Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

$1 na ang plastic bag sa Dec 31

Posted on 21 December 2022 No comments

 

Ang plastic bag para sa takeout ay hindi kabilang sa papatawan ng $1 na singil (RTHK photo)

Dodoblehin na sa $1 ang halaga ng bawat plastic bag na hihingin ng mga mamimili sa mga palengke at supermarket simula sa katapusan ng Disyembre.

Pero bibigyan ng hanggang isang buwan ang mga malaking supermarket katulad ng ParknShop at Wellcome para ito ganap na maipatupad. Bibigyan lang muna ng babala ang sinumang lalabag, pero pagkatapos ng takdang panahon ay maghihigpit na ang pamahalaan sa pagpapatupad.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Para masiguro ang pagsunod sa batas, magpapanggap na mamimili ang ilang mga tauhan ng pamahalaan sa loob ng tatlong buwan para malaya nilang maobserbahan at mahuli ang mga pasaway.

Sa una ay babala lang muna at payo ang ibibigay daw sa mga lalabag, katulad ng dapat na ilayo nila ang mga plastic bag sa mga self-checkout na lugar para hindi sila basta-basta makukuha ng mga mamimili.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Inamyenda ng Legislative Council ang dating batas na nagpapataw ng 50 cents, at dinoble ang halaga, para mas maging mahirap sa mga mamimili ang makakuha ng plastic bag. Layon ng batas na mabawasan ang malawakang paggamit ng plastic sa Hong Kong, na malaki ang naidudulot na pinsala sa kalikasan.

Sa ilalim ng bagong kautusan, babayaran na ang plastic bag na hihingin para sa mga frozen o pinalamig na pagkain katulad ng karne.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero mananatiling libre ang plastic bag na gagamitin para sa mga pagkain na pang takeaway o yung mga walang sariling balot, katulad ng mga prutas o gulay.

Papayagan din ang mga supermarket na ipagpatuloy ang pamimigay ng plastic bag para sa kanilang mga tindang karne at iba pang mga pagkain na walang balot pero inaasahan na isang plastic bag lang bawat katao ang kanilang ipamimigay.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang sinumang mahuling lalabag sa bagong batas ay maaring pagmultahin ng hanggang $2,000 sa unang kaso, pero maaaring tumaas ito ng hanggang $200,000 sa mga paulit-ulit na paglabag.

Ayon sa awtoridad, maari din nilang kasuhan ang mga mahuhuling lumabag sa batas ng ilang beses sa loob ng isang buwang palugit.

Ang perang makokolekta sa mga tindahan ay mapupunta din sa kanila. Sana nga lang daw ay gagamitin nila ito na pantulong sa pangangalaga ng kalikasan.

BASAHIN ANG DETALYE

Ayon sa balita, lumabas sa isang pag-aaral ng grupong NGO Greeners Action na sa mga supermarket pa lang ay umaabot na sa mahigit 170 million na plastic bags ang naipapamahagi sa mga mamimili.

Ayon naman sa gobyerno, 21 porsyento ng lahat ng basurang nakolekta sa mga tambakan noong 2020, o 2,312 tonelada, ay galing sa mga itinapong plastic.

Inaabot ng ilang daan, o libong taon, bago tuluyang malusaw ang plastic, kaya hinihigpitan ng lahat ng gobyerno sa buong mundo ang paggamit nito.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Filipino driver arrested on suspicion of aiding employers’ suicide

Posted on No comments

By The SUN

The couple was found unconscious in their white Alphard vehicle like this one  (File photo)

A 48-year-old Filipino family driver was arrested on Dec. 19 for allegedly assisting his elderly employers to commit suicide inside their vehicle parked on South Bay Road near Repulse Bay Road in Aberdeen.

The Filipino, whose name has not been revealed, was arrested after the police’s preliminary investigation revealed he may have assisted his 66-year-old male employer and his 62-year-old wife to commit suicide.

The elderly man, who was found lying beside a row of drugs inside the parked Toyota Alphard car, later died at Ruttonjee Hospital. His wife regained consciousness but remains in critical condition.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
PINDUTIN PARA SA DETALYE

According to the police, a suicide note was found, along with a plate of burnt charcoal on a hillside near the car.

Reports said the man who suffered from terminal pancreatic cancer, had collapsed at about 10 am for unknown reason. His wife had him put inside the car but instead of going to a hospital, told their driver to proceed to Repulse Bay. She then made an excuse for the driver to leave.

The female employer then started burning coal inside the car, and took medicines as well. Not long after, the driver returned and saw the couple unconscious in their car.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

The driver doused the charcoal with water, then took it out of the vehicle’s compartment. He also called the couple’s nephew to tell him what had happened.

Despite all this effort, the police believe he may have assisted the couple in their suicide pact.

BASAHIN ANG DETALYE

Police have classified the case temporarily as suicide, with the driver being accused of “assisting or abetting others to commit suicide.”

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Restos, bars allowed to open to full capacity, junk rapid tests

Posted on 20 December 2022 No comments

By The SUN

Maari na ulit punuin ang mga restaurant, pero hanggang 12 pa rin ang uupo na magkakasama

Happy days are back for restaurants and bars, as the government further relaxes anti-pandemic measures to get the economy back on track.

From Thursday, Dec 22, restaurants, bars and other designated venues will be allowed to operate at full capacity.

Bars, cruise ships and dining places where big banquets are held will also no longer have to ask guests to submit negative results for a rapid antigen test.

However, the maximum number of diners allowed to sit together in restaurants will remain at 12, and six for bars.

In a statement issued on Tuesday night, the government said the easing of restrictions takes into account the city’s latest Covid-19 situation and socio-economic needs.

While the number of Covid-19 infections rose to 17,000 last week, it dropped to between 15,000 to 16,000 after a few days. And although the number of patients who had to be hospitalized also rose, the proportion of those in critical or serious condition has remained stable.

The eased restrictions will also mean eating and drinking will now be allowed in outdoor areas of public entertainment and event premises, as well as sports premises, and mahjong and tin kau premises.

However, mask-wearing will continue to be imposed in all public areas, including public transportation.

The only exemptions allowed are when guests in scheduled premises go on stage during photo-taking, or when they are exercising in sports premises or fitness centers which meet the requirement on air change.

Live performances will also be allowed in catering premises and bars, but performers should take a RAT on the same day before entering the venue.

Performers are also asked to wear masks as far as practicable, and keep a distance of at least 1.5 meters from the audience or patrons – or beyond a partition. They should not also mingle with other people inside the venue.

Those who take part in any dancing activity inside these premises must wear masks while they are dancing.

Venue operators must also continue using the QR Code Verification Scanner mobile application provided by the Government to scan the QR code of a patron's vaccination record, medical exemption certificate or recovery record.

 
Full details are here: https://www.info.gov.hk/gia/general/202212/20/P2022122000646.htm

Bigay at hindi nakaw ang mga alahas na nakita sa kanya, ani Pinay

Posted on No comments

By The SUN

Kaya daw patunayan sa korte ng nasasakdal na ibinigay ng amo ang mga alahas sa kanya
 

Mariing itinanggi ng isang Pilipinang kasambahay ang tatlong paratang na ninakawan niya ng mamahaling alahas ang kanyang amo nang humarap siya sa Eastern Magistracy kaninang umaga, Dec 20.

Ayon kay Marilou Roquero Dequilla, 56, ang mga alahas na nabanggit sa paratang ay pawang bigay sa kanya ng kanyang dating amo na si Esther Ma na nakatira sa South Bay Close.

Ito ay kinabibilangan ng isang kuwintas na brilyante na may itim na batong palawit, isang kuwintas na may palawit na brilyante at ginto, at isang palawit na ginto. Walang binigay na kabuuang halaga ng mga alahas.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Base sa paratang, nangyari ang mga nakawan sa magkakahiwalay na insidente sa petsang Mayo 13, Hunyo 23 at Hulyo 30 ng kasalukuyang taon.

Ayon sa tagausig, mayroon silang mga testigo na magpapatunay sa pagnanakaw, kabilang ang anak na babae ng amo. Mayroon din silang dalawang video na gagamitin na ebidensya.

Hindi naman tinutulan ng abugado ni Dequilla na mula sa Duty Lawyer Service ang sinumiteng ebidensya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hindi pa agad malaman kung ano ang nilalaman ng video.

Nang tinanong ni Mahistrado Ivy Chui kung tutol si Dequilla sa sinasabi na kusang loob nitong pahayag sa pulis, at kung nabigyan siya ng sapat na babala tungkol dito, sinabi ng abugado na wala silang pagtutol dito.

Pero dagdag ng abugado, papatunayan daw nila na ibinigay ng amo kay Dequilla ang mga alahas kahit wala silang tatawaging testigo sa paglilitis.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Nagpaabot din ang abugado na gusto nitong makita ang salin ng salaysay ni Dequilla sa mga imbestigador na pulis.

Inutos ni Mahistrado Chui ang magkabilang panig na magsumite ng pirmadong pagpapatunay ukol sa lahat ng detalye ng kaso dalawang araw bago ang nakatakdang paglilitis sa Marso 3, 2023.

Ang paglilitis ay gagawin sa salitang English pero bibigyan ng tagapagsalin sa Tagalog ang akusado.

BASAHIN ANG DETALYE

Ibinalik si Dequilla sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig ng kaso.

Bagamat hindi siya humiling na payagan siyang magpiyansa, sinabi ng taga-usig na mariin nilang tututulan ang anumang pagtatangka nitong makalaya pansamantala sa bisa ng piyansa.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Pilipinang sinisante dahil gustong magbakasyon, binayaran lang ng $500

Posted on No comments

 ng The SUN

Si Macasinag paglabas sa tribunal: Sinabihan siyang di sya makakasingil ng severance pay

Tinanggap na lang ng isang 38-anyos na Pilipina ang bayad na $500 mula sa dating employer na inihabla niya sa Labour Tribunal nitong Lunes dahil sinesante siya nang magpilit siyang umuwi sa gitna ng muling pagdagsa ng Covid-19.

Gusto ni Rowena Macasinag, tubong Bicol at may tatlong anak, na bayaran siya ng dating amo na si Hoi Ying Yu ng $12,067 para sa severance pay at iba pang singilin matapos siyang  masisante noong buwan ng Hulyo.

Nagsimulang mamasukan si Macasinag noong Sep. 15, 2018 kay Yu. Siya ang nag-aalaga sa mga anak nito na ang isa ay bagong silang na sanggol at dalawang taong gulang naman ang pangalawa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Matapos ang dalawang taon ay nagpirmahan muli ang dalawa para sa pangalawang kontrata. Hindi nakauwi si Macasinag pero pumayag daw siyang ipagpaliban muna ang kanyang pag-uwi sa Bicol dahil nauunawaan niyang mahihirapan ang amo.

Ayon sa Pilipina, ang usapan nila ni Yu ay nitong nakalipas ng Enero siya uuwi matapos ang tatlong taon at apat na buwan niyang paninilbihan sa mga amo. Subalit pinakiusapan daw siya ni Yu na ipagpaliban ang pag-uwi niya sa buwan ng Agosto.

Subali’t isang buwan bago ang inaasahan niyang pag-uwi ay sinisante si Yu si Macasinag matapos nitong ipaalala sa amo ang tungkol sa kanyang pag-uwi.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Tugon naman ni Yu sa Labour Tribunal, hindi na umano siya nasisiyahan sa trabaho ni Macasinag kaya pinutol na niya ang kontrata nila. Sabi pa ni Yu, napilitan lang siyang pumirma ulit ng kontrata kay Macasinag dahil kasagsagan noon ng pandemya at mahirap kumuha ng kapalit.

Subalit ayon kay Macasinag, ang tingin niyang talagang dahilan ay ayaw magbayad ni Yu ng hotel para sa kanyang quarantine pabalik sa Hong Kong kapag siya ay nagbakasyon. Namamahalan daw ito sa presyo na $500 kada araw na bayad para sa hotel quarantine.

Matapos madinig ni Timon Shum, opisyal ng Labour Tribunal, ang dalawang panig ay hinikayat niya sila na mag-ayos na lang.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sabi ni Shum, may kahinaan ang reklamo ni Macasinag na pagbayarin si Yu ng severance pay. Bagama’t dalawang taon at 10 buwan siyang nanilbihan, kung sakaling kumuha ng bagong domestic helper si Yu ay mawawalan ng basehan ang reklamo niya.

Makakasingil lang kasi ng severance pay ang isang manggagawa kapag hindi na kukuha ng kapalit niya ang among nag-terminate sa kanya sa anumang dahilan, kabilang ang pinansyal, o dahil nagdesisyon itong lumipat ng ibang bansa. Dapat din na nakapagsilbi na ang manggagawa nang hindi kukulangin sa 24 na buwan.

BASAHIN ANG DETALYE

Sinabi din ng opisyal na kung ilalalaban ni Macasinag ang reklamo niya na hindi makatarungan ang pagsisante sa kanya, kailangan din niyang patunayan na hindi ito dahil hindi niya nagampanan nang maayos ang kanyang trabaho.

Natapos ang kaso nang sumang-ayon si Macasinag na tanggapin na lang ang alok ni Yu na bayad, bagamat malayo ito sa inaasahan niya.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Tatapusin na ang pinaluwag na mga patakaran para sa mga FDH sa Mayo

Posted on 19 December 2022 No comments

 

Balik sa dati ang mga patakaran para sa mga FDH simula sa darating na Mayo

 Ang lahat ng mga foreign domestic helper na ang kontrata ay magtatapos pagkatapos ng Apr 30, 2023 ay hindi na papayagan na makakuha ng anim na buwang extension katulad ng ginagawa ngayon dahil sa pandemya.

Ayon sa isang pahayag na ipinalabas ng gobyerno ngayong araw ng Lunes, tatapusin na sa Mayo ang mga pagluluwag na isinakatuparan simula noong kumalat ang Covid-19 noong unang bahagi ng 2020.

Kasama rin sa ititigil na ang pagbibigay ng isang taong extension sa mga nagtatapos ng kontrata, na nagdahilan sa pananatili ng maraming mga FDH dito kahit tapos na ang dalawang taon nilang kontrata.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa gobyerno, ang pagtatanggal sa mga pinaluwag na patakaran ay dahil sa panunumbalik ng normal na pagbiyahe sa pagitan ng Hong Kong at mga bansa kung saan nagmumula ang mga FDH na nandito.

Taking into account that flights between Hong Kong and major FDH-sending countries have gradually resumed after the lifting of the place-specific and route-specific flight suspension mechanisms on April 1 and July 7 respectively this year, the lifting of the compulsory quarantine requirement on arrival in Hong Kong with effect from September 26, as well as the gradual relaxation of inbound control measures, the Government has reviewed the situation and decided to discontinue the abovementioned flexibility arrangements from May 1, 2023 onwards,” sabi ng gobyerno.

Para daw mabigyan ng sapat na panahon ang mga FDH at kanilang employer na mapaghandaan ang mga pagbabagong ito ay ipapagpatuloy pa ang patuloy na kalakaran hanggang Apr 30, 2023.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Mungkahi din ng gobyerno, pag-usapan ng magkabilang panig ang mga dapat nilang gawin, katulad kung dapat ba nilang i-renew ang kontrata nila, o kung kailan dapat bumalik ng bansa ang migranteng manggagawa para maiwasan nila ang paglabag sa mga panuntunan ng Hong Kong.

Sa mga kontrata na magtatapos bago o sa mismong araw ng Apr 30, 2023, maari pa ring magkasundo ang dalawang panig na patagalin pa ng hindi lalampas sa anim na buwan ang kanilang kasunduan.

Bago matapos ang palugit na ito ay dapat na silang pumirma ulit sa panibagong kontrata, o pabayaan nang humanap ng ibang malilipatan ang FDH.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Lahat naman ng gustong magpatuloy sa pananatili sa Hong Kong kahit matatapos na ang isang taong palugit na binigay ng Immigration para sila mag exit o bumalik sa sariling bayan ay maaring humiling na payagan silang manatili muli, basta ang kontrata nila ay nakatakdang matapos bago Apr 30, 2023.

Kung ang kontrata nila ay matatapos sa takdang panahon na ito ay dapat nang lumabas o mag-exit muna sila ng Hong Kong bago bumalik dito at ipagpatuloy ang paninilbihan sa nakalistang amo.

Batay sa kasalukuyang patakaran, maari muling humingi ng isa pang taon na palugit ang isang FDH bago siya sapilitang pauwiin sa kanyang bansa.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pinapaalalahanan ang mga employer na dapat nilang ayusin na makalabas ng Hong Kong ang kanilang FDH bago matapos ang binigay na isang taong palugit sa kanilang visa (extension of stay).

Dapat din daw nilang tandaan na ang isang FDH ay kailangang lumabas agad ng Hong Kong kapag nakatapos ng dalawang taong kontrata. Ang mga na terminate naman ay bibigyan ng 14 araw na palugit para makapanatili sa Hong Kong, pero kailangang umuwi na bago matapos ito.

Patuloy na ipapatupad ang ganitong patakaran, liban na lang kung may sapat na dahilan kung bakit dapat payagan na manatili ang isang FDH na na-terminate, katulad ng kung lilipat ng ibang bansa ang employer o biglang namatay, nawalan ng trabaho o sapat na pagkukunan ng pasweldo, o may matibay na ebidensya na ang manggagawa ay sinasaktan o inaabuso.

BASAHIN ANG DETALYE

Ang isang FDH na gustong lumipat ng employer ay kailangang umuwi muna sa kanyang bansa at hintayin doon ang kanyang panibagong visa.

Nagpaalala din ang gobyerno na ugaliin ang paggamit ng online application para sa pagkuha ng bagong visa. Sa paraang ito ay makikita din nila kung pino proseso na ang kanilang bagong visa o kailangan nilang gumawa ng panibagong hakbang o magpasa ng karagdagang dokumento para ito maaprubahan.

Ang lahat ng ito ay maari nilang maisagawa sa pamamagitan ng itinalagang webpage sa ilalim ng Immigration Department: www.immd.gov.hk/fdh. Sa paraang ito ay hindi na nila kakailanganing pumunta ng personal sa opisina ng Immigration at mag-aksaya ng oras at pagod.

Dapat din daw tandaan ng mga employer at mga FDH ang itinakdang petsa kung hanggang kailan sila maaring manatili sa Hong Kong, at kung kailan mapapaso ang kanilang pasaporte, para maiwasan ang paglabag sa batas.

Ang lahat ng katanungan tungkol sa mga karapatan at benepisyo ng mga FDH ay maaring ipasa sa Labour Department sa pamamagitan ng kanilang hotline, 2157 9537 o pag email sa fdh-enquiry@labour.gov.hk

May partikular na website din na itinayo para sa iba pang katanungan tungkol sa pagpapatrabaho sa isang FDH, ang www.fdh.labour.gov.hk.

Ang lahat naman ng katanungan tungkol sa estado ng kanilang hinihiling na visa ay maaring itawag sa hotline ng Labour, 2824 6111 o sa pamamagitan ng pag email sa enquiry@immd.gov.hk.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Ingat dahil mas lalamig pa ang panahon, sabi ng HK Observatory

Posted on No comments

 

Kung gininaw kayo noong nakaraang Pasko, baka mas ginawin pa kayo ngayon 
(Kuha ng mga nanay at anak ng pamilya Carnay at Villanueva)

Nagpa-alala ang Hong Kong Observatory sa publiko na magbalot pa nang mas maigi dahil maging mas malamig pa ngayong araw ng Lunes at Martes.

Nitong Linggo lang ay bumagsak ang temperatura sa 9.4 degrees Celsius sa malaking parte ng siyudad, ang pinakamalamig na araw na naitala sa Hong Kong sa buong nagdaang taon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero sa New Territories, sa Peak at maging sa Kwun Tong ay mas mababa ang naitalang temperature.

Pagdating ng 4:30 ng hapon kahapon, mahigit 20 distrito sa Hong Kong ang nagtala ng mas mababang temperatura, kabilang ang Clear Water Bay at Kwun Tong kung 7.4 degrees ang naitalang lamig.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa Tai Mo Shan, ang pinakamataas na parte ng Hong Kong, naitala ang 0.2 degrees; samantalang sa Peak ay 5.7 degrees naman.

Dahil inaasahang mas lalamig pa sa susunod na dalawang araw, malamang na magka frost o yelo daw sa bandang hilaga ng New Territories.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Gayunpaman, bahagyang tataas ang temperatura sa ilang araw pang susunod, bagamat mananatiling malamig tuwing umaga at gabi.

Nagpaalala din ang gobyerno sa lahat na protektahan ang sarili sa lamig, lalo na yung mga may edad o maysakit.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sabi ng Centre for Health Protection, mas kaunti daw ang taba na nasa ilalim ng balat ng mga may edad kaya mas lamigin sila at malapit sa sakit, lalo na yung may kinalaman sa puso o paghinga.

Hirap din silang lumakad at gumalaw, kaya hindi nag-iinit ang kanilang katawan katulad ng mga mas bata at maliksi ang kilo sa kanila.

BASAHIN ANG DETALYE

Iyon namang may sakit ng alta presyon, diabetes o problema sa endocrine, posibleng lumala ang kanilang kundisyon kapag biglang bumagsak ang temperatura kaya kailangan nilang magsiguro at magbalot nang husto.

Sabi ng CHP, siguraduhing balot ka mula ulo hanggang paa para iwas-sakit, kumain ng sapat, mag ehersisyo, iwasang maglabas-labas dahil mas malamig sa labas ng bahay, at ingatan ang paggamit ng heater.

Taliwas sa alam ng marami, hindi dapat uminom ng alak kapag maginaw dahil mas mapapabilis nito ang pagkawala ng init sa katawan, sabi ng CHP.

Kapag sumama ang pakiramdam, kumunsulta agad sa doktor.

Para sa pinakahuling balita tungkol sa lagay ng panahon, maaring tumawag sa infoline ng CHP (2833 0111) o sa Dial-a-weather (1878 200); o bisitahin ang website ng HK Observatory: Hong Kong Observatory (hko.gov.hk)

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss