Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Nag-alok ng pekeng trabaho sa asawa ng OFW, kinasuhan

Posted on 30 June 2023 No comments

 

Ang kasunod na pagdinig ay sa Aug. 25

Isang babae ang inaresto at dinala kaninang umaga sa Fan Ling Courts dahil sa pag-aalok ng pekeng trabaho para sa asawa ng isang kapwa Pilipina at pagtatago matapos mabayaran.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Ang sinampang kaso laban kay Jelanie Anilao, 40 taong gulang, ay obtaining property by deception, o pagkuha ng ari-arian mula sa iba sa pamamagitan ng panloloko.

Si Anilao ay ibinalik sa kulungan nang itakda ang kasunod na pagdinig sa Aug. 25 upang mabigyan ng panahong makabuo ng kaso ang taga-usig.

Pindutin para sa detalye
Ayon sa dokumentong mula sa korte, inalok ni Anilao ang biktimang si B na ihahanap ng trabaho ang asawa nito kapalit ng bayad na $28,500 bilang referral fee.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Hinulug-hulugan ito ni B mula Aug. 15 hanggang Nov. 19, 2022 sa isang flat sa Tai Po sa New Territories.

Pero nang mabuo na ni B ang bayad, hindi na mahagilap si Anilao, kaya nagreklamo ito sa pulis.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Matapos maaresto si Anilao sa bahay niya, inakusahan siyang lumabag sa Section 17(1) ng Theft Ordinance.

Dahil wala siyang maipakitang ebidensiya na inihahanap nga niya ang asawa ni B ng trabaho, inakusahan siyang niloko si B upang makunan ng pera.

BASAHIN DITO

Ang ganitong gawain ay may parusang aabot sa 10 taon, ayon sa Theft Ordinance.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Philippine fashion accessories take center stage at AWE

Posted on 29 June 2023 No comments

 

DCG Usudan (in blue) and Mabalot cut the ceremonial ribbon with exhibitors

Trade shows are back as part of the new normal in Hong Kong, and Philippine products are making a strong comeback through the ongoing International Culture, Tourism and Intangible Cultural Heritage Exhibition at the AsiaWorld Expo.

While the other stalls in the Hall 3 of the venue were still being set up on Thursday, the Philippine booth featuring outstanding native fashion accessories was already fully decked out, in time for a VIP reception for a select few.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

On hand to lead the ceremonial ribbon-cutting was Deputy Consul General Germinia Usudan, who is herself a big supporter of native arts and fashion. With her was Trade Attache Robert Mabalot, who put the show together.

The exhibitors from the Fashion Accessory Makers of the Philippines (FAMPh) also took part, led by their president Gina Nebrida Ty, whose own eye-catching creations were on display, including her “agsam necklace,” made of a kind of fern that grows only in Surigao.

Ty's fern necklace was a finalist in the 2021 Design Excellence Awards in New York

Another must-see is what could be one of the costliest ternos ever made. The blue silk creation, adorned all over with intricately-cut mother of pearl beads and must have taken days, if not weeks, to finish, is said to cost Php150,000.

This blue terno with mother-of-pearl inlays costs a whopping P150,000

Mabalot said the exhibit gives the country an opportunity to show the Filipinos’ artistry which many locals may not be aware of.

Having hosted a similar exhibit amid the pandemic last year when a mandatory quarantine made it difficult to get people to come over, he said he was glad that everything is now back to normal.

EXTENDED TO JUNE 30!!

This time around, participating Philippine businesses will not only be able to display and sell their products, but would also have a chance to explore new markets and forge deals with people from various places.

Ty also welcomed the chance to promote her group, which she said was formed two years ago amid the hardships wrought by the pandemic. 

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

She said FAMPh, which gathers both veteran and novice designers, was formed after members realized there were already several organizations representing apparels, but not one for native accessories.

“So we thought it was high time that there was also a proper representation of Philippine accessories,” she said.

Delicate silver and gold jewelry adorned with native stones are also on show

The move has proved very fruitful in the short time the organization has been around, as it now gets support from such government agencies as the Department of Trade and Industries, as well as the Department of Science and Technology, which is collaborating with them on reviving the country’s leather industry.

The exhibit, which also features native arts and crafts from different parts of the world, will officially open on Friday and run until Sunday. The Philippine booth is located at B01 of Hall 3 of the AsiaWorld Expo, which is right in front of the entrance to the hall.

BASAHIN DITO

A fashion show featuring a collection of different fashion accessories and apparels by Philippine designers will be held at the main stage of Hall 3 on July 1 from 4:30 pm to 5:00pm. Complimentary tickets are available at: https://www.hkcultureexpo.com/visitor.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Nagsinungaling sa pulis matapos mamatay ang inang OS, iwas-kulong

Posted on No comments

 

Sa ospital namatay ang ina niya

Napagtanto ng isang Pilipina ang kahalagahan ng pagsasabi ng totoo kapag may kausap na pulis nang mahatulan siyang nagkasala sa Eastern Court, dahil hindi niya agad sinabi ang tunay na pangalan ng namatay niyang ina.

Mabuti na lang at imbes ipakulong ni Principal Magistrate Ivy Chui si M. Austero, 41 taong gulang na domestic helper, ay pinatawan siya ng apat na linggong pagkabilanggo -- na suspendido nang 12 buwan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Dahil dito, makakaiwas siya sa kulong kung hindi siya magkakasala sa loob ng susunod na isang taon.

Ang naging dagok sa kanya, ayon sa kanyang abogado, ay ang pagka-terminate niya sa trabaho ngayon lang, dahil sa kaso. Nakaka-siyam na buwan na siya sa ikalawang kontrata sa amo.

Nademanda si Austero matapos dalawang beses siyang magsinungaling sa dalawang pulis na nag-iimbestiga sa pagkamatay ng kanyang ina noong nakaraang Enero.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Noong Jan 11, sa Ruttonjee Hospital sa Queen’s Road East, kung saan dinala ang kanyang ina nang mahilo ito at tuluyang mamatay, sumagot siya ng oo nang tanungin siya ng dalawang pulis kung ang pangalan nito ay Ruth Babarano, batay sa HK ID na nakuha sa kanya.

Ito rin ang sagot niya kinabukasan nang nadala na sa Victoria Public Mortuary ang bangkay at tanungin ulit kung ang pangalan nito ay Ruth Babarano.

Lumabas kalaunan na ang tunay na pangalan ng namatay ay T. Hortado, na isang overstayer na gumagamit ng HKID ng ibang tao.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Dahil sa pagsisinungaling ni Austero, kinailangan ng dagdag na imbestigasyon tungkol sa tunay na pagkakakilanlan ng namatay, na nakapag-antala sa imbestigasyon ng mga kaso sa pulisya.

Sinabi naman ng kanyang abogado na “honest mistake” ang maling sagot ni Austero sa pulis, at ito ay dahil sa nerbiyos at paghangos niyang makita ang kanyang ina, na noon ay patay na sa ospital.

Nalaman lang daw niya ang nangyari sa kanyang ina nang tawagan siya ng boyfriend nito.

BASAHIN DITO

Tinanggap ni Magistrate Chui ang rason ng kanyang abogado, at agad sinabing isususpinde niya ang sentensiya ni Austero.

Pero kailangan pa rin niyang bigyan ito ng sentensiyang anim na linggo, na binawasan niya ng 1/3 dahil sa agad nitong pag-amin, upang maging leksyon kay Austero at nang hindi na siya umulit.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

More offers lined up for HKSAR's 26th anniversary

Posted on No comments

Among the events lined up are dragon boat races in Sai Kung.

The government is rolling out a wider array of special offers to enable more people, including migrant workers, to partake of the 26th anniversary celebration of the establishment of the Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) on July 1 -- a statutory holiday.

Various government agencies and community sectors have lined up special offers in areas including dining, arts and culture, sports, environmental protection, fisheries and agriculture and transport.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

An updated list of the special offers includes:

July 1 offer from Leisure and Cultural Services Department (LCSD)

Free admission as individual users to a range of the LCSD's fee-charging leisure and cultural facilities, including most of the indoor and outdoor leisure facilities, public swimming pools and crafts at water sports centres.

Free admission to the permanent exhibitions of the Hong Kong Science Museum and Hong Kong Space Museum (except for the Space Theatre's shows) as well as various special exhibitions including the "Virtually Versailles" exhibition and "Out of Thin Air: Hong Kong Film Arts & Costumes Exhibition" at the Hong Kong Heritage Museum, "Material Tales — The Life of Things" exhibition at the Hong Kong Science Museum and "The Hong Kong Jockey Club Series: Joan Miró — The Poetry of Everyday Life" exhibition at the Hong Kong Museum of Art.

 

EXTENDED TO JUNE 30!!


July 1 offer from West Kowloon Cultural District Authority

Free admission to M+ and seven thematic exhibitions of the Hong Kong Palace Museum (Gallery 1 to 7) in the West Kowloon Cultural District.

July 1 offer from Agriculture, Fisheries and Conservation Department / Culture, Sports and Tourism Bureau / Environment and Ecology Bureau

Free admission to the Hong Kong Wetland Park, located in Tin Shu Wai in yuen Long.

 

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

July 1 offer from the Catering industry

More than 1,000 restaurants are expected to offer a 29 per cent discount on designated cuisines or catering items.

July 1 offer from Airport Authority Hong Kong

A smart luggage tag with baggage arrival notification function (MyTAG) will be distributed to travelers in the terminal building of Hong Kong International Airport.

July 1 offer from Sinopec Corp / Star Ferry

Free rides on Star Ferry's "Tsim Sha Tsui-Wan Chai" route.

 

BASAHIN DITO

July 1 offer from Fortune Ferry

1. Free rides on "Central-Hung Hom" route and "Tsim Sha Tsui East-Wan Chai-Central-West Kowloon (Circular)" Water Taxi route.

2. Passengers whose birthday falls on July 1 can take "Tuen Mun-Tung Chung-Sha Lo Wan-Tai O" and "North Point-Kwun Tong-Kai Tak" routes for free.

July 1 offer from, MTR Corporation

1. 71,000 free MTR domestic single rides and 26 MTR annual passes will be given out through lucky draw.

2. Free rides on Light Rail and MTR buses.

July 1 offer from Commissioner for Heritage's Office / Non-profit-making organisations under the Revitalising Historic Buildings Through Partnership Scheme

Twelve projects under the Revitalising Historic Buildings Through Partnership Scheme will roll out different offers, including the arrangement or enhancement of free guided tours and workshops, as well as the provision of food and beverage offers.

July 1 to 5 offer from The Hong Kong Chinese Enterprises Association together with Bank of China (Hong Kong), China Merchants Group, China Resources Group, China Tourism Group and China Travel Service (Holdings) Hong Kong, and China Taiping Insurance Group / Hong Kong Tramways

Free rides on tram.

July 1 to 7 offer from Fish Marketing Organization / Vegetable Marketing Organization

A 29 per cent discount will be offered to designated products (while stocks last) from the Fish Marketing Organization and the Vegetable Marketing Organization on the "Local Fresh" mobile app.

July 1 to 31 offer from Environmental Protection Department

Members of the public can earn additional GREEN$ when they recycle via the community recycling network, GREEN@COMMUNITY, or participate in food waste recycling using smart recycling bins.

For more details and updates, visit the dedicated website www.hksar26.gov.hk.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Pinay, nakasingil ng dapat matapos sapilitang dinala sa airport

Posted on 28 June 2023 No comments

 

Hinatid si Brenda hanggang sa check-in counter ng driver ng amo (File)

Sa kabila ng biglang pagpapababa sa kanya ng amo noong Lunes at pagdala sa kanya sa Hong Kong Airport ay nagawa pa rin ng Pilipinang si Brenda na makahingi ng tulong kaya hindi siya napilit na sumakay pauwi sa Pilipinas na $200 lang ang perang dala.

Sa tulong ng Social Justice for Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration at ng kanyang employment agency ay nakatanggap si Brenda ng $7,399 bilang bayad sa sweldo at isang buwang pasabi. Nakunan din sya ng bagong air ticket kaya panatag na siyang umuwi kahapon.

Ayon kay Brenda, naka 17 araw pa lang siya sa employer na taga Chung Hom Kok nang bigla siyang papirmahin ng sulat na pinuputol na niya ang kanyang kontrata, at agad-agad na dinala sa airport ng kanilang driver.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Bago ito ay ilang beses na daw siyang nagreklamo sa kanyang agency dahil dalawang malalaking bahay ang nililinis niya at dalawa niyang kasamahan na Indonesian. Bale may apat na palapag daw ang mga bahay, at may mga tatlong gusali ang pagitan kaya araw-araw ay panhik-baba sila, bukod pa sa lakad.

Nag-abot lang sila ng kanyang mga amo ng tatlong araw bago umalis ito papuntang ibang bansa kaya nitong huli ay wala nang nakatira sa mga bahay kundi sila ng mga kasamahang Indonesian, at limang aso.

Sa kabila nito ay walang tigil daw ang kanilang paglilinis, at hindi puwedeng magpahinga bukod sa oras ng pagkain, hanggang matulog sila ng 8:30 ng gabi.

EXTENDED TO JUNE 30!!

“Binigyan man lang kami sana ng kahit 30 minutong pahinga,” sabi ni Brenda. Pero hindi daw ito nangyari dahil laging nakabantay ang sekretarya ng kanilang amo, at agad silang hinahanap kapag hindi sila nakita sa camera.

Kapag sinabi nya daw sa sekretarya ang “I am so tired,” ay sasagutin lang siya ng “I know, I know,”pero tuloy pa rin ang pagbabantay sa kanila.

May mahigit na 200 na CCTV daw sa mga bahay, kaya nakikita ng sekretarya ang kanilang bawat galaw. Dahil dito ay napansin ng sekretarya na madalas na kumuha ng litrato sa buong kabahayan si Brenda kaya sinita siya.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sa utos ng amo ay pinabura ng sekretarya ang mga kuha ni Brenda, at sinabing labag ito sa privacy ng kanyang mga pinagsisilbihan. Ang hindi niya alam ay pinadala na ni Brenda sa kanyang pamilya sa Pilipinas ang mga kuha para may magamit na patunay sakaling magkaroon siya ng problema sa trabaho.

Ang hindi niya inakala ay agad siyang papababain matapos palabasin na siya ang pumutol sa kanyang kontrata, at agad dalhin sa airport ng hindi binabayaran kundi ng $200 na pamasahe daw para sa kanyang pag-uwi.

Kahit nakabantay ang driver para masigurong nag check-in sya sa kanyang flight papuntang Maynila ay nakatawag pa rin si Brenda kay Marites Palma, founder ng Social Justice, na agad namang ipinarating ang kayang kalagayan sa OWWA.

BASAHIN DITO

Sa loob lang ng ilang minuto ay natawagan ng OWWA ang kanyang ahensya, na dali-dali namang sinabihan ang employer na kailangan niyang bayaran si Brenda ng sweldo para sa 17 na araw at isang buwang pasabi dahil sila naman talaga ang may gustong umalis na siya.

Pinagsabihan din ang amo na hindi nila dapat dinadala sa airport ang isang domestic worker kahit ito pa ang nag terminate dahil binibigyan ito ng batas ng 14 na araw para maghanda para sa pag-uwi,  maghabol sa mga dapat ibayad, o magsampa ng kaso o reklamo kung kinakailangan.

Pinayuhan din ng OWWA si Brenda na magpunta sa Department of Migrant Workers pag-uwi kung gusto niyang maisama sa watchlist ang kanyang amo dahil sa ginawa sa kanya.

Pagkatapos makuha ang pagsang-ayon ng amo ay ang ahensya na mismo ang nag desisyong tumakbo sa airport para abonohan ang napagkasunduang bayad na $7,339. Kinuha din si Brenda ng bagong ticket bagamat kinabukasan na siya makakaalis.

Kahit medyo naiiyak pa rin ay nagawa pa rin ni Brenda na magpasalamat sa mga tumulong sa kanya, lalo na ang kanyang ahente na nangako pa daw na bibigyan siya ng bagong amo sa pagbisita nito sa Pilipinas sa darating na buwan.

Gusto pa rin naman daw niyang bumalik sa Hong Kong, kaya lang ay “sana ay hindi na ganoon kalaki ang bahay, kahit mag-alaga pa ako ng bata at magsilbi sa mag-asawang amo,” sabi ni Brenda.

Hindi naman daw siya bago sa  pangangamuhan kahit ito ang unang kontrata niya sa Hong Kong. Nakapagtrabaho na din siya sa Taiwan at sa Singapore, kung saan maganda ang trato as kanya ng mga amo na parehong doktor.

Sayang nga lang daw at nagdesisyon ang mga ito na manirahan na sa Amerika kaya naisipan niyang sa Hong Kong naman makipagsapalaran.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Kalayaan Ball, bakit biglang naging business seminar?

Posted on No comments

Ni Marites Palma

 

Ang aktor at pulitiko na si Cesar Montano habang ipinapakilala ang Elite Group
(kapansin-pansin na wala ang pangalang Kalayaan Ball sa entablado) 

Nakatakdang pulungin ng Konsulado ang mga pasimuno sa “Kalayaan Ball” noong nakaraang Linggo, June 25, sa Tao Heung Restaurant sa Causeway Bay, matapos maglabasan sa social media ang reklamo ng mga dumalo dahil sa lantarang pagnenegosyo ng isang sponsor sa pagtitipon.

Napalitan ng panghihinayang at sama ng loob ang dapat  sanang masayang kuwentuhan, kainan, kantahan at sayawan dahil tatlong taon ding walang naganap na Kalayaan Ball dahil Sa Covid-19.

Ayon kay Consul General Raly Tejada, "The Consulate will meet the organizers next weekend to find out what happened. We understand that many felt disappointed as expectations were not met. This is indeed unfortunate."

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Bukod sa hindi inaasahang “business seminar” ng Elite Club Pinoy Hong Kong na tumagal ng mahigit dalawang oras, marami ang nagreklamo sa kakulangan diumano ng pagkain at inumin sa naturang pagtitipon, gayong pinagbayad naman sila ng tig $220 para sa tanghalian.

"Kalayaan Ball or Elite Seminar? Nabudol ako, kami, tayo!!!” Ito ang isa sa mga mabilis na kumalat na post sa Facebook mula kay Fayeh Guevarra ng Philippine Alliance.

Ayon kay Guevarra na isa sa mga naatasang mangolekta ng bayad mula sa mga dumalo, napahiya daw siya sa nangyari dahil marami ang gumastos pa para sa makeup at espesyal na damit na sinuot sa okasyon, pero natali lang sa kani-kanilang mga upuan para makinig sa seminar.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Marami din daw ang ginutom, kaya nagpuntahan sila sa kalapit na McDonald’s pagkatapos ng salo-salo.

Ganoon na lang din ang sama niya nang loob nang sabihin ng bisitang comedienne na si Boobsie na bayad ng Elite ang kanilang kinain.

“Booooo, mahal ang binayaran namin. Kau mga Elite people ang nagpasasa sa libre. Ginawa nyong gatasan ang mga OFW sa HK,” sabi ni Guevarra sa kanyang post.

Kitang-kita ang pagsisiksikan ng mga dumalo sa kuhang ito ni Marie Rivera

Ayon naman kay Toni Ramos ng Angat Pinknoy, “Lahat nabudol, ang mga costume namin pinaghirapan namin bilhin, tapos ang dadatnan mo seminar. Ni walang drinks na mainom, bagkus mainit na tubig. So disappointed talaga.”

Dagdag niya, kung business presentation o seminar ang isasagawa, dapat libre na ang dadalo dahil mahihirapan silang manghatak ng mga tao. Nakakasama daw ng loob na ginawa ito sa mismong Kalayaan Ball para masiguro na maraming tao.

Mapapansin din sa mga litrato na sa halip na "Kalayaan Ball" ang nasa backdrop ng entablado ay pangalan ng Elite Club ang makikita.

Halata ang pagkabahala ni Selomenio (kaliwa) sa kuhang ito ni Jenny Gafate

Ayon naman kay Leo Selomenio, chairman ng Global Alliance na siyang tumayong organizer ng kasiyahan, ang sponsor na Elite Group ang hindi sumunod sa usapan na isa’t kalahating oras lang sila magpo promote ng kanilang negosyo kaya nagulo ang programa.

Inamin ni Selomenio na nagpadala ng Php100,000 (mga HK$15,000) ang Elite sa kanyang bank account na ayon sa kasunduan ng kaniyang grupo ay gagamitin para sa $50 na “subsidy” sa bawat OFW na dadalo.

Dahil $250 ang pinakamurang singil ng mga napagtanungan nilang mga restaurant ay minabuti nilang maningil nang tig $220 para may ekstrang perang pambayad para sa mga espesyal nilang panauhin.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang usapan daw nila ng Elite ay ipakilala lang nila ang kanilang grupo at magdadala ng mga entertainers (bukod kay Boobsie ay dumalo sina Cesar Montano at Jay Manalo) kaya binigyan sila ng oras na 11am-12:30pm.

“Pero ang nangyari from 12 to 2 pm nag promote sila at hindi na pumasok mga performers. Ang mga artista hindi naman nag perform kundi nag promote na rin,” himutok niya.

Sinubukan daw niyang patigilin ang grupo, at hindi lang 10 beses siyang nagpabalik-balik sa kanila para makiusap pero hindi sila sumunod. Nang tanggalan daw sila ng mic bandang 2pm ay nagalit pa ang mga ito kaya hindi na niya nasingil ang kulang sa “subsidy” na pinangako nila.

BASAHIN DITO

Ang inamin niyang mali ng kanyang grupo ay tumanggap sila ng maraming dumalo kaya nagsiksikan sila sa loob.

Dahil umabot sa mahigit 600 ang dumalo, imbes sa 300 na inaasahan, ay umabot sa 56 mesa na may tig-12 katao ang napuno nang araw na iyon. Ang singil sa bawat mesa ay $3,000, kaya umabot sa mahigit  $198,000 ang binayaran nila, na lampas sa kabuuang halagang nakolekta nila.

Resibo para sa binayaran sa restaurant, mula kay Selomenio

Ang kinalabasan, kinailangan pa daw niyang mangutang sa kanyang leaders para may pampuno sa ibinayad sa kainan. Nagpakita siya ng resibo para patunayan kung magkano ang binayad nila sa kabuuan.

“On our part, we wholeheartedly apologize for our shortcomings pero we didn’t intend na mangloko ng kapwa, na base sa mga post,” sabi ni Selomenio.

Dagdag pa niya, hindi naman nakuhanan ng pera ang mga dumalo para masabi nilang na-scam sila.

Hindi na rin daw nila kasalanan kung naunsyami ang pagrarampa ng ilan sa mga dumalo nang naka ball gown dahil “semi-formal” lang ang nakalagay na dress code.

Gayunpaman, nakaugalian na ng mga OFW na dumadalo sa “Kalayaan Ball” na magpabongga nang husto dahil ito lang sa buong isang taon na nagkakaroon sila ng pagkakataon na ipakita ang kanilang pinaka magarang Filipiniana na kasuotan.

Ang “Kalayaan Ball” ay inumpisahan ng grupong Philippine Alliance ilang taon na ang nakakaraan para magkaroon ng pagkakataon ang mga OFW na magsalo-salo at pumorma sa isang araw ng Linggo para ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Ginaganap ito pagkatapos ng Independence Day Ball na ilang dekada nang isinasagawa ng Philippine Association of Hong Kong, na binubuo ng mga Pilipinong residente dito; at ang kasunod na maghapong pagdiriwang sa Chater Road sa Central.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Don't Miss