. 19: “Maligaya ang Pasko sa Pilipinas. Paano mo idaraos ang Pasko kung ikaw ay nasa Hong Kong?”

Call us!

Umabot sa 51,420 na nakabasa ng post, 408 ang iniwan nilang “Comments”, at 169 ang nag-share ng post.

Nasa pagpaplano ang mapagpapalipas sa araw na ito, ayon kay Viktoryah Delosreyes Teodoro “Magsisimba, Video call sa family, konting iyak, kain, tulog... Then New Year na.” Dagdag ni Jho Anne: “Christmas na rin ‘yun.”

Ito naman ang plano ni Rainelyn Mondjar: “… maghanda ako ng simpleng Noche Buena kahit mag isa, sabay tawag sa family, mag suot lang ng red as symbol of courage , love and happiness as well.”



Nasa sa isip naman kasi ang Pasko. Ayon kay Zechariah Tongue Tower Ramlec: “Mag imagine na nkakasama mo cla… (Hang)gang imagine nlng… kaya ang lungkot ng pasko pag wla ka sa piling ng mga tao na nagpapahalaga sayo.” Dagdag ni Mergelin Ocampo: “Muni muni lng po, gawing masaya ka khit Hindi.” Dagdag ni Lerma Mansilungan: “Tinatawagan ako video call, kaya parang andon din ako pag Pasko.”

At may isa pa kaming natuklaasan: Ang tapang na suungin ang mga pagsubok sa buhay at pagtupad sa mga kailangan ng kanilang trabaho.

Payo ni Crizelda Bautista sa kapwa OFW: “Huwag palungkutin ang sarili, nandito ka para mag trabaho at para sa pamilya ang ginagawa mo, hindi mo kailangan mag emote ng mag emote. Laban lang at be positive.”

Nasa isip pa rin ni Jane Andres ang pamilya sa gitna ng kalungkutan:  “Mag overtym para may maipadalang panghanda ng familya sa New Year.”

Dagdag ni Nyltejuj De Lasam: “Ever since pg apak q dto sa bahay ni amo, wlng day off tuwing Xmas kc bc aq mg prepare at magluto pra sa Xmas party nila... Lunch till Dinner.., Asan kpa bagsak ang katawan. Pero konting tiis nlng lapit na aq mg for good.

Sang-ayon si Nick Medes Manriza: “Work mode lng po no choice isipin n lng basta happy family ok n rin sacrifice makakamit dn sa pagdating ng panahon."

May kanya-kanyang paraan ang mga OFW sa pagdaraos ng Pasko sa Hong Kong, 
gaya ng magkakaibigang ito. Photo by Weng LA.

Ang importante, hindi mawala ang pagtutok sa kung bakit tayo nasa Hong Kong. Ika nga ni Atcidineb Acarrab: “Batiin nalang sila, kasi alang magawa, may trabaho. Unahin muna ang trabaho para sa pamilya, may araw din na makapamasko sa Pinas.”

Dagdag ni Maltamay Salvador Dano: “Simple lang gawing makabuluhan ang araw ng pasko. Magsimba at magpasalamat sa taong nagdaan at isasaisip q isang araw makakasama q ang pamilya q sa araw ng kapasukan at hindi naman pang habang buhay malayo aq sa knila....dahil ang pansamantalang malayo aq ang adhikain q ay ang mapabuti ang kanilang kimabukasan.”

At ayon kay Caroline Isulan Macarahay: “Manood nlng s mga post nla habang nkahiga n minsan dna nkaantay ng 12 tulog n kc pagod s work pro msaya n rin bsta nkkita mo n msaya cla nkkainggit mn pro icpin nlng kng hindi dahil s padala mo bka hindi rin cla masaya.” Ganito rin si Elay Jaca Arconada: “Nood nlng ng kasiyahan nila sa Fb na taga pinas.piro ang luha ay dumadaloy... 9 yrs na wala ako tuwing Pasko at New Year sa Pinas. Sa mga mahal ko sa buhay.”

Dahil ang Pasko ay nataon sa Miyekules, ang bisperas ay isang regular na araw ng trabaho. Kaya naman, habang ang kanilang mga pamilya ay nagtitipon-tipon sa bahay para sa media noche at bigayan ng mga regalo sa isa’t isa, karamihan sa mga OFW na nag-comment ay matutulog na lang.

Ika ni Leah Bungag Guanzon: “Itulog ang pagod sa maghapon.” Dagdag ni Civoryvoj Campang Ferrera: “Tamang tulog lang po.” Amalia Acorda Guieb: “Wala lng ayun at may rally sa pasko itulog nlng yan at lilipas din.” Dang Dang: “Nasanay na ako sa 10 na taon na matulog tuwing pasko. Sana darating ang panahon na makasama ko naman family ko sa Christmas.” Rose Reyes Pagarigan Masangya: “Kung puede lang lumipad saglit paue ng pilipinas siguro nagliparan na tayong lahat ng ofw makasama lang ang mga mahal natin...pero di puede kaya tulog na lang tayo kinabukasan dina pasko saklap ng life.” Susan Oronia Castro: “I want to sleep more para makabawi ng lakas.”

May hindi makalabas sa araw ng Pasko, gaya ni Geenette Coloma: “Normal day...kuskos pa rin kasi hindi pinapalabas ng amo..(palit araw sa bakasyon nila). Si Emelita Balasabas Cempron: “Ako wala pasko huhuhuh kasama alaga na bata ,,,” At si Gras Ya: “Stay at home with 2doggies.” Benedict Dumelod: “Eh ano pa, d mag trabaho lng ... yan nman ang pinunta natin d2.”

Pero nasa tao ang pagpili kung magiging malungkot o masaya. Pinili ni Yolly Lobenia Cerveza na maging masaya “Birthday ng amo ko...kaya my party kami sa bahay sabay na den ang xmas party namin kaya masaya ang pasko ko dto sa hongkong. kasama ko mga amo ko… thank you Lord!” Hindi naman mapigilan ni Malene Guzman Dalit ang maging malungkot: “I will spend my xmas in China haha. Sad.”

Pero siyempre, hindi pa rin mapipigilan ang paghahanap ng kasiyahan ng karamihan. Si Jona May Love, huhugutin sa espiritwal ang kaligayahan; “Nanjan nmm c Lord kaya sapat sapat na po..cia ang mgpupuno ng kagalakan sa mga puso natin para wag ma-homesick.”

Ang iba ngaman ay may kanya-kanyang paraan upang mapawi ang lungkot ng Paskong malayo sa pamilya:

Reh Tse Enciso: “maidaraos k ang pasko sa hk together with my friends...uupo s.park kakain..kwentuhan at. syempre ...ka vdeo call ang pinas nkakamis magpasko sa pinas pero ...kylangan magtiis d.sla mksama pra s future.

Marisean Artuz Lerona: “Idaan sa tagay pag may tym poh ,mnsan lng nman.”

Genelyn Cadungog: “Mag busy busy han. Hehehehe normal nlang.”

Mharj Jhorhie Ahsun-ciohn: “with my Mission Movers Hk family...”

Lenie Paras: “Try to enjoy with friends, khit malayo sa pamilya khit magJollibee lang sa Pasko n New Year.”

Anabelle AsawapadinniRichie Nonato: “Sa church kasama churchmates na pamilya n din ang turing sa isat.isa.

Habibti Yat Yee Sei: “I'm going to China for 1 day tour...”

Mary Jane Galletes: “May Christmas party kami sa simbahan, may midnight mass din.”

Fanny Sendin Joveda Celebrate w/ freinds and visit some of our kababayans in shelters

Melody Ramos Leigh: “It's shopping time .....samantalahin ko ang big sale.”

Joan Lee: “Stay at home and watch NETFLIX AND ANIME.”

Lulu Grande Ralutin: “Going to china for 1day tour..pra maiwasan ang homesick.”

Sjflorejie Jimenez: “Magsaya din kahit saang lugar ka basta alam mo ang kahulugan ng Pasko Masaya at kontento walang lungkot na mangyayari. GOD IS ALWAYS WITH ME.”

Maricho Isaac Last year inabot aq.ng 1 am sa work.na cancelled yong sana masasayang gathering get together bonding.mukhang will repeatedly again ngayon pasko.sabi kasi ni boss may mga bisita daw kaya trabahong bahay pa din. nakaplano na sna yong hiking and barbecue.”

Arze Jax: “Nood ng horror movie sa kwarto ko not expecting any from my family.. yun nga lang mag msg kung nakuha na nila padala ko di pa magawa mag greet pa kaya sa pasko? hay buti pa manood ng movie kesa umasa.”

Divina Cahindi Apostol: “Pupunta kami sa macau.”

Emelyn Cimatu Cacay: “We will be having a volleyball one day league for a cause para sa mga kapatid nating nasalanta ng bagyo.”

Neth Torrejas Ramos: “Magcamping overnight.”

Glorifel Salvador Perez Leshyelle: “Sight seeing  beautiful places W my bosses.”

Lynch Delramo: “Tinatanung pa ba yan? Sympre pagkagaling magsimba bibili ng carton e lalatag sa kalsada or tulay mahihiga buong maghapon..”

Candie Aguel: “Go to church and thanks for everything. Because without God in our heart we do nothing. Thanks for all the blessings that he gives to me and to my family now and forever.

Mirasol N Ordanez: “Mag church po. pag uwi tawagan ang family before sleep.”

Dela Cruz Andres Lie: “Punta sa church magdasal sa lahat ng mga biyayang binibigay ng panginoon sa araw araw.”

Lovely Tamondong - Suliva Tatawag ako sa pamilya ko saktong 12:00 am para kahit wala ako sa pasko parang kasama ko na sila sa Noche Buena

Lani Tamesa Calinao: Uupo lang sa park.”

Nhen Torres: “Gawa ka rin ng sarili mong xmas tree, enjoy ka rin dyan sa kuarto mo. Ako may sariling Christmas village hahahaha. Huwag I stress ang sarili sa ikaw nman ang nag decesyon sa pinili mong trabaho . 18 years dito lahat sa HK  ang Christmas ko.”

Myra E. Calina: “Simple lang kaunting salo.salo ksma ang mga kaibgan at my palaro at papremyo din kaming gagawin para maging masaya ang pasko nmin kahit malayo s pamilya.”

Archie Jella Duking Garbin: “Kuskus piga.”

Raquel Casidsid: “Bbq w/friends.”

Emma Centro Miñoza: “Window shopping.”

Liezl Mitchell Ricafort: “Tambay sa park kasama friendship Simba muna bgo tambay.”

Mayroong may planong maging sutil, gaya ni Morales Frediana Manipon: “Magpapaputok ako. Bawal daw sa labas kaya sa loob na lang.”

Ilan sa nag-komento ay nakaraos na sa hirap ng Paskong OFW, gaya ni Yolanda Tadalan Caag: “Hirap tlga pag mlayo sa pinas ang Pasko, Buti ako,dito na sa pinas forgud na, hayahay na buhay.” Dagdag ni Lorvie Bariuad: “14yrs ako di nagpapasko sa Pinas. Ngaun dalawang pasko na ako nagpapasko sa mahal kong pamilya.”

Si Valos Bucsit Lalice naman ay ganito ang pananaw: “Kaht d christmas wlang sawa aqng ngpa2salamat sa Panginoon dhil sa 8yrs na wlng Christmas jn sa hk now dto na kasama anak q… ganon dn ang buhay..nata2kot aq noon pano f forgud na aq un pla ganon dn bzta maronong kng mg ipon..uwi na sarap buhay sariling atin... Merry Christmas po mga kakonyang.”

Isang pagbati na, para kay Macky de Guzman,  ay naging inspirasyon upang kumatha ng isang awit. Ika niya: “Sana mapakinggan nyo ang simpleng kanta ko para sa ating mga OFW kabayan. Salamat po! ” Ang titulo nito ay “Pasko na malayo sa pamilya.” Matutunghayan ito sa: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=115033409953525&id=104925657630967
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.



Don't Miss