Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipina, napigilan ma love scam ang kaibigan na pasaway

Posted on 22 October 2022 No comments

Ng The SUN

 

The same face is used in several accounts by scammers (Catch the Catfish page)

Kung may biglang nanligaw sa iyo online na lalaking puti, makisig, matipuno ang katawan at nagpakilalang piloto, doktor, sundalo o negosyante, magduda ka na dahil malamang na scammer yan. Lalo at nag-umpisa nang manghingi ng pera.

Ito ang napatunayan ng isang Pilipinang domestic helper na nakakuha ng maraming ideya tungkol sa mga ganitong panloloko o love scam sa isang Facebook at Instagram page na ang pangalan ay “Catching the Catfish.”

Sa pamamagitan nito ay natulungan ni Venus (hindi tunay na pangalan) na pigilan ang isang kaibigan na kapwa domestic worker din sa Hong Kong na maloko ng isang nagpakilala na Amerikanong negosyante.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Ang gagaling ng mga sinasabi sa kanya,” sabi ni Venus tungkol sa internet boyfriend ng kaibigan. “Sa kapapanood ko sa youtube about scammers alam ko na na scam yun, ang kaso sabi (niya) hindi daw, totoo daw.”

Dahil sa kagustuhang matigil ang kahibangan ng kaibigan ay ipinadala ni Venus sa administratot ng Catfish ang litratong binigay ng lalaki.

“Ayun, sinabi nung admin ng Catfish na scammer nga yun kasi yung ginamit na litrato ay isang reporter sa USA na gay,” dagdag niya.

Pindutin para sa detalye

“So sinabi ko sa friend ko, then medyo naniwala naman, so pinayuhan ko na huwag na siyang tatanggap ng mga tawag o mag ‘add friend’ sa FB kasi yung lalaki na unang nang scam sa kanya ay gagawa ulit ng panibagong account.”

Ang masaklap lang, sabi ni Venus, ay may bago na namang ka-chat ang kaibigan niya, at tiyak daw niya na scammer din yun, dahil namarkahan na ang account nito sa Facebook na madaling magpaniwala sa mga bolerong lalaki sa internet.

“Sinabihan ko na lang siya na huwag magpapadala ng pera o magbibigay ng address at bank account niya sa bagong ka chat niya,” sabi pa ni Venus.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Gusto din daw niyang ipaabot sa iba pang kapwa niya domestic worker na mag doble ingat sa pakikipagkaibigan sa internet dahil marami ang nabibiktima ng mga tinatawag ng love scam o “romance fraud” na siyang ginagamit sa mga post sa Catfish.

Kapag binuksan ang Facebook page na ito ay makikita ang maraming larawan na ginagamit ng mga sindikato para makasilo ng mga babaeng nangungulila at naghahanap ng atensyon – na gagamitin nila para magkapera – tapos ay biglang maglalaho.

Paboritong nakawin ng mga scammer ang litrato ng mga tunay na piloto (Catch the Catfish photo)

Ang mga litrato na pinapakita sa account ay mga tunay na tao na guwapo at mukhang mababait. Ang ilan ay may kasama pang mga bata para makumbinsi ang kausap na mapagmahal sila.

Lingid sa mga taong ito ay kinukuha ng mga sindikato ang kanilang mga litrato at ginagamit para mambola ng mga babae sa internet, at pagkatapos ay pagkakwartahan nila.

Ganito ang nangyari noong Hulyo kay Lily, isa ring domestic helper, na nagkandautang-utang dahil nagpadala ng pera na umabot sa halos $113,000 sa isang ka-chat na nagpakilala bilang si “David Morgan” –isang inhenyero na nagtatrabaho din sa gym.

Press for details

Ang litratong pinadala nito kay Lily ay tunay namang makalaglag-mata – makinis na makinis ang balat ng blonde na lalaki na kulay asul ang mga mata, at mukhang mabait.

Pero matapos nitong malimas ang mga perang pinag-ipunan ni Lily ng ilang taon, at pati na ang malalaking halaga na inutang niya at pinautang pa sa kapatid, ay bigla na lang naglaho ang ka-chat, at blocked na rin siya sa WhatsApp number na dati nilang ginagamit para mag-usap.

Ayon sa Catfish, ganito ang karaniwang estilo ng mga nasa likod ng ganitong mga panloloko, na base sa mga naglalabasang mga balita ngayon, ay isang malaking sindikato na may kasangkot sa iba-ibang parte ng mundo, bagamat ang mga utak ay mukhang nasa Africa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Mula sa mga dating site sa Facebook, LinkedIn o iba pang social media platform ay ililipat ng manloloko sa WhatsApp ang kanilang usapan dahil mas mahirap daw makilala at mahabol ang mga gumagamit nito.

Sa kaso ni Lily, ang halos kalahati sa perang nakuha sa kanya ay sa iba-ibang tao sa Pilipinas ipinapadala ni “Morgan” at ang kalahati ay sa isang bitcoin account na hindi tukoy kung sino ang may-ari.

Bagamat para sa isang domestic worker ay napakalaking halaga na ng nabudol kay Lily ay ga-patak lang ito sa perang ninakaw ng isang babaeng Thai na chief financial officer ng isang malaking kumpanya sa Thailand para ibigay sa isang ka-chat na nagpakilala bilang Amerikanong doktor sa army.

Sa loob ng ilang buwang pagliligawan ay nagpadala ang 50 anyos na si Chamanum Phetporee ng 6.2 billion baht (o US$250 million) sa ka-chat na nakilala niya sa LinkedIn at ang binigay na pangalan ay Dr Andrew Chang.

Naputol lang ito nang mabisto ang ginawang pagnanakaw ng babae sa kumpanyang pinagtatrabahuan niya. Bukod sa perang kanyang ninakaw ay nalimas din ang lahat ng kanyang ipon.  

Sa isinagawang imbestigasyon ng Central Intelligence Bureau ng Thailand ang lalaki sa litrato na pinadala sa biktima ay isang inosenteng lalaki na taga Malaysia.

Ayon kay Venus, natatakot pa rin siya na mapahamak ang kanyang kaibigan dahil may bago na naman itong ka-chat at hindi na nagkukuwento sa kanya.

“Sabi ko nga sa kanya, kapag totoo yan, ate, isa ako sa magsasaya na maiiba ang takbo ng buhay mo. Balo naman na siya so may karapatan siyang lumigaya.”

Ganunpaman, sana daw ay hindi na sa mga guwapo mahuhulog ang loob ng mga Pilipinang naghahanap ng mapapangasawa.

“Pag sobrang gwapo na siguro ang ka-chat maghinala na sila,” dagdag niya. “Sabi ko nga sa sarili ko, pag ganyan ka pogi siguro naman ang daming nakikita yan sa mga bar o pasyalan na napupuntahan nila.”

Kahit sino daw ay gustong makaahon, pero dapat ay sa paraang mas realistiko o malapit sa katotohanan. Ibinigay niyang halimbawa ang isa pa niyang kaibigan na ang ka-chat ay isang karpintero, na mas mababa man ang narating sa buhay ay tunay naman ang kalooban.

“Noong birthday niya (kaibigan ni Venus) ay pinadalhan siya ng 10,000 pesos,” dagdag niya.

Gayunpaman, ang tunay na pag-ibig ayon sa kanya, ay hindi dapat nasusukat sa pera.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Protesta sa pagtanggi ng OWWA na bigyan ng ayuda ang mga OFW na nagka Covid, ikinasa

Posted on No comments

Ni Daisy CL Mandap

 

Hindi lahat ng mga nagpositibo sa Covid, katulad nitong grupo na inalagaan ni 
Fr John Wotherspoon, ay nakatanggap ng ayuda mula sa OWWA 

Nakatakdang magsagawa ng protesta sa labas ng Konsulado bukas, simula alas dos ng hapon, ang ilang grupo ng mga migrante dahil sa pagtanggi ng Overseas Workers Welfare Administration na bigyan ng ipinangakong US$200 na ayuda ang maraming mga Pilipinong manggagawa na nagka Covid-19.

Ayon sa isang pahayag na ipinalabas ng United Filipinos in Hong Kong (Unifil-Migrante HK), ilang buwan mula nang dumagsa ang bilang ng mga nagka Covid sa tinatawag na fifth wave ng pandemya ay maraming mga migrante pa rin ang hindi nakakatanggap ng ayuda mula sa OWWA.

Apat sa mga bigong makakuha ng tinatawag na “cash assistance” ang nakatakdang magsalita, at inaanyayahan ng Unifil ang iba pang hindi din nabigyan ng tulong na makilahok at isaboses ang kanilang pagkadismaya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Karamihan sa mga tinanggihang bigyan ng ayuda ay nagrereklamo sa higpit at paiba-ibang panuntunan ng OWWA tungkol dito.

Ang dating tinawag na “Akap” fund ay unang pinamahagi noong Pebrero ng taong 2020, para tulungan ang lahat ng mga overseas Filipino workers (OFW) na nagka-Covid o naapektuhan ang trabaho dahil sa pandemya.

Noong panahon na iyon ay marami ang nabigyan ng tig Php10,000 sa mga OFW na hindi nakaalis ng Pilipinas para magtrabaho sa ibang bansa dahil sa biglang paghihigpit ng mga patakaran sa mga bumibiyahe.

Pindutin para sa detalye

Sa Hong Kong, kabilang sa mga nakatanggap ng tig HK$1,500 mahigit ang mga hindi pinalabas ng kani-kanilang mga amo para mag dayoff na ang ginawang dahilan ay ang pagkalat ng coronavirus, o yung mga natigil sa trabaho dahil tinawag silang “close contact” ng mga naimpeksyon.

Kalaunan ay hinigpitan ang patakaran, at hiningan na ang bawat aplikante ng “medical certificate” o patunay mula sa doktor na nagka Covid sila – bagay na tinutulan ng marami dahil hindi naman sila  pinalabas ng bahay para magpatingin sa gitna ng biglang pagdagsa ng mga kaso.

Nitong huli ay mas lalo pa itong hinigpitan. Ayon sa pinakahuling pahayag ng OWWA Hong Kong, ang maari lang mabigyan ng ayuda ay: (1) mga aktibo o bayad na miyembro ng OWWA, (2) at may medical certificate na nagpapatunay na may sintomas ang pasyente na nangailangan ng pagpapaospital o pagdadala sa kanya sa isang isolation facility para gamutin.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Bukod dito, sa sinasabing medical certificate ay dapat na nakasulat na ang pasyente ay may Covid-19, at pati na rin ang mga sintomas nito at anong klaseng paggamot ang isinagawa.

Dapat din na may kalakip itong (1)positibong resulta sa isang PCR test na isinagawa sa isang rehistradong laboratory; (2) patunay nang pagpapalabas sa pasyente mula sa ospital o isolation facility; (3) patunay mula sa gobyerno ng HK na gumaling na ito (o recovery record); (4) pasaporte at (5) HK ID.

Hindi rin pwedeng basta-basta na lang pumunta sa OWWA para isumite ang aplikasyon dahil kailangang may appointment muna na maari lang gawin sa pamamagitan ng pagrehistro sa isang website, at maghintay ng sagot sa pamamagitan ng email.

Mas mahigpit ang patunay sa Covid na hinihingi ng OWWA kaysa sa gobyerno ng HK

Sa kabila ng dami ng mga hinihinging patunay ay dagsa pa rin ang pumipila sa opisina ng OWWA para magbakasakali, lalo sa araw ng Linggo, nguni’t umuuwing sawi.

Kabilang sa kanila si Chrislyn Gervacio, na hindi napigilang ihinga ang sama ng loob sa isang mensahe sa The SUN: “Ang tagal kong pumila tapos wala naman akong napala. Ang susungit pa ng ibang staff nila.”

Ayon naman kay Hydie Absazaldo, na nagbakasakaling humingi din ng tulong bago ang biglaan niyang pag-uwi dahil sa problema sa pamilya: “Ang dami naming pumunta doon. Yung dito nga sa building namin dinala pa sa Penny’s Bay (quarantine facility) pero dahil wala namang sulat o reseta ay wala ding nakuha.”

Press for details

Dagdag pa niya, “Iyon pala ay hindi para sa lahat kundi para lang sa mga na ospital at quarantine. Grabe naman po kung ganoon kasi hindi naman lahat ng OFW na nagka Covid ay dinala ng amo sa ospital o quarantine facility.”

Ang laki daw sanang tulong sa kanya dahil umuwi siya na halos walang dalang pera.

Sabi naman ni Jen Solidar, nabigo din siyang makakuha ng ayuda dahil SMS lang para sa kanyang isolation order na mula sa gobyerno ng HK ang kanyang naipakita. Kahit gusto daw niyang magpakuha para magamot noon ay hindi siya inutusang lumipat ng quarantine facility dahil na rin siguro sa dami ng mga mas malala ang kundisyon kaysa sa kanya.

Sa unang araw pa lang daw niyang magka Covid ay nagkombulsyon sya dahil sa taas ng kanyang lagnat. Inuubo din siya at sinisipon, at masakit na masakit ang kanyang buong katawan. Nawalan pa nga daw siya ng boses, at isang buong linggo na may lagnat.

Pero dahil hindi siya naospital o nailipat sa isolation facility at walang medical certificate ay hindi siya pumasa sa pamantayan ng OWWA HK.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ganito rin ang ipinaabot na sentimyento ng Mission for Migrant Workers, na nakatanggap ng may 100 apela mula sa mga OFW para tulungan silang makakuha ng ayuda kahit tinanggihan na ng OWWA HK ang kanilang mga aplikasyon.

Ayon kay Edwina Antonio, na case officer ng Mission, may 31 kaso daw sila na “under evaluation” pero ang iba ay isinantabi na dahil daw sa patakaran na ipinalabas ng OWWA Main Office noong Apr 1 na kailangan nang magpakita ng “medical certificate” dahil wala na daw “covid surge” sa Hong Kong.

Ito ay sa kabila ng patuloy na pagdagda ng mga kaso sa Hong Kong, na ang bilang ay umaabot pa rin sa 5,000 kada araw sa ngayon.

Sabi ni Antonio, “Dapat ang OWWA HK ang nagsasabi kung ano ang kalagayan sa Hong Kong – ano lang ang binibigay na documents kapag Covid +.”

Kapag kasi ini report sa gobyerno ng HK na nag positive ang isang tao ay papadalhan sila ng “isolation order” kung saan papipiliin sila kung gusto nilang mag quarantine sa bahay o sa isang pasilidad ng gobyerno. 

Dati, kapag nakita ng gobyerno na maliit ang tinutuluyang bahay ng isang pasyente at iisa ang toilet ay uutusan na sila na lumipat sa Penny’s Bay o iba pang isolation facility. Pero kahit nailipat sila doon ay walang doktor na tumitingin sa kanila, at hindi rin nililista isa-isa ang mga sintomas nila, katulad ng gusto ng OWWA. Kailangan lang silang mag self-test araw-araw at i-report ang resulta sa awtoridad.

Kapag pinili naman nilang magpagaling sa bahay ay ganoon lang din ang dapat nilang gawin. Mag rapid antigen test araw-araw, at kapag nag negatibo sa ika-6 at ika-7 araw ay maari nang lumabas kahit walang utos ng gobyerno.

“Kaya hindi usapin kung may surge o wala, ang issue, nagka Covid sila at kailangan ng tulong,” sabi pa ni Antonio.

“Alam naman ng OWWA HK ang kalagayan dito at ano lang documents ang binibigay. Nasa isolation order naman (ang) name, HKID number, kaya iyon lang patunay na nagka Covid ang mga claimants. Bakit pinahihirapan sila?”

Isa pa, hindi naman daw maaring pekehin ang isolation order dahil pinapadala ito ng mismong Centre for Health Protection sa pamamagitan ng SMS, at maaaring i-check ng OWWA HK sakaling may pagdududa sila.

Ito kasi ang isa sa mga sinabing dahilan ni OWWA welfare officer Virsie Tamayao sa isang grupo ng mga aplikante na nagpunta at naghintay sa labas ng opisina niya maghapon noong Sept 11, pero bigong makakuha ng tulong. May kaso na daw silang nakita na pineke ng aplikante ang mga dokumento niya.

Sabi din niya, may pera pa daw ang OWWA para sa ayuda at marami pa din ang nakakakuha. “It’s just that others were not able to submit the requirements as per office guidelines issued.” (Hindi lang naibigay ng ibang aplikante ang mga tamang dokumento ayon sa ipinalabas na patakaran ng aming opisina).

Payo niya sa mga nagrereklamo, sabihin sa mga opisyal ng OWWA sa Manila na baguhin ang mga patakaran para sila mabigyan ng tulong.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Filipino accused in Wanchai stabbing fails in bail bid

Posted on 21 October 2022 No comments

By The SUN

 

Eastern Court magistrate denied bail, citing seriousness of the case and strong evidence vs accused

A Filipino construction worker who is accused of slashing the face and head of a fellow Filipino in Wanchai 12 days ago failed in his attempt to apply for bail at Eastern Court today, Friday.

Through his duty lawyer, Romeo D. Miranda offered to post cash bail of $3,000, surrender his passport and report regularly to any police station. He said he just wanted to see his three-year-old son and five-year-old daughter again.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The lawyer also pointed to Miranda’s wife who was in the dock, looking pained, while the court proceedings were going on.

However, the prosecution opposed the bail application.

Pindutin para sa detalye

After considering the application for a few minutes, Principal Magistrate Ada Yim decided to reject it, saying the court “did not see any material change in the circumstances of the case.”

The magistrate also said it was necessary to continue keeping the accused behind bars so he could not commit another offence or interfere with the witnesses.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

She also cited the seriousness of the case and the strength of the evidence against the accused.

Miranda was arrested along with Filipino driver Delfin D. Villaremo, 55, two days after they allegedly attacked two other men outside the Tai Wo Street Playground in Wanchai in the evening of Oct. 9.

Press for details

The injured men were taken to Ruttonjee Hospital while their attackers fled.

The defendants were arrested separately in the morning of Oct. 11 and charged in court two days later.

Miranda was charged with wounding for allegedly using a kitchen knife to stab and slash Benson Jy Mateo Agunoy.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Villaremo was charged with assault occasioning bodily harm for allegedly attacking William L. Maun at the same place.

At their initial court appearance, Villaremo was allowed to post bail for $1,000 on condition that he would report to police as required, surrender his passport, and would not leave Hong Kong.

Miranda was remanded in jail custody as he did not apply for bail then.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Korte tinanggihan ang dinagdagang alok na piyansa ng Pilipina

Posted on No comments

 

Ito ang lugar kung saan hinuli ang nasasakdal

Itinaas ng isang Pilipinang inihabla ng pagbebenta ng droga (drug trafficking) ang alok nyang piyansa sa $7,000, pero tinanggihan itong muli ng mahistrado sa pagdinig ngayon (Oct. 21) sa Kowloon City Courts.

Ayon sa abogado ni Rhea Maristela, 26 na taong gulang at nagtatrabaho bilang waitress, gusto sana nitong makalabas sa kulungan upang maalagaan ang dalawa niyang anak -- isang lalaking limang taong gulang at isang babaeng anim na taon.

Ang dating alok niya na $5,000 ay nauna nang tinanggihan ng korte.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pindutin para sa detalye

Nguni't ayon kay Magistrate Andrew Mok walang nabago sa kalagayan ng kaso para iutos niya na palayaing pansamantala si Maristela.

Idinagdag niya na hindi sapat ang alok na piyansa upang masigurong babalik siya sa susunod na pagdinig, na itinakda sa Nov. 25.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Press for details

Kinasuhan si Maristela matapos mahuli siya diumano ng mga pulis noong Oct 13 sa 33-34 Nathan Road sa Tsim Sha Tsui sa aktong pagbebenta ng bawal na gamot.

Ayon sa pulis, nilabag niya ang Section 4(1)(a) at 3 ng Dangerous Drugs Ordinance, na nagbabawal ng pagbebenta ng droga at mga bagay na may sangkap na ganito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hindi inilahad sa charge sheet kung anong klaseng droga at gaano karami ang nakita kay Maristela.

Isang kamag-anak ng nasasakdal na dumalo sa pagdinig ang nagsabi na makabubuti sa kanya ang manatili muna sa kulungan habang dinidinig ang kaso niya dahil mas ligtas siya doon.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Filipina facing drug trafficking also charged with overstaying

Posted on No comments

By The SUN

 

Packed methamphetamine seized 2 days before the accused was arrested

A Filipina who was earlier charged with trafficking in one kilo of methamphetamine (ice or shabu) was back in court today, Friday, to face a second charge of violating her condition of stay by overstaying.

Liza D. Soriano, 44 years old, was read the new charge when she appeared before Eastern Principal Magistrate Ada Yim.

According to the second charge, Soriano entered Hong Kong legally, and was permitted to remain in Hong Kong only until Dec 2, 2021 but did not leave until her arrest for drug trafficking on Jul 28, 2022.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pindutin para sa detalye

On that day, she was arrested at the main entrance of a building on 23-25 Third Street, Sai Ying Pun, with the drug.

The prosecution asked for more time to study the case and said they would continue to oppose bail due to the huge amount of drugs involved.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Press for details

The defense lawyer said no bail application would be made and no objection raised to adjourning the case for further legal advice.

Magistrate Yim set the next hearing of the case to Dec 30 for mention.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Drug trafficking is a serious offence which carries the maximum penalty of $5 million in fines and life imprisonment.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Itataas sa $1 ang halaga ng bawat plastic bag

Posted on 20 October 2022 No comments

 

$1 na ang halaga ng bawat plastic bag sa katapusan ng taon

Nakatakdang itaas sa $1 mula sa 50 cents ang halaga ng bawat piraso ng plastic bag na hihilingin para sa mga pinamili sa palengke, grocery o anumang tindahan simula sa Dec 31 ng kasalukuyang taon.

Inaprubahan ang pagtataas ng singil sa plastic bag sa pulong ng Legislative Council na isinagawa kahapon, Miyerkules.

Ayon sa bagong patakaran, ang mga frozen o hindi nakabalot na pagkain katulad ng mga prutas ay hindi na rin pwedeng hingan ng libreng plastic bag.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang mga pagkain na binibili para iuwi sa bahay ay maaari na lang ilagay sa libreng plastic bag, pero lilimitahin ito sa isang bag bawat order.

Ayon kay Secretary for Environment and Ecology na si Tse Chin-wan, inaasahan na tatanggapin ng publiko ang bagong patakaran dahil ipinaalala nito ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan laban sa polusyon.

Ayon pa kay Tse, napapanahon na itaas ang singil sa bawat plastic bag na hiling ng mga namimili dahil isang dekada nang 50 cents lang ang bayad para dito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Patuloy din daw ang pagdami ng mga plastic bag na itinatapon ng publiko na kailangang hanapan ng solusyon ng gobyerno.

Pero ang hiwalay na mungkahi na itaas sa $2 ang singil imbes $1 ay hindi pinaboran ng mga mambabatas.

Nauna rito, minungkahi ng gobyerno na pabilisin na ang pag-ban sa lahat ng mga plastic na plato at iba pang gamit sa pagkain.

Press for details

Ibig sabihin, pati mga restaurant ay kailangan nang palitan ang lahat ng mga plastic na gamit na hinahapag nila sa kanilang mga kostumer, kabilang ang straw, stirrer, plato at mga kutsara’t tinidor.

Inaasahang maipapatupad na ang unang bahagi ng bagong panukalang sa ikahuling tatlong buwan ng 2023, imbes sa 2025.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang pangalawang bahagi ng panukala, na magbabawal ng paggamit pati ng mga plastic cup at lalagyan ng pagkain, ay ipapatupad nang dahan-dahan, hanggang tuluyan na itong tanggalin sa 2025.

Ang sinumang lalabag sa bagong batas ay papagmultahin ng $2,000.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!



Don't Miss