Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

OFW Pass, ipapalit sa OEC simula sa Setyembre

Posted on 30 June 2023 No comments

Ng The SUN

Sinabi ni Sec Ople sa isang media briefing kamakailan na mahirap tanggalin ang OEC

Bilang tugon sa matagal nang hiling ng mga overseas Filipino workers ay tatanggalin na ang overseas employment certificate (OEC) na matagal nang nagpapasakit sa mga pauwi sa Pilipinas - pero mayroon itong kapalit.

Inilunsad kagabi ng Department of Migrant Workers  sa pamamagitan ng zoom ang OFW Pass, na magsisilbing patunay na ang mayhawak nito ay lehitimong OFW, at magagamit para makakuha ng Exit Clearance sa mga pabalik sa kanilang trabaho mula sa Pilipinas.

Sa madaling salita, ang OEC ay papalitan ng Exit Clearance na maaari lang makuha kapag may OFW Pass na ang isang manggagawa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon kay DMW Secretary Susan “Toots” Ople na siyang nanguna sa pagpapakilala sa OFW Pass sa ilang daang Pilipino mula sa iba-ibang lugar na sumali sa zoom meeting, ito ang sagot ng gobyerno sa hinaing ng marami tungkol sa hirap ng pagkuha ng OEC.

Sa Hong Kong lalo na, laging inaabot ng ilang oras ang pagpila at pagkuha sa dokumentong ito na kailangan ng lahat ng mga OFW para payagan silang makalabas muli ng bansa at bumalik sa kanilang trabaho.

Sa zoom meeting kagabi, sinabi ni Ople na maari na lang gamitin ang OEC sa loob ng 60 araw

Ayon kay Secretary Ople, agad nang ilulunsad ang mobile application o app ng OFW Pass sa Apple Store at Google Play, at maari nang gamitin agad para makakuha ng Exit Clearance, bagamat ipagpapatuloy pa rin ang pagtanggap ng naka imprentang OEC sa loob ng susunod na dalawang buwan.

Dahil dito, sinabi naman ni Assistant Labor Attache Angelica Sunga na magbubukas ang Migrant Workers Office bukas, July 1, kahit holiday, para sa mga gustong gumamit pa rin ng OEC, na may bisa ng 60 araw o hanggang sa katapusan ng Agosto na lamang.

Pindutin para sa detalye

Ilang araw na ding umaabot ng ilang metro ang pila para sa OEC nitong nakaraang mga araw, lalo na tuwing araw ng Linggo, na siyang day-off ng karamihan ng mga domestic worker sa Hong Kong.

Nang tanungin kamakailan si Ople kung bakit hindi na lang nila tanggalin ang OEC gayong may mga kontrata at visa naman na maaring ipakita ang mga pabalik na OFW, sinabi niyang hindi ito basta-basta magagawa dahil naka “embed” o baon na ito sa sistema ng Philippine Overseas Employment Administration.

Sa 2024 ay ika 50 taon na anibersaryo na daw ng programa ng gobyerno na payagang magtrabaho sa ibang bansa ang mga Pilipino, kaya ganun na rin katagal ang sistema na ang datos ay nakasalalay sa pagbibigay ng OEC sa mga manggagawa na umaalis ng Pilipinas.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Pero sa kagustuhan daw ng kasalukuyang pamahalaan na bigyan ng mas maraming oras ang isang nakabakasyong OFW sa piling ng kanyang pamilya ay humanap sila ng paraan para mapadali ang pagkuha ng OEC.

Ang nakapanlalambot na pilahan para sa OEC noong nakaraang Linggo
(photo by Annabelle Maregmen)

Sabi pa ni Ople sa zoom meeting, nakipag-usap din sila sa Department of Budget ang Management na ilibre na ang Exit Clearance, hindi katulad ng OEC na kailangang bayaran ng P100 tuwing kukunin.

Bukod dito, lifetime din ang OFW Pass at Exit Clearance hanggang may kontrata at employment visa ang isang OFW, hindi katulad ng OEC na hanggang 60 araw lang ang bisa.

Magsisilbing permanenteng talaan ng mga detalye na may kinalaman sa pagtatrabaho ng isang Pilipino sa ibang bansa ang kanyang OFW Pass, at hindi niya maaaring burahin mag-isa dahil ang record ay naka konekta sa buong sistema ng DMW.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang pinakaimportante, hindi na kailangang pumila sa MWO para kumuha o magpatulong na kumuha ng OEC ang isang OFW dahil makukuha nila ito pamamagitan ng pag upload ng kanilang employment visa sa kanilang OFW Pass kapag sila ay pauwi.

Maari din nila itong gamitin ng paulit-ulit hanggang may bisa pa ang kanilang employment visa sa ibang bansa.

Pero para masiguro na mga lehitimong OFW lang ang mabibigyan ng OFW Pass, kailangan muna nilang irehistro ang lahat ng kanilang mga personal na detalye, at pati ang mga impormasyon na may kinalaman sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa, sa DMW Mobile, na isa ding app na ma da download sa Apple Store o Google Play.

Ganito din ang problema sa Dubai ngayon

Ang mga sumusunod ang maaring makagamit ng DMW Mobile app: (1) yung mga OFW na kasalukuyang nagtatrabaho; (2) yung mga paalis ng bansa sa unang pagkakataon at dumaan sa mga employment agencies mga pinayagang mag direct hiring o nakuha ang trabaho sa pamamagitan ng government-to-government placement; (3) mga lumipad ng employer o kumpanya at na-verify ang bagong kontrata ng MWO; (4) mga nagbakasyon at babalik sa dating employer.

Kasama sa pagre rehistro sa DMW Mobile ang pag upload ng litrato ng pasaporte ng manggagawa at kopya ng kanilang pinakahuling visa. Kailangang naka konekta sa wifi o sa data ang telepono o device na gagamitin para magrehistro, pero kapag nakuha na ang OFW Pass ay pwede na itong mabuksan anumang oras, kahit na ikaw ay naka-offline.

BASAHIN DITO

Ayon kay Ople, batid nila na marami sa mga OFW ang hindi bihasa sa paggamit ng bagong teknolohiya o luma ang mga gamit na cellphone kaya mahihirapang makarehistro sa DMW Pass at makakuha ng OFW Pass, kaya kakailanganin daw nila tulong ng mga volunteer sa komunidad para dito.

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa pagrerehistro sa DMW app at pagkuha ng OFW Pass, maaring tunghayan lang ang mga paliwanag sa pahinang ito: https://docs.google.com/document/d/1qyIJy-dsbkmHr8VRTQVYm7Qhv9gB_nW1/edit

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Nag-alok ng pekeng trabaho sa asawa ng OFW, kinasuhan

Posted on No comments

 

Ang kasunod na pagdinig ay sa Aug. 25

Isang babae ang inaresto at dinala kaninang umaga sa Fan Ling Courts dahil sa pag-aalok ng pekeng trabaho para sa asawa ng isang kapwa Pilipina at pagtatago matapos mabayaran.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Ang sinampang kaso laban kay Jelanie Anilao, 40 taong gulang, ay obtaining property by deception, o pagkuha ng ari-arian mula sa iba sa pamamagitan ng panloloko.

Si Anilao ay ibinalik sa kulungan nang itakda ang kasunod na pagdinig sa Aug. 25 upang mabigyan ng panahong makabuo ng kaso ang taga-usig.

Pindutin para sa detalye
Ayon sa dokumentong mula sa korte, inalok ni Anilao ang biktimang si B na ihahanap ng trabaho ang asawa nito kapalit ng bayad na $28,500 bilang referral fee.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Hinulug-hulugan ito ni B mula Aug. 15 hanggang Nov. 19, 2022 sa isang flat sa Tai Po sa New Territories.

Pero nang mabuo na ni B ang bayad, hindi na mahagilap si Anilao, kaya nagreklamo ito sa pulis.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Matapos maaresto si Anilao sa bahay niya, inakusahan siyang lumabag sa Section 17(1) ng Theft Ordinance.

Dahil wala siyang maipakitang ebidensiya na inihahanap nga niya ang asawa ni B ng trabaho, inakusahan siyang niloko si B upang makunan ng pera.

BASAHIN DITO

Ang ganitong gawain ay may parusang aabot sa 10 taon, ayon sa Theft Ordinance.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Philippine fashion accessories take center stage at AWE

Posted on 29 June 2023 No comments

 

DCG Usudan (in blue) and Mabalot cut the ceremonial ribbon with exhibitors

Trade shows are back as part of the new normal in Hong Kong, and Philippine products are making a strong comeback through the ongoing International Culture, Tourism and Intangible Cultural Heritage Exhibition at the AsiaWorld Expo.

While the other stalls in the Hall 3 of the venue were still being set up on Thursday, the Philippine booth featuring outstanding native fashion accessories was already fully decked out, in time for a VIP reception for a select few.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

On hand to lead the ceremonial ribbon-cutting was Deputy Consul General Germinia Usudan, who is herself a big supporter of native arts and fashion. With her was Trade Attache Robert Mabalot, who put the show together.

The exhibitors from the Fashion Accessory Makers of the Philippines (FAMPh) also took part, led by their president Gina Nebrida Ty, whose own eye-catching creations were on display, including her “agsam necklace,” made of a kind of fern that grows only in Surigao.

Ty's fern necklace was a finalist in the 2021 Design Excellence Awards in New York

Another must-see is what could be one of the costliest ternos ever made. The blue silk creation, adorned all over with intricately-cut mother of pearl beads and must have taken days, if not weeks, to finish, is said to cost Php150,000.

This blue terno with mother-of-pearl inlays costs a whopping P150,000

Mabalot said the exhibit gives the country an opportunity to show the Filipinos’ artistry which many locals may not be aware of.

Having hosted a similar exhibit amid the pandemic last year when a mandatory quarantine made it difficult to get people to come over, he said he was glad that everything is now back to normal.

EXTENDED TO JUNE 30!!

This time around, participating Philippine businesses will not only be able to display and sell their products, but would also have a chance to explore new markets and forge deals with people from various places.

Ty also welcomed the chance to promote her group, which she said was formed two years ago amid the hardships wrought by the pandemic. 

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

She said FAMPh, which gathers both veteran and novice designers, was formed after members realized there were already several organizations representing apparels, but not one for native accessories.

“So we thought it was high time that there was also a proper representation of Philippine accessories,” she said.

Delicate silver and gold jewelry adorned with native stones are also on show

The move has proved very fruitful in the short time the organization has been around, as it now gets support from such government agencies as the Department of Trade and Industries, as well as the Department of Science and Technology, which is collaborating with them on reviving the country’s leather industry.

The exhibit, which also features native arts and crafts from different parts of the world, will officially open on Friday and run until Sunday. The Philippine booth is located at B01 of Hall 3 of the AsiaWorld Expo, which is right in front of the entrance to the hall.

BASAHIN DITO

A fashion show featuring a collection of different fashion accessories and apparels by Philippine designers will be held at the main stage of Hall 3 on July 1 from 4:30 pm to 5:00pm. Complimentary tickets are available at: https://www.hkcultureexpo.com/visitor.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Nagsinungaling sa pulis matapos mamatay ang inang OS, iwas-kulong

Posted on No comments

 

Sa ospital namatay ang ina niya

Napagtanto ng isang Pilipina ang kahalagahan ng pagsasabi ng totoo kapag may kausap na pulis nang mahatulan siyang nagkasala sa Eastern Court, dahil hindi niya agad sinabi ang tunay na pangalan ng namatay niyang ina.

Mabuti na lang at imbes ipakulong ni Principal Magistrate Ivy Chui si M. Austero, 41 taong gulang na domestic helper, ay pinatawan siya ng apat na linggong pagkabilanggo -- na suspendido nang 12 buwan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Dahil dito, makakaiwas siya sa kulong kung hindi siya magkakasala sa loob ng susunod na isang taon.

Ang naging dagok sa kanya, ayon sa kanyang abogado, ay ang pagka-terminate niya sa trabaho ngayon lang, dahil sa kaso. Nakaka-siyam na buwan na siya sa ikalawang kontrata sa amo.

Nademanda si Austero matapos dalawang beses siyang magsinungaling sa dalawang pulis na nag-iimbestiga sa pagkamatay ng kanyang ina noong nakaraang Enero.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Noong Jan 11, sa Ruttonjee Hospital sa Queen’s Road East, kung saan dinala ang kanyang ina nang mahilo ito at tuluyang mamatay, sumagot siya ng oo nang tanungin siya ng dalawang pulis kung ang pangalan nito ay Ruth Babarano, batay sa HK ID na nakuha sa kanya.

Ito rin ang sagot niya kinabukasan nang nadala na sa Victoria Public Mortuary ang bangkay at tanungin ulit kung ang pangalan nito ay Ruth Babarano.

Lumabas kalaunan na ang tunay na pangalan ng namatay ay T. Hortado, na isang overstayer na gumagamit ng HKID ng ibang tao.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Dahil sa pagsisinungaling ni Austero, kinailangan ng dagdag na imbestigasyon tungkol sa tunay na pagkakakilanlan ng namatay, na nakapag-antala sa imbestigasyon ng mga kaso sa pulisya.

Sinabi naman ng kanyang abogado na “honest mistake” ang maling sagot ni Austero sa pulis, at ito ay dahil sa nerbiyos at paghangos niyang makita ang kanyang ina, na noon ay patay na sa ospital.

Nalaman lang daw niya ang nangyari sa kanyang ina nang tawagan siya ng boyfriend nito.

BASAHIN DITO

Tinanggap ni Magistrate Chui ang rason ng kanyang abogado, at agad sinabing isususpinde niya ang sentensiya ni Austero.

Pero kailangan pa rin niyang bigyan ito ng sentensiyang anim na linggo, na binawasan niya ng 1/3 dahil sa agad nitong pag-amin, upang maging leksyon kay Austero at nang hindi na siya umulit.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

More offers lined up for HKSAR's 26th anniversary

Posted on No comments

Among the events lined up are dragon boat races in Sai Kung.

The government is rolling out a wider array of special offers to enable more people, including migrant workers, to partake of the 26th anniversary celebration of the establishment of the Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) on July 1 -- a statutory holiday.

Various government agencies and community sectors have lined up special offers in areas including dining, arts and culture, sports, environmental protection, fisheries and agriculture and transport.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

An updated list of the special offers includes:

July 1 offer from Leisure and Cultural Services Department (LCSD)

Free admission as individual users to a range of the LCSD's fee-charging leisure and cultural facilities, including most of the indoor and outdoor leisure facilities, public swimming pools and crafts at water sports centres.

Free admission to the permanent exhibitions of the Hong Kong Science Museum and Hong Kong Space Museum (except for the Space Theatre's shows) as well as various special exhibitions including the "Virtually Versailles" exhibition and "Out of Thin Air: Hong Kong Film Arts & Costumes Exhibition" at the Hong Kong Heritage Museum, "Material Tales — The Life of Things" exhibition at the Hong Kong Science Museum and "The Hong Kong Jockey Club Series: Joan Miró — The Poetry of Everyday Life" exhibition at the Hong Kong Museum of Art.

 

EXTENDED TO JUNE 30!!


July 1 offer from West Kowloon Cultural District Authority

Free admission to M+ and seven thematic exhibitions of the Hong Kong Palace Museum (Gallery 1 to 7) in the West Kowloon Cultural District.

July 1 offer from Agriculture, Fisheries and Conservation Department / Culture, Sports and Tourism Bureau / Environment and Ecology Bureau

Free admission to the Hong Kong Wetland Park, located in Tin Shu Wai in yuen Long.

 

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

July 1 offer from the Catering industry

More than 1,000 restaurants are expected to offer a 29 per cent discount on designated cuisines or catering items.

July 1 offer from Airport Authority Hong Kong

A smart luggage tag with baggage arrival notification function (MyTAG) will be distributed to travelers in the terminal building of Hong Kong International Airport.

July 1 offer from Sinopec Corp / Star Ferry

Free rides on Star Ferry's "Tsim Sha Tsui-Wan Chai" route.

 

BASAHIN DITO

July 1 offer from Fortune Ferry

1. Free rides on "Central-Hung Hom" route and "Tsim Sha Tsui East-Wan Chai-Central-West Kowloon (Circular)" Water Taxi route.

2. Passengers whose birthday falls on July 1 can take "Tuen Mun-Tung Chung-Sha Lo Wan-Tai O" and "North Point-Kwun Tong-Kai Tak" routes for free.

July 1 offer from, MTR Corporation

1. 71,000 free MTR domestic single rides and 26 MTR annual passes will be given out through lucky draw.

2. Free rides on Light Rail and MTR buses.

July 1 offer from Commissioner for Heritage's Office / Non-profit-making organisations under the Revitalising Historic Buildings Through Partnership Scheme

Twelve projects under the Revitalising Historic Buildings Through Partnership Scheme will roll out different offers, including the arrangement or enhancement of free guided tours and workshops, as well as the provision of food and beverage offers.

July 1 to 5 offer from The Hong Kong Chinese Enterprises Association together with Bank of China (Hong Kong), China Merchants Group, China Resources Group, China Tourism Group and China Travel Service (Holdings) Hong Kong, and China Taiping Insurance Group / Hong Kong Tramways

Free rides on tram.

July 1 to 7 offer from Fish Marketing Organization / Vegetable Marketing Organization

A 29 per cent discount will be offered to designated products (while stocks last) from the Fish Marketing Organization and the Vegetable Marketing Organization on the "Local Fresh" mobile app.

July 1 to 31 offer from Environmental Protection Department

Members of the public can earn additional GREEN$ when they recycle via the community recycling network, GREEN@COMMUNITY, or participate in food waste recycling using smart recycling bins.

For more details and updates, visit the dedicated website www.hksar26.gov.hk.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Pinay, nakasingil ng dapat matapos sapilitang dinala sa airport

Posted on 28 June 2023 No comments

 

Hinatid si Brenda hanggang sa check-in counter ng driver ng amo (File)

Sa kabila ng biglang pagpapababa sa kanya ng amo noong Lunes at pagdala sa kanya sa Hong Kong Airport ay nagawa pa rin ng Pilipinang si Brenda na makahingi ng tulong kaya hindi siya napilit na sumakay pauwi sa Pilipinas na $200 lang ang perang dala.

Sa tulong ng Social Justice for Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration at ng kanyang employment agency ay nakatanggap si Brenda ng $7,399 bilang bayad sa sweldo at isang buwang pasabi. Nakunan din sya ng bagong air ticket kaya panatag na siyang umuwi kahapon.

Ayon kay Brenda, naka 17 araw pa lang siya sa employer na taga Chung Hom Kok nang bigla siyang papirmahin ng sulat na pinuputol na niya ang kanyang kontrata, at agad-agad na dinala sa airport ng kanilang driver.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Bago ito ay ilang beses na daw siyang nagreklamo sa kanyang agency dahil dalawang malalaking bahay ang nililinis niya at dalawa niyang kasamahan na Indonesian. Bale may apat na palapag daw ang mga bahay, at may mga tatlong gusali ang pagitan kaya araw-araw ay panhik-baba sila, bukod pa sa lakad.

Nag-abot lang sila ng kanyang mga amo ng tatlong araw bago umalis ito papuntang ibang bansa kaya nitong huli ay wala nang nakatira sa mga bahay kundi sila ng mga kasamahang Indonesian, at limang aso.

Sa kabila nito ay walang tigil daw ang kanilang paglilinis, at hindi puwedeng magpahinga bukod sa oras ng pagkain, hanggang matulog sila ng 8:30 ng gabi.

EXTENDED TO JUNE 30!!

“Binigyan man lang kami sana ng kahit 30 minutong pahinga,” sabi ni Brenda. Pero hindi daw ito nangyari dahil laging nakabantay ang sekretarya ng kanilang amo, at agad silang hinahanap kapag hindi sila nakita sa camera.

Kapag sinabi nya daw sa sekretarya ang “I am so tired,” ay sasagutin lang siya ng “I know, I know,”pero tuloy pa rin ang pagbabantay sa kanila.

May mahigit na 200 na CCTV daw sa mga bahay, kaya nakikita ng sekretarya ang kanilang bawat galaw. Dahil dito ay napansin ng sekretarya na madalas na kumuha ng litrato sa buong kabahayan si Brenda kaya sinita siya.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sa utos ng amo ay pinabura ng sekretarya ang mga kuha ni Brenda, at sinabing labag ito sa privacy ng kanyang mga pinagsisilbihan. Ang hindi niya alam ay pinadala na ni Brenda sa kanyang pamilya sa Pilipinas ang mga kuha para may magamit na patunay sakaling magkaroon siya ng problema sa trabaho.

Ang hindi niya inakala ay agad siyang papababain matapos palabasin na siya ang pumutol sa kanyang kontrata, at agad dalhin sa airport ng hindi binabayaran kundi ng $200 na pamasahe daw para sa kanyang pag-uwi.

Kahit nakabantay ang driver para masigurong nag check-in sya sa kanyang flight papuntang Maynila ay nakatawag pa rin si Brenda kay Marites Palma, founder ng Social Justice, na agad namang ipinarating ang kayang kalagayan sa OWWA.

BASAHIN DITO

Sa loob lang ng ilang minuto ay natawagan ng OWWA ang kanyang ahensya, na dali-dali namang sinabihan ang employer na kailangan niyang bayaran si Brenda ng sweldo para sa 17 na araw at isang buwang pasabi dahil sila naman talaga ang may gustong umalis na siya.

Pinagsabihan din ang amo na hindi nila dapat dinadala sa airport ang isang domestic worker kahit ito pa ang nag terminate dahil binibigyan ito ng batas ng 14 na araw para maghanda para sa pag-uwi,  maghabol sa mga dapat ibayad, o magsampa ng kaso o reklamo kung kinakailangan.

Pinayuhan din ng OWWA si Brenda na magpunta sa Department of Migrant Workers pag-uwi kung gusto niyang maisama sa watchlist ang kanyang amo dahil sa ginawa sa kanya.

Pagkatapos makuha ang pagsang-ayon ng amo ay ang ahensya na mismo ang nag desisyong tumakbo sa airport para abonohan ang napagkasunduang bayad na $7,339. Kinuha din si Brenda ng bagong ticket bagamat kinabukasan na siya makakaalis.

Kahit medyo naiiyak pa rin ay nagawa pa rin ni Brenda na magpasalamat sa mga tumulong sa kanya, lalo na ang kanyang ahente na nangako pa daw na bibigyan siya ng bagong amo sa pagbisita nito sa Pilipinas sa darating na buwan.

Gusto pa rin naman daw niyang bumalik sa Hong Kong, kaya lang ay “sana ay hindi na ganoon kalaki ang bahay, kahit mag-alaga pa ako ng bata at magsilbi sa mag-asawang amo,” sabi ni Brenda.

Hindi naman daw siya bago sa  pangangamuhan kahit ito ang unang kontrata niya sa Hong Kong. Nakapagtrabaho na din siya sa Taiwan at sa Singapore, kung saan maganda ang trato as kanya ng mga amo na parehong doktor.

Sayang nga lang daw at nagdesisyon ang mga ito na manirahan na sa Amerika kaya naisipan niyang sa Hong Kong naman makipagsapalaran.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss