Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

2 DH, inakusahang nagnakaw ng $2.37m na relo at alahas

20 January 2023

 

Didinggin ulit ang kaso sa Kowloon City Courts sa March 31

Dalawang Pilipinang domestic helper ang humarap ngayon sa Kowloon City Magistracy sa akusasyong nagnakaw sila ng relo at mga alahas na may kabuuang halagang $2.37 million mula sa kanilang amo.

Ibinalik sa kulungan sina Bernadette Paranas, 39 taong gulang, at Gina Quinones, 35, matapos itakda ni Acting Principal Magistrate Peony Wong ang susunod na pagdinig sa March 31.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
Pindutin para sa detalye

Hiningi ng taga-usig ang pagpapaliban ng pagdinig upang mabigyan ng dagdag na panahon ang pulis sa pag-iimbestiga sa kaso at makuha mula sa mga sanglaan ang mga nawawala pang ninakaw na bagay.

Idinagdag nito na may binubuo ring karagdagang kaso laban kay Quinones.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Idinemanda si Paranas at Quinones ng pagnanakaw ng walong relo, isang pulseras at isang gintong singsing na nagkakahalaga ng $2,370,000.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang nakawan ay naganap umano sa pagitan ng buwan ng Mayo at Nov. 26, 2022, kung kailan sila ay inaresto matapos ireklamo ng kanilang amo, na nakatira sa Sheung Shing St., Kowloon City.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss