Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Maari nang magbukas anumang oras ang mga kainan, at mag bbq sa labas

Posted on 27 October 2022 No comments

 Ng The SUN

 

Mahigit isang taon nang nakasara ang mga barbecue pit na pinapatakbo ng gobyerno

Simula sa darating na Huwebes, Nov. 3, ay tatanggalin na ang itinakdang oras ng pagbubukas ng mga restaurant at mga bar, at bubuksan nang muli ang mga barbecue pit sa mga parke at beaches.

Maari na ring magtanggal ng mask para magpakuha ng litrato ang mga bisita sa handaan, pero kailangan nila itong ibalik pagkatapos.

Ito ang mga binagong patakaran na inanunsyo ng mga opisyal ng gobyerno ngayon, kung kailan tumaas muli sa mahigit 6,062 ang bilang ng mga bagong kaso ng Covid-19 sa Hong Kong, kabilang ang 375 na mula sa ibang bansa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

May walong pasyente ng Covid ang nadagdag sa listahan ng mga namatay – pero walang masyadong nadagdag sa bilang ng mga kinailangang maospital dahil sa sakit.

Ayon kay Libby Lee, Undersecretary for Health, napagdesisyunan ang pagpapaluwag muli ng mga patakaran dahil hindi na halos nadadagdagan ang bilang ng mga nagkakasakit nang malubha nang dahil sa coronavirus, kaya hindi na hirap magbigay ng serbisyo ang mga ospital.

Gusto din daw ng gobyerno na maibsan nang kaunti ang hirap na dulot ng Covid sa mga tao sa Hong Kong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pagdating naman sa pagpayag nila na magtanggal ng mask ang mga nagpapakuha ng litrato sa mga handaan, katulad ng sa kasal, sinabi ni Lee na sa tingin nila ay hindi naman ito magdadala ng malaking panganib.

“Nakakatanggap kasi kami ng maraming mensahe sa mga miyembro ng publiko na ang pagpapakuha nila ng litrato sa stage ng walang mask ay makakatulong para maibsan ang kanilang mga pag-aalala at humusay ang kanilang pakiramdam,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng mga kasalukuyang patakaran, maari lang magtanggal ng mask ang mga dumadalo sa handaan kapag sila ay kumakain o umiinom. Kailangan nilang ibalik ito tuwing sila ay lalayo sa kanilang mesa.

MAY CHANCE KA PANG MANALO!

Ang mga restaurant naman ay pinapayagan na magbukas nang hanggang hatinggabi lamang, samantalang ang mga bar ay hanggang 2am.

Sa pinakahuling mandato ng gobyerno, maaari nang magsamang magkainan ang 12 katao sa mga restaurant, at anim naman sa mga bar.

Sa handaan naman ay puwede nang mag-imbita ng hanggang 240 katao.

Press for details

Pagdating naman sa desisyon na buksan nang muli ang mga barbecuehan, hindi na daw sila nagdadala ng mas malaking panganib kaysa sa mga restaurant, kung saan maaari nang magkasamang kumain ang 12 katao.

Mahigit isang taon nang sarado ang mga barbecue pits na pinapatakbo ng gobyerno. Isinara sila noong Hulyo ng 2021 dahil sa biglang pagdagsa muli ng mga kaso ng Covid-19 sa Hong Kong.

Pero nang tanungin si Lee kung may balak ba ang gobyerno na muling paluwagin ang mga patakaran para sa mga paparating sa Hong Kong, sinabi niya na patuloy pa nilang inoobserba ang sitwasyon ng Covid sa buong mundo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Marami ang umaasa na tatanggalin na ang tatlong araw na “medical surveillance” sa mga bagong dating dahil nangangahulugan ito na limitado ang kanilang mga kilos sa loob ng panahong ito. Pati ang pumasok sa restaurant o iba pang lugar na tinatawag na “high risk” ay hindi nila maaaring gawin.

Umaasa din ang marami na tatanggalin na ang maraming Covid testing na kailangang gawin ng isang bagong dating. Kailangan nilang mag PCR test paglapag sa Hong Kong airport, at sa ika-2, 4 at 6 na araw ng kanilang pagdating, at rapid antigen test naman sa loob ng isang linggo.

Travelers to Philippines do not have to fill out e-arrival card before boarding

Posted on No comments

By The SUN 

Travelers now have the option of filling out the e-arrival card when they land in Manila  

Starting on Nov. 1, passengers bound for the Philippines are no longer required to fill out the electronic arrival card (e-arrival card) before boarding their flights, Malacanang said yesterday (Wednesday).

The Office of the Press Secretary said in a statement that lanes will be set up in all ports of entry for those who have yet to complete the e-arrival card registration.

Filling out the numerous information required in the e-arrival card and its predecessor, the OneHealthPass, has prompted widespread complaints among inbound travelers.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

In Hong Kong, at least two returning overseas Filipino workers were unable to board their Manila-bound flight because they failed to complete the OneHealthPass before the departure gates were closed.

“Hindi na ito mandatory; lanes will be set up in airports for this system,” said an officer of the Press Office.

The use of the e-arrival cards for all incoming travelers was made mandatory for all new arrivals starting on Tuesday, Nov.1. The entry pass could be filled out within 72 hours before flying to Manila.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

However, in a press briefing Tuesday, Tourism Secretary Christina Frasco said all Cabinet secretaries agreed to a proposal to that filling out the e-arrival card would no longer be required during check-in. 

Instead, travelers can now fill out the said card at their own convenience, either before departure, or upon arrival where they can get help. 

Frasco said special lanes will be set up at all ports of entry for those who did not have the chance to fill out the e-arrival card.

MAY CHANCE KA PANG MANALO!

She also announced the decision to do away totally with requiring RT-PCR tests for arriving passengers who did not receive a booster dose of a Covid vaccine.

Under the new rules, even unvaccinated foreigners need only present a negative result for a rapid antigen test taken before their flight, or on arrival in the Philippines.

“The overarching direction of the Marcos administration is to allow our country to convey an openness and a readiness to the world to receive tourists and investments so that we would give our fellow Filipinos an opportunity to regain all the livelihood and losses that were incurred during the pandemic,” she said.

Press for details

Separately, the Philippine government has also made the wearing of face mask voluntary in all indoor public places. Previously, mask-off was allowed only in outdoor spaces.

However, people will still be required to wear a mask when taking public transportation, medical transportation and medical facilities.

Frasco said in the earlier press briefing that persons who are unvaccinated and those with co-morbities or are senior citizens are still “highly encouraged” to wear masks.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

But the Department of Health appears to be not as enthusiastic about allowing more people to take off their masks in public.

In a separate statement, the DOH said people will be more protected against Covid-19 if they use more layers of protection.

These include, said the DOH, vaccination, social distancing, taking care of one’s health, proper ventilation and sanitation, apart from masking.

Filipina admits $92k jewelry theft; says employer declined to pay for long service

Posted on No comments

By Daisy CL Mandap

 

The theft happened inside the employer's flat in The Belcher's in Pokfulam

A Filipina domestic helper was ordered jailed for four months at Eastern Court earlier today, Thursday, after pleading guilty to stealing several pieces of jewelry worth a total of $92,000 from her employer of eight years. 

Rosalia C. Jacinto, 53, said through her lawyer that she stole because her employer declined her request for long service pay after her nephew met a traffic accident last year and she needed to send money home to pay for his hospitalization. Her nephew subsequently died.

Jacinto’s employer, Manisha Kamad, instead gave her $1,000 but the helper said it was not enough to cover his nephew’s medical expenses. At the time, Jacinto was being paid $5,750 a month and she sent $4,000 of this to her family back in the Philippines.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

According to the charge she admitted, Jacinto stole 23 pieces of gold jewelry from an unlocked suitcase inside the employer’s bedroom in her house on 33/F, Tower 5, The Belcher’s in Pokfulam, between an unknown day in November last year and Sept. 15 this year.

The stolen jewelry consisted of six gold necklaces, 13 gold bangles, three gold earrings and one gold bracelet.

Sometime this month, the employer checked her hiding place and discovered that several pieces of jewelry had gone missing. Confronted about this, Jacinto admitted stealing the missing items and then showed three pawn tickets for them.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Police who investigated the pawnshop on Des Voeux Road West found all of the missing jewelry and the employer went to redeem them for a total of $57,000.

Prosecution said in court that the employer wanted to be compensated in the amount she spent redeeming the stolen jewelry.

To this, the defense lawyer said Jacinto had no money on hand, but offered to offset the compensation demanded against what she was owed for long service pay.

MAY CHANCE KA PANG MANALO!

But he immediately agreed when Magistrate Yim said she didn’t think Jacinto was entitled to the gratuity because of what she had done.

According to the Labour Ordinance, a worker should be paid for long service if he/she has been in continuous employment for not less than 5 years prior to the termination of service by reason of: (i) dismissal for reasons other than redundancy or for cause (summary dismissal); or (ii) not renewing an employment contract; (iii) death or (iv) resignation on ground of ill health; or (v) resignation at the age of 65 or above on ground of old age.

Press for details

In sentencing, the magistrate said the crime involved was serious because it involved a breach of trust, and a number of valuable jewelry worth more than $90,000 had been stolen.

She also pointed out that to recover her lost property the employer had to spend more than $50,000 – an amount that the helper was in no position to repay to compensate for what she had done.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The magistrate said she was using six months’ imprisonment as a starting point in sentencing, but would take off a third because of the defendant’s guilty plea, leaving four months in jail as penalty.

She also said she was not making any order for compensation, but this should not stop the employer from filing a civil claim against the helper if she so wishes.


Filipina appears in court charged with $384k theft

Posted on No comments

By The SUN 

The theft case was heard in Kwun Tong court

A Filipina domestic worker appeared in Kwun Tong court on Wednesday, Oct 27, charged with stealing an assortment of jewelry from her employer said to be worth a total of $384,000.

Ligaya Ao-wat Banisal, 42, did not enter any plea and was remanded in custody until her next court appearance on Dec. 13.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

PINDUTIN PARA SA DETALYE

According to the charge sheet, Banisal stole the following pieces of jewelry from the flat of her employer, Hui Sau-ling on 38th floor, Tower 2, Hemera, Lohas Park, between January 2021 and Oct 16, 2022, when she was arrested - 18 gold bangles, 2 gold necklaces, 5 gold bracelets, 2 rings, 4 gold rings and 9 necklaces.

MAY CHANCE KA PANG MANALO!

Press for details

Banisal was first charged in court on Oct. 18, or two days after the alleged theft.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Under Hong Kong laws, the maximum penalty for the crime of theft is 10 years.

 

Pilipina kinulong ng 15 buwan dahil sa pekeng HKID at ilegal na pagtatrabaho

Posted on No comments

 

15 buwang kulong ang ipinataw sa Pilipina sa pagdinig sa Shatin Magistracy.

Isa sa mga Pilipinang inaresto sa isang raid sa isang restaurant sa Repulse Bay ang ikinulong nang 15 buwan dahil sa pagkakaroon ng pekeng HKID at pagtatrabaho nang ilegal.

Inamin ni Ginalyn Malcat sa pagdinig ng kanyang kaso sa Shatin Magistracy, ang dalawang kasong isinampa laban sa kanya pero hindi ito binigyang halaga ni Acting Principal Magistrate David Cheung nang ipataw nito ang karaniwang parusa nang walang bawas.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Para sa paggamit ng pekeng Hong Kong ID na nakapangalan sa kanya bilang permanent resident, na paglabag sa Registration of Persons Ordinance, pinatawan si Malcat ng 12 buwan sa kulungan.

Para sa illegal na pagtatrabaho, dahil ang isang asylum seeker na gaya niya ay bawal magtrabaho sa Hong Kong, may bayad man o wala, sa ilalim ng Immigration Ordinance, pinatawan siya ng 15 buwan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang tanging pagluluwag na ibinigay kay Malcat, 38 taong gulang at hiwalay sa asawa, ay ang utos ni Magistrate Cheung na sabay niyang pagsilbihan ang dalawang sentensya.

Kasabay ni Malcat na humarap sa korte si Sally Gelotin, 42 taong gulang na domestic helper, na humingi na ipagpaliban ang pagdinig sa kanyang kaso upang magkonsulta sa abugado tungkol sa kaso niyang ilegal na pagtatrabaho sa naturan ding restaurant.

MAY CHANCE KA PANG MANALO!

Itinakda ni Magistrate Cheung ang susunod na pagdinig ni Gelotin sa Nov. 16, at itinuloy ang bisa ng kanyang piyansang $2,000 at iba pang kondisyon.

Sina Malcat at Gelotin ay magkasamang nahuli sa isang operasyon ng Immigration Department na tinawag na “Twilight” noong Sept. 23.

Press for details

Kasama sila sa apat kataong inaresto dahil sa ilegal na pagtatrabaho sa operasyong isinagawa ng mga kagawad ng Immigration sa 11 lokasyon noong araw na iyon.

Nahuli rin ang tatlong employer at isang tumutulong sa kanila.

Samantala, sa hiwalay na pagdinig, pinatawan ng walong linggong pagkabilanggo si Roxan Siwao, 40 taong gulang, dahil sa pag-overstay niya nang tatlong taon at isang buwan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dapat kasi ay umalis na si Siwao noon pang Aug. 20, 2019, pero namalagi siya sa Hong Kong hanggang sumuko siya noong Sept. 16, 2022.

Dahil sa pag-amin ni Siwao sa kasalanan, binawasan ng tatlong linggo ni Magistrate Cheung ang simulang parusa na 13 linggo, at binawasan pa ng karagdagang dalawang linggo dahil sa kanyang pagsuko, kaya ang naiwang sentensya ay walong linggo.

MAY 2 PANG MOTORCYCLE PRIZES SA 2ND ROUND REAL NAME REGISTRATION LUCKY DRAW NG SMARTONE!!

Posted on 26 October 2022 No comments

  


Simula na ng 2nd round ng lucky draw ng Kymco Motorcycle sa Real Name Registration Lucky Draw. May 3rd round din ito kasi 3 motor ang raffle. Kakatapos lang ng unang draw nung Oct 17 at congrats sa ating 1st winner na taga Tarlac. Kaya dun sa mga hindi mapalad sa 1st round, may 2 rounds pa kayo. Kaya mag i-register na inyong SIM cards o bumili pa kayo ng mga bagong SIM at i-register para mas madaming chance manalo. 

Paano ba sumali? Simple lang! 

Lahat ng prepaid SIM cards ngayon ay kailangan ng i-register ayon ito sa bagong batas na inilabas ng Telecommunications Regulations. Ang mga bagong SIM cards naman bago ito magamit ay dapat i-register din. 

Madali lang mag register gamit ang iyong HKID o passport. May site lang na kailangan buksan para mag register, tap here https://www.smartone.com/hk/phrnr/fil o i-scan ang QR code sa ibaba o pumunta sa http://www.barkadahansasmartone.com/

I-upload ang HKID o passport sa site ng RNR at sundin ang steps. Madali lang ang ito. Kung gusto mo naman ng video tutorial para lalong malaman kung paano, panoorin ang video dito https://bit.ly/3Muq2b3

STEP 1: Insert SIM into phone. Wait for SMS link https://www.smartone.com/hk/phrnr/fil (or scan QR code printed on the SIM pack with your phone). Please note you don’t need to have internet. Just make sure data is Enabled in phone Settings. Open link, choose Individual & press Start. 


STEP 2: Select HKID / Passport to upload Take photo of your HKID / Passport. Details will upload automatically. For Temporary HKID paper / Refugee Certificate identity, select Passport, choose Other Document

STEP 3: Tick your title & verify all Personal Information. For Contact number & email address if applicable. Press Continue. In SIM registration, choose Auto Input, press Auto-verify ICCID. ICCID numbers will appear automatically then press NEXT. Tick all Terms & Conditions and press SUBMIT




STEP 4: Registration Submitted. You will get a confirmation SMS if SIM Registration is successful with your NEW MOBILE NUMBER. Your SIM is now ready to use. To activate internet press *111*3288# CALL  


Ang promo na ito ay hanggang Dec 15, 2022. Ang mga nag register simula Sept 16 ay kasali. 

Yung mga mas maagang nag register ay hindi kasali pero pwede kayong bumili ng SIM at mag register muli. 

Hanggang 10 SIM pwede i-register sa 1 HKID. Mas madami kang SIM ma-register, mas madami kang chances manalo. 

Kapag hindi ka nanalo sa 1st draw, kasali ka pa rin sa 2nd at 3rd draw. 

Dapat ay active ang SIM cards mo hanggang sa huling draw. Hindi kasama sa bola ang suspended o inactive na SIM. Ang 2nd draw ay sa Nov 17, 2022. Ang 3rd draw ay Dec 17, 2022. 

Ang prize ay i-di-deliver sa Pamilya o bahay mo sa Pinas. Siguradong malaking tulong ito para sa mga loved ones mo kapag ikaw ang nanalo. 

Para sa buong detalye ng lucky draw, tap here https://bit.ly/3xJkHqQ 

Kapag ikaw ay nag RNR na, magiging VIP ka na rin ng SmarTone at may regalo ka na $20 voucher at 800 Spoint na Birthday Gift. Mas madali rin kung mag install ng My SIM Account app. Kung wala ka pa nito, tap here 

https://wap.smartone.com/bssapp/

Kung kailangan mo ng tulong, pwede kang pumunta sa Barkadahan shop 159 WWH Central o shop B Jollibee Arcade Yuen Long o sa mga promoters sa mga suking Pinoy tindahan sa HK o sa Whatsapp hotline https://wa.me/94478231 

Para naman malaman iba pang mga offers sa Barkadahan, tingnan aming leaflets o press https://bit.ly/2Uy81zi

Mas bongga talaga sa Barkadahan, pramis! 

Barkadahan sa SmarTone for the OFW, with the OFW! 

Competition Licence no.: 56044





Slimming seksi body at makinis na kutis nakamit

Posted on No comments

 

Gina Serrantes: Before and after

Sa kabila ng sapat na tulog at tamang pagkain, naisip mo ba kung bakit nagkakaroon pa rin ng skin problems.  Ang air pollution, air humidity, ang sobrang bilad sa araw at sobrang lamig ng panahon ang nagiging sanhi ng mga problemang ito.

Naging suliranin ni Gina Serrantes ang dagdag na timbang, scars ng pimples at dark spots sa kaniyang mukha. 

Nabuhayan siya ng loob ng mabasa niya mula sa Sunweb FB page ang testimonya ng isang Pinay na gumamit ng upgraded version ng Dream Love 1000 5 in 1 body essence lotion, gawa sa England.  Ipinayo din ng kaniyang kaibigang na gumamit nito kaya daglian siyang bumili ng isang tube mula sa Sun Fung sa Worldwide plaza sa halagang HK$98 lamang.

Pagkauwi at pagkatapos maligo ay ginamit ni Gina ang lotion sa buong katawan at mukha ng ayon sa instruction sheet.  

After few weeks na paggamit nito ay napuna niyang epektibo ito at muli siyang bumili ng 2 tubes.  Nakita din ng kaniyang kaibigan ang malaking pagbabago ng kaniyang pigura at kutis. Malaki ang nabawas sa mga dark spots, pimple scars sa kaniyang mukha, maging ang taba sa kaniyang katawan ay nabawasan din. Kuminis, pumuti at naging firm ang kaniyang balat. Ikinatuwa rin ni Gina na mula noon ay marami ng pumapansin sa naging epekto ng lotion sa kanya.

-------------------------------------

Para sa gandang nakaka-akit

Ang iyong Kagandahan ay magiging tunay na kaakit-akit. Mabibili sa Hong Kong ang updated version na

Dream Love 1000 5-in-1 Body Essence Lotion

na gawa sa laboratoryo ng La Cite Parfumer S.A. Paris mula sa mga piniling sangkap galing pa sa England, Germany, Canada at France.

_________________________________

Tingnan ang libu-libong mga totoong karanasan sa buhay ng mga kababayan, at kung paano nila ginamit ang
Dream Love 1000 5-in-1 Body Lotion
para maging natural na kaputian, hugis, mas batang tingnan at kumikinang na balat, sa ngayon ay lalo nang seksi sa http://www.sunwebhk.com



Intimate moments sa loob ng lift

Posted on No comments

 

Rhina Ortiz

Upgraded Dream Love 1000 seksuwal perfume, gawa sa England ay muling napatunayan na epektibo ito ay  mabibili mula sa Victory Supermarket, Fiesta Mart, Sun Fung, Aurora Mart, Victory Minimart (Ground Floor, Worlwide plaza) sa halagang HK$88 lamang.

Palaging nababasa ni Rhina Ortiz sa Sun web page ng Facebook ang testimonya ng mga Pinay na nagkaroon ng magandang karanasan sa paggamit nitong pabango. Naengganyo siyang bumili upang subukan kung epektibo. Matagal na  niyang crush ang kapitbahay na Pinoy driver pero mukhang masungit. Sa tuwing makikita  niya ito ay laging seryoso ang dating walang kangit-ngiti.  

Napuna niyang mula ng gamitin ang nasabing perfume ay damang-dama niya ang pagiging epektibo nito dahil bawat kalalakihan na makasabay niya ay nagsasabing ang bango niya. Minsan habang papauwi galing ng palengke ay hindi sinasadyang magkabungguan sila ni Chris, ang kaniyang crush patungo sa loob ng lift. 

Nagpaumanhin  ito sabay pulot nila sa nahulog na mga pinamili. Pagkatapos iabot sa kaniya ay nagpakilala ito at napansin niyang napahigpit ang hawak nito sa kaniyang kamay. Nang umabot na sa 5th floor ang lift nagpaalam ito ay hinawakan muli ang kaniyang kamay sabay ginawaran ng halik. Nakaramdam siya ng kiliti at ligaya sapagkat sa wakas napansin siya nito. Mula noon ay palagi na silang magkasamang namamasyal at kalaunan ay naging magkasintahan.

-------------------------------

 
_________________________________

*Naghahanap ka man ng pag-ibig, nang-aakit ka man ng lalaki, o gustong maging tapat ito sa iyo, o gusto mong ikaw ang ikasal sa halip na maging abay lang sa kasal, kung gusto mong may pagbabago ng saloobin ang iyong amo sa kabaitan, at maging kaakit-akit sa paningin ng lahat... 
_________________________________

Pinay na nakapulot ng brilyanteng singsing, agad sinurender sa pulis

Posted on No comments

Ni Daisy CL Mandap 

Ang singsing na napulot ni Beth Rizardo ay may kakaibang marka sa loob

Sa gitna ng mga nakakapanlambot na kuwento ng nakawan na sangkot ang mga Pilipinang migrante sa Hong Kong ay isang nakatutuwang balita ang lumabas sa Facebook page ng Social Justice for Migrant Workers ngayong araw ng Miyerkules.

Ito ang pagkakapulot ng isang gintong singsing na may mga brilyante ng isa sa mga administrator ng Social Justice na si Beth Lagunday Rizardo.

Hindi siya nag-atubili na dalhin agad ang singsing sa Tai Wai Police Station pagkatapos kunsultahin ang isang kaibigan kung ano ang kanyang dapat gawin.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Napulot daw niya ito noong Linggo, bandang 7pm sa istasyon ng MTR sa Tai Wai.

“Papasok ako ng train nang makita ko. Akala ko kung ano. Sinipa ko, tapos pinulot ko sabay takbo sa loob ng train dahil magsasara na ang pinto,” sabi ni Rizardo.

Natakot daw siya nang makita kung ano yung kanyang napulot dahil baka nakita siya sa CCTV sa malapit, at baka pagbintangan siyang ninakaw niya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang takot ding ito ang dahilan kung bakit hindi siya pumunta sa sanlaan para sana ipasuri ang singsing.

Ang ginawa niya ay pinakita niya sa isang kaibigan ang singsing, at sabay nilang tiningnan kung tunay ba itong ginto. Base sa nakita nilang nakaukit na marka sa loob singsing ay gawa ito sa 18k na ginto, at malamang na sa Europa dinisenyo.

MAY CHANCE KA PANG MANALO!

Nang ikumpara nila ang presyo ng mga kaparehong singsing ay nalaman nila na malamang na hindi bababa sa $10,000 ang halaga nito. May tampok kasi itong malaking brilyante sa gitna, at anim na mas maliliit na brilyante sa paligid.

Paglabas ni Rizardo kaninang umaga para mamalengke ay diniretso na niya ito sa police station kung saan binigyan siya ng kapirasong papel na nagsasabi na kapag walang naghanap sa singsing sa loob ng tatlong buwan ay mapapasakanya na ito.

Press for details

Ginawa niya daw ito “para maiba naman ang pagtingin ng mga pulis sa ating mga Pinay.”

Dagdag niya, “Lahat na lang kasi ng mga kuwento ngayon puros pagnanakaw ng alahas na gawa ng mga Pilipina,” sabi pa niya.

Sabi ni Rizardo, natakot siyang mapagbintangan na ninakaw ang singsing

Si Rizardo, na 10 taong nang nagtatrabaho sa Hong Kong, ay isa sa mga tagapamahala ng Facebook page ng Social Justice at siya ang nangunguna sa pamamahagi ng ayuda sa mga Pilipinong migrante na nasa ospital o isolation centre.

Dagdag niya, umaasa siya na ang lahat ng makakabalita sa ginawa niyang pag surrender ng singsing sa pulis ay gagayahin ito, dahil siyang dapat.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa batas ng Hong Kong, ang lahat ng bagay na mapupulot sa publiko, kahit ano ang halaga at hindi alam kung sino ang may-ari, ay dapat ibigay sa pulis, para sila ang magpapaanunsyo tungkol dito. 

Kung wala namang aangkin nito sa loob ng tatlong buwan ay ibibigay na ito sa nakapulot, liban na lang kung hindi ito pwedeng ipangalan o ipasa sa iba, katulad ng tseke, ID o susi, o dili kaya ay naglalaman ng sensitibong impormasyon tungkol sa may-ari.


Don't Miss