Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Huli man daw at magaling, may ipon na rin

Posted on 04 March 2020 No comments

Ni George Manalansan

Mga opisyal at miyembro ng Card HK Foundation: Isa si Vienne sa mga libo-libong
OFW na nakinabang sa kanilang libreng pagsasanay tungkol sa pananalapi

Ang isang migrante, kapat nalingat o nalibang sa pakikisama sa mga kapwa Pinoy na walang ambisyon, ay nawawalan ng balanse sa pamumuhay. Swerte kapag ang grupong nasamahan niya ay yung mga masisipag, maabilidad at marunong sa buhay, pero paano kung hindi?

Isa si Vienne, 48, at isang tibo, sa mga naligaw ng landas sa mga unang taon niya sa Hong Kong. Mistulang nakatulugan niya ang paghahanda para sa kinabukasan nang makatatlong nobya siya at nalulong sa barkada sa unang siyam na taon niya sa Hong Kong.

PRESS FOR MORE INFO

Dahil sa barkada ay hindi siya nakapag-ipon, at nabaon pa sa utang, hindi lang sa Hong Kong kundi pati sa Pilipinas din. May isang taon na halos lahat ng kinita niya ay pinambayad lang daw niya sa kanyang mga patong-patong na utang.

Nagsimula lang siyang makabangon noong taong 2017, nang mabasa niya sa isang dyaryong Pinoy ang tungkol sa Card Hong Kong Foundation na nagbibigay ng libreng pagsasanay sa paghawak ng pera.
Dumalo si Vienne sa sumunod na pagsasanay, at agad siyang nagising sa katotohanan na dapat ay pinag-ipunan din niya ang kanyang sarili. Laking panghihinayang niya sa panahong lumipas at sa laki ng perang dumaan lang sa kanyang mga kamay. Napag-isip isip niya na ang kapalit ng perang kanyang nilustay ay lakas, pawis at luha, at pati na rin ng lungkot sa pagkakawalay sa kanyang pamilya.

Masakit din sa dibdib ang mga naging problema niya sa utang dahil may mga magulang siya at isang kapatid na may kapansanan na umaasa sa kanya.

Press here to get the App

Nitong huling apat na taon niya sa Hong Kong ay paunti-unti siyang bumangon sa pagkakautang, at tiyempo naman na nakadalo siya sa financial literacy training ng Card Foundation, kaya mas naging maganda na ang pananaw niya sa buhay.
Sa laki ng pasasalamat niya sa grupo ay sumanib siya sa hanay ng kanilang mga tagapagsanay. Kahit sa ganitong munting papel ay nais niyang makatulong para mamulat ang mga kapwa niya migrante na agad bigyan ng pansin ang paghahanda para sa  kinabukasan.
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer o kanilang website. Pindutin ulit and auto diaoer upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin isa-isa ang mga numero.





Filipino suicide victim to be cremated in Phl

Posted on 03 March 2020 No comments
By Vir B. Lumicao

Elmo's studio is located in this building on Des Voeux Road Central

The remains of Elmo, the Filipino musician and sound studio owner who police said   hanged himself to death in Sheung Wan, will be flown home for funeral services and cremation.

But his ashes will be brought back to Hong Kong where his wife and their two children live, according to sources in the Filipino community.
The parents, siblings, relatives and friends of the 40-year-old victim reportedly want to pay their final respects to him, hence the funeral services and his cremation in his native Laguna.

Elmo, who owned a sound studio and pub in a commercial building at 214 Des Veoux Road Central, was found dead by his 45-year-old Filipina wife at about 6:48pm on Feb 23.
The police said the victim used a wire to hang himself from the ceiling of his studio where he used to entertain customers in jamming sessions where he was the sound mixer.

Elmo, who used to be a family driver, also gave guitar lessons to members of the community.

But he is most fondly remembered by many for helping Filipino migrant workers in their times of need.

One cancer patient who used to work for him and his wife expressed her grief in a post on Facebook shortly after news of his death reached her.
The woman said in her post that she couldn’t forget the day when Elmo had to take leave from work so he could escort her back to the Philippines.

“Ito yong pic nong nagkasakit ako sa Hong Kong, siya talaga yong nag-volunteer na ihatid ako sa Pinas kahit may work dapat siya non. Share ko lang to, ang sobrang lungkot ko at masakit lang isipin ang biglaang pagkawala nya,” the woman said.

“Hindi lang ako ang natulungan kundi ang dami na rin sa iba namang paraan.” 

Elmo’s friends in Hong Kong, as well as his employer, are raising funds needed to repatriate his remains. 


---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer o kanilang website. Pindutin ulit and auto diaoer upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin isa-isa ang mga numero.




Corona tales ng 2 OFW sa HK

Posted on No comments
Ni Rodelia Villar

Sina Maribel at Trisha ay kabilang sa tinatayang 20,000 Pilipino na tinamaan ng travel ban sa HK

Isa si Maribel R. sa mga naapektuhan ang pagbalik sa Hong Kong dahil sa paglaganap ng novel coronavirus.

Umuwi siya noong Jan . 15  at dapat ay nakabalik na noong Feb. 3 pero dahil sa travel ban sa Hong Kong ay na cancel ang kanyang flight pabalik at na-stranded siya sa Pilipinas. Mabuti na lang at walang pasok sa eskwela ang dalawa niyang alaga kaya nagpasya ang kanyang amo na umuwi na muna sila sa South Korea hanggang hindi pa siya nakakabalik sa Hong Kong.
Laking pasasalamat ni Maribel dahil hindi siya nawalan ng trabaho kahit hindi siya nakabalik sa Hong Kong sa takdang araw, at patuloy pa siyang pinasahod ng kanyang amo.

Si Maribel ay single mother,, 41 taong gulang at tubong Capiz. Ang mga amo niyang Korean ay sa Shatin nakatira.

PRESS HERE TO TRACK YOUR BOX NOW!


Samantala, si Trisha naman ay lumipad pauwi sa Pilipinas noong Feb. 2, kung kailan ipinatupad ng pamahalaan ng Pilipinas ang travel ban sa China, Hong Kong at Macau.
Maaring pumasok sa bansa ang mga Pilipino, pero dapat silang mag quarantine sa loob ng 14 na araw.

Alalang alala si Trisha sa kung ano ang posibleng mangyari sa kanya pagdating sa Maynila, pero hindi na siya nagbukas pa ng Facebook para hindi niya masagap ang mga balita tungkol sa kaguluhan sa Pilipinas ng mga oras na yun. Basta sinunod na lang niya ang lahat ng habilin sa kanya sa check-in counter at inisip na bahala na kung talagang ma-quarantine siya pagdating sa Pilipinas.

Press here to get the App

Mabuti na lang at wala naman naging aberya paglapag ng kanilang eroplano. Binigyan lang sila ng briefing at pina fill up ng kulay dilaw na papel, at saka sinabihan na may kukumusta sa kanila habang sila ay naka home quarantine para malaman ang kanilang kalagayan. Pagkatapos nito ay diresto na siyang umuwi sa kanyang pamilya.
Ang hindi lang niya inaasahan ay tatagal ang bakasyon niya sa Pilipinas dahil sa ban sa lahat ng Pilipino na paalis papuntang Hong Kong. Pagkatapos ng 16 na araw ng puno ng agam-agam ay tinanggal na rin ang ban para sa lahat ng Pilipinong residente o migranteng manggagawa na pabalik sa Hong Kong.

Si Trisha ay dalaga, 35 taong gulang, at taga Cavite. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Yuen Long.


---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer o kanilang website. Pindutin ulit and auto diaoer upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin isa-isa ang mga numero.



Ang kapalaran mo sa Marso

Posted on No comments

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96/08
Magkakaroon ka ng ng mga katanungan sa sarilia gaya ng: May katuturan ba ang buhay ko? Masyado ba akong naging abala sa ibang bagay sa halip na bigyan ng atensyon ang importanteng bagay? Ang buhay ko ba ay lumalago o unti-unting nasisira? Marami kang malalaking bagay na magagawa sa panahong ito. Balewala ang masasakit na salita na ipinupukol sa iyo ng ibang tao pero mag-aalala ka sa iyong pamilya. Lucky numbers: 7, 18, 22 at 37.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97/09
Magiging organisado ang iyong buhay at magiging maayos din ang lahat ng bagay. Ang iyong enerhiya ay magagamit mo ng husto sa pagbuo ng iyong malalaking plano. Huwag sayangin ang oras sa mga bagay na hindi pa handa o plantsado. Mag-ingat sa labis na acid sa tiyan na maaaring mauwi sa ulcers. Bantayan din ang kalagayan ng atay at bituka. Lucky numbers: 16, 23, 30 at 42.

PRESS FOR MORE INFO

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98/10
Lalabas ang pagka-romantiko mo sa panahong ito kaya nauudlot pag-usapan ang problemang sekswal. Dagdagan ang pag-iingat sa usaping pinansiyal dahil maaaring magkamali ka sa iyong mga desisyon. Iwasang maglabas ng pera sa mga bagay na hindi ka nakakasiguro. Natututo kang makibagay na makakatulong ng malaki sa mga susunod mong gagawin. Lucky numbers: 9, 17, 29 at 33.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87/99
Pagkabigo at panghihinayang ang mararanasan mo ngayon. Mag-ingat ng husto upang makaalpas ng hindi ka gaanong masaktan. Hindi ka nakakatulog ng maayos na maaring sanhi ng dami ng kinakain o dahil masyadong atrasado ang oras ng hapunan. Iwasan din ang pag-inom ng kape, tsaa o soft drinks sa gabi. Kontrolin ang galit upang hindi maapektuhan ng husto ang relasyon sa pamilya o ka-trabaho dahil ikaw din ang mahihirapan. Lucky numbers: 15, 24, 36 at 44.

PRESS HERE TO TRACK YOUR BOX NOW!

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88/00
Dahil sa bagong kakilala o bagay na natutunan kaya masisira ang mga dati mong paniniwala at mga nakasanayan na maaari ring magdulot sa iyo ng pagkabalisa. Kailangan mo ng bagong kapaligiran at makakita ng bagong mukha at tanawin upang lumawak ang pananaw- ang paglalakbay sa malayong lugar ay makakatulong sa iyo. Mababawasan ang pagiging palaaway mo at gugustuhin mo nang maghintay at maging kalmado. Lucky numbers: 12, 25, 30 at 42.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89/01
Maaasahan mong matutuloy na ang mga nabinbing plano at dahil sa kaunting swerte at intuisyon ay magkakaroon ng katuparan agad ito. Masaya ang love life para sa mga single. May makikilalang tao na kapareho mo ang hilig o gusto, at makakatulong sa iyo na malampasan ang nakakailang na mga sandali. Magandang oportunidad din na makatuklas ng ibang bagay upang maging mas palagay ang loob mo at mas maging maunawain. Lucky numbers: 6, 18, 34 at 40.

Press here to get the App

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90/02
Gagana ng husto ang mapanlikhang isip at magtatagumpay ang iyong plano. Huwag ka lang masyadong maging excited na magkamali sa paghusga sa mga tao at sitwasyon. Mag-ingat sa sakit na may kinalaman sa puso. Iwasan ang pagmamadali at labis na pagod. Nag-aalinlangan ka sa ipinapakita ng taong alam mong mahal ka, dahil taliwas ang ikinikilos nito. Lucky numbers: 11, 16, 28 at 39.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79/91/03
Patung-patong na kamalasan ang nararanasan mo kaya nawawalan ka na ng kompiyansa sa sarili. Kalmahin ang sarili at labanan ang labis na kalungkutan. Huwag magpa-impluwensya sa mga kaanak dahil baka ang mga ipinapayo nila ay lalo lang magpapalala sa sitwasyon. Mainit ang lagay ng relasyon, huwag maging biktima ng ilusyon na kung talagang mahal ka, dapat ang buong oras ay isipan nito ay ilaan lamang sa iyo. Lucky numbers: 2, 19, 32 at 43.

Tunghayan ang kwentong Dream Love.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92/04
May mga pagtatalo sa karelasyon. Kung single, mas magiging matapang kang ilabas ang saloobin. Piliting ayusin ang hidwaan na matagal nang sumisira sa relasyon mo sa mga malalapit sa iyo. Masaya ang tahanan; ang asawa mo ay magpapakita ng dagdag na atensyon at pagmamahal. Hindi mo napapansin ang mga kamalian mo; para kang mata na nakikita ang lahat pero hindi ang sarili. Lucky numbers: 11, 16, 25 at 45.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93/05
Kontrolado mo ang iyong isip at pangangatawan kaya malamang na magtagumpay ka sa gusto mong gawin, kaya lang ay dapat na gawin lang ito sa abot ng makakaya mo. Ang intrigang nangyayari sa mga kasamahan mo ay ikasasama mo ng loob, masakit na leksyon ito upang maintindihan mo ang natural na ugali ng mga tao. Piliting makontrol ang paninigarilyo. Lucky numbers: 9, 12, 18 at 34.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94/06
Tensyonado at nerbiyoso ka sa panahong ito kaya nagkakaproblema ka rin sa panunaw. Ito ay dahil naiinis ka dahil hindi nasusunod ang gusto mong mangyari. Problema sa pera, pagbabalik ng mga dating alitan, at panghihina ng loob ang mga mararanasan ngayon. Pero panandalian lang ito at lilipas agad, kaya ang maliliit na hindi pagkakaintindihan ay huwag nang palakihin pa. Lucky numbers: 6, 19, 26 at 45.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95/07
Maayos ang kalusugan at matuwid ang pag-iisip, alam mong timbangin ang oras sa trabaho at para sa sarili. Masaya rin ang tahanan. Magiging sentro ng iyong pananaw at pag-iisip ang ikabubuti ng iyong pamilya kaya igagalang mo ang gusto ng bawa’t isa. Kung nag-iisip ka ng mahalagang bagay na bibilhin gaya ng bahay o sasakyan, gawin mo na ito ngayon habang may kakayanan ka pa. Lucky numbers: 7, 14, 27 at 36.
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer o kanilang website. Pindutin ulit and auto diaoer upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin isa-isa ang mga numero.


Trouble getting OEC exemption? Here’s why, Labatt explains

Posted on No comments
Labatt Mel Dizon at the Filcom meeting with his deputy, Tony Villafuerte

If an overseas Filipino worker is returning to the same employer after his vacation but can’t get an OEC (overseas employment certificate) online, chances are he has been put on a temporary watchlist because someone has filed a complaint against him.

Thus said Labor Attaché Mel Dizon, in answer to a question by a Filipino community leader regarding a domestic worker’s failure to acquire OEC exemption through the Balik-Manggagawa Online portal.

Global Alliance officer and Consulate volunteer Marites Nuval raised the issue in the open forum of last Sunday’s community meeting at the Consulate.
Nuval said that as a Polo volunteer assisting BM Online applicants since 2016, she had seen no fewer than 10 cases of workers returning to the same employer being unable to get OEC exemption online.

She said that acquiring the OEC exemption online is normally easy because the only problem encountered by many is when they forget the passwords to their email accounts which they used in registering with BM Online.

PRESS HERE TO TRACK YOUR BOX NOW!


But Nuval said that there were cases when the worker couldn’t get the exemption due to a documentation problem, such as having a namesake in the Philippines. If this was the case, the worker would be asked to show an NBI clearance before being allowed to exit the country.     

“Since 2016, hindi lang 10 ang na-encounter naming ganun, so, hindi po sila ma-exempt dahil sa “documentation” po parati ang lumalabas,” Nuval said.
 
Former Labatt Jalilo dela Torre on outreach mission in Lamtim for BMOnline registrants
Labatt Dizon said there could be another reason, and that was if the worker was on the Immigration watch-list for leaving the country despite a case having been filed against him or her in court.

He said chances are a subpoena had been issued to the worker and he did not reply to it or did not appear in court to face the complaint.


In some cases, when somebody files a complaint against a worker, say, an employer complains directly to the POEA regarding a contractrual violation, the POEA issues a subpoena to gain jurisdiction over the case, Labatt Dizon said.

“Ang gagawin ng POEA para makakuha ng jurisdiction, mag-iisyu ng summons to appear within a certain date. Kapag hindi ka nag-appear doon, ilalagay ka sa temporary watch-listing,” the labor official said.    

The workers need to appear at the POEA and answer the complaint against them, then possibly file a motion for reconsideration or request the lifting of the watch-listing, he said. “Kawawa rin naman kasi yung nagreklamo kung hindi ka nag-appear.”

Tunghayan ang kwentong Dream Love.


“Katulad din iyan pag may reklamo sa isang agency, eh. Para magkaroon ng jurisdiction ang POEA, mag-iisyu ng subpoena para mag-appear yung agency at sagutin ang reklamo,” he said. If the agency fails to appear, it will be put on the watch-list.

“Iyon kasi ang pagkuha namin ng jurisdiction sa inirireklamo para malaman namin kung totoo yung reklamo. Iyan yung constitutional due process, eh,” he said.

---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer o kanilang website. Pindutin ulit and auto diaoer upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin isa-isa ang mga numero.


Don't Miss