Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Latest anti-illegal work raids net 11 suspects

Posted on 22 June 2023 No comments

 

One of the Mainland visitors arrested while selling goods in Sheung Shui

A total of 11 people were arrested during two days of anti-illegal work operations conducted by the Immigration Department on June 19 and 20.

According to a press statement from the Department, ten suspected illegal workers, all men aged between 22 to 45 years old, were arrested, along with an employer aged 32.

Among those arrested in raids on 40 locations including car parks, commercial and residential buildings, restaurants and warehouses, were seven suspected illegal workers and the lone employer.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

BASAHIN ANG DETALYE

Two of the suspects were holders of recognizance forms, which prohibit them taking up any work;

In a separate operation, three people from the Mainland, two women and one man who came in as visitors, were arrested while selling goods on two roads in Sheung Shui.

EXTENDED TO JUNE 30!!

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Immigration again warned that visitors should not take up any job, whether paid or unpaid. Any violators can be jailed for up to two years and fined $50,000.

Overstayers or those on recognizance, which means they are under a removal or deportation order, face a maximum penalty of up to three years in prison and fine of $50,000.

BASAHIN DITO

Those found to have employed illegal workers can get jailed for up to 10 years, and fined a maximum of $500,000.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Nakasabay na pasahero ng airbus nabighani sa Pinay

Posted on 21 June 2023 No comments

 

Myrna Ruiz
Si Myrna Ruiz, 32 anyos nagtatrabaho dito bilang receptionist ay ibinahagi ang magandang karanasan dahil sa paggamit ng upgraded version Dream Love 1000 sexual perfume, gawa sa England na nabili niya mula sa Sun Fung worldwide plaza. Ang presyo nito ay affordable at may unique  mahalimuyak na scent. Maraming beses siyang nagkaroon ng pagkakataon na makaakit ng lalaki simula nang gumamit nitong pabango.

Hanggang sa ngayon ay mahal pa niya ang nobyo na Seaman, umaasang magtatagpong muli ang kanilang landas. Nagfile siya ng vacation leave na magbabakasyon sa Pilipinas. Muli siyang bumili nitong seksuwal perfume at inisip na dalhin sa pagbabakasyon.

Sumapit ang araw ng kaniyang bakasyon sa Pilipinas at bago umalis ng bahay ay nagwisik nitong pabango. Habang naghihintay ng airbus ay napuna niyang panay ang sulyap ng guwapong Irish. Ngumiti ito at tinugon niya saka pa lamang ito nagpakilala. Dumating ang airbus at tinulungan siya na magbuhat ng bagahe. Nagkatabi sila ng upuan at nagsimulang magpakilala sa isa’t-isa, kalaunan ay napuna niyang panay ang dikit ng katawan nito na tila may nais ipadamang marubdob na alab ng damdamin. Napangiti na lamang siya nang maalala na epekto ito ng gamit niyang pabango. Hiningi nito ang kaniyang whattsapp number para pagbalik nito sa Hong Kong ay magkakilala pa  sila ng lubusan. 
-------------------------------

 
_________________________________

*Naghahanap ka man ng pag-ibig, nang-aakit ka man ng lalaki, o gustong maging tapat ito sa iyo, o gusto mong ikaw ang ikasal sa halip na maging abay lang sa kasal, kung gusto mong may pagbabago ng saloobin ang iyong amo sa kabaitan, at maging kaakit-akit sa paningin ng lahat... 
_________________________________

Muling naging sexy ang katawan pati mga blemishes nabawasan at naging younger looks

Posted on No comments

 

Ma. Teresa Babas, before and after.

Kapag napag-uusapan ang tungkol sa pagpapa-payat, karamihan sa atin ay napaka-attentive sa pakikinig. Pero marami pa ang ayaw magsakripisyong magutom, sumakit ang katawan sa pageehersisyo para pumayat.

Umasa si Ma. Teresa Babas na muling maging sexy ang katawan tulad noong una niyang dating dito. Ayon sa kaniya, ang ekstrang taba at ang paglaki ng kanyang puson ay dahil sa sobrang kain tuwing holiday kasama ang mga kaibigan. Marami na siyang nasubukang iba’t-ibang klaseng slimming products pero hindi pa rin nakuntento sa naging resulta.

Madalas niyang mabasa mula sa Sun web Facebook  ang iba’t-ibang real-life experience ng mga kababaihan na gumagamit ng upgraded Dream Love 1000 5 in 1 body essence lotion, gawa sa England na may 3D hologram model image silver seal. Naengganyo siya sa mga karanasan nila kaya umasa na maging epektibo ito sa kaniya Nang sumunod na day-off, nagpunta siya sa Fiesta Mart sa Worldwide Plaza, bumili siya ng nasabing imported lotion sa presyong HK$98 lamang.

Pagkauwi ng bahay ay sinimulang ipahid ang lotion sa mukha ng circular motion at upwards motion sa buong katawan tulad nang nakasaad sa instruction sheet sa loob ng kahon.

Pagkaubos ng 2½ tubes sa loob lang ng 7 linggo ay na-impressed siya sa laki ng pagbabagong nakita. Ang dating 29 inches na waistline naging 26’ na lamang pati hips dating 36’ naging 33 inches.  Pumuti rin ang kutis niya. karamihan sa mga kaibigan ay nagsasabing bumata siyang tingnan ng mga 5 years kaysa sa tunay na edad.

 _________________________________
Para sa gandang nakaka-akit
Ang iyong Kagandahan ay magiging tunay na kaakit-akit. Mabibili sa Hong Kong ang updated version na
Dream Love 1000 5-in-1 Body Essence Lotion
na gawa sa laboratoryo ng La Cite Parfumer S.A. Paris mula sa mga piniling sangkap galing pa sa England, Germany, Canada at France.
___________________

Tingnan ang libu-libong mga totoong karanasan sa buhay ng mga kababayan, at kung paano nila ginamit ang

Dream Love 1000 5-in-1 Body Lotion

para maging natural na kaputian, hugis, mas batang tingnan at kumikinang na balat, sa ngayon ay lalo nang seksi sa 

http://www.sunwebhk.com



Mandatory pa rin ang PhilHealth membership

Posted on No comments

 

Si Aseron (nakaitim) habang nagpapaliwanag tungkol sa mga serbisyo ng PhilHealth

Na-freeze lang sa 4% ang contribution sa PhilHealth sa taong ito, pero tuloy pa rin ang mandatory o pwersahang pangongolekta nito sa mga Pilipino, kahit yung mga nasa labas ng bansa, overseas Filipino worker man o residente.

Ito ang sinabi ni Delio Aseron, director ng PhilHealth sa Region 10, sa isang pagbabahagi noong Linggo na hapon na ginawa sa Konsulado.

Ayon kay Aseron, nasa RA 11223 o mas kilala bilang Universal Health Care Law, ang mandato na magbayad ang lahat ng mga Pilipino na edad 21 pataas ng contribution sa PhilHealth. Ang mga hindi sakop nito ay yun lang mga edad 60 pataas, may kapansanan, o yung talagang walang kakayanan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Bilang tugon sa tanong ng isang lider ng komunidad sa Hong Kong, sinabi din nya na alinsunod sa parehong batas, kailangang magbayad ng multa na 1.5% ng buwanang kontribusyon ang mga hindi nakapagbayad magmula noong November 2019, kung kailan naging epektibo ang batas.

Ang nabago lang daw sa ngayon ay ang pananatili ng kontribusyon sa 4% ng buwanang kita ng isang miyembro ang babayaran sa taong kasalukuyan, imbes ang 4.5% na nakasaad sa batas. Pero sa darating na taon ay aakyat na ito sa 5% kung di mababago ang batas.

Ibig sabihin, sa Php33,000 na kasalukuyang katumbas ng pinakamababang sahod ng isang migranteng manggagawa sa Hong Kong, ang buwanang kontribusyon ay Php1,230 o P15,840 bawat taon. Sa 2024 ay aakyat ito sa P1,650 bawat buwan o P19,800 sa isang taon.

BASAHIN ANG DETALYE

Kapag hindi nakapagbayad noong panahon ng pandemya na tumagal ng tatlong taon, ang interes nito sa unang taon ay P237.60 at compounded o magpapatong-patong pa sa mga sumunod na taon.

Nabigla ang karamihan sa mga OFW na dumalo sa pulong sa mga halagang binanggit ni Aseron, dahil tutol na tutol sila sa pagpipilit na magbayad sila para sa PhilHealth, bukod pa sa SSS, PagIBIG , OWWA at iba pang singilin ng gobyerno.

“Grabe!” ang malakas na sinabi ng isa sa kanila, nang mapagtanto kung gaano kabigat ang magiging pasanin nila kung sakaling mapupwersa silang magbayad para sa health insurance sa bansa ngayon.

Pindutin para sa detalye

Ang maganda lang sa ngayon ay may panukala na ang mga senador na sina JV Ejercito at Raffy Tulfo na tanggalin ang pagiging mandatory ng kontribusyon ng mga OFW, at huwag na rin sila papagbayarin ng interest.

Sabi pa ni Aseron, may panukala din na huwag nang ipasagot sa mga OFW ang kalahati ng kontribusyon na parte sana ng kanilang employer, at ang gobyerno na lang ang magpupuno sa bahaging ito.

Sa ilalim kasi ng RA 1223 ay ginawang direct contributors ang mga OFW, na ang ibig sabihin ay babalikatin nila ang buong bayad na 4% ng kanilang buwanang suweldo. Sa mga nagtatrabaho sa Pilipinas ay laging kahati ang employer.

Nagprotesta ang ilang mga OFW laban sa mandatory collection bago ang ginanap na pulong

Minungkahi ni Aseron na sumulat ang mga OFW ng kanilang mga panukala o reklamo sa bagong pamunuan ng PhilHealth na pinangungunahan ng kanilang acting President at Chief Executive Officer na si Emmanuel R. Ledesma, at sa bagong talagang Secretary of Health na si Ted Herbosa.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Dagdag niya, wala siyang kakayanan na sagutin ang mga hinaing ng mga OFW dahil tagapatupad lang  daw sila sa PhilHealth, at tanging ang Kongreso lang ang maaring magbago ng batas.

Agad itong inalmahan ni Dolores Balladares, tagapamuno ng United Filipinos in Hong Kong na nagsabi na wala naman daw palang patutunguhan ang pag-uusap kung ganoon ang sagot ng mga PhilHealth.

Pinaalala din niya na ilang sulat na ang ipinadala ng mga grupo sa Hong Kong sa pamunuan ng PhilHealth para tutulan ang mandatory collection, pero ni isang sagot ay wala silang natanggap.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ayon naman kay Melody ng Tai Po, ilang libong pirma na ang nakalap ng mga nagpo protesta laban sa sapilitang kontribusyon na ito, hindi lang sa Hong Kong kundi sa iba pang parte ng mundo, pero ang mga nasa Senado daw ay “hanggang ngayon ay hindi nakikinig.”

Sa isang panayam ay sinabi ni Balladares na wala namang masyadong inaasahan ang grupo niya sa naganap na pag-uusap.

“Walang inabot ang usapan kasi inunahan na tayo na implementor lang sila,” sabi niya.

BASAHIN DITO

“As expected yung mga benefits nasabi naman, kaso tinago na retroactive since 2019 ang babayaran ng mga OFWs plus may compounded interest pa. Ang dapat talaga sa PhilHealth, di dapat mandatory; kung nais ng iba mag member dahil maganda ang serbisyo, ok lang basta walang pilitan.”

Para mas mapadali ang pagtatanggal ng mandatory provision sa batas ay dapat daw gawing priority bill ito ni Presidente Bongbong Marcos, gaya nang ginawa niya para sa Maharlika Investment Fund.

Kabilang pa sa mga nireklamo ng mga lider ang pagpapabayad sa mga OFW kahit na ang asawa nila sa Pilipinas ay PhilHealth member na, ang sapilitang pagpapabayad sa kanila samantalang libre ang pagpapagamot nila sa HK kaya di nila ito kailangan, at pati ang pagtanggi ng mga eskwela na i-enroll sa kolehiyo ang kanilang anak kung hindi ito miyembroi ng PhilHealth.

Sa bandang huli ng pag-uusap ay isiniwalat ni Aseron na aminado daw ang gumawa ng UHC law na minadali nila ito noon, kaya hindi nakita na magiging malaking pasanin ito ng mga OFW.

Siya daw mismo ay alam na ang isang batas ay dapat may layong mapabuti ang buhay ng mga tao, kaya kailangang mapag-aralan ito muli. Pero sa ngayon ay patuloy nilang ipapatupad ang batas dahil yun ang dapat.

Sa kanyang pagpapaliwanag, binanggit ni Aseron ang tungkol sa bagong serbisyong hatid ng PhilHealth, ang libreng konsulta para sa mga miyembro, na ang layon ay makita agad ang anumang problema sa kanilang kalusugan bago ito lumala.

Ibinigay nyang halimbawa ang madalas na nakikitang sakit sa kidney ng mga OFW sa Middle East. Dahil hindi daw ito agad nadidiskubre ay madalas malala na ang pasyente kapag natingnan, at kailangan nang mag dialysis.

Ang isa pang serbisyo na binanggit niya ay ang pag-refund ng PhilHealth sa mga nagastos sa pagpapagamot ng mga miyembro sa ibang bansa, lalo na ang mga OFW.

Binuksan ni Consul General Raly Tejada ang pulong sa pamamagitan ng paghiling sa mga lider na makinig na bukas ang isipan sa mga sasabihin ng PhilHealth, at bigyan sila ng pagkakataon na maipaliwanag nang maigi ang kanilang mga serbisyo.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

$2.37M na kasong pagnanakaw laban sa 2 Pinay, iaakyat sa District Court

Posted on No comments

 

Lampas sa sakop ng Magistracy ang krimen

Iaakyat sa District Court ang kaso ng dalawang Pilipinang akusado sa pagnanakaw ng $2.37 million na kabuuang halaga ng relo at alahas sa kanilang amo na taga Kowloon City.

Sa isang pagdinig kanina sa Kowloon City Magistracy, sinabi ng taga-usig na tapos na ang imbestigasyon ng pulis at handa na rin ang kaso laban kina Bernadette Paranas at Gina Quinones, 39 at 33 taong gulang.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
BASAHIN ANG DETALYE

Humingi rin ito ng isa pang pagdinig upang pormal na ilipat ang kaso sa mas mataas na hukuman.

Itinakda ni Acting Principal Magistrate Peony Wong sa July 19 ang susunod na pagdinig bilang pag-lilipat ng kaso sa District Court, dahil ang parusa sa krimeng ito ay mas mataas sa pwede niyang ipataw, na dalawang taong pagkabilanggo o multang $100,000.

Pindutin para sa detalye
EXTENDED TO JUNE 30!!

At dahil hindi humiling ang dalawa na payagan silang mag piyansa, ibinalik sila sa kulungan.

Sina Paranas at Quinones ay inakusahang nagnakaw ng walong mamahaling relo, isang bracelet at isang gintong singsing na may kabuuang halagang $2.37 million.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS
BASAHIN DITO

Naganap diumano ang pagnanakaw sa pagitan ng May 2021 at Nov. 26, 2022 sa isang flat sa Sheung Shing Court sa Kowloon City.

Sinampahan sila ng Kowloon City Police ng paglabag sa Section 9 ng Theft Ordinance, na nagpapataw ng hanggang 10 taong pagkabilanggo sa ganitong klase ng krimen.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Epekto ng sunog sa Manila Post Office ramdam pa rin sa HK

Posted on 20 June 2023 No comments

 

Kuha ng Rappler habang nasusunog ang Central Post Office sa Maynila

Nag-anunsyo ngayon ang Hongkong Post na maaantala ang mga sulat at iba pang padala papunta at galing sa Maynila.

Ito ay isa sa epekto ng sunog noong May 22 na tumupok sa Central Post Office sa gitna ng Plaza Lawton sa Maynila. Ayon sa report nagsimula ang sunog matapos pumutok ang isang baterya sa basement ng gusali.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang epekto ng sunog ay nararamdaman na rin ng ilang Pilipina sa Hong Kong.

Noong April 30 at May 1 at nagkaroon ng libreng eye check up ang Facebok chat group na Social Justice for Migrant Workers.

BASAHIN ANG DETALYE

May 40 na kasapi ang umorder ng salamin sa mata pagkatapos ng check-up na ginawa ng grupo sa Bayanihan Center noong April 30 at sa Ramada Hotel in Sai Ying Pun noong May 1. May apat na kasapi na nakikipaglaban sa cancer ang binigyan din ng libreng salamin.

Ayon sa lider ng grupo na si Marites Palma, ika-limang taon na nila itong ginagawa sa pakikipagtulungan ni Dr. Maria Monica Cagatao Visaya ng Visaya Optical na naka base sa Santiago, Isabela.

Pindutin para sa detalye

Ang mga salamin na ito, na ginawa sa Pilipinas at nagkakahalaga ng $1,000 bawa’t isa, ay dapat nasa kamay na ng mga OFW mga 10 araw matapos ilagak sa post office ng Santiago, base sa nakasanayan na ng grupo.

Pero dahil sa sunog sa Manila, nasira ang tracking system ng Philpost kaya hindi pa malaman kung saaan na ang mga salamin na noong May 19 pa ipinadala mula sa Santiago.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Siniguro naman ng grupo na hindi nasama sa sunog ang mga salamin dahil mula sa Santiago ay diretso itong dinala sa Central Mail Exchange sa tabi ng Domestic Airport sa Pasay City, bago ikarga sa eroplano pauntang Hing Kong.

Ayon sa tracking system, nasa Hong Kong na ang parcel pero hindi pa nai-deliver sa addressee.

BASAHIN DITO

“Sana dumating na ang parcel at masagot ang dumaraming tanong sa FB page namin kung ano ang nangyari sa kanilang salamin.,” ika ni Palma.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Mga libreng sakay, palabas at discount sa ika-26 anibersaryo ng HK

Posted on No comments

 

Libre ang sakay sa Star Ferry sa July 1.

Ipapadama ng gobyerno ng Hong Kong sa lahat ng naninirahan nito, kasama na ang mga migranteng manggagawa, ang pagdiriwang sa July 1 ng ika-26 anibersaryo ng pagkatatag ng HK Special Administrative Region sa ilalim ng pamamahala ng China.

Ayon kay Chief Executive John Lee kahapon, Martes, lahat ng taga Hong Kong ay makikinabang sa mga palibreng inihahanda ng iba’t ibang sangay ng gobyerno at organisasyong pampubliko.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ilan sa mga inihahandang palibre sa publiko:

·       Libre para sa publiko na gagamit ng pasilidad ng Leisure and Cultural Services Department gaya ng sports facilities. Kailangan lang mag book simula sa Linggo, June 25, mula 7am. 

      Libre rin ang papasok sa mga permanenteng exhibition at museum, gaya ng Hong Kong Science Museum, Hong Kong Space Museum, M+ museum, at  Hong Kong Palace Museum.

·        Libre rin ang sakay sa Star Ferry, Fortune Ferry at ilang ruta ng Hong Kong Water Taxi sa loob ng limang araw simula sa July 1.

·        Marami sa mga restaurant ang makikiisa sa selebrasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng 26 per cent discount sa araw na ito.

BASAHIN ANG DETALYE

Ang July 1na isang piyesta opisyal, ay ang anibersaryo ng Handover, o ang paglilipat ng United Kingdom sa China ng pamamahala sa Hong Kong noong 1997, matapos ang 156 na taon na naging colony niya ang HK.

Ito rin ang simula ng pagkatatag ng HKSAR bilang isang sangay ng pamahalaan sa ilalim ng Chna.

Pagkatapos ng mga pasinaya para sa anibersaryo ng HKSAR, sa July 8, magkakaroon isang buwan na mas magarbong “A Symphony of Lights” sa Victoria Harbor gabi-gabi hanggang July 31.

Sa limang magkakasunod na weekend (Sabado at Linggo) simula sa July 8, madaragdagan ang “A Symphony of Lights” ng fireworks display ang paglalaro ng ilaw sa haborfront.

Magtatanghal din ang Hong Kong Tourism Board (HKTB) ng Harbour Chill Carnival sa limang magkakasunod na weekend (Sabado at Linggo) simula sa July 8.

Pindutin para sa detalye

Magaganap ito sa Harbour Chill, Water Sports and Recreation Precinct, at Wan Chai Temporary Promenade -- mga bagong pasyalan na nasa tabi ng Wanchai Pier at Hong Kong Convention Center.

Mapapanood dito ang mga street performance, European-style acrobatics at juggling, Samba drumming at pagtatanghal ng mga kung fu master.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Magtatayo rin ang HKTB ng outdoor X-Games performance area at bubuksan ito sa mga local, mainland, at Hapong BMX rider at skateboarder, kasamana ang No.1 skateboarder ng Hong Kong na si “Chun Chai” Luk Chun-yin.

Libre ang pasok dito.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sa music show, higit sa 40 grupo ng musician mula sa Hong Kong, mainland, Taiwan at overseas ang magtatanghal sa stage.

Ilan sa kanila ay ang Cantopop diva na si Kelly Chen na tampok sa unang araw, singer-songwriter Jay Fung, Ivana Wong, at mga mas batang musician na sina Tyson Yoshi, Ng Lam-fung, at Lolly Talk.Ang kanilang pagtatanghal ay batay sa mga temang “Asia Power,” “Fresh Finds,” “Indie Rocks,” “Cantopop Hits,” and “DJ Nights.”

BASAHIN DITO

Ang mga performer na galing sa ibang bansa ay kinabibilangan ng mainland band na Project Ace, “Queen of OST” Queena Cui, Golden Melody Awards nominee Hush and YELLOW mula sa Taiwan, ang Thai supernova na TYTAN, ang South Korean R&B sensation na Reddy at marami pang iba.

Upang makapasok sa musical show, kailangan ng ticket, na makukuha nang libre sa HKTB e-platform, pagkatapos mag-rehistro sa https://my.discoverhongkong.com/frontend/signin?login_challenge . Ang pagkuha ng ticket ay bubuksan lang sa June 27 (Martes) at July 17 (Lunas) sa first-come, first-served basis.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss