Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pinoy, 31 buwan sa kulungan dahil sa panloloob at marijuana

Posted on 06 May 2023 No comments

 

Mabigat ang naging parusa sa nasasakdal na itinanggi ang mga paratang

Hinatulang makulong ng isang hukom ng District Court nitong Biyernes, Mayo 5, ang isang Pilipinong residente ng Hong Kong nang 31 buwan dahil sa salang panloloob sa isang restaurant sa Central, at pagdadala ng marijuana noong Setyembre 2018.

Hindi na pinatagal pa ni District Judge Daniel Tang ang hatol pagkatapos dinggin ang paghingi  ng abogado ni Melvin Adrian F. Zuñiga ng magaan na parusa para sa kanyang kliyente.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

“Tatlumpung buwan ang ginamit kong umpisang kaparusahan sa panloloob, at iyon ang ipapataw ko. Apat na linggo naman ang parusa sa ikalawang sakdal (na pagtataglay ng marijuana),” ani Tang sa abogado.

“Kaya 30 buwan at apat na linggo,” dagdag niya bago siya bumalik sa kanyang silid.

Napatunayang nagkasala si Zuñiga, 28-anyos na binata, sa sakdal na panloloob sa paglilitis na ginanap sa korte ni Tang sa loob ng ilang araw noong Pebrero, ayon sa hatol ng hukuman na binasa sa Court 8 ng Eastern Court noong April 17.

Pindutin para sa detalye

Tinanggihan ng hukom ang ang salaysay ni Zuñiga na tinakot lang siya ng mga imbestigador kaya niya inaming ang panloloob at pagtangay ng $3,000 mula sa Chi Chi Cham restaurant sa Central, na dati niyang employer, may apat na taon na ang nakalilipas.

Higit na kapani-paniwala sa lahat ng bagay ang kuwento ng dalawang pulis na humuli kay Zuñiga at tumestigo sa korte, sabi ni Tang.

Sinabi ng tagausig na noong Setyembre 17, 2018, nang sitahin ng mga pulis si Zuñiga sa Arbuthnot Road, Central, ay may nakuha silang 7.88 gramo ng marijuana o cannabis at 0.83 gramo ng cannabis resin sa mga gamit niya.

Magkano? Pindutin ito!

Nang nalaman ang kanyang pangalan ay naalala ng isa sa mga pulis na iniugnay din siya sa kaso ng panloob sa unang palapag ng 53 Peel Street sa Central tatlong araw pa lang ang nakalilipas, at tumangay ng $3,000.

Bago ipinataw ni Tang ang sentensiya ay sinabi ng abogado ni Zuñiga na may mga mali sa salaysay ng tagausig.

Binanggit ng abogado na noong araw na nadakip ang nasasakdal ay nagtatrabaho siya bilang assistant driver na sumasahod  ng $24,000 at walang pangangailangan sa pera kaya walang dahilang manloob siya at magnakaw ng $3,000.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Idinagdag ng manananggol na malaking kabawasan sa pamilya ang pagkakakulong ni Zuñiga nang matagal.

Sinabi rin ng abogado na may sulat ang isang pari sa korte na nagsasaad ng magandang pagkatao ng nasasakdal sa hangad na mabawasan pa ang ipapataw na parusa. Nagpasalamat ang hukom sa sulat ng pari, ngunit hindi na niya pinansin ang iba pang inilalahad ng abogado.

Pindutin para sa detalye

Sa kanyang pahayag sa mga pulis, sinabi ni Zuñiga na siya ay nagtatrabaho noon sa bar na dragon-I, pero bago ito ay namasukan siya sa Chi Chi Cham restaurant na nasa Peel Street. Madali niya itong napasukan dahil alam niyang hindi kinakandado ang likod na pintuan nito.

Nakita sa CCTV ang nangyari, bagamat tinakpan ng nanloob ang ibabang parte ng kanyang  mukha.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

30-year-old Filipina dies after month-long fight against heart failure

Posted on 05 May 2023 No comments

By The SUN

 

A photo of Mary Grace as shared by some people on Facebook

Filipina domestic helper Mary Grace Perater lost her fight against a chronic heart disease, more than a month after she was rushed to hospital and had to be operated on immediately.

She was just 30 years old.

According to her sister-in-law, Mary Grace passed on at Prince of Wales Hospital early this Friday, 12:51 am, from what appears to be multiple organ failure due to her heart ailment.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

She is survived by her husband, Julito Perater, and three young children.

Mary Grace, who hailed form Alubijid, Misamis Oriental, had worked for her employer in Tuen Mun  for barely two years.

The doctor who first operated on her at Tuen Mun Hospital in Tai Po on Apr 1 told family members that Mary Grace had known about her heart problem for a year but did not inform anyone.

Pindutin para sa detalye

Her employer took her to the hospital earlier on the same day, after she complained of difficulty in breathing.

She fell into a coma after the operation, but became well enough to chat with close family members afterwards, though she remained listed in critical condition.

Magkano? Pindutin ito!

About a week after the operation, her employer told her relatives that the ECMO machine that was helping Mary Grace breathe could be taken off her soon as he condition was improving.

A recent photo shared on FB shows Mary Grace looking happy despite her critical state

However, she turned for the worse over an apparent aneurysm in the right leg so she was transferred to Prince of Wales Hospital in Shatin where she had surgery on Apr 17.

A few days later she was again operated on for a blockade in her heart, from which she never recovered.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Her family, especially her husband, Julito, had appealed to Philippine government representatives to check on his wife’s condition, alleging online that they had neglected her.

However, officials at the Overseas Workers Welfare Administration said they had been in constant touch with Mary Grace’s employer  and the doctors who were looking after her.

Pindutin para sa detalye

Several migrant organizations have stepped in to help raise funds for Mary Grace’ s surviving family members, especially her young children.

Among them is the Social Justice for Migrant Workers, headed by its founder, Marites Palma. Those who wish to extend help may contact them directly through their Facebook account: https://www.facebook.com/groups/390134021591217

Alternatively, you may contact Julito Perater directly at +63 92254 05885.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Pilipina na 5 buwang ipipiit dahil sa pag overstay, may dagdag na kaso

Posted on No comments
Dahil seryoso ang kasong drug trafficking ay sa Mataas na Hukuman ito dinidinig

Isang 40-anyos na Pilipinang dating kasambahay ang napatawan sa Kowloon City Court ngayong umaga, Mayo 4, ng 5 buwan sa kulungan matapos aminin na nanatili siya sa Hong Kong kahit wala nang visa,  mula pa noong 2017.

Ipinataw ni Acting Principal Magistrate Peony Wong ang parusa kay Chymbelin Cadelina sa sakdal na “breach of condition of stay – overstay” upang maisara ang kasong ito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pero may kinakaharap pa siyang mas malalang kaso kasama ang isang Bangladeshi na si Amir Foysal, at ito ay drug trafficking o pagbebenta ng droga.

Nauna rito ay ipinabatid ng tagausig na si Melinda Tong, sa korte na binabawi na nila ang tig-dalawang kaso ng drug trafficking at possession of part 1 poison laban sa dalawang akusado.

Pindutin para sa detalye

Sa halip, sinampahan na lang sila pareho ng pinag-isang kaso ng drug trafficking.

Ayon sa sakdal, sina Foysal at Cadelina ay hinuli matapos makitang may dalang mahigit 30 gramo ng methamphetamine hydrochloride, o “shabu” sa mga Pilipino,” sa isang raid na ginanap sa Hong Kong Peace Guesthouse sa Mirador Mansion sa Tsim Sha Tsui  noong Nob. 15, 2022.

Magkano? Pindutin ito!

Nasamsam kina Foysal at Cadelina ang isang plastic bag ng 27.5 gramo ng isang tipak na bagay na naglalaman ng 27.4 gramo ng shabu. Nakuha rin sa kanila ang isang plastic bag na may lamang 3.13 gramo ng crystalline solid na naglalaman ng 3.12 gramo ng shabu.

Matapos siyang maaresto ay lumabas na limang taon nang overstay si Cadelina. Sa pagsasaliksik ng pulisya, nalaman na dumating si Cadelina sa Hong Kong noong 2014 upang magtrabaho bilang kasambahay , ngunit nasisante siya noong 2017 at hindi na umuwi.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ayon sa kanyang abogado, si Cadelina ay hiwalay sa asawa, at siyang tanging sumusuporta sa kanyang ina at dalawang nakababatang kapatid, bukod pa sa kanyang dalawang anak na 15 at 16 na taong gulang.

Pindutin para sa detalye

Matapos ang pagsentensya kay Cadelina sa kasong pag overstay ay inutos ng mahistrado na bumalik siya sa Eastern Court sa Hunyo 15 para pormal na maiaakyat sa Mataas na Hukuman ang mas seryosong kaso ng drug trafficking laban sa kanya at kanyang kasama.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

2 Filipinas jailed 12 & 15 months for money laundering

Posted on 04 May 2023 No comments

 By The SUN

The police have always warned the public against getting involved in money laundering (RTHK file)

Two Filipinas convicted on two separate charges of money laundering were sentenced to 12 months and 15 months, respectively, in Eastern Court this afternoon, May 4.

Magistrate Vivian Ho said the duo’s offenses of money laundering was a serious crime that calls for a custodial sentence, as she ignored mitigation submitted by the defense lawyers who were seeking a lenient sentence for their clients.

Defendants Hazel V. Gepulgani and Marissa C. Mesa were convicted of three counts of “Dealing with property known or believed to represent proceeds of an indictable offense,” or money laundering, after a trial that ended on April 19.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Gepulgani was arrested in November 2021 after a total of $281,400 was deposited in her HSBC ATM account from June 13, 2020 to June 18, 2020.

Mesa was arrested later as police acted on a growing number of “love scams” that involved using foreign domestic workers’ bank accounts to “wash” money obtained via deception.

The Hong Kong Police said in March that scams reached a record high of almost 28,000 cases in 2022, up 45% year on year, with victims’ losses totaling $4.8 billion.    

Magkano? Pindutin ito!

A total of $1.35 million was found in the individual HSBC bank accounts of Gepulgani and Mesa.

A key prosecution witness said during the trial it was part of some $2 million she was told to deposit to various accounts by a man who claimed to have sent her a valuable parcel for which she had to pay customs and other duties. 

In mitigation, the two defense lawyers said the defendants both had clear records and had family to support back in the Philippines.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Gepulgani, jobless since June 2020, is married to a fellow overseas Filipino worker based in Oman. They have three children who are being looked after by her mother.

Mesa is a single mother to three grown-up children who are in the care of her parents. Her lawyer said Mesa’s offense was totally out of character, as attested to by her employers who said they want to retain her as a helper. The lawyer asked for a “compassionate sentence”.

But Ho was unmoved, saying the offences that the two women committed were serious crimes.

Pindutin para sa detalye

She said Gepulgani had opened an HSBC bank account that was later used to launder more than $280,000 within days. Ho said the Filipina claimed she lost her ATM card shortly after opening the account but did not bother to report it to the bank. The magistrate gave Gepulgani a 12-month jail sentence.

For Mesa, the magistrate said her HSBC bank account received deposits of more than $1 million that came from a scam victim. She sentenced Mesa to 15 months in jail.      

Three other Filipinas implicated in the scam had earlier pleaded guilty to the same offense and were sentenced to between two and eight months in jail.

Mesa was acquitted of conspiracy to deal with ill-gotten money, but was found guilty on the alternative charge of directly committing money laundering.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Sungit ng amo, namayani sa paglilitis ng kasong nakaw laban sa Pinay

Posted on No comments

Ng The SUN

Ang Kwun Tong Court kung saan nililitis ang kaso

Sinimulan nitong Miyerkules, Mayo 3, ang paglilitis sa Kwun Tong Law Courts ng sakdal na pagnanakaw laban sa isang Pilipinang kasambahay na diumano’y  kumuha ng iba’t-ibang gamit ng kanyang among babae noong pagitan ng Disyembre 22, 2022 at Pebrero 22. 

Nakatakda para sa maghapon ang paglilitis kay S. Bagasina sa hukuman ni Mahistrado Lau Suk-han, ngunit hindi natapos ang madramang pagbibigay-pahayag ng pangunahing testigo, si Chan S.M. na amo ng nasasakdal.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Lalong tumagal ang proseso nang buong tapang at sungit na sinagot ni Chan nang palihis ang abogado ng Pilipina na si Mr Lo, na buong hinahon naman ang pagtatanong sa kanya bilang pangunahing saksi ng tagausig.

Tahimik lamang ang mahistrado bagama’t paminsan-minsan ay sinasaway din ang nagngangalit at walang paggalang sa korte na si Chan, na ayon sa tagausig ay isang solong magulang at nakatira sa Lohas Park.

Magkano? Pindutin ito!

Nang itinigil ang pagdinig dahil oras na ng pananghalian ay minura ng amo ang nasasakdal, ang case officer ng Mission for Migrant Workers na si Edwina Antonio, at ang Pilipinang tagapagsalin habang papalabas sa korte.

Sa labas ay nagsisigaw pa ito nang buong lakas habang may kausap sa telepono, at napapailing na lang ang mga pulis.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ayon sa tagausig, dinakip ng mga pulis si Bagasina noong Pebrero 22 matapos tumawag sa 999 si Chan, isang dating make-up artist, dahil umano nakita niya sa Facebook na suot ng Pilipina ang mga gamit niya.

Noon pa man daw ay nahalata na niyang nawawala ang mga gamit sa taguan niya sa loob ng silid na tinutulugan ng katulong at ng kanyang alagang sanggol na lalaki.

Pindutin para sa detalye

Sa talaan ng tagausig, ang mga gamit ni Chan na natagpuan sa maleta at drawer ng Pilipina ay: anim na  damit-pang-itaas, isang pares na pantalon, isang kulay berdeng pantalong panlalaki na pag-aari ng boyfriend ni Chan, isang pares na sapatos, isang puting sombrero, tatlong bestida, isang bra at isang itim na shorts.

Ang pinakamahal sa mga ninakaw diumano na gamit ay isang gown na nagkakahalaga ng $800, pero ang karamihan ay prinesyuhan ng mula $150 hanggang $300, at ang pinakamura ay ang shorts na nabili ng $30.

Sinabi ni Chan na 14 sa mga bagay na kinuha diumano ng Pilipina ay mga damit na isinilid niya sa isang plastic bag at ibinilin sa kasambahay na iabot sa anak ng isa niyang kaibigan. Nagulat na lang daw siya nang makita sa mga larawan ni Bagasina sa Facebook na suot-suot niya ang mga ito.

Sa cross-examination, ilang ulit na tinanong ni Lo si Chan kung ibinigay niya sa katulong ang mga gamit at hindi nito ninakaw, pero iginiit ng amo na matagal nang nawawala ang mga iyon. Hindi na lang daw siya kumikibo kapag napapansin niyang wala sa drawer sa kuwarto ng katulong ng mga gamit niya.

“Just answer yes or no,” sabi ni Lo sa testigo.

“Unfortunately, No! And please stop asking such questions?” sigaw niya.

Pilipinas nagsara sa mga eroplano; mga HK flight hindi apektado

Posted on 03 May 2023 No comments

 

Hindi apektado ang ga HKG flights sa pagsasara ng himpapawid ng Pilipinas

Walang flight sa pagitan ng Manila at Hong Kong ang apektado ng pagsasara ng kalangitan ng Pilipinas kanina ( May 3) dahil sa pagkabit ng bagong automatic voltage regulator (AVR) na lumilinis sa daloy ng kuryente sa mga computer na bumubuo ng Air Traffic Management system (ATMS) ng bansa.

Hindi rin inaasahang maaapektuhan ang mga flights sa May 17, kung saan papalitan ang uninterruptible power source (UPS) ng ATMS. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang dahilan ay walang naka-schedule na Hong Kong flight sa oras ng paggawa sa parehong araw: mula 2:00 am hanggang 4:am. 

Ang dating plano ay isara ang lahat ng paliparan ng Pilipinas mula 12 midnight hanggang 6am ng May 17.

Ginawa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang tinawag nilang “corrective maintenance activity” upang maiwasan ang nangyari noong nakaraang New Year’s Day, nang isara ang himpapawid ng Pilipinas sa lahat ng eroplano at naka-apekto ng 78,000 pasahero.

Magkano? Pindutin ito!

Ayon sa CAAP, apektado ngayong araw ang mga flight na papunta at paalis ng Ninoy Aquino International Airport, Clark International Airport, at Mactan-Cebu International Airport, at sa 42 pang ibang airport na buong Pilipinas.

Ang trabaho ay katuparan sa pangako ng mga opisyal ng CAAP, matapos ang imbestigasyong ginawa sa Kongreso, na maglalagay sila ng backup sa AVR at UPS na syang naging sanhi ng aberya noong Enero.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Maliban sa New Year’s Day fiasco, apektado rin ang mga pasahero papunta at paalis ng Hong Kong nang magka-blackout sa Terminal 3 noong Labor Day (May 1), na nagpatigil ng operasyon sa  domestic flights ng pitong oras.

Dahil napaandar naman agad ang mga generator, natuloy pa rin ang mga flight papunta ng Hong Kong ng mga airline na gumagamit sa Terminal 3,gaya ng Cebu Pacific, Cathay Pacific at Air Asia.

Pindutin para sa detalye

Pero dahil hindi kaya ng mga generator ang mga air conditioner, naging mainit sa terminal hanggang tuluyang naibalik ang daloy mg kuryente mula sa Meralco kinabukasan na ng 8:46pm.

Apektado ang kabuuang 9,000 pasahero dahil sa mga cancelled at delayed flight.

Huling nagka-brownout sa Terminal 3 noong September 2022.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
Don't Miss