Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Isinanlang ATM card, naging dahilan ng pagkabilanggo

Posted on 31 August 2022 No comments

 

Diretso sa kulungan ang Pilipina matapos siyang sentensiyahan sa Eastern Court

Kahit gipit na gipit, huwag na huwag isasanla ang iyong ATM card dahil kapag nagamit ito sa money laundering, maaari kang mabilanggo.

Ito ang naging aral kay Arline Baydal, 41 taong gulang na domestic helper, nang parusahan siya ngayon (Aug. 31) sa Eastern magistracy ng dalawang buwang pagkakakulong dahil isinanla niya ang kanyang ATM card para daw mangutang ng $1,500 na pampagamot sa kanyang ina. Ang hindi niya daw alam ay ginamit ang ATM card niya para sa money laundering o paglilinis ng perang mula sa krimen.

Nagsimula sa tatlong buwang kulong ang parusa ni Magistrate Lau Suk-han kay Baydal sa kasong paghawak ng perang galing sa krimen, na paglabag sa Organized and Serious Crimes Ordinance. Binawasan niya ito ng 1/3 dahil sa pag-amin ni Baydal kaya naging dalawang buwan na lang.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero ayon sa kanya, wala siyang makitang kakaibang dahilan upang suspendihin ang sentensiya ni Baydal, na hiniling ng kanyang abogado upang maiwasan niyang makulong.

Hindi binigyang halaga ni Lau ang sinabi ng abogado ni Maydal na hindi siya nakinabang sa money laundering nang ginamit ang kanyang ATM card, na hindi siya aktibong nakilahok sa naganap na krimen, at ginamit lang siya ng mga tunay na kriminal.

Ang tanging kasalanan lang daw ng Pilipina ay naging pabaya siya dahil hindi niya iningatan ang account niya sa bangko, sabi ng kanyang abugado.

Ayon pa sa tagapagtanggol, malinis ang record ni Baydal at suportado siya ng kanyang amo. Papayagan daw siya ng Immigration Department na magpatuloy ng trabaho sa amo kung suspendido ang kanyang sentensiya.

Base sa mga nauna nang kaso, ang mga dahilang ito ay hindi tinatanggap bilang depensa ng isang akusado sa money laundering at hindi rin dahilan upang mapagaan ang parusa sa nagkasala, dagdag ni Lau.

Nagsimula ang kaso ni Baydal, na may asawa at dalawang anak sa Iloilo, nang isanla niya ang kanyang ATM card sa isang babae noong Dec. 8, 2020, kasama ang password nito, kapalit ng utang na $1,500 na ipinadala daw niya sa inang may sakit, na namatay din kinalaunan. 

Simula noon hanggang March 1, 2021 ay may nag-deposito ng kabuuang $169,975 sa kanyang account. Ginamit ang account para makapagdeposito ng 26 beses at mag-withdraw ng 25 beses, gamit ang ATM card na isinanla niya, sa iba’t ibang lugar ng Hong Kong.

Press for details

Base sa imbestigasyon, ang perang ito ay galing sa mga parokyano ng isang negosyante sa gulay.

Pero dahil na-hack ang email na ginagamit ng negosyante sa paniningil, ang mga parokyano niya ay nakatanggap ng email na nagsasabing ang mga bayad nila ay i-deposito sa Hang Seng Bank account na ginagamit ng hacker. Ito ang account ni Baydal.

Ayon kay Baydal, nalaman lang niya na sangkot siya sa krimen nang arestuhin siya ng pulis sa bahay ng kanyang amo sa Tseung Kwan O.

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love

Una siyang sinampahan ng dalawang kaso, pero hindi na naghain ng ebidensiya ang taga-usig sa ikalawang kaso -- ang pakikisabwatan sa paghawak ng perang galing  sa krimen, na paglabag din sa Organized and Serious Crimes Ordinance.

Pagkatapos siyang hatulan, tahimik na nagpapahid ng luha si Baydal habang inaakay siya ng mga pulis papasok sa silid para sa mga ikukulong.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

HETO ANG SUPER SULIT! $999 SMARTPHONE NA MAY 3 FREE MONTHS INTERNET!

Posted on No comments

 

Malapit na ang Pasko at siguradong smartphones ang gustong nilang regalo!

Heto ang sakto para sayo. Ang bagong Vivo Y16.

Kung ikaw ay new customer ng Barkadahan sa SmarTone, ang babayaran mo ay $999 para makuha ang phone + $50 SIM (may 1 month data) + 2 months data plan bonus.

Kung ikaw ay customer na ng Barkadahan sa SmarTone, $999 din ang bayad at may 3 months data plan bonus din. Wala nang SIM card.

Open Line ang phone kaya pwede ipadala sa Pinas.

Ang Vivo Y16 ay 6.51” display, 13MP+2MP rear camera, 4GB RAM, 64GB Storage. Maganda na ang specs nito para sa budget meal price na $999. Nakatipid ka rin ng hanggang $264 dahil sa free 3 months na internet kaya sulit na sulit talaga.

Kung gusto mo naman na medyo level up na phone, pwede mo rin bilhin ang bagong Samsung A13 5G.

Kung ikaw ay new customer ng Barkadahan sa SmarTone, ang babayaran mo ay $1,448 para makuha ang phone + $50 SIM (may 1 month data) + 2 months data plan bonus. Kung ikaw ay customer na ng Barkadahan sa SmarTone, $1,448 din ang bayad at may 3 months data plan bonus din. Wala nang SIM card.

Open Line din ang phone.

Ang Samsung A13 5G ay 6.51” display, 50MP+2MP+2MP rear camera, 4GB RAM, 64GB Storage. Mas maganda ang specs nito sa Vivo Y16 kaya naman iba na ang price nito. Nakatipid ka ulit ng hanggang $264 dahil sa free 3 months na internet.

Para sa buong detalye ng offer na ito, i-press ang link https://bit.ly/3ARr38n para sa Vivo Y16 at https://bit.ly/3AZlzJX para naman sa Samsung A13.

Pag natapos na ang Free 3 months data mo, pwede mo itong i-renew ulit or gamitin ang bonggang bonggang $128 All-In-1 Super Plan ng Barkadahan sa SmarTone o kilala rin na si Bestie Plan.

Super sulit ito sa dahil sa mga features na:

  1. Full Speed Always On! Unlimited tuloy tuloy ang internet mo walang tulugan na;
  2. Unlimited ulit ang local calls mo kaya tuloy tuloy na naman ang chikahan;
  3. Spoints dito ay 2x kaya mas mabilis kang maka ipon ng points at mas madali ring maka redeem o claim ng gifts.
  4. May FREE 1 month ka kada 6 na subscriptions. Kapag 6 months ka nag subscribe nito, yung pang 7th month mo ay FREE at pang
  5. FREE JOOX Music App VIP Service worth $58! Ang daming songs dito at pwede ka pang mag Karaoke.

Para magsubscribe nito, buksan ang My SIM Account App. Kung wala ka pang app, i-download ito sa Google Play o Apple App Store o i-press ang link na ito http://wap.smartone.com/bssapp. Para naman malaman iba pang mga offers, tingnan aming leaflets o tap here https://bit.ly/2Uy81zi .

Mas bongga talaga sa Barkadahan, pramis!

Barkadahan sa SmarTone for the OFW, with the OFW!

 

 

 

 

 

Magiging normal na kaya ang buhay ng Pinay na kinasuhan ng Immigration?

Posted on 30 August 2022 No comments
Dalawang taon nang hinihintay ni Marsha na matapos ang kaso niya sa Shatin Magistracy

Tatlong taon na si Marsha Love Anabeza sa Hong Kong pero hindi makapagtrabaho simula nang siya ay dumating bilang domestic helper noong Aug 15, 2019, dahil sa tatlong kasong isinampa laban sa kanya ng Immigration Department.

Nagsimula ang mga kasong ito nang umurong ang among kumuha sa kanya bago siya lumipad papuntang Hong Kong, pero hindi ito ipinaalam sa kanya ng employment agency at pinatuloy pa rin siya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kung tutuusin, biktima siya ng human trafficking, na maaaring siyang dahilan kung bakit dalawang taong hindi umuusad ang mga kaso na isinampa laban sa kanya noon pang Aug 14, 2020.

Ang dahilan na laging sinasabi ng taga-usig para sa pagpapaliban ng pagdinig nang ilang beses ay upang humingi ng payong legal mula sa Department of Justice.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ito ay kahit inamin na niya noon pang Dec. 2, 2021 ang mga paratang sa kanya.

Pero mawawakasan na ang mga kaso, dahil hahatulan na sya ni Acting Principal Magistrate David Cheung Chi-wai sa susunod na pagdinig sa Dec. 1 sa Shatin Magistracy.

Ayon sa taga-usig sa pagdinig na ginawa nitong Lunes sa Shatin Magistracy, nahuli na ang employment agent na may kagagawan ng gusot na kinasangkutan ni Anabeza at sasampahan na ng kaso sa Setyembre.

Masayang tinanggap ito ng abogado ni Anabeza. “Matagal na siyang naghihintay na tumestigo,” ika nito sa wikang Ingles.

Press for details

Noong June 21, nakatulong siya sa pag-aresto ng ahenteng nanloko sa kanya nang dumalo siya sa identification parade, kung saan kinilala niya ito mula sa ilang lalaking iniharap sa kanya.

Pansamantalang nakakalaya si Anabeza sa bisa ng piyansang $1,000.

Ginawa ni Anabeza ang unang kasalanan -- ang pagsasabi sa isang Immigration officer sa airport na DH siya ng isang residente, na hindi totoo – noong Aug 15, 2019. Ito ay paglabag sa Section 42(1) (a) ng Immigration Ordinance.

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love
Ang ikalawang kasalanan ay ang pagbibigay ng pekeng impormasyon sa registration officer nang siya ay kumuha ng kanyang Hong Kong ID card noong Aug. 28, 2019 at magbigay ng hindi-totoong tinitirhan.

Ang ikatlong asunto niya ay ang pagsasabi sa Immigration officer na sinesante siya ng kanyang employer noong Oct. 5, 2019 dahil hirap na siyang bayaran nito, samantalang hindi naman siya talagang nagtrabaho para dito.

Umaasa siya na sa susunod niyang pagdulog sa korte sa Dec. 1 ay matatapos na ang kanyang paghihintay sa pagkakataong magtrabaho at mamuhay nang normal para makapagpadala na siya ng pera sa kanyang pamilya sa Koronadal, South Cotabato.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Pauwi na si Lourdes bukas, matapos makipag-ayos sa OWWA

Posted on No comments

Ni Daisy CL Mandap

 

Nag viral ang mga kuha kay Dela Paz na umiiyak matapos hindi pasakayin sa eroplano pauwi sa Pilipinas

Ang Pilipinang na-stroke at umuwing luhaan mula sa Hong Kong airport noong nakaraang linggo dahil hindi pinasakay sa eroplano pauwi sa Pilipinas ay nakatakda nang lumipad ng umaga bukas, Miyerkules.

Ito’y matapos makipag-ayos sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) si Ma Lourdes dela Paz, 46, na una nang sinisi ang ahensya dahil hindi daw siya sinabihan na kailangan niya ang clearance nila para pasakayin sa eroplano ng Philippine Airlines.

Ang nag-viral na litrato ni Dela Paz na umiiyak at nakasalampak sa trolley ng bagahe matapos malamang hindi na siya makakauwi ang nagbunsod sa bagong talagang  OWWA administrator na si Arnell Ignacio na imbestigahan ang kanyang reklamo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nitong Linggo ay nagpatawag pa ng pulong si Ignacio sa mga lider ng iba-ibang  organisasyon sa Hong Kong para humingi ng dispensa sa nangyari kay Dela Paz, at sinabing mukhang “miscommunication” ang dahilan ng aberya sa kanyang pag-uwi.

Dahil sa isinagawang imbestigasyon ni Ignacio ay inatasan ng OWWA welfare officer sa Hong Kong na si Dina Daquigan ang agency ni Dela Paz na bilhan siya ng bagong tiket at siguraduhing may kasama siya pagpunta sa airport bukas.

Nangako din ang pinuno ng OWWA na gagamitin nila ang nangyari kay Dela Paz para pag-ibayuhin ang kanilang serbisyo sa mga OFW sa Hong Kong. 

Ang ilan sa mga sumali sa online consultation na pinatawag ni Admin Ignacio

Kanina ay sinundo ng tauhan ng Galilee, ang kanyang agency, si Dela Paz mula sa Bethune House Migrant Women’s Refuge para dalhin siya sa isang klinika para patingnan muli at masigurong kaya na niya talagang magbiyahe.

Bukas naman ay sasamahan siya sa Hong Kong International Airport ng nurse ng OWWA na si Joszoa Villa at executive director ng Bethune na si Edwina Antonio para alalayan siya sa kanyang pagsakay ng eroplano.

Ayon kay Antonio, masasamahan si Dela Paz hanggang sa boarding gate ni Villa, at inaasahan nila na may sasalubong sa kanya paglapag ng kanyang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport, at ihahatid siya hanggang sa bahay nila sa Tondo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nakatapos ng dalawang kontrata si Dela Paz, na may-asawa at dalawang anak, sa magkaibang amo sa Hong Kong bago nagdesisyon na lumipat muli ng employer nitong Hunyo.

Maayos naman daw ang kalagayan niya sa bagong amo. Pero nakakaisang buwan pa lang sa kanila si Dela Paz nang bigla siyang makaramdam ng panghihina at matinding pananakit ng ulo noong Jul 30.

Dahil nagpatuloy ang kanyang mga sintomas ay agad nang tinawagan ng alaga niyang matanda ang anak nito kinabukasan para madala si Dela Paz sa ospital.

Sa Princess Margaret Hospital nakita na stroke ang dahilan ng panghihina ni Dela Paz. Inabot ng isang linggo ang paggagamot sa kanya doon bago siya inilipat sa North Lantau Hospital para sa physiotherapy.

Pinauwi siya noong Aug 20, pero pagdating sa bahay ng kanyang amo ay sinabihan siyang ite-terminate na siya dahil hindi na niya kakayanin ang magtrabaho pa. Binayaran naman daw siya ng tama.

Dahil may palugit pa siyang 14 na araw ay nagdesisyon si Dela Paz na magpahinga muna sa Bethune House. Pero nang marinig niya na may kasamahan siya doon na pabalik na sa Pilipinas noong Biyernes ay nagdesisyon siyang umuwi na rin para may kasabay siya.

Press for details

Pagkatapos siyang i-book ni Antonio ng tiket noong Miyerkules ay agad nilang ipinaalam sa agency ang plano niyang paglipad pagkalipas ng dalawang araw.

Hindi na raw nila alam kung pinaabot ng ahensya sa OWWA ang desisyon niya – pero sigurado siya na walang nagsabi sa kanya na kakailanganin niya ng clearance para makasakay sa eroplano pauwi.

Masayang ibinalita ni Dela Paz ang kanyang pag-uwi sa isang online chat

Inabot man ng aberya at kontrobersya ang plano sana niyang pag-uwi noong Biyernes ay natutuwa na rin si Dela Paz dahil nagsanhi ito ng mas masusing pag-aaral ng OWWA sa mga hinaing ng mga OFW sa Hong Kong.

Ayon kay Antonio, na kasama sa mga dumalo sa online na pulong na ipinatawag ni Ignacio, kasama sa mga tinalakay ang reklamo ng 42 OFW na nagka Covid sa pagtanggi ng OWWA sa HK na bigyan sila ng ayuda.

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love

Nabanggit din ang hindi pagsusuot ng ID ng mga taga OWWA, na ayon sa ilang mga lider ay dapat nilang ginagawa para makilala nila kung sino ang hindi gumagawa ng kanilang tungkulin, o nagtatrato ng hindi tama sa mga OFW.

Nangako daw si Ignacio, kasama ng dalawa pang opisyal na dumalo din sa talakayan, na pag-aaralan ang mga inilatag na daing at suhestiyon ng mga lider, at babalikan sila pagkatapos ng isang linggo.

“Let’s start with a clean slate,” ang sabi daw ng pinuno ng OWWA.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Pinay na nabistong overstay matapos mahuling nagnakaw, kulong ng 1 taon

Posted on No comments

 

Nasentensyahan si Olivia Tabas sa West Kowloon court

Isang Pilipina na nabistong overstay nang mahuli dahil sa pagnanakaw nang dalawang beses sa isang tindahan sa Tsuen Wan, ang nagtamo ng patong-patong na parusa matapos umamin sa apat na asuntong iniharap sa kanya sa West Kowloon Law Courts ngayong araw ng Martes.

Ang pinaka-mabigat na parusa kay Olivia Tabas ay pagkakulong nang 12 buwan, dahil sa asuntong inihabol lamang dahil nadiskubre sa wallet niya ang isang Hong Kong ID card na hindi kanya, habang siya ay iniimbestigahan sa istasyon ng pulis.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Bakit niya itinago?” tanong ni Acting Principal Magistrate Veronica Heung Shuk-han sa abugado ni Tabas habang nagpapaliwanag na wala itong masamang hangarin sa HKID na nakapangalan sa isang Indonesian.

Dito nabisto na walong buwan nang paso pala ang dating visa ni Tabas, 38 taong gulang. Sinampahan siya ng karagdagang kaso ng pag-overstay at paggamit ng HKID ng ibang tao. 

Ang binigay na parusa sa kanya dito ay 14 na araw na pagkakulong. Isinabay ni Heung ang pagtakbo ng parusang ito sa 12 buwang parusa para sa pagtataglay ng HKID ng ibang tao. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pinarusahan din ni Magistrate Heung si Tabas ng anim na araw na kulong matapos nitong aminin ang pagnanakaw ng 18 piraso ng tsokolate na may halagang $503 sa isang tindahan ng Wellcome sa Tsuen Wan noong May 5, 2022.

Binigyan din niya ng kaparehong parusa si Tabas sa ikalawang pagnanakaw, nang bumalik ito sa tindahan noong araw ding iyon upang magnakaw ng iba’t ibang produkto na nagkakahalaga ng kabuuang $1,352.

Ang mga ninakaw niya: isang bote ng gatas, dalawang buko, isang pakete ng abalone at mushroom, isang pakete ng Chinese sausage, siyam na bote ng sauce, isang karton ng fermented bean sauce, isang bote ng XO sauce, dalawang bote ng chili sauce, tatlong bote ng oyster sauce,isang karton ng chili sauce, tatlong pambalat ng prutas, dalawang ceramic na kutsilyo, tatlong pakete ng durian, isang tablecloth, dalawang abre-lata, dalawang karton ng pamparikit ng apoy sa barbeque, at dalawang lata ng gas.

Dahil pinagsabay din ang pagtakbo ng parusa sa dalawang kaso ng pagnanakaw, ang kabuuang sentensiya ni Tabas ay isang taon at anim na araw.


Press for details

Nagtatrabaho si Tabas bilang domestic helper nang ma-terminate siya  noong October 14, 2021. Hindi na siya nakakuha ng bagong employer at hindi na rin umalis ng Hong Kong.

Sinabi ng kanyang abogado na ang mga krimen ay naging masakit na aral para sa kanya, at malinis ang rekord niya bago rito.

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love

Naging mabuting ina rin siya para sa kanyang dalawang anak na lalaki na tanging siya ang inaasahan mula nang maghiwalay silang mag-asawa.

Basahin ang dagdag na detalye sa naunang balita ng The SUN tungkol sa kasong ito: https://www.sunwebhk.com/2022/07/pinay-na-nabistong-overstay-matapos.html

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Emry’s owner charged with laundering $5.7 million

Posted on No comments

By Daisy CL Mandap

 

Ylagan leaves court with a trolley loaded with case files

After an investigation that lasted six years, disgraced employment agency owner Ester Ylagan was back in court earlier today, Tuesday, to face four counts of laundering a total of $5.7 million over a seven-month period in 2016.

Eastern Court magistrate Ada Yim ordered the transfer of the case to the District Court for plea-taking on September 20. Until then, Ylagan’s bail of $40,000 has been extended on the same terms.

According to the charge sheet read out to the defendant in court, the alleged offences took place between Jan 29 to Jul 8, 2016, and involved a series of transactions, all in violation of the Organized and Serious Crimes Ordinance.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

In the first charge, Ylagan is accused of “dealing with property known or believed to represent proceeds of an indictable offence” on Jan 29 and May 5, 2016, in the sum of HK$2,633,181.52 and US$44,658 (HK$347,439).

The total sum of HK$2,980,620 was dealt with in cash.

The second count allegedly happened between May 12 to 23, 2016, during which the total sum of USD300,00 (HK2,334,000) was moved by Ylagan from an account with Standard Chartered Bank.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

In the third count, Ylagan is accused with dealing with money believed to be proceeds from a crime, amounting to US$10,055 (HK$78,227) between May 25 and 26, 2016.

The last charge accuses Ylagan of handling a total amount of US$50,000 (HK$389,000), knowing it to be proceeds of a crime, on Jul 8, 2016.

The last two transactions were made using an account Ylagan held at HSBC.

It’s understood Ylagan is seeking Legal Aid so she can contest all the charges when she appears in District Court next month.

Hundreds of Filipinos living in HK and Macau applied for the bogus jobs offered by Ylagan (2016 File)

The dates of the alleged offenses coincided with a recruitment drive initiated and run by Ylagan, using the shop leased by Emry’s Service Staff Employment Agency in WorldWide Plaza, which she co-owned with her late husband, Rick.

At the time, Emry’s was the biggest recruitment firm for Filipino domestic workers in Hong Kong.

Relying on Emry’s solid reputation in the business, about 200 Filipino migrant workers were enticed to apply for the jobs advertised by Ylagan, purportedly in the United Kingdom and Canada, for which each applicant was charged $10,000 or $15,000.

Press for details

The jobs all turned out to be bogus, and Ylagan jumped the gun on the applicants by going to the police and complaining about an online business partner she named as William Clinton Evans who allegedly duped her of $4.19 million before disappearing.

Ylagan also told police in a statement that it was Evans, whom she met only online, who offered to place her applicants in the UK or Canada. But after signing up about 400 applicants, she said she stopped because Evans wanted her to double the number.

Her unseen partner then stopped communicating with her, and Ylagan fled to the Philippines.

Ylagan used to be one of the most prominent Filipino business owners in HK

Lawyers acting for the complainants subsequently reported uncovering documents showing Ylagan and several other people close to her had sent a total of around $10 million to several countries as far apart as Malaysia and Burkina Faso.

The documents were turned over to the police, along with the names of the others involved in the apparent money laundering scam. These appear to have led to the police to file money laundering charges against Ylagan.

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love

Of the more than 200 Filipinos who sought police help, about 150 have filed claims to recover their money from Ylagan.

Some of the claims were upheld at the Small Claims Tribunal in Ylagan’s absence while the rest were moved to the District Court where they remain undecided.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Rise in caseload prompts CHP to stop confirming RAT results

Posted on 29 August 2022 No comments

By The SUN 

Only random checks will be done to confirm positive RAT results that are reported

Health officials said earlier today, Monday, that they no longer require all those declaring positive results from rapid antigen tests (RATS) to undergo confirmatory PCR tests and will just do spot checks instead.

This was announced as an additional 8,488 Covid-19 cases were reported today, 236 of them imported.

According to Dr Chuang Shuk-kwan of the Centre for Health Protection, there are two reasons why positive RAT results are not being confirmed through a PCR test anymore.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

"One explanation why we do that is because of the low false negative rate so far we have tested... and the second of course is because of the rapid increase in the number of tests we have to do so we have to be more efficient in the use of our laboratory testing," she said.

Meanwhile Hospital Authority’s Lau Ka-hin said an infected 17-month-old boy is in critical condition again after he was found listless and sleepy most of the time. He has been intubated since and put in a ventilator, and is now in intensive care.

The boy was rushed to hospital last week in critical condition after suffering from croup, an infection of the upper airway which obstructs breathing, and is often associated with Covid-19 among children.

His condition improved after two days, and he was listed in stable condition until today.

Lau also reported four new related deaths, all involving female patients aged between 89 and 101.

An additional 338 patients were moved to public hospitals and treatment facilities overnight, raising the number of those admitted to 2,556.

Press for details

Among them 52 are in critical condition, 17 of them in intensive care, including the toddler. Forty other patients are severely ill.

Of the 236 imported cases, 129 were detected at Hong Kong airport, 28 during hotel quarantine, 65 from days 4 to 7 and 14 afterwards, likely all re-positive cases.

The travelers came from 38 countries, and the following places had more than 10 positive cases: Thailand, 25; United Kingdom and the Philippines, 24 each; India, 22; United States, 20; Singapore, 18; Australia, 12, Vietnam, 12; and Canada, 11.

Lau said 173 of the 200 Covid beds at the AsiaWorld-Expo are now occupied, so they are planning to add up to 300 more, and convert some non-urgent wards to treat coronavirus patients.

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love

In addition, the quarantine centre at Kai Tak Cruise Terminal will start operating this Friday, in a bid to ease the pressure on isolation facilities.

The Social Welfare Department which will oversee operation said the 786-bed center will reserve about a third of its beds for residents of elderly care homes who have been identified as close Covid contacts.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Pinay, kinasuhan ng pananakit sa alaga matapos umayaw na pumirma ulit ng kontrata

Posted on No comments

 

Dinidinig ang kaso laban sa Pilipina sa Kwun Tong Court 

Isang Pilipina ang nahaharap sa kasong pananakit ng batang alaga matapos nya diumanong ipahiwatig sa among taga Tseung Kwan O na hindi na siya pipirma ng panibagong kontrata. 

Inakusahan si Rizalee Oyson, 39, ng pananakit sa isang batang nasa kanyang kalinga at nagsanhi ng hindi kinakailangang paghihirap, na paglabag sa Section 27(1) ng Offenses Against the Person Ordinance.

Nagsimula ang kaso ni Oyson, na dinidinig sa Kwun Tong Magistracy, nang biglang umiyak ang kanyang alagang bata, na apat na taong gulang, habang pinaliliguan niya ito noong Nov. 19, 2021. Nagreklamo ito na masakit ang kanyang ari.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Tumawag ng pulis ang ama ng bata at ipinaaresto si Oyson.

Pero ayon sa Pilipina, nangyari ito matapos siyang tanungin ng amo kung payag siyang pumirma ng bagong kontrata, dahil malapit nang matapos ang una, at tumanggi siya. Nakakita na rin siya ng among lilipatan, na suportado siya sa kasong ito.

Ayon sa kanyang pahayag sa pulis, sinabi ni Oyson na hindi pa nagsisimula ang pagpapaligo at pinapapili na niya ang bata kung gusto niyang maghugas sa sarili o gusto niyang si Oyson ang gumawa nito.  

Sinabi rin niya na dati nang nagrereklamo ang bata na masakit ang kanyang ari magmula nang magtrabaho siya sa pamilya noong 2019, at lagi niyang sinasabi ito sa among babae.

Inutusan pa daw siya ng amo na linisin ang ari ng bata gamit ang cotton bud na binasa sa maligamgam na tubig, bago pahiran ng Vaseline.

Ayon pa sa kanya, hindi lang siya ang gumagawa nito sa bata; ginagawa din ito ng ina ng bata, ng lola at ng isa pang domestic helper kaya hindi lingid sa kanila na mayroon nang ganitong sakit ang bata.

Press for details

Sa isa namang video interview, sinabi diumano ng bata na nasugatan siya ng kaliwang kamay ni Oyson, na ayon sa isang doktor na gynecologist na kinunsulta ng amo ay malamang sanhi ng mahabang kuko.

Sinabi ni Oyson hindi ito pwedeng mangyari dahil lahat silang tatlong DH ng pamilya ay regular na pinapuputulan ng amo hindi lang ng kuko, kundi pati buhok.

Ang video na ito ay hinihingi ng duty lawyer upang pag-aralan, pero hindi pa ito natatanggap mula sa taga-usig simula pa noong July 7, 2022 nang isinampa ng pulis ang kaso sa korte.

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love

Sa pagdinig ngayon, humingi ng palugit ang abogado ni Oyson para sa dagdag na payong legal at upang makahingi ng pondong pambayad sa isang doktor (pediatrician), na susuri sa bata at magbibigay ng sariling testimonya.

Itinakda ni Principal Magistrate Bina Chainrai ang susunod na pagdinig sa Oct. 24.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
Don't Miss