Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Filipina cleared of theft filed by employer of 12 years - as she was set to go home

Posted on 03 August 2022 No comments

By Daisy CL Mandap

 

Aileen is finally able to smile after getting help from different groups and people

A Filipina domestic worker was left distressed and fuming after her employer of nearly 12 years had tried to get her arrested for allegedly stealing a Rolex watch just four hours before she was set to go home for good on Monday, Aug. 1.

The employer, R. Yau, called the police to her home in Tai Wai shortly after 5am, just as 41-year-old Aileen Dapito was preparing to go to the airport for her 9:15am flight to Manila via Cebu Pacific.

The police promptly arrived but after a thorough search of Dapito’s belongings which were already packed in preparation for her trip, they found no trace of the missing watch.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Despite this, the Filipina who is single, an education graduate and resident of Mindoro Oriental,  was taken to the Shatin police station for further questioning. She was released after an hour, during which she was asked to make a statement.

By this time Dapito had already missed her flight, and she had nowhere to go. She overheard her male employer telling his wife to cancel her flight, so she knew she could have a problem getting onto the airline’s next flight to Manila.

Besides, the police told her to wait for their call, so she knew there was a risk of her being barred from leaving Hong Kong even if she was not formally arrested.

As if what she had to go through was not enough, Dapito read a story in an online media site published shortly after she was released by police that totally distorted what had happened.

According to the story, the foreign domestic worker accused of having stolen a watch worth $200,000 had managed to take a flight home before the theft was discovered.

Bakit ganoon ang balita? Maling mali!” (Why was the story written that way? It was totally wrong), a tearful Dapito asked over the telephone.

Press for details

She said her parents and boyfriend had just heard about what happened to her and were as distraught. They asked her to fly home as soon as she could so she could put the traumatic experience behind her.

Asked about the case, a police spokesman said yesterday that no arrests were made and there was no suspect. He said it was just a case of police assistance being sought for investigation.

As for the erroneous news item which had been attributed to the police, the spokesman said a press statement giving out the correct information had already been released.

Luckily, Dapito was not treated like a suspect at the police station so she managed to contact several friends who told her to seek help from the Mission for Migrant Workers, so from Shatin, she went directly to the NGO’s office in Central.

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love

By Monday night she had already been placed in a shelter in Jordan run by Catholic priest Fr John Wotherspoon, and by yesterday afternoon, was at the Consulate to get help in ensuring she will not be stopped at the airport when she next books her flight.

She is now just waiting for the Consulate to get the police to give her the all-clear so she can go home – or pursue a claim for compensation as what many of her friends have advised her to do.

Dapito told The SUN she was still shocked by what happened, and also hurt and puzzled as to why her employers of so many years had tried to get her arrested for something she did not do.

As she told the police in her statement, she never saw her employer wear a Rolex watch, which she was told costs $300,000. All she knew was that her employer, who dressed simply, had worn either a Casio or an Apple watch.

Part of Ailene's statement says she never saw the watch she supposedly stole

The last time the employer claimed to have worn the watch was a year ago, and since that time, at least three other domestic workers had stayed in their 3,000 square-foot home, apart from her husband and two children aged 11 and 7.

In addition, the employer said she had kept the watch in a locked drawer, and Dapito said she was never given the key to that drawer.

What pains the Filipina worker even more is that in all the years that she had worked for the Yans she had come to love her female employer and her two children so much that she was convinced to put off retiring a couple of times.

When her fifth contract ended in October last year, Dapito said she was set on leaving but she was again asked to stay because the two helpers who were supposed to replace her had not yet arrived.

She agreed and set the deadline again in December last year but was again persuaded to stay because the second helper had yet to arrive.

In all those years, Dapito said she did not ask for a salary increase, and was given only an extra $1,000 when she agreed to sign up for her last contract - and that was only because she had to work alone in the huge house with three floors and six bathrooms.

Little did she know that the family she had served loyally for nearly 12 years would put her through her worst nightmare in Hong Kong. Now, she is considering pursuing other legal means to get redress for the wrong that was done to her.

CALL US!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Pinagmulta ng $4,000 dahil nakitaan ng vape

Posted on No comments

 

Pinagmulta ng $4,000 ang Pilipino matapos umamin sa sakdal sa Eastern Court

Pinagmulta ng $4,000 ang isang Pilipino sa Eastern Magistracy matapos itong umamin sa sakdal na pagdadala ng vape (o electronic cigarette) na may nicotine, na kasali sa mga inilista sa batas na nakakalasong kemikal.

Hinuli si R.A., 27, isang waiter sa Wanchai, noong gabi ng April 22 nang sitahin siya ng pulis at makita sa kanyang bag ang isang vape at tatlong vaping pad na nakababad sa 0.8 at 1.5 gramo ng likidong nicotine.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

 “Hindi ko kasi alam na bawal,” ika ni R.A. bilang paliwanag nang tanungin siya ni Magistrate Law Suk-han kung ano ang masasabi niya sa kaso laban sa kanya.

Sa labas ng korte, sinabi niya sa isang panayam sa The SUN na nakakalungkot na hinuli siya 10 araw bago ipinagbawal ang pag-aangkat, pagtitinda at paggamit ng vape at iba pang “alternative smoking product” sa bawal na lugar, sa ilalim ng Smoking (Public Health) (Amendment) Ordinance 2021.

Pero hindi ang batas na ito ang ginamit na batayan ng kaso laban sa kanya kundi ang Pharmacy and Poisons Ordinance (Cap. 138). Sa ilalim ng batas na ito, ang pagdadala ng kahit na anong kemikal na nakakalason katulad ng nicotine ay pinaparusahan.

Matapos ang pag-amin ni R.A., tinanong ng mahistrado sa mga abugado sa magkabilang panig kung ano ang karaniwang parusa sa ganitong kaso.

Press for details

Sinabi ng taga-usig na kailangan niyang mag-saliksik para sa sagot.

Sumagot naman ang duty lawyer na itinalaga kay R.A., na ang pinakamabigat na parusa sa ganitong pagkakasala ay multang $100,000 at pagkakakulong ng dalawang taon.

Pero, dagdag niya, karaniwan ay nauuwi ang parusa sa multa.

Sa paghahatol, nakiusap ang abugado ni R.A. na isaalang-alang ang malinis niyang record, na ang nakuhang kemikal ay pansariling gamit lamang, at hindi siya nakitaan ng kahit anumang droga.

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love

Sa huli ay pinagmulta si R.A. ng $4,000. Pinayagan din siyang ibawas dito ang nauna niyang ibinayad sa korte na $500 bilang piyansa upang makalaya habang dinidinig ang kaso.

“Akala ko ay mga $2,500 lang ang babayaran ko. Pero at least, makakahinga na ako ng maluwag,” ika niya habang naghihintay sa cashier na tawagin ang pangalan niya upang tuluyan nang isara ang kanyang kaso.

CALL US!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

HK’s infection tally drops to 4,123 but deaths rise to 11

Posted on 02 August 2022 No comments

By The SUN

 

10 of today's fatalities were aged 65 and above, and only 2 completed 3 vaccine jabs

Health authorities on Tuesday expressed concern about the rise in the number of deaths among patients who test positive for Covid-19, as the city recorded 11 new fatalities.

Speaking at the daily conference, Dr Lau Ka-hin of the Hospital Authority said that the number of deaths each day has increased, compared to about a month ago.

"In early July, there were only a few (death) cases per day, one to two, or two to three. But in the recent week, there were an average of five to six deaths per day. Last Tuesday, we had 10. Today we have 11," Lau said.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

This means, according to him, that the continuing rise in the number of infections in the community has led to an increasing proportion of patients falling seriously or critically ill, and some of them may die.

Official figures, however, show that the fatality rate remains at 0.7 percent.

The latest fatalities comprised four males and seven females aged 22 months to 96 years old. Except for the toddler whose death was announced yesterday, all the deceased were aged 65 and above, and only two completed three vaccine doses.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

They took the number of deaths in the fifth wave to 9,307.

The authorities also reported an additional 4,123 Covid infections, including 234 that were imported.

The countries where at least 15 infected patients had come from were: India, 30; United Kingdom, 26; United States, 22; Philippines, 21; Singapore, 18; Thailand and Malaysia, 15 each.

A total of 1,536 are now receiving care in public hospitals, after 171 additional patients were admitted overnight.

Separately, Dr Chuang Shuk-kwan of the Centre for Health Protection said the government is talking to BioNTech about obtaining its Covid vaccine for young children, after learning from experts that it’s not feasible to dilute adult doses.

Infants as young as six months can get the same dose as adults of the Sinovac vaccine but they must be given only one-tenth of the adult dose for BioNTech.

Press for details

One of the government’s pandemic advisers, Prof David Hui, said studies have shown that the BioNTech vaccine does not result in serious side effects in young children, such as myocarditis, or death.

For the Sinovac vaccine, the side effects that have been reported were mainly local, such as pain on the injection site, fever, cough, diarrhea and vomiting.

The Health Department announced earlier today that it approved experts’ recommendation that the age for receiving a Covid vaccine be lowered to six months from the previous three years old.

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love

Young children between six and three months can get jabs starting at 9am on Thursday, Aug 4.

On the same day, people aged 50 to 59 who have received three doses can also get the fourth dose of either BioNTech or Sinovac if they received their last jab at least three months earlier.

Those qualified for a vaccine can make reservations online via the booking system for the vaccination and get their jabs at community vaccination centers or designated clinics.

CALL US!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!


Nangurot ng alaga, sinentensyahan ng 6 na linggong pagkakakulong

Posted on No comments

 

Hinatulan ang Pilipina sa Kowloon City Magistracy 

Anim na linggong pagkabilanggo ang ipinataw ngayon (Aug. 2) sa isang Pilipinang domestic helper matapos siyang umamin na kinurot sa braso ang alaga niyang anim na taong gulang na batang lalaki.

Si Robina Victore, 33, ay agad pinalaya dahil nakakulong na siya nang halos walong linggo, na labis na sa kanyang parusa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang hatol kay Victore ni Acting Principal Magistrate Peony Wong ng Kowloon City Magistracy ay nagsimula sa siyam na linggong pagkabilanggo. Binawasan niya ito ng isang ikatlo -- o tatlong linggo -- dahil sa pag-amin ni Victore at paghingi ng kanyang abugado ng kaluwagan.

Sinabi ng abugado na nasaktan ni Victore ang bata, na alaga na niya mula noong ito’y isilang, dahil sa bugso ng damdamin at hindi niya naisip ang legal na kahihinatnan nito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Binanggit din ng abugado na sumulat si Victore sa mga magulang ng bata para humingi ng tawad at magsabing pinagsisisihan niya ang nagawa.

Idinagdag nito na gusto na rin ni Victore na umuwi nang tuluyan upang maalagaan ang kanyang ina.

Naganap ang pananakit noong umaga ng Jun 7 sa bahay ng amo niya sa Ho Man Tin sa Kowloon.

Ang kurot ni Victore sa kanang braso ng alaga, na tinawag lang na X sa mga dokumento sa korte, ay nag-iwan ng sugat.

Press for details

Nagsumbong ang bata sa ina, at dinala siya sa Queen Elizabeth Hospital. 

Sa imbestigasyon ng pulis, unang itinanggi ni Victore na sinaktan niya ang bata.

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love

Dahil dito, sinampahan siya ng kaso noong Jun 9 upang sa korte na siya magpaliwanag, at hindi na pinakawalan ng pulis.

Maliban sa parusang natanggap, nawala rin ni Victore ang pagkakataong mabayaran ng long service pay dahil lampas sa limang taon na siya sa amo.

CALL US!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Mandatory SSS, pinakamabigat na dalahin ng mga OFW kung sakali

Posted on No comments

Ni Daisy CL Mandap 

Ayon sa RA 11199, 13% ng buwanang kita ng isang OFW ang kailangang ibayad sa SSS para sa 2022

Hindi pala ang sapilitang pagbabayad sa PhilHealth (Philippine Health Insurance Corporation) ang maaring magbigay ng pinakamalaking alalahanin sa mga overseas Filipino workers kundi ang bayarin para sa SSS (Social Security System).

Ito ang lumabas sa pagpapaliwanag na ginawa ni Alann C. Mas ng Rise Against Government Exactions o Rage, sa isang pulong na ginawa noong Linggo, Jul 31.

Pero sa ngayon, ayon na rin sa mga reklamong pinarating ng ilang lider ng Filipino community na dumalo sa pulong, ang nagdudulot ng pinaka malaking problema sa mga OFW na umuuwi para magbakasyon ay ang “expanded coverage” ng mandatory insurance.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon kay Mas, lingid sa kaalaman ng marami ay noon pa isinabatas ang sapilitang paniningil sa mga OFW para sa SSS, alinsunod sa Republic Act 11199 na pinirmahan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Feb 7, 2019. (https://lawphil.net/statutes/repacts/ra2019/ra_11199_2019.html_

Batay din sa batas na ito, ang dapat bayaran ng mga OFW na kumikita ng hindi bababa sa Php25,000 na “maximum salary credit ngayong taong 2022 ay 13% ng kanilang sahod buwan-buwan. Ibig sabihin, ang dapat nilang bayaran buwan-buwan ay Php3,250 o Php39,000 taon-taon.

Sa darating na 2023 at 2024 ay tataas ang maximum salary credit sa Php30,000 na dahil sa kasalukuyang taas ng palitan sa dolyar ay saklaw pa rin ang mga foreign domestic worker sa Hong Kong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Itataas din sa 14% ang buong kontribusyon ng mga “self-employed” na manggagawa katulad ng mga OFW kaya ang pinakamababang dapat nilang bayaran kada buwan ay Php4,200 o Php50,400 taon-taon.

Mas lalo pang tataas ang babayaran sa 2025 dahil 15% na ng buwanang sweldo ang ikakaltas, at itataas sa Php35,000 ang maximum salary credit. Ang buwanang bayad sa ganitong kwentahan ay Php5,250 at Php63,000 bawat taon.

Ayon kay Mas, ang batas na ito na hindi man lang ikinunsulta sa mga OFW bago ipinatupad ay nagpapakita ng “unfair treatment of overseas workers.”

Paliwanag ni Mas, “Sabi sa batas kaming mga lang-based OFWs ay katulad ng mga self-employed members at kakarguhin namin ang buong kontribusyon kasi hindi naman pwedeng pagbayarin ang aming mga employers o sabihan sila na mag share sa bayad.”

Hindi daw dapat gawing sapilitan ang pagiging miyembro sa SSS ng mga OFW dahil dagdag-pahirap ito lalo na sa panahon ng pandemya.

“Bakit hindi igalang at bigyan ng kalayaan ang bawat isa sa amin na mamili sa pagpapa miyembro?,” tanong ni Mas.

“Ang Php3,250 na buwanang kontribusyon na ipinapataw sa isang minimum wage earner dito sa HK ay sobrang bigat. Imbes na ipapadala na lang sa pamilya at pandagdag sa nagtataasang mga bilihin ngayon ay mawawala pa.”

Si Mas habang tinatalakay naman ang bayarin sa PhilHealth
Sa unang bahagi ng pulong ay inanunsyo ni Dolores Balladares-Pelaez na kabilang din sa Rage na kasama sa mga magsasalita ang kinatawan ng SSS sa Hong Kong na si Lester Mata, ngunit hindi na siya natawag dahil nagahol sa oras.

Pero sa isang hiwalay na panayam, pinaliwanag ni Mata na hindi pa rin nila pinapatupad ang sapilitang pagbabayad para sa SSS ng mga OFW sa Hong Kong. Wala din daw alalahanin ang mga papauwi para magbakasyon dahil hindi nakakabit sa OEC ang pagbabayad dito, hindi katulad ng paniningil para sa Pag-IBIG Fund.

Press for details

Simula kahapon, Aug 1, lahat ng mag aapply para sa overseas employment certificate o OEC ay hinihingan na ng Pag-IBIG number, na katibayan na nagbabayad sila sa ahensya na itinatag para magbigay ng pautang para sa pabahay at investment.

Dagdag ni Mata, ang mga gustong magmiyembro sa SSS o magpatuloy ng kanilang pagbabayad bilang miyembro ay maaari pa ring magbayad ng minimum na buwanang kontribusyon na Php1,040 o ng maximum na Php3,250.

Ang isa pang bayarin na mariing pinoprotesta ng mga migrante ay ang para sa PhilHealth o Philippine Health Insurance Corporation na ayon sa RA 11223 o Universal Health Care Law ay kailangan ding kolektahin ng sapilitan sa mga OFW.

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love

Alinsunod sa batas na ito na pinirmahan din ni Pangulong Duterte noong February 2019, itataas ang porsyento na ikakaltas mula sa buwanang suweldo ng mga manggagawa taon-taon simula sa 2020. 

Para sa kasalukuyang taon, 4% na ng buwanang suweldo ng mga manggagawa ang kakaltasin para sa pambansang health insurance. Sa mga FDW sa Hong Kong na minimum ang sahod, mangangahulugan ito ng Php1,300 na bawas sa kanilang buwanang suweldo, o Php15,500 kada taon.

Mabuti na lang at sinabi ng kinatawan ng PhilHealth sa isinagawang pagpupulong na hindi kailanman ikinabit sa OEC ang pagbabayad para dito, bagamat nananatili itong batas.

Ang pangatlong bayarin ay kasalukuyan nang sinisingil sa mga kumukuha ng OEC, at ito ay para sa expanded mandatory insurance. Ayon sa mga dumating sa Hong Kong kamakailan, siningil sila ng hanggang Php8,000 bago sila binigyan ng OEC sa POEA sa kanilang lugar.

Dati, ang mga OFW lang na paalis sa Pilipinas sa unang pagkakataon ang sinisingil nito, pero alinsunod sa direktiba ng Department of Labor and Employment na ipinatupad ngayong Marso ng kasalukuyang taon, pati ang mga dati nang OFW ay kailangan nang magbayad para dito.

Kapag pinagsama-sama ang mga bayarin na ayon sa mga batas o direktiba na inaprubahan na pero hindi pa lahat pinatutupad, aabot sa hindi kukulangin sa Php5,000 bawat buwan ang kanilang dapat ipaluwal mula sa kanilang sahod, o Php60,000 sa isang taon.

Hindi kataka-taka na karamihan sa mga OFW ay umaalma ngayon, hindi lang dahil sa biglang pagtaas ng mga bilihin, kundi dahil din sa pakiramdam nila ay naging gatasan na sila ng pamahalaan sa Pilipinas.

SUSUNOD: Ilegal ba ang expanded mandatory insurance?

CALL US!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Pinay, umamin na tinanggap ang kargamentong may 5 kilo na droga

Posted on 01 August 2022 No comments

 

Ang nasamsam na droga mula sa mga rubber tubes

Iniakyat ngayon (Aug. 1) sa mataas na hukuman ang kaso ng isang Pilipina upang sentensiyahan, matapos siyang umamin sa Eastern Magistrates’ Court sa kasong “attempting to traffic in a dangerous drug”.

Bago siya tinanong kung aamin siya o hindi sa sakdal ay ipinaliwanag ni Magistrate Jason Wan na maaring hindi magbigay ng kahit na anong pahayag ang akusado dahil mabigat ang parusa sa kasong ito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa kabila nito ay pinili pa rin ni Nellie Pangosban, 35, na aminin ang kaso laban sa kanya. Sinabi niya na siya nga ang tumanggap ng isang kargamento ng mga rubber tubes na may nakaipit na ipinagbabawal na gamot noong May 21, 2021, na sanhi na kanyang pagka-aresto.

Hindi hiniling ni Pangosban na payagan siyang magpiyansa bago ang kanyang sentensiya kaya inutos ng korte na ibalik siya sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig ng kaso na itatakda sa Court of First Instance sa High Court.

Ayon sa akusasyong isinalin sa wikang Tagalog at binasa sa akusado, nasabat ng mga operatiba ng Customs and Excise Department noong May 14, 2021 ang isang paleta ng mga rubber tube sa Customs House sa Kwai Ching.

May nakita silang nakaipit na bagay sa limang rolyo ng gomang kasama sa paleta at, matapos ang pagsusuri, nasamsam nila ang 4.96 kilo ng drogang methamphetamine.

PRESS FOR DETAILS

Upang mahuli ang consignee o pagdadalhan sana ng shipment na ikinarga sa barko mula sa Thailand, naghanda ang mga opisyal ng Customs ng isang operasyong tinawag nilang “controlled delivery”.

Pinalitan nila ng asukal ang methamphetamine at tinawagan ang nakalistang consignee na nagngangalang Kenneth, na nakipag-kasundo na sasalubungin  ito sa isang car park sa Yuen Long.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pinaligiran din nila ang napagkasunduang lugar ng delivery upang mahuli ang mga nasa likod ng drug shipment.

Pero ang nagpakita upang tanggapin ang kargamento ay hindi si Kenneth kundi ang Pilipinang si Pangosban, na nagpakita ng kopya ng HKID at Canadian passport ni Kenneth na ipinadala sa kanyang mobile phone.

Inaresto si Pangosban pero hindi natagpuan si Kenneth.

Press for details

Sa imbestigasyon, sinabi ni Pangosban na ang nagsabi sa kanyang sunduin ang kargamento ay ang kanyang dating boyfriend, na nagbigay sa kanya ng $100 at nangako ng karagdagang $2,500 kapag natanggap niya nang maayos ang padala.

Sinabi rin niya na ito ang kauna-unahang pagkakataon na tatanggap siya ng ganitong kargamento, at hindi niya alam ang laman ng paletang tatanggapin niya.

Nakuha sa kanya ang $100, dalawang mobile phone, at isang recognizance slip, na nagsasabing siya ay humihingi sa Immigration Department na huwag siyang pwersahang pauwiin sa Pilipinas kahit wala na siyang visa.

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love

Nang tanungin siya kung sumasang-ayon siya sa mga binasa sa kanya, sumagot siya ng oo.

Nang itanong sa kanya ng mahistrado kung boluntaryo ang kanyang pag-amin sa kasalanan, sumagot siya ng, “Gusto ko talagang mag-plead guilty.”

Sinabi si Wan niya na hindi direkta ang sagot ni Pangosban sa tanong niya.

Dito kinumpirma ng Pilipina na boluntaryo nga siyang umamin.

CALL US!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!


Don't Miss