Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Phl Senate President in surprise visit to HK

Posted on 27 May 2023 No comments
Senator Zubiri (in blue) meets with CE Lee as Hui (right) listens in

Hong Kong’s Chief Executive John Lee met with the visiting Senate President of the Philippines, Juan Miguel “Migz” Zubiri on Saturday, May 27, “to discuss matters of common interest.”

A brief story on the meeting, which was published in the Hong Kong government website, said also present was Hong Kong’s Secretary for Financial Services, Christopher Hui.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

There was, however, no counterpart statement or report on the talks from the Philippine government or media.

The latest stories on Zubiri in Philippine media were about his statement of support for the modernization of the Philippine Armed Forces and an appeal for the local press to “beautify” the country’s image after the UNHCR called out the government for its war on drugs and the killing of journalists.

PAPAANO SUMALI? PINDUTIN ITO!

Zubiri even challenged the press to do their reporting from China if they wanted to experience the “chilling effect” of state control over the media.

HK’s press statement said that during the meeting CE Lee highlighted the close exchanges and cooperation that Hong Kong and the Philippines have maintained in various fields such as trade, investment, and finance.

Magkano? Pindutin ito!

Lee was reported to have encouraged more Philippine enterprises and talent to develop in Hong Kong, and use the city as a jump-off point for expanding into Mainland markets, particularly in the Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area.

The statement said the meeting highlighted the importance of increased cooperation between the two countries.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Further, CE Lee thanked the Philippines for supporting Hong Kong’s bid for early accession to the Regional Comprehensive Economic Partnership Agreement, a free trade agreement between the 10 Asean member states and five of its dialogue partners: China, Japan, South Korea, Australia and New Zealand.

Getting into the RCEP  would allow Hong Kong to further enhance its position as a gateway to the Mainland and Asean markets.

Pindutin para sa detalye

The RCEP is the world’s largest regional trade agreement, covering a population of 2.2 billion people and a combined GDP of US$26.2 trillion.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Paano makaiwas sa online shopping scam

Posted on 26 May 2023 No comments

 

Iba-ibang gamit ang ibinebenta online sa ngayon

Ayon sa HK Police, ang pinakamaraming bilang ng mga na-scam nooong nakaraang taon ay sa online shopping nabiktima.

Sa nagdaang apat na taon ay dumami nang makaapat na beses ang bilang ng mga na-scam sa online shopping. Mula 2,187 noong 2018 ay dumami ito sa 8,135 noong nakaraang taon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ito ay dahil na rin sa biglang pagdami ng mga tao na namimili na  lang sa internet ng kanilang mga personal na pangangailangan, lalo na noong pandemic.

Para mabawasan ang mga ganitong kaso ay naglabas ng payo ang Consumer Council.

PAPAANO SUMALI? PINDUTIN ITO!

Una, dapat munang alamin ang kalidad ng kumpanya o tindahan na binibilhan mo. Halimbawa, kailan sila lumabas sa social media at kung papalit-palit ba sila ng pangalan. Kung mas matagal, mas mainam.

Magkano? Pindutin ito!

Pangalawa, dapat na maging alerto kapag nakitang ang namamahala sa online selling platform ay nasa ibang bansa pero ang kumpanya ay sa HK nakarehistro.

Ang isa pang palatandaan ay kung ang lahat ng review ng nagbebenta ay panay positibo at ang gamit na lengguahe at yung sa ibang bansa. Ayon sa Council, malamang na peke ang mga ito.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sa mga nagbebenta naman, dapat alamin kung magkano ang lumabas na kabuuang halaga sa “ledger balance” at hindi sa “available balance” ng bank account. Ang halaga na ito ang magpapakita na tunay ngang natanggap ang bayad ng kostumer, at hindi ito gumamit ng pekeng tseke o deposit slip. 

Pindutin para sa detalye

Sa pangwakas, inaanyayahan ng mga pulis ang mga bumibili ng kani-kanilang mga produkto online na irehistro ang pangalan ng tindahan, numero ng telepono at iba pang mga personal na detalye sa Scameter ng mga pulis (CyberDefender.hk) para malaman nila kung lehitimo o hindi ang ka-transaksyon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Unifil, hiniling ang kagyat na aksyon ng DMW

Posted on No comments

 

Ang konsultasyon noong Apr 16 ng DMW sa mga Filcom lider sa HK

“Kumusta na ang aming mga kahilingan?”

Ito ang tanong ng grupong United Filipinos in Hong Kong (Unifil) sa mga opisyal ng Department of Migrant Workers na pumunta sa HK noong Apr 16 at nagsagawa ng konsultasyon sa mga lider ng komunidad.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Isang buwan matapos ang usapang iyon ay wala pa rin daw linaw ang mga kahilingan na ipinaabot nila kay DMW Secretary Susan Ople, kaya napilitan silang sumulat sa kanya para tanungin kung may aksyon na syang ginawa dito.

Ayon sa Unifil, kabilang sa mga inilatag nilang problema ay ang pagbabasura sa overseas employment certificate, na kinakailangang ipakita ng mga OFW bago sila makalabas ng Pilipinas.

PAPAANO SUMALI? PINDUTIN ITO!

Noong binanggit ito sa konsultasyon noong nakaraang buwan, sinabi ni Undersectary Patricia Yvonne Caunan na kaisa ng mga migrante ang DMW sa pagnanasa na matanggal na ang OEC, pero pinag-uusapan pa daw nila kung paano ito gagawin.

Ang isa pang hiling ng Unifil ay ang pagtatanggal ng pwersahang paniningil sa mga OFW ng mga bayarin para sa PhilHealth, SSS at Pag-IBIG Fund.

Magkano? Pindutin ito!

Panawagan ng mga OFWs na gawing voluntary ang mga bayaring ito at hayaan silang magpasya kung anong insurance ang kinakailangan nila,” ang sabi ng Unifil.

Ipinaalala din ng grupo ang kanilang mga pakiusap ng patuloy na bigyan ng pinansyal na tulong ang mga OFW na nagpositibo sa Covid-19, at ang mabilis at maagap na pagtulong ng Migrant Workers Office (dating POLO) at Konsulado sa mga migrante na naghihintay ng tulong.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ayon sa Unifil, umaasa ang mga kapwa nila OFW sa Hong Kong  na tutugunan ng DMW ang kanilang matagal nang kahilingan, at aaksyon nang mabilis.

Pindutin para sa detalye

“Hinding-hindi na kami papayag na matulad ito sa nakaraang administrasyon na sa halip na tanggalin ang OEC (ay) nagdagdag pa ito ng mga dagdag singilin at batas ng pangingikil na lalong nagpahirap sa kalagayan ng milyun-milyong migranteng Pilipino,” sabi ng Unifil.


PINDUTIN PARA SA DETALYE

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Sobrang init, mararamdaman sa HK simula sa Martes

Posted on 25 May 2023 No comments

 

Pinag-iingat ang lahat sa muling pag-init ng panahon, lalo na ang mga mahilig mag hike

Tataas sa 34 degrees Celsius ang temperatura sa Hong Kong sa darating na Martes, ayon sa Hong Kong Observatory, ang pinakamainit na araw sa taong kasalukuyan.

Ang kakaibang init ay dulot ng hangin na dala ng Typhoon Mawar, na kasalukuyang nananalasa sa Guam, at tinatayang dadaan at maghahatid ng malakas na ulan sa bandang Visayas at Palawan, bagamat hindi inaasahang tatama nang diretsa sa Pilipinas.

Ayon sa Observatory, dadaan ang sobrang lakas na bagyo sa dagat sa bandang silangan ng Luzon sa Biyernes at Sabado.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Magdadala ito ng mainit na hangin sa Guangdong kasama ang Hong Kong, simula sa Martes, at maaaring magtagal ng ilang araw.

Maglalaro sa pagitan ng 27 hanggang 34 degrees ang temperatura sa mga araw na ito sa malaking parte ng Hong Kong.

Pero sa New Territories, lalo na sa Lau Fau Shan, Sheung Shui, Shek Kong at Ta Kwu Ling ay tataas ang temperatura sa 36 degrees.

Magkano? Pindutin ito!

Ang lahat ng mga nagbabalak mamasyal sa Biyernes na isang piyesta opisyal dahil kaarawan ni Buddha ay pinapayuhan na maghanda ng pangontra sa sobrang init. 

Mananatili ang mainit na panahon ng ilang araw, ayon sa Observatory.

Ayon naman sa US Navy at Air Force, ang lakas ng hangin na dala ng Typhoon Mawar ay umabot sa  249 km/hr, bago ito tumama nang diretsa sa isla ng Guam.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang ganitong lakas ng bugso ng hangin ay maaring makawasak ng kahit matibay na bahay, magpatumba ng mga puno at poste ng kuryente.

Sabi pa ng mga weather forecaster, may posibilidad na lumakas pa itong muli sa paglapit sa Pilipinas.

Samantala, nakatakdang ipatupad simula sa Lunes ang mga patakaran na dapat sundin ng mga employer para maiwasan na ma- heat stroke o magkasakit ang kanilang mga empleyado dahil sa mainit na sikat ng araw.

Pindutin para sa detalye

Kapag umabot sa 30 ang temperatura, itataas ang amber warning, at magiging pula ito kung umabot ng 32 at itim kapag 34.

Ang mga nagtatrabaho sa gitna ng araw, a opisinang walang airconditioning o malapit sa init ay pinapayuhan na itigil ang trabaho, o magpahinga sa loob ng 15 hanggang 45 na minute depende sa hirap ng kanilang ginagawa, kapag itinaas ang pula o itim na babala.

Kahit hindi sapilitan ang pagpapatupad sa panuntunan, ihahabla daw ng gobyerno ang mga kumpanya na hindi susunod dito sa ilalim ng batas para sa proteksyon ng mga manggagawa.

New visa applicants to be required to declare criminal record

Posted on No comments

 

Everyone working or entering HK for the first time as dependants will have to make the declaration

The Immigration Department will require new applicants for working visas or entry permits, such as foreign domestic helpers, to declare whether they have any criminal convictions.

This requirement will take effect on June 19 and cover individuals who apply as dependants, FDHs, imported workers, students, as well as those on training and working holiday, Immigration said.

Such declaration will not be required of those applying for extension of stay or those who file their applications by June 18.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Also exempted from the requirement are FDHs who are already working in Hong Kong and applying for contract renewal with the same employer or for completing the remaining/extended period of the current contract with the same employer, and for change of employer in Hong Kong.

The new policy, however, will not make a big difference to incoming domestic workers because they already undergo clearance procedures in the Philippines and Indonesia when they apply to work overseas, according to Eman Villanueva of the Asian Migrants' Coordinating Body.

Magkano? Pindutin ito!

But he said the requirement may make the hiring process more complicated.

"If the Hong Kong government would require proof coming from (employment) agencies, then that would probably cause a problem because there would be an additional documentation that will be required from the applicants," he told RTHK.

"That would probably be an added burden, not only in terms of inconvenience and time, but also involving additional expenses to the applicants, and probably even to employers," he added.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

The Immigration explained that it adopted the new policy following the adjustment of the application procedures for entry for talent admission schemes on February 22 and 27 this year.

That adjustment was triggered by the controversy that resulted from the acceptance of biophysicist He Jiankui in the scheme to attract talent from abroad, despite having been jailed on the mainland for three years and fined 3 million yuan for illegal medical practice.

Pindutin para sa detalye

A court in China found He and two collaborators had forged ethical review documents in their research at Southern University of Science and Technology in Shenzhen, and misled doctors into unknowingly implanting gene-edited embryos into two women and thus exposing their babies to possible health risks, according to reports.

 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

FREE SIM CARD PARA SA MGA OFW NG HONG KONG!

Posted on No comments


Sabi nga nila, OFW ang tunay na mga bayani ngayon lalo na kung ito ay isang INA! Ang mga OFW Mothers ay gumagawa ng personal na sakripisyo sa malayo upang mabigyan ng komportableng buhay ang kanilang pamilya sa kabila ng pakikipaglaban sa kalungkutan. 

Sa ganitong sitwasyon, kailangan ng mga OFW ang isang maaasahang mobile service provider tulad ng SmarTone, na isa ring pinakasikat at ginagamit na network ng Filipino Community sa Hong Kong, upang tulungan silang manatiling konektado sa kanilang pamilya at may access sa mundo ng internet. 

Para ipagdiwang din ang darating na Mother's Day, ang Barkadahan sa SmarTone ay namimigay ng Libreng SIM card sa mga Bagong Customer para subukan at maramdaman ang bonggang network ng SmarTone. 

At may extra pa na Libreng 1 buwang internet kapag inilipat mo ang iyong mobile number mula sa ibang network sa SIM card na ito. Madali lang ito gamit ang Barkadahan My SIM Account App. 

May libreng regalo din sa SPoints – SmarTone Points – ang nag-iisang Loyalty rewards na dinesign para sa OFW mula sa food, beauty products, health, gadgets, cargo box at marami pang iba! 

Upang makuha ang iyong FREE SIM, magpadala lamang sa amin ng message sa WhatsApp at sabihin "Gusto ko ng FREE SIM" sa https://wa.me/85294478231 at ipapadala namin sa mail ang iyong FREE  SIM sa iyong bahay nang libre! 

Para sa iba pang detalye, https://bit.ly/43PmkS9  Dali! Kunin na iyong FREE SIM at mag SmarTone,

NOW NA!


Lilitisin sa Agosto 8 ang Pilipina sa kasong pananakit sa kuneho

Posted on 24 May 2023 No comments

 

Nakitang may mga sugat ang kuneho at bali ang isang paa (File photo)

Nakatakdang litisin sa Agosto 8 sa West Kowloon Law Courts ang isang Pilipinang waitress sa dalawang sakdal na pagmamalupit sa hayop, dahil sa sugat at pinsala na tinamo diumano ng alagang kuneho sa kanyang inuupahan bahay sa Tai Wo Hai, Tsuen Wan, New Territories.

Humarap muli si Aeprille Anne Esplana noong Martes, Mayo 23, kay Mahistrada Veronica Heung Suk-han upang pag-usapan ng tagausig at tagapagtanggol ang darating na pagdinig sa kaso.  

Kasabay nito ay sinentensyahan naman ng 2.5 buwang pagkabilanggo ang isang lalaking residente na hinampas sa lupa ang isang pusa pagkatapos nitong kalmutin sa mukha ang anak ng nasasakdal.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Samantala ang isang local na babae na walang trabaho ay binigyan naman ng suspendidong sentensiya dahil muntik nang niluto at kinain ang isang pusa na kamamatay pa lang.

Sinabi ng prosekusyon na maghaharap ito ng anim na testigo laban kay Esplana, kabilang na ang mga pulis na dumating sa nasabing tirahan at mga miyembro ng NGO o non-governmental organization na kumupkop at gumamot sa biktimang kuneho.

Sinabi naman ng panig ng nasasakdal na may ihaharap itong isang testigo, ang ina ng nasasakdal na siyang nakatira sa inuupahang bahay kasama ang anak nito lalaki na may kapansanan sa pag-iisip (autistic).

Magkano? Pindutin ito!

Ayon sa abogado ng nasasakdal, naganap ang pangyayari nang nasa bahay ding iyon ang isang kaibigang lalaki ni Esplana.

Hindi umano malaman kung sino ang nanakit sa kuneho, dahil natuklasang may sugat ito sa katawan at nabalian ng buto sa binti.

“Hindi namin tinatanggap na isang pagkakamali ng tao ang dahilan ng pagkakasugat ng kuneho,” sinabi ng abogadang tagapagtanggol.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sinabi niyang kinapanayam ng mga pulis ang ina ng nasasakdal at nalaman na ang nanakit umano sa hayop ay ang anak nito na autistic matapos kagatin ng kuneho ang daliri nito.

Ayon pa sa abogada, napansin ng mga pulis at miyembro ng NGO na may mga butas ang sahig ng kulungan ng kuneho at maaaring lumusot doon  ang mga paa nito na nagsanhi ng kanyang pagkakasugat.

Kinupkop ng NGO ang hayop at kasalukuyang pinagagaling, ayon sa abogada ng prosekusyon.

Pindutin para sa detalye

Dalawang araw na pagdinig ang itinakda ni Heung, ang pansamantalang pangunahing mahistrado ng West Kowloon Court sa ika-9:30 ng umaga sa Korte 15.

Samantala, humarap din kahapon, Mayo 23, kay Heung ang isang Pilipinang  pagala-gala na nahulihan ng isang 23-sentimetrong kutsilyo kamakailan sa Mui Wo, Lantau Island,

Bumalik sa nasabing korte si Jocelyn B. para sa kanyang bail review, ngunit tumanggi ang tagausig sa kanyang piyansa kahit walang aplikasyon ang nasasakdal.

Pinababalik siya ni Heung sa korte sa Mayo 31 para muling pag-usapan ang tungkol sa kanyang piyansa.  

PINDUTIN PARA SA DETALYE

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss