Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ilonggang namatay nang biglaan, inuwi na ang bangkay

30 November 2022

 

Isinara ang kabaong ni Rowelyn bago ang huling pagbiyahe niya pauwi sa Iloilo

Imbes ang inaasam na pag-uwi niya ngayong Pasko ay malamig na bangkay na si Rowelyn Olandesca Ledesma, 56 taong gulang, nang makarating sa kanyang bayan sa Barotac Nuevo, Iloilo, nitong umaga ng Nov. 30.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
Natagpuang walang malay si Rowelyn sa banyo ng kanyang amo sa Pokfulam noong umaga ng Nov. 14 at idineklarang patay pagdating sa Queen Mary Hospital.

Ayon sa kanyang mga kaibigan ay aneurysm o pagputok ng ugat ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Nagtipon-tipon ang kanyang mga kaibigan sa Universal Parlor sa Hung Hom noong Lunes, Nov. 28, para makita si Rowelyn sa huling pagkakataon. Nandoon din ang kanyang mga employer ng 11 taon at dalawang kamag-anak.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nakatawag-pansin ang isang malaking korona mula sa pamilya ng kanyang employer na si Dennis Hausdorf na may nakalagay na “In fond memories of Rowelyn Olandesca Ledesma” at “May you rest in peace in God’s heaven.”

Koronang may tanda ng pagmamahal mula sa kanyang mga employer

Ayon naman sa isa niyang kaibigan, hindi niya napigilan ang mapaluha nang makitang nasa kabaong na si Rowelyn at hindi na nila makakasama ulit.

Press for details

Marami ang nalungkot sa biglang pagyao ni Rowelyn, lalo na at inaasam-asam daw nito ang nalalapit niyang pag-uwi para doon mag Pasko. Ito sana ang una niyang pag-uwi mula sa Hong Kong sa loob ng limang taon.

Dati na raw itong may hypertension, at noong nakaraang taon ay ipinagamot pa ng mga amo dahil dito.

Kuha ni Rowelyn nang magtipon-tipon sa may City Hall ang RMN Fans Iloilo

Si Rowelyn ay isang biyuda at mag-isang itinaguyod ang dalawang anak na parehong nakapagtapos. Ang isa sa mga ito ay seaman, at nakatakdang umuwi din ngayong Disyembre para sana makapiling muli ang ina.

BASAHIN ANG DETALYE

Kilala si Rowelyn na aktibo sa grupo ng mga Ilonggo, kabilang na ang RMN Iloilo Fans Club Hong Kong Chapter na pinamumunuan ni Jessica Cordero.- may dagdag na balita ni Marites Palma

.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!
Don't Miss