Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Dahil sa pag-ibig, Pinoy lumabag sa batas

Posted on 28 March 2023 No comments

 

Ang kasintahan at kapatid ng Pilipino ay naglalakad palayo sa korte 

Dahil diumano sa pagmamahal sa kanyang kasintahan ay nagawa ng isang Pilipino na pirmahan ang isang pekeng kontrata para mabigyan siya ng visa bilang domestic helper, at upang manatili silang magkasama sa Hong Kong.

Pero hindi natinag ang taga-usig sa paliwanag na ito ng abogado ni Mark Luansin, 34 taong gulang at tubong Nueva Vizcaya,  nang aminin niya ang sakdal na sabwatan para manloko sa pagdinig na isinagawa ngayon sa Shatin Court.

Nang i-deklara ni Magistrate David Chum ang kanyang hatol na apat na buwang pagkabilanggo, tumayo ang taga-usig upang sabihin na dapat ay mas mabigat ang parusa ni Luansin dahil mas matindi ang kanyang kasalanan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ito ay dahil binago ang kaso ni Luansin. Imbes na simpleng pagsisinungaling sa Immigration Officer upang maaprubahan ang kanyang DH visa, ginawa itong "conspiracy to defraud," na mas malala ang parusa.

Ayon sa Crimes Ordinance, ang sino mang mapatunayan na gumawa ng ganitong krimen ay mapaparusahan ng hanggang 14 na taong pagkabilanggo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dahil dito, itinigil ni Magistrate Chum ang pagdinig sa kaso at inutos sa taga-usig na magsaliksik at hanapin ang mga nakaraang kahalintulad na kaso upang pagbasehan niya ng tamang parusa.

Nang tawagin ulit ang kaso ni Luansin matapos ang mahigit isang oras, ipinaliwanag ni Chum na kailangang baguhin ang parusa dahil mas mabigat ang krimeng inamin niya. Sinabi rin ng abogado ni Luansin na ipinaliwanag na niya ang bagay na ito sa akusado.

Sinimulan ni Chum ang parusa ni Luansin sa 18 buwan na pagkabilanggo, pero dahil sa kanyang pag-amin ay binawasan ito ng 1/3, kaya naging 12 buwan.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Habang inaalalayan siya ng mga pulis pabalik sa kulungan, tumingin si Luansin sa mga nanonood sa korte para sa  huling sulyap sa kanyang kasintahan, na katabi ng kanyang kapatid na babae.

Nag-ugat ang kaso ni Luansin nang ipirma niya ang isang Intsik na employer sa kanyang kontrata bilang domestic helper noong 2022. Nabisto siya noong Feb. 26 na hindi naman pala siya nagtatrabaho sa nakalistang employer niya.

Inamin niya sa imbestigasyon na nagbayad siya ng $5,000 sa isang Alex, na nagtatrabaho sa isang employment agency, upang lakarin ang papeles niya.

Pindutin para sa detalye!

Dahil nakipagtulungan siya sa ibang tao para dito, naging mas malaki ang kanyang kasalanan kesa sa simpleng pagsisinungaling sa Immigration officer.

Bago rito, hiniling ng abogado ni Luansing ang pinakamagaang na parusa dahil ang tangi niyang dahilan sa ginawa ay gusto lang niyang makapiling ang kanyang kasintahan, na isa ring domestic helper.

Sinabi ng abogado na hiwalay si Luansing sa asawa at siya ang tanging inaasahan ng kanyang nag-iisang anak at mga magulang na may sakit, na pawang nasa Pilipinas.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Filcom leader, may babala sa bagong online scam

Posted on 27 March 2023 No comments

 

Si Mercy at kanyang grupo ay regular na nagbibigay ng dugo sa Red Cross

“Muntik na akong ma scam kahapon…because of trust.”

Ito ang bungad ni Mercy Permales, lider ng United Philippine Taekwondo Organization Hong  Kong (Upto HK) at Lady Drivers Organization Hong Kong, nang ilahad ang naging karanasan niya sa pakikipag chat sa isang nagpapanggap na kakilala niya noong nakaraang Martes, Mar 21.

Una ay kinuha ng ka-chat ang kanyang telephone number gamit ang Facebook account ni Zachery Wong, isang driving instructor na laging naiimbitahan na magbigay ng pagsasanay sa mga Pilipino na gustong makakuha ng lisensiya sa pagmamaneho sa Hong Kong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon sa ka chat niya ay isasali siya sa isang raffle ng HKTV mall, pero kailangang ibigay niya ang telephone number nya para maipasok sa palaro. Pagkabigay ni Mercy sa kanyang numero ay may nag text sa kanya ng 6-digit code na galing diumano sa Google.

Hiningi ng kanyang ka-chat ang code, at kunyari ay chineck kung may napanalunan siya sa raffle base sa numerong ipinasa sa kanya.

Ang parte ng chat kung saan sinabihan si Mercy na nanalo siya ng $2k

Agad-agad ay nag “Wowww” ang kausap at sinabing nanalo siya ng $2,000 sa raffle ng HKTV Mall. Kaya lang, ayon dito, ay kailangang ipadala ang napanalunan ni Mercy sa kanyang credit card.

Sagot naman ni Mercy ay hindi niya makita ang kanyang Visa card na hindi naman niya nagagamit, kaya ang bank card na lang niya sa PNB ang ipinakita.


PINDUTIN PARA SA DETALYE

“A Hong Kong card is required for transfer,” ang parang nalulungkot na sabi ng kausap.

Sagot naman ni Mercy, “Oh I see. I cannot find my Visa card. Maybe just give it to someone else Mr Wong. To President Mayette Cortez (of Road HK).”

Hindi ito pinansin ng kausap, at sa halip ay inulit ang “Did you find your Visa card?”

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Noon na nag-isip si Mercy na mag check, at nalaman niya sa kapwa lider ng mga driver na si Mayette na na-hack ang account ni Wong.

Para makasiguro ay nag check din si Mercy sa internet at nalaman niya na walang instant raffle draw na isinasagawa ang HKTV Mall.

“I did search…sa HKTV Mall web, at wala nga silang promo na ganyan. Kaya ni report ko sa FB para hindi na rin maka pang biktima. Kawawa naman mga kabanayan natin kung ma bibiktima,” sabi ni Mercy.

Pindutin para sa detalye!

Dagdag pa ni Mercy sinadya niyang hindi ibinigay ang mga impormasyon sa kanyang Visa card na wala naman daw laman.

Pero ang payo sa kanya ng mga kaibigan, hindi importante kung walang laman ang kanyang credit card dahil siguradong  gagamitin ito ng hacker para ipamili, at ang lahat ng mga iyon ay sa kanya sisingilin.

Naka block na daw sa kanya ngayon ang hacked FB account ni Wong, at dahil sa nangyari ay mag-iisip daw muna siya nang matagal bago kagatin ang ano mang alok ng mga ka chat, lalo kung may kinalaman ito sa pera.


https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Pilipinang may 2 kasong shoplifting, pinaaresto

Posted on No comments

 

Hindi sumipot ang Pilipina sa pagdinig ng kaso niya korte, kaya ipinaaresto.

Isang Pilipinang may dalawang kaso ng shoplifting ang nalubog sa mas malaking problema matapos na hindi siya sumipot sa pagdinig ngayon sa Eastern Court.

Ito ay kahit huling tinawag ang kaso ni J. Aguli, 43 taong gulang, sa listahan ng 16 na kasong nakatakdang dinggin ni Magistrate Minnie Wat. Pero kahit pasado alas dose na nang tawagin ang kaso niya ay hindi pa rin siya sumipot.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Lalong napasama ang kaso ni Aguli na isang residente na walang trabaho, nang sabihin ng taga-usig na hindi rin ito sumipot sa istasyon ng pulis sa North Point noong March 12.

Ito ay paglabag sa kondisyon ng piyansa na pansamantalang nagpalaya sa kanya --  na dapat siyang mag-report sa pulisya tuwing Martes at Linggo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dahil dito, isang arrest warrant ang inilabas ni Magistrate Wan laban kay Aguli. 

Kinansela rin ang police bail niya, at ipinagbawal na mag-piyansa siyang muli.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Nagsimula ang kaso ni Aguli nang paratangan siyang nagnakaw ng isang pakete ng chocolate na may halagang $240 sa isang sangay ng DS Groceries sa Causeway Road sa Causeway Bay noong Feb. 9.

Pindutin para sa detalye!

Nasundan ito noong Feb. 23 nang magnakaw umano siya ng isang pakete ng chocolate na may halagang $238 sa sangay ng DS Groceries sa Metropole Bldg sa King’s Road, North Point.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

2 kaso dahil sa pagtitinda ng pekeng t-shirt

Posted on 26 March 2023 No comments

 

Ang lugar kung saan nasita ang Pilipina. (Google Map photo)

Dalawang kaso ang isinampa sa Eastern Court laban sa isang Pilipina matapos siyang masita na nagtitinda ng t-shirt sa tapat ng Exit F ng MTR Central Station.

Inakusahan si L. Soriano, 44 taong gulang, ng paglabag sa Trade Descriptions Ordinance at Immigration Ordinance sa kasong inihain ng Customs and Excise Department. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Nahuli si Soriano noong Dec. 18, 2022 na nagtitinda ng 17 t-shirt na may tatak na Adidas, 19 na may tatak na Puma, 24 na may tatak na Levi’s at 20 na may tatak na Gucci.

Lahat ng mga t-shirt ay nagtataglay ng pekeng marka o brand.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa Trade Descriptions Ordinance, ang parusa sa ganitong kaso ay multang aabot sa $100,000 at dalawang taong pagkakakulong.

Maliban dito, kinasuhan din si Soriano ng paglabag sa kondisyon ng kanyang paglagi sa Hong Kong bilang domestic helper. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang foreign domestic helper’s visa na ipinagkaloob sa kanya noong Aug. 16, 2022 ay nagbabawal sa paggawa ng ibang trabaho at pagtatayo ng negosyo nang walang pahintulot ang director ng Immigration. 

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ayon sa Immigration Ordinance, ang ganitong paglabag ay pinapatawan ng parusang multa na hanggang $50,000 at kulong na aabot sa dalawang taon.

Pansamantalang nakalaya si Soriano sa bisa ng piyansang $1,000. 

Pindutin para sa detalye!

Itinakda ni Magistrate Daniel Tang ang susunod na pagdinig sa kaso sa May 10.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

‘Help the Mission help more migrant workers’

Posted on No comments

 By Daisy CL Mandap

Indonesian worker-activist Eni Lestari shares how the Mission helped empower her 

Through the years, the Mission for Migrant Workers has done more than just give legal advice and shelter to distressed foreign domestic workers in Hong Kong; it has also helped empower them so they could help others in turn.

This was what renowned Indonesian worker-activist Eni Lestari said in a testimony she gave at the 42nd anniversary celebration of the Mission on Mar 19, at St John’s Cathedral in Central.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Lestari, a former Mission client herself, spoke of how her life was transformed after she started working as a volunteer for the church-based group while pursuing an abuse case she filed against her former employer.

“Through the Mission I realized I have the power to change, not just myself - I won my case because of the Mission - but I also used that knowledge to reach out to my fellow Indonesian workers (and tell them), ‘You can change your life, but you have to learn your rights.’," said Lestari.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

It was with the Mission’s help that Indonesian migrant workers in Hong Kong became organized, added Lestari, who now chairs the International Migrants Alliance, and was once invited to address the United Nations Summit on Refugees and Migrants.

She called for continued support for the Mission so it could continue to help and empower, and treat migrant workers as partners in ensuring the rights of all migrants in Hong Kong are protected.

Cynthia Tellez and Fr Dwight dela Torre thank Mission's supporters and partners

In her welcome speech, the Mission’s general manager Cynthia Tellez said it was a good time to celebrate the non-government organizations she helped found 42 years ago.

“(But) the celebration of anniversaries matters when significant events happen. The beginning of the end of the Covid season makes it an event worth celebrating,” she said.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

It was during the three-year pandemic that the Mission once again proved its capacity and willingness to go the extra mile for the community it serves.

Told of the growing number of FDWs being thrown out of their employers’ homes or boarding houses after they contracted Covid, the Mission, along with its shelter, the Bethune House Migrant Women’s Refuge, went on high alert to look for a place to stay for the abandoned workers, and had food sent to them on a regular basis.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

At the same time, the Mission worked with various migrant support organizations to press the Hong Kong government to give more help and support to workers afflicted with Covid, and protect them from discrimination.

Tellez said the event also gave the Mission the chance to recognize and honor all those who have helped them through the years, from the staff and board members and those on their advisory board, to donors and the migrant workers.

Pindutin para sa detalye!

She also made special mention of “kind-hearted employers” who were recipients of the Mission’s Happy Homes Awards.

“You and your families are beacons of hope that sections of Hong Kong society are moving in the right direction or nurturing respect and harmony,” she said. “Thank you for showing the way for many Hong Kong households.”

Also among those who spoke and extended well wishes to the Mission were Daniel Feldman, chairperson of its Advisory Board and Colin Cohen, senior partner at Boase, Cohen and Collins, the solicitors’ firm which has worked with the Mission on a number of landmark court cases, including the challenge to the 14-day rule for terminated FDWs.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Petition signing against job-hopping charge to be launched tomorrow

Posted on 25 March 2023 No comments

 

Migrant groups held a protest a day before the job-hopping charge was tabled at Legco 

A signature campaign against allegations of job-hopping being leveled at foreign domestic workers who terminate their contracts will be launched on Sunday, Mar 26, on Chater Road in Central starting at 3pm.

The campaign comes in the wake of the tabling of a proposal at the Legislative Council to mandate employment agencies to warn FDWs against job-hopping, in the process legitimizing a claim that migrant workers purposely terminate their contracts in search of higher pay or easier workload.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pindutin para sa detalye

Agencies will also be obliged to speak with employers about refunding recruitment fees, or replacing the worker who quit her job before the two-year expiration of the contract.

Workers and agencies are both opposed to the proposal, for varying reasons.

Foremost among the FDWs’ arguments is that there is no such thing as job-hopping because a worker will only terminate the contract if he or she is not treated well, and is pushed to the limit. This is because like their employers, they also spent a substantial amount to secure their job in Hong Kong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

They also argue that moving to another employer is within their rights, and should thus not be considered illegal.

Employers agree to this, even pointing out that the Basic Law allows all residents in Hong Kong the right to choose who to work for.

Pindutin para sa detalye!

The Labour proposal, which was submitted to the Legco manpower panel for discussion on Mar 21, is set to undergo eight weeks of consultations with various interest groups.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss