Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

DMW issues warning over illegal recruitment of 100 Filipinos to Italy

Posted on 03 October 2023 No comments
About 100 Filipinos were tricked into paying huge sums for fake jobs in Italy

The Department of Migrant Workers has denounced what it called the “massive illegal recruitment” of Filipinos to Italy, after receiving reports last week that about 100 people were lured into the jobs scam.

A statement issued by the DMW on Monday Oct. 2, said the victims were charged exorbitant placement and consultancy fees in exchange for non-existent jobs in Italy.

The DMW said it was coordinating with both the Department of Foreign Affairs and the Philippine Consulate and Migrant Workers Office in Milan in the investigation of the agencies and individuals both in Italy and the Philippines, who had allegedly duped the victims.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The alleged victims are also getting help from the Department of Justice and the DMW’s Migrant Workers Protection Bureau (formerly Anti-Illegal Recruitment Office) in documenting and investigating their complaints.

The DMW warned that it will “put the full force of the law to bear on unscrupulous individuals and organizations and seek justice for victimized OFWs.”

Last September 15 the DMW issued a similar warning against eight unlicensed visa consultancy companies which were said to be engaged in illegal recruitment as they were enticing OFWs to work and study in Canada.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Under the Philippine Overseas Employment Administration guidelines, all consultancy companies must apply for a license with them, no matter what visa they are offering to applicants.

Among those named in the advisory was Opportunities Abroad, which is the subject of a complaint filed by 14 OFWs in Hong Kong, who were each enticed to apply for a supposed work and study program in Canada, for which most were charged the equivalent of P132,000 each.

The case is now with the Hong Kong Police and DMW investigators.

Pindutin dito

The DMW urged other victims of illegal recruitment to report to them so appropriate charges may be filed against those who defrauded them.

Complaint and queries may be sent via the Facebook page of the Migrant Workers Protection Bureau (MWPB) at  https://www.facebook.com/airbranch or email at mwpb@dmw.gov.ph and also through their hotline number, 63 2 8721-0619.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Tulfo: Buwagin ang online paluwagan at iba pang scam na OFW ang puntirya

Posted on No comments

 

Milyon daw ang natangay ng nagtatag ng paluwagang ito sa HK

Nanawagan si Senador Raffy Tulfo sa iba't iba't ibang sangay ng gobyerno na paigtingin ang kampanya laban sa mga scammer sa internet na ang mga overseas Filipino workers (OFW) ang tina target, partikular na ang online paluwagan.

Sa isang pagpupulong sa Senado na pinangunahan ng Committee on Migrant Workers na pinamumunuan ni Tulfo, hinimok ng senador ang Department of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration, Department of Information and Communications Technology, Manila International Airport Authority at National Bureau of Investigation na magsagawa ng plano para matigil ang mga online scammer na ito.

Ito ay matapos ilahad ng isang OFW at IT expert na si Romel Malapira ang pagkalat ng mga sinasabing “online paluwagan” na ibinebenta sa mga OFW bilang isang paraan ng pagnenegosyo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Kapag hindi nakabayad ang isang member, lahat ng kasali ay hindi nakakasweldo. At kahit magbayad din, wala pa din ibibigay na pera, kadalasan kasi mga kamag-anak, kaibigan din ang nagre-recruit,” sabi ni Malapira.

Ang online paluwagan ay katulad din ng regular na paluwagan, kung saan ang mga miyembro ay naghuhulog ng pera buwan-buwan para makaipon ng malaking halaga na siyang pinapasweldo sa miyembrong nakatoka sa bawat buwan.

Nagkaka problema lang madalas sa ganitong usapan dahil yung mga nauna nang nakasweldo ay tumitigil na sa pagbabayad, o bigla na lang nawawala.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ganito ang nangyari kamakailan sa Hong Kong, kung saan ang itinurong pasimuno ng isang paluwagan ay bigla na lang daw hindi nagparamdam matapos diumanong makuha ang milyon-milyong halaga ng hulog o investment ng mga kapwa OFW na nakumbinsi niyang sumali.

Si Mera Jane Vicio (o MJ) na taga Kidapawan City ay inireklamo sa Konsulado nitong nakalipas na Abril ng isang grupo ng mga kapwa niya OFW dahil sa hindi pagpapsweldo sa kanila pagkatapos nilang makapaghulog ng malaki sa kanyang paluwagan.

Itinakda daw kasi ni Vicio ang sarili na syang kukubra ng pasweldo na P100,000 sa unang dalawang buwan, pero nang dapat nang makakubra ng kita ang pangwalo at panghuling miyembro ng grupo ay hindi na ito nagpakita.

Pindutin dito

Ang mas masaklap, nakumbinsi niya ang ilan ang sa mga nakakubra na ng sweldo mula sa paluwagan na ibalik nila ito para pang-invest sa mga negosyong itinayo niya, at saka biglang naglaho.

Kalaunan, may ilang mga OFW ang nagreklamo din, dahil ang mga dating “runners” daw ni Vicio ay ginaya ang kanyang estilo at nagawa ding itakbo ang malaking halaga mula sa mga sumali sa kanilang sariling paluwagan.

Nagpanukala si Tulfo na bigyan ng libreng financial literacy training ang mga OFW

Para matigil ang ganitong panloloko, minungkahi ni Tulfo na magsagawa ng malawakang pagsasanay at pagpapakalat ng balita ang mga ahensyang kanyang binanggit, lalo na sa social media.

Kung maari, magpunta din daw sila sa mga probinsiya para balaan ang mga tao doon tungkol sa mga online scam, at paano nila maiiwasang mabiktima.

Nauna rito, nagpasa ng panukala si Tulfo na layong mabigyan ang mga OFW ng libreng financial literacy training o pagsasanay para sa mas maayos na pangangalaga sa kanilang kinita, at nang makaiwas sila sa scam.

Ang pagsasanay ay ibibigay bago sila umalis ng bansa  (pre-departure) o pagdating nila sa bansang kanilang pagtatrabahuan (post-arrival).

Kasabay nito ay nanawagan din si Tulfo sa mga ahensya ng gobyerno na pigilan ang mga taxi na pumapasok sa airport sa paniningil nang sobra sa mga OFW, at buwagin ang mga VIP lounges sa paliparan at gawin silang “Balikbayan Hubs” para mga bagong bayani ng bansa.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

May papalapit na namang super typhoon sa HK

Posted on No comments

 

Ang mapang nagpapakita ng laki ng bagyo. (HKO photo)

Ang tag-init na dinaranas ngayon ng Hong Kong ay mapapalitan ng mahangin at maulang panahon simula sa gabi ng Huwebes dahil sa paglapit ng isang bagyo na nasa bandang silangan  ng Luzon ngayon, ayon sa Hong Kong Observatory.

Kasalukuyang nagbabagsak ng malakas na ulan sa buong Pilipinas ang bagyong Jenny (international name Koinu) dahil hinihila nito ang makakapal na ulap ng southwest monsoon na nasa karagatan sa hilagang kanluran, ayon naman sa Pagasa.  

Ayon sa Tropical Cyclone Bulletin ng Pagasa kaninang 5pm, si Jenny ay nasa 485 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ito ay umuusad papuntang Hong Kong sa bilis na 12 kph, at tinatayang daraan sa pagitan ng Luzon at Taiwan bukas, bago pumasok sa malawak na China Sea, kung saan lalakas pa ito at magiging super typhoon.

Ang hanging dala ng bagyo ay umiihip nang hanggang 155 kilometers per hour (kph) at bumubugso hanggang 190 kph, ayon sa Pagasa.

Ayon naman sa HK Observatory, tinatayang hihina ang super typhoon habang papalapit sa katimugang kalupaan ng Guangdong, lalo sa Biyernes kung kailan nasa loob ng 100 kilometro na lamang ang layo nito sa Hong Kong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Wala pang inilalabas na warning ang HKO, pero inaasahan ito sa Huwebes.

Samantala, muling nagbigay ng paalala ang gobyerno upang maging ligtas sa pagdating ng bagyo.

Pindutin dito

Ilan sa mga paalala:

  • Mag-ingat sa baha kung nakatira sa mga mababang lugar gaya ng Shing Mun River, Tai Po, Sha Tau Kok at Sai Kung.
  • Kapag inabutan ng malakas na ulan at hangin habang nasa labas ng bahay, umiwas sa mga lugar na may mga puno at baka mabagsakan.
  • Kung nasa bahay naman, umiwas na mapalapit sa mga bintana at baka mabasag dahil sa malakas na hangin o mga bagay na nilipad nito.
  • Kapag ang gitna ng bagyo ay dumaan sa inyong lugar, maaasahang titila ang ulan at hihina ang hangin. Pero dahil sa pag-usad nito, babalik ang dating lakas ng hangin at ulan, kaya huwag magpakampante na tapos na ang bagyo.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

Photo-op sa may Central ferris wheel, budol nga ba?

Posted on 02 October 2023 No comments

 

Ang litratong ibinahagi ni Maricel, na nagsabing budol ang ginawang pagsingil sa kanila ng $200 

Sa panahon ngayon na sunod-sunod ang mga araw ng piyesta opisyal, tiyak na marami na namang mga Pilipina ang magagawi sa may higanteng ferris wheel sa Central, at maeengganyong magpakuha ng litrato suot ang mga kakaibang gown o costume.

Marami sa kanila ang magrereklamo pagkatapos at sasabihing nabudol sila dahil ang inaakala nilang $20 na bayad katao ay aabot sa $200 o higit pa.

Kabilang sa kanila si Maricel Pascual, na nagbahagi sa mga kapwa miyembro sa grupong DWC Help and Learning sa Facebook kung paano sila nabudol diumano ng nag-alok ng litrato sa kanila ng isang kaibigan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Imbes sa inakala nilang tig-$20 na bayad nila ay umabot daw sa $200 ang kanilang binayad.

Sabi niya sa post niya, “Nabudol na ba lahat o magpapabudol pa?” na dinagdagan niya tatlong emoticon na tumatawa.

Ganito din ang sinabi ni Rebecca Eduava na nagbayad daw ng $240.

“Last money pa kasi sabi tag $20. Ako naman way alam, sige picture. Sabi niya (photographer), like this, like that.. nemeelll oeee”

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Same here,” sabi naman ni Eah B Taj.

“Akala ko mag shot siya, tapos papipiliin ka lang ng gusto mong picture e hindi pala dahil lahat ipapabayad say o. Tig $20 kada photo, pero halos sampu naman ang shots niya, tapos sasabihan ka ng costume change. Akala ko naman libre ang costume pero parang kasama din pala sa charge, hahaha”

Salo naman ni Lilibeth Calda, “Buti na lang na post ninyo, aware na ako, Salamat sa info, kabayan.”

Pindutin dito

Sa kasagsagan ng pandemya ay kabilang din sina Lovely A. at isang kaibigan, na pareho pa namang walang trabaho noon, sa mga nataranta nang bigla silang singilin ng $240 ng Intsik na kumuha ng litrato, matapos silang sabihan na tig $20 lang bayad.

Hindi daw malinaw sa sinabi sa kanila na $20 ang bawat kuha, at dapat nila lahat bayaran ang mga litrato na kaagad ding ipi print kaya hindi na nila makuhang tanggihan.

“Mabuti na lang at may pera ang kaibigan naming si Grace kaya inutangan na lang namin siya.”

Si Cherry Z. at isang kaibigan ay ganitong ganito din ang kwento. Bilang bagong salta sa Hong Kong noong 2021 ay mabilis silang naengganyo na magpakuha ng litrato sa Intsik na lalaking nag-alok sa kanila sa kaparehong lugar, na $20 lang din ang sinabing halaga.

Ang tuwa nila sa mga kakaibang litrato nila sa Hong Kong ay biglang napalitan ng inis nang sabihin na sa kanila kung magkano ang dapat nilang bayaran.

Sabi ng ilan, itanong munang maigi ang presyo bago mag pose nang mag pose

Pero meron ding ilan na nagsabi na hindi naman manloloko ang mga kumukuha ng litrato doon.

“Ask nyo kasi (nang) maayos,” sabi ni Eh Dhe Lone. “Ako bago ako mag po pose diyan (ay) tinatanong ko talaga ng maayos at yun nga, may limit sila per person. At least five poses each. So hindi lang $50 o $60 ang babayaran mo kasi kung makailang pose ka, yun ang kukwentahin nila.”

Ang ginawa daw niya ay nag pose lang siya ng limang beses, at yun lang ang binayaran niya.

Sagot naman ni Madonna Calawagan, tinanong naman daw nila nang maigi ng kaibigan niya kung magkano ang babayaran nila, tapos ay pinili ang mas malaking sukat na ayon sa litratista ay $30 anng presyo.

“Inulit pa namin, $30 ang isa nito, at ang sabi, oo.Tapos sinabi pa naming 2 lang ang kukunin naming, so magkano ang bayad namin, $30 lang daw talaga so nag ok kami. Panay picture sya sa  amin, akala naman naming  nag picture sya ng marami para pagpilian naming…noong nakapili na kami siningil kami ng $300.”

Bagamat karamihan ng mga sumagot ay patawang inamin na naloko din sila sa alok na $20 o $30 kada tao ay may ilan ding nagsabi na hinding hindi sila magpapakuha doon kasi mukhang hindi nalalabhan ang mga damit, at siguradong marami na ang gumamit ng mga iyon.

Ayon kay Len MayElen, “Hahaha never (akong) nabudol diyan kasi di interesado. Malay ko kung di nilalabhan mga costume nila na yan, dami ng nagsusuot, tapos (kung) ang nakasunod mo may anghit pa, eh di wow, nangamoy na din kilikili mo? Saka isa pa, sayang ang dollars, may cp naman na unli selfie.”

Malinaw man o malabo ang alok ng mga litratista na mukhang mga domestic helper ang kadalasang tina target sa kanilang alok na serbisyo, maganda na rin na napag-usapan ang sari-saring karanasan ng mga nakasubok na nito, para hindi na madagdagan pa ang mga nakakaramdam na nabudol sila sa bandang huli.

Ang mas mahalaga, isang leksyon ito sa lahat na mag-ingat bago pumasok sa usaping may pera na sangkot. Think before you leap, o mag-isip bago tumalon, ika nga.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Filipina teacher dies from injuries in North Point fire

Posted on 01 October 2023 No comments

 

Firemen at the scene of the fire on Wednesday (Photo from TheStandard)

A 32-year-old Filipina who was taken to the hospital unconscious on Wednesday, Sept. 27, after a pre-dawn fire broke out in a subdivided flat in North Point succumbed to her injuries yesterday at about 3:27pm.

The teacher, said to be a teacher on employment visa, lived alone in one unit of the flat at Ying Wong House (also known as Emperor House) at 153 King’s Road. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

She was taken unconscious to Ruttonjee Hospital in Wan Chai where she was was listed in critical condition until she passed on.

According to Consul Paul Saret, head of the Consulate’s assistance to nationals section, some family members of the victim are already in Hong Kong and have been briefed about the procedure for repatriating her remains.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

However, a date has yet to be set for the repatriation.

No information was readily available, either, as to the immediate cause of her death although her relatives have reported seeing her body unscathed or with no visible injuries. 

One of the unconscious victims being rushed to hospital (TheStandard)

Another woman, a 22-year-old local Chinese resident surnamed Chan who also lived in the flat, passed away on Thursday at the Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital.

A third resident, a 22-year-old local man surnamed Lam, remains in critical condition also at Eastern Hospital.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Only one resident has escaped from the fire with only minor injuries. The 35-year-old man said he escaped through a window and ended up on a ledge where he shouted for help. He was plucked to safety and regained consciousness before being taken to Ruttonjee.

All the three victims were unconscious when rushed to hospital, where they were listed in critical condition.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The incident occurred shortly after 2am in the only vacant room in the flat.

Police said they did not find anything suspicious despite the presence of combustible materials in the unoccupied room, but they are still investigating the exact cause of the fire.

“At this stage, there is no evidence that the case involves criminal elements. The police and relevant departments will continue to investigate the cause of the fire,” the police said earlier.

Pindutin dito

Reports said firefighters managed to extinguish the fire at 3:19am, or about 30 minutes after the alarm was sounded.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

2 Pilipinang overstay, pinayagang magpyansa

Posted on No comments

 

Parehong kinasuhan ng overstaying ang 2 Pilipina

Dalawang Pilipina ang humarap sa magkaibang korte nitong Biyernes (Sept. 29) upang sagutin ang akusasyong namalagi sila sa Hong Kong nang lampas sa panahon na itinakda sa kanilang visa.

Ang kaso sa Eastern Court ni Emelita Arista, 62 taong gulang at asylum seeker, na overstaying o paglabag sa Section 41 ng Immigration Ordinance ay isinampa noon pang 2017, matapos siyang mahuling nag shoplifting.

Nakita sa record niya na 13 taon na siyang overstay noon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa asunto, dumating si Arista noong 2004 bilang turista at hindi na umalis kahit binigyan siya ng taning na Oct. 4, 2004.

Nahuli siya ng mga pulis pagkalipas ng 13 taon, o noong Feb. 19, 2017 dahil sa shoplifting.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Matapos siyang mahatulan noong March 11, 2017 dahil sa pagnanakaw, nagalit ang mahistradong humawak sa kaso niya na si Bina Chianrai nang malamang hindi magalaw ang kanyang kasong overstaying dahil nag-apply siya ng non-refoulement pagkatapos syang maaresto dahil sa pagnanakaw. 

Ang dahilan niya ay papatayin siya ng kanyang pamangkin, ayon sa report ng The SUN noong Sept. 26, 2022.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“After the defendant was arrested in 2017 only did she become an asylum-seeker?” tanong ni Chianrai. (Pagkatapos maaresto ang nasasakdal noong 2017 ay saka lang siya naging asylum seeker?)

“In this situation, the prosecution must revisit her case. If somebody overstays for 13 years and applies for asylum after being arrested, it is an abuse of the system, especially when there are so many others with more valid reasons,” dagdag niya. 

(Sa ganitong sitwasyon, dapat balikan ng taga-usig ang kaso niya. Kung ang isang tao ay nag-overstay ng 13 taon at nag-apply ng asylum pagkatapos siyang maaresto, ito ay abuso sa sistema, lalo na't maraming iba na may mas katanggap-tanggap na dahilan." 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero hindi lang ito ang problema sa kaso niya. Nauna na ring naibalita sa The SUN na wala siyang pasaporte kaya nahirapan ang taga-usig na matukoy ang kanyang tunay na pagkatao.

Sa pagdinig nitong Biyernes, pinag-piyansa siya ng $1,000 upang makalaya hanggang sa susunod na pagdinig ng kanyang kaso, na itinakda sa Dec. 22.

Pindutin dito

Sa Fan Ling Court naman, si Irene Sebastian, 38 taong gulang, ay inakusahang nag overstay ng dalawa't kalahating taon.

Ayon sa record ng immigration, dapat ay umalis na siya sa Hong Kong noon pang Feb. 7, 2021, ang huling araw ng kanyang visa bilang domestic helper, o dalawang linggo matapos siyang ma-terminate.

Pero namalagi pa siya hanggang mahuli siya ng pulis na nagpapatrulya sa Po Yick Street sa Tai Po noong Sept. 7.

Isinampa ang kaso noong Sept. 26, at tinawag siya sa korte sa ikatlong araw.

Matapos siyang payagan na magpiyansa ng $5,000 upang makalaya nang pansamantala, inutusan siyang bumalik sa susunod na pagdinig sa Nov. 29.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

Pilipina, mananatiling kulong dahil sa 3 kaso ng pagsinungaling sa Immigration

Posted on 30 September 2023 No comments
Itutuloy ang kaso sa Shatin Court

Isang Pilipina ang ibinalik sa kulungan nitong Biyernes matapos tanggihan ang hiling niyang makapag-piyansa sa kasong pagsisinungaling sa Immigration at pagtulong sa dalawa pa na magsinungaling din upang makakuha ng working visa bilang domestic helper.

Ayon sa kasong isinampa ng Immigration Department laban kay Russel Eco, 33 taong gulang, nagsimula ang tatlong kaso ng pagsisinungaling noong April 26 nang turuan at tulungan niya ang kapwa niya Pilipinang si Agnes Lovely Villanueva na sabihin sa isang Immigration officer na magtatrabaho siya bilang domestic helper sa isang Chan Hong Tak, kahit alam niyang hindi ito totoo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
Pindutin para sa detalye

Ganito rin ang alegasyon sa ikalawang kaso, kung saan tinuruan at tinulungan niya diumano noong June 6 ang kapwa Pilipinang si Elvira Caburnay, na magsinungaling sa isang Immigration officer nang sabihin nitong magtatrabaho siya bilang DH kay Ko Chi-ik.

Sa dalawang kasong ito, kinasuhan si Eco sa Shatin Court ng paglabag hindi lang sa Immigration Ordinance, kundi maging sa Criminal Procedure Ordinance.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa Section 42 (1) (a) ng Immigration Ordinance, ang pagsisinungaling sa Immigration ay may kaparusahang aabot sa dalawang taong kulong at multang aabot sa $100,000 kung ang kaso ay hindi umabot sa paglilitis, hanggang pagkakakulong ng 14 na taon at multang $150,000 kapag nilitis.

Ayon naman sa Section 89 ng Criminal Procedure Ordinance, ang pagtuturo at pagtulong sa mga tao upang magsinungaling sa isang kawani ng gobyerno ay itinuturing na gumawa ng kaparehong pagkakasala at may parusang aabot sa dalawang taon at multang $5,000 para sa maliliit na kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa ikatlong kaso ay inakusahan si Eco ng paglabag ng Immigration Ordinance, dahil siya na mismo ang nagsinungaling nang sabihin niya sa isang Immigration assistant noong Aug. 12 na siya ay magtatrabaho bilang DH kay Wong Lut-ki Nikki George.

Itinakda ang susunod na pagdinig sa Dec. 22.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Don't Miss