Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipina, may huling pagkakataon para makaiwas sa parusa

Posted on 26 April 2023 No comments

 

Hindi muna tinanong sa korte ang Pilipina kung inaamin niya ang paratang



PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Handa na sanang umamin sa kasong pagnanakaw ang isang Pilipina at harapin ang parusa niya sa pagdinig kanina sa Eastern Courts, pero naisalba siya ng taga-usig nang hiniling nito na ipagpapaliban muna ang pagdinig sa kaso.

Ipinaliwanag ng taga-usig na ang duty lawyer na itininalaga kay J. Sabado sa naunang pagdinig noong March 28 ay nagmungkahi na tapusin ang kaso sa isang bind-over, kung saan hindi siya papatawan ng parusa pero mangangako siyang hindi na uulitin ang ginawa.

Pindutin para sa detalye

Pero dahil hindi nagpunta si Sabado sa Duty Lawyer Service upang pirmahan ang mga dokumento, hindi natuloy ang proseso at hindi nabuo ang impormasyong kailangan ng taga-usig upang sang-ayunan ito o hindi.

“Kung wala ka roon, wala silang magagawa,” ani Principal Magistrate Ivy Chui sa wikang Inggles.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Bibigyan kita ng huling pagkakataon,” dagdag niya “Gusto mo pa ba ng abogado na magtatanggol sa iyo?”

Nang sumagot ng oo si Sabado, inutos ni Magistrate Chui sa DLS na bigyan siya ng abogado.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

“Magpunta ka sa 7th floor. Huwag kang male-late,” payo niya kay Sabado.

Si Sabado, 44 na taong gulang at domestic helper, ay kinasuhan ng pagnanakaw matapos arestuhin siya ng pulis noong March 12 dahil kumuha diumano siya ng dalawang pantalon nang hindi nagbabayad sa isang tindahan sa 3rd floor ng Worldwide Plaza.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Itinakda ni Chui ang susunod na pagdinig sa May 24. Itinuloy din niya ang piyansang $500 ni Sabado upang patuloy siyang makalaya pansamantala.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Pilipina, abswelto sa kasong robbery

Posted on 25 April 2023 No comments

 

Masaya at malayang umalis ang Pilipina sa korte ng Tsuen Wan

Isang Pilipina ang pinawalang sala sa District Court ngayon sa kasong robbery o panloloob sa flat na dati niyang tinitirhan, matapos isa-isahin ng hukom ang mali-maling testimonya ng umano’y biktima ng pagnanakaw, na kapwa niya Pilipino.

Agad inilabas si Maricris Sayco mula sa kulungan ng korte nang tumayo si District Judge Isaac Tam sa kanyang upuan matapos ang kalahating oras na pagdinig sa kaso.

Bago siya nagdesisyon ay itinigil ng hukom ang pagdinig ng 10 minuto upang bigyan ang taga-usig ng pagkakataon na ayusin ang kanyang ebidensiya.

Sa labas, hawak ang kanyang Hong Kong ID, niyakap ni Sayco ang kanyang barrister na si Marco Tse at nagpasalamat.  “Pangatlong buhay ko na ito,” ika niya sa abogado sa wikang Inggles, “Nagkasakit din kasi ako nang malubha.”

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Inakusahan si Sayco, 46 taong gulang at domestic helper, ng pagnagnakaw ng dalawang relo, dalawang iPhone, isang power bank at isang laptop computer na pag-aari ng nag-aakusa, na landlord niya sa inuupahang kuwarto sa isang gusali sa Sham Shui Po.

Naglilipat-bahay noon ang lalaking landlord, kasama ang mga nagrerenta ng kanyang mga paupahang kuwarto gaya ni Sayco.

Noong Nov. 1, 2021, matapos siyang makalipat ay bumalik si Sayco sa flat upang kunin ang mga naiwan niyang gamit, kasama ang mga dokumentong nasa ilalim ng kutson niya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa imbestigasyon ng pulis, inamin ni Sayco sa isang video recorded interview na siya ang nahagip sa CCTV na pumasok sa flat, gamit ang susing hindi pa niya ibinabalik. Maliban dito, wala nang inamin si Sayco, na hindi tumestigo.  

Sa kanyang desisyon, sinabi ni Judge Tam na walang kailangang patunayan si Sayco dahil ang bigat ng pagpapatunay na nagkasala siya ay nasa taga-usig.

Sa paglilitis, tumestigo ang landlord, at dito nakahugot ng pagdududa ang huwes.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Halimbawa, sinabi nito sa kanyang testimonya na kapwa niya lang Pilipino si Sayco, pero nang tanungin ng abugado ng akusado ay inamin nyang dalawang taon na silang magkaibigan.

Sinabi rin niya noong una na binigyan lang siya ng may-ari ng flat ng limang susi. Pero nang tanungin ng abugado ng nasasakdal ay inamin niyang siyam ang susi na binigay sa kanya.

Sinabi din niya sa korte na nawalan siya ng dalawang iWatch, pero sa kanyang salaysay sa pulis ay sinabi niyang isa lang ang nawala niya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sinabi din niya na nawalan din siya ng Airpod, pero ni hindi ito nabanggit sa kanyang salaysay o sa kasong isinampa laban kay Sayco.

Sinabi niya na ang nawawala niyang iWatch at iPhone 11 Pro Max ay nakasilid sa orihinal nilang karton, pero itinanggi ito ng police photographer na tinawag niya upang tumestigo.

Itinanggi niyang nangutang siya ng $3,500 kay Sayco, pero nang pakitaan ng WhatsApp message sa pagitan nilang dalawa, umamin din siya.

Ang mga ebidensiya ay nagpapakitang lumipat siya sa flat noong June 2020, pero sa kanyang testimonya, sinabi niyang lumipat siya noong July 22, 2021.

Dahil ang mga ebidensiya ng landlord ay hindi katanggap-tanggap, ang natitirang ebidensiyang mapagbabasehan niya kung nagkasala si Sayco ay ang CCTV at VRI.

Hindi ito sapat, dagdag ni Judge Tam.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Mga pekas nawala pati kutis pumuti at nagkaroon ng mahubog na katawan

Posted on No comments

 

Lourdes Macasieb, before and after.



Hirap si Lourdes Macasieb pagdating sa diet lalo na kapag day off kasama ang mga kaibigan. Salu-salo silang kumakain ng mga paborito nilang putahe at hindi maiwasan na mapakain ng marami.


Matagal na niyang plano na magdiet para maging seksi ang pangangatawan Nasubukan na niya ang mga ilang ways to lose weight, hindi pa rin nakuntento sa naging resulta. Minsan ay nagkaroon ng bisita ang kanilang group at napansin niyang sexy at maputi ito. Napansin niyang malakas itong kumain, kalaunan ay tinanong niya kung ano ang secret nito for beauty and having sexy body. 


Sinabi na matagal na itong gumagamit ng upgraded Dream Love 1000 5 in 1 body essence lotion, gawa sa England na palagi nitong binibili mula sa Sun Fung sa Worldwide plaza sa halagang HK$98 lamang. Nalaman din na ang naturang lotion ay napatunayang epektibo ng libu-libong mga kababaihan sa buong Asya dahil pampaputi ng balat, pampapayat ng katawan, anti-aging at moisturizing ingredients nito. 


Nakumbinsi siyang bumili mula sa nasabing shop at ginamit ang lotion sa loob ng 1½ buwan ng ayon sa instruction sheet, napansin ni Lourdes na nabawasan ng 2¼ inches na taba sa kanyang baywang. Nabawasan din ng 3½ cm. sa balakang at 3 cm. sa magkabilang hita, nagkaroon pa ng hugis ang kanyang katawan. 

_________________________________
Para sa gandang nakaka-akit
Ang iyong Kagandahan ay magiging tunay na kaakit-akit. Mabibili sa Hong Kong ang updated version na
Dream Love 1000 5-in-1 Body Essence Lotion
na gawa sa laboratoryo ng La Cite Parfumer S.A. Paris mula sa mga piniling sangkap galing pa sa England, Germany, Canada at France.
___________________

Tingnan ang libu-libong mga totoong karanasan sa buhay ng mga kababayan, at kung paano nila ginamit ang

Dream Love 1000 5-in-1 Body Lotion

para maging natural na kaputian, hugis, mas batang tingnan at kumikinang na balat, sa ngayon ay lalo nang seksi sa 

http://www.sunwebhk.com




Pinay magiliw na nagsabing next time sa paanyaya habang patungo sa Hong Kong Park

Posted on No comments

 

Marites Cruz 


Ibinahagi ni Marites Cruz ang kaniyang unforgettable na maganda, maligaya at mapusok na karanasan dahil  sa paggamit ng upgraded Dream Love 1000 seksuwal na pabango, gawa sa England na nabili niya mula sa Sun Fung sa halagang HK$88 lamang. Ipinayo  ng kaibigan na nakasubok din nito.

Naikuwento  ng kaibigan na nanlalamig ang relasyon nila ng asawa at itong pabango ang naging instrumento para muling maging mapusok ang asawa.  Nahikayat siya sa kuwento ng kaibigan kaya bumili nito. Bago magtungo sa tambayan nila ay binuksan ang pabango nagwisik nito at patuloy na nagtungo sa Hong Kong Park.  Habang naglalakad ay napadaan siya sa isang grupo na halos kalalakihan sila. Diretso ang kaniyang paglalakad hanggang mapansin niyang tila may nasunod sa kaniya at paglingon niya, namukhaan na ito ay isa sa grupo na nadaan niya.  Lumapit ito sa kaniya at bumati ng magandang tanghali, ngumiti siya at pansin niyang mabait ito. Iniabot pa nito ang kamay at sinabing inaanyayahan siyang mananghalian. 

Sinabing maybe next time dahil nagmamadali siyang makarating sa tambayan ng mga kagrupo. Magiliw itong nagsabi n asana magkita silang muli at hiningi nito ang kaniyang whattsapp number.  Saka niya naisip dahil sa gamit na pabango ang naging reaksyon nito. Binigay niya ang numero saka dali-daling nagpaalam at nagsimula nang maglakad patungo sa tambayan.

-------------------------------

 
_________________________________

*Naghahanap ka man ng pag-ibig, nang-aakit ka man ng lalaki, o gustong maging tapat ito sa iyo, o gusto mong ikaw ang ikasal sa halip na maging abay lang sa kasal, kung gusto mong may pagbabago ng saloobin ang iyong amo sa kabaitan, at maging kaakit-akit sa paningin ng lahat... 
_________________________________



$30 na sine at libreng kainan ngayong Sabado, hatid ng HK govt

Posted on No comments

Ng The SUN

Dineklara ng mga pinuno ng HK ang pagtatapos ng problemang dala ng pandemya noong Pebrero

May dalawang malaking benepisyo ang inihanda ng pamahalaan ng Hong Kong para sa publiko ngayong darating na Sabado.

Simula bukas, alas otso ng umaga, ay maari nang pumunta sa alin man sa 18 service centres ng  Home Affairs Department at manghingi ng entrance ticket para makapasok at makakain ng libre sa isang malaking food fair na gaganapin sa Hong Kong Convention and Exhibition Centre sa Wanchai.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Bawat katao ay maaring humingi ng hanggang dalawang ticket lamang. May ilalaan ding mga tiket para sa mga mag wo walk-in sa HKCEE sa mismong araw ng Sabado.

Sa Huwebes naman, simula 11am, ay maari nang mag online booking para makanood ng sine sa halagang $30 lamang, o pumunta sa alin man sa 61 sinehan na kasali sa pasinaya para doon magreserba ng tiket para sa Sabado.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hanggang apat na tiket naman ang maaring bilhin ng bawat katao online, o sa pamamagitan ng pagbili sa box-office ng mga sinehan.

Ang mga benepisyong ito ay hatid ng pamahalaan ng Hong Kong para tulungan ang mga negosyo na makabangon mula sa pahirap na dinala ng Covid-19 pandemic, at para na rin pasayahin ang mga tao dito.

Sa HKCEE sa Wanchai gaganapin ang libreng kainan sa Sabado

Sabi ng gobyerno, may 100,000 na ticket ang ipamimigay sa publiko para sa "Happy Hong Kong  Gourmet Marketplace," kung saan ang mga pinakamasarap na pagkain sa Hong Kong at iba pang lugar ang ipapatikim sa mga bisita. 

Para masiguro ang kalidad ng mga pagkain ay namili ang gobyerno ng mga kainang isasali mula sa listahan na ibinigay ng asosasyon ng mga restaurant, at mga konsulado.

Ayon sa pamahalaan, may itatayo ding palaruan sa loob mismo ng HKCEE para magkaroon ng libreng oras ang mga bisita na may mga kasamang bata na makalibot.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

May dalawa pang food fair na nakatakdang isagawa sa Sha Tin Park sa Mayo at Kwun Tong promenade sa Hunyo, kung saan hindi na kailangang magreserba pa ng tiket para makapasok.

Sabi naman ng mga opisyal ng isang samahan ng mga sinehan ay hindi lang bago ang mga pelikula ang ipapalabas sa Sabado, kundi pati yung mga popular din na pinalabas noong nakarang taon, lalo na noong Chinese New Year.

Hindi daw sila maghihigpit sa pagbebenta ng mga ticket dahil tiwala sila na walang mang-aabuso sa benepisyong ibinibigay nang libre ng gobyerno.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Makikipag-usap din daw sila sa mga opisyal upang maulit ang ganitong pagpapasaya sa mga residente at pagtulong para naman maiangat muli ang kanilang industriya.

Samantala, may iba pang pinaplanong pakulo ang gobyerno para magpatuloy ang kasiyahan ng mga residente, lalo sa Hulyo, para sa ika-26 na taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Hong Kong Special Administrative Region.

Tuwing Sabado ng gabi sa buwan ng Hunyo ay papapasukin ang mga tao nang libre sa Ocean Park, mula 6pm hanggang 11pm, para makapanood sila ng “multimedia lagoon shows” at isang konsyerto. 

Parte ito ng “Chill All Night” na kampanya ng gobyerno para sa siyudad na hindi natutulog.

Sa buwan naman ng Hulyo at Agosto ay isasagawa ang “Harbour Chill Carnival” sa tabing-dagat ng Wanchai. Gaganapin ito tuwing gabi ng Sabado at Linggo, mula 6pm hanggang 11pm.

Sa unang pagkakataon ay itatayo ang entablado para sa palabas na ito sa mismong Victoria Harbour, at sasabayan pa ito ng fireworks display at light show.

Magkakaroon din ng libreng konsyerto kung saan ang mga magtatanghal ay magmumula sa iba-ibang parte ng mundo.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Umpisa na ang pa-raffle ng Cathay ng 27,000 libreng air tiket mula HK

Posted on 24 April 2023 No comments

Ng The SUN

Ang mga libreng ticket ay ipinapamahagi sa mga nakatira sa Greater Bay Area, kasama ang HK


May 27,314 air tickets na inumpisahang ipamigay nitong Lunes ng Cathay Pacific sa mga residente ng Hong Kong at sa “Greater Bay Area” na kinabibilangan ng siyam na kalapit-siyudad sa China.

Ang mga ticket ay maaring gamitin sa 26 na bansa (46 na siyudad sa kabuuan), kasama ang Pilipinas, at ang umpisa ng biyahe ay sa Hong Kong, hindi katulad ng mga naunang ticket na pinamigay ng gobyerno, kung saan dapat ang lipad ay papunta dito.

Sinimulan ang pagtanggap ng mga entry nitong alas diyes ng umaga ng Lunes, at magpapatuloy hanggang 11:59 ng gabi ng April 30. Aabisuhan ang mga pinalad na manalo sa May 3.

Sa mga unang oras ng pagtatala ay salitang Pinyin, o simpleng Intsik, lang ang nasa website kaya marami ang nagreklamo. Pero sa bandang huli ay may English version na rin ito, at makikita sa link na ito: https://hellohk.cathaypacific.com/world-of-winners/gba

Pindutin para sa detalye

Paalala lang ng airline, ang lahat ng mga ticket ay para sa isang tao lang, round-trip sa economy class. Ang tiket lang ang libre, kaya kailangan pa ring magbayad ng tax at surcharges.

Dapat din na miyembro ng Cathay ang lahat ng sasali, kaya kung hindi pa nakapag miyembro ay gawin ito pagkatapos mag rehistro para sa raffle.

Ang kagandahan lang ay hindi na kailangang sumagot pa ng ilang mga tanong ang mga sasali sa raffle, hindi katulad sa mga nagdaang paripa sa ilalim ng kampanyang pang turismo na“Hello, Hong Kong.”

Kailangan lang ilagay ang pangalan, numero ng telepono, at pumayag na magamit ang pangalan para sa promotion.

Ang mga libreng air ticket ay magmumula sa gobyerno sa ilalim ng kampanya nito na naglalayon na hikayatin muli ang mga turista na bumisita sa Hong Kong pagkatapos ng tatlong taon na halos nagsara ang siyudad dahil sa pandemya.

Kabilang sa mga bansa na maaring puntahan ng mga mananalo sa raffle bukod sa Pilipinas ay ang United States, United Kingdom, France, Germany, Italy, the Netherlands, Switzerland, Spain, Australia, New Zealand, Israel, the United Arab Emirates, South Africa, Bangladesh, India, Nepal, Cambodia, Malaysia, Indonesia, Singapore, Thailand at Vietnam. 

May 700,000 na ticket ang ipamimigay sa kabuuan sa pamamagitan ng tatlong airline na nakabase dito. Bukod sa Cathay Pacific, namimigay din ng ticket ang Hong Kong Airlines at HK Express.

Sa naunang pahayag ng gobyerno, ang 80,000 ticket na ipamimigay ngayong buwan ng Abril ay para lang sa mga nakatira sa Greater Bay Area, bagamat kasama naman ang Hong Kong dito.

Ang mga ticket na para lang talaga sa mga residente ng Hong Kong ay dapat sa July pa lang ipamimigay.

Sa mga naunang pagbabahagi ng ticket ang mga airline ay namigay sa mga nakatira sa Southeast Asia, kabilang ang Pilipinas, Thailand at Singapore na gustong bumisita sa Hong Kong.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Utos na arestuhin ang Pilipina, kinansela

Posted on No comments


Kinansela ang warrant of arrest laban sa isang Pilipinang nag-overstay nang humarap siya kanina sa Shatin Magistracy dahil nakakulong na pala siya.

Ipinaaresto si Marie Chris Parane, 33 taong gulang at asylum seeker, matapos na hindi siya sumipot sa nakalipas na pagdinig ng kanyang kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Pindutin para sa detalye

Pero kinansela ni Acting Principal Magistrate Cheng Lim-chi ang arrest warrant nang magpaliwanag ang abogado ni Parane na hindi siya nakapunta sa huling pagdinig dahil nasa ilalim siya ng administrative detention ng Immigration Department.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Dahil sa paliwanag, hindi na rin kinumpiska ang nauna na niyang inilagak na $500 bilang piyansa.

Pinayagan din siyang ituloy ang bisa ng nauna niyang piyansang $500 para makalaya – sakaling pakawalan siya ng Immigration --hanggang sa susunod na pagdinig ng kanyang kaso sa May 8.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kinasuhan si Parane ng breach of condition of stay nang mag-overstay siya ng apat na buwan, mula April 9, 2022 hanggang Sept. 9, 2022.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss