Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Showing posts with label Buhay Pinay. Show all posts
Showing posts with label Buhay Pinay. Show all posts

Nalibre na sa multa, nakaiwas pa sa kulong

Posted on 13 September 2022 No comments

 

Nakalibre sa multa at kulong ang isang Pilipina sa pagdinig sa Eastern Magistracy

Hindi lang nakalibre ang isang Pilipina sa multa na istriktong kinukubra ng gobyerno sa mga lumabag ng mga panuntunan laban sa Covid-19, nakaiwas din siya sa kulong kahit na nag-overstay siya sa Hong Kong nang halos isang taon.

Hinatulan ngayon (Sept. 13) si Ellyn Pinana, 28 taong gulang at dating domestic helper, ni Principal Magistrate Ada Yim sa Eastern Courts ng dalawang buwang pagkabilanggo, na suspendido ng 24 buwan, matapos niyang aminin ang dalawang sakdal na iniharap laban sa kanya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Para sa unang sakdal na pagtitipon-tipon, na labag sa Prevention and Control of Diseases (Prohibition of Group Gathering) Regulation Cap 599G, hinatulan siya ni Magistrate Yim ng 14 na araw na pagkakakulong, na hinati dahil sa kanyang pag-amin kaya naging pitong araw.

Sa ikalawang sakdal na pag-overstay, na labag sa Immigration Ordinance, hinatulan siya ng tatlong buwang pagkabilanggo, na binawasan ng 1/3 dahil sa kanyang pag-amin kaya naging dalawang buwan.

Ang dalawang sentensiya ay inutos ni Yim na tatakbo ng sabay, at sususpendihin nang 24 na buwan, na ang epekto ay tuluyan nang hindi makukulong si Pinana kung hindi siya magkakasala ulit sa loob ng dalawang taon. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

 “Kung ikaw ay gumawa sa loob ng 24 na buwan ng pagkakasala na may parusang kulong,” babala ni Magistrate Yim kay Pinana, “pagsisilbihan mo sa kulungan ang bagong parusa at idadagdag ang parusang ibinigay sa iyo ngayon.”

Hindi naman masasabing nakalusot si Pinana sa kulong dahil napiit siya nang 17 araw mula nang siya ay inaresto noong Aug. 27 hanggang pinakawalan siya ngayon upang mag-report sa Immigration Department para sa susunod na gagawin sa kanya.

Tumagal nang ganito ang kanyang pagkakakulong dahil dalawang beses na pinagpaliban ang pagdinig laban sa kanya. Noong una ay dahil naka quarantine siya dahil close contact ng isang nag-positibo sa Covid-19, at yung pangalawa ay dahil siya na mismo ang naimpeksyon. 

Isa si Pinana sa 46 kataong nahuli sa isang raid noong Aug. 27 na nagtitipon-tipon at nag-iinuman sa LKF The Port bar sa Ho Lee Commercial Building sa D’Aguilar Street, Central, nang lampas sa sa alas dos ng madaling araw, ang tinakdang oras para sa pagsasara ng mga bar.

Ayon sa salaysay na binasa sa korte, bandang 3:45am na nang katukin ng mga pulis at ahente ng Food and  Environmental Health Department ang bar,  at bumungad ang malakas na tunog ng sound system, at nakita nila ang mga taong magkakatabing nakaupo at nag-iinuman.

Sa mga sinita sa The Port bar, si Pinana lang ang inaresto at dinala ng pulis dahil wala siyang maipakitang Hong Kong ID. Ang iba ay agad pinagmulta ng tig $5,000.

Sinabi niya sa mga pulis na may sinamahan siyang mula anim hanggang walong katao, at nagpunta sila sa The Port dahil alam nilang bukas yun hanggang madaling araw.

BASAHIN ANG DETALYE
Sa imbestigasyon, lumabas na dumating siya sa Hong Kong bilang domestic helper noong Agosto  13, 2019 at nag-renew pagkatapos ng dalawang taon. Ngunit na-terminate siya nong Sept. 20, 2021 at dahil dito, dapat siyang umalis pagkatapos ng 14 na araw o sa Oct. 5, 2021.

Sinubukan daw nyang humingi ng extension sa kanyang visa pero hindi na nagpakita sa kanyang appointment sa Immigration. Nang mahuli siya ay mahigit sampung buwan na siyang overstay.

Sinabi ng kanyang abogado na hindi agad siya nakaalis ng Hong Kong dahil naghanap muna siya ng bagong employer, pero nabigo.

Hiniling ng abugado na pababain ang sentensiya ni Pinana na may asawa daw sa Pilipinas at 10 taong gulang na anak na babae. Nagsisisi daw siya sa kanyang nagawa kaya agad na inamin ang sakdal laban sa kanya.

Pagkatapos ng pagdinig ay sinabihan si Pinana na maaari na siyang lumabas ng kulungan. Hindi lang malinaw kung ano na ang mangyayari sa kanya ngayon, dahil nahuli na siya sa kanyang pag-overstay.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Sali na sa buhul-buhol na istilo ng pag-guhit

Posted on 10 September 2022 No comments

 


Magkakaroon na ulit ang Guhit Kulay, isang grupo ng malikhaing OFW sa Hong Kong, ng workshop matapos ang dalawang taon ng pandemya.

Sa September 18 ay magbibigay ng workshop si Jacklyn Evangelista ng isang espesyal na istilo ng pagguhit, ang “scribble.” Ito ay ang mabilisang paggulit ng buhul-buhol na linya upang makagawa ng mukha ng tao.

Pindutin para sa detalye
PINDUTIN PARA SA DETALYE


Ayon kay Jacklyn, natutunan nya ang istilong ito dahil sa sitwasyon ng kanyang trabaho lalo na noong kasagsagan ng pandemya. Laging nasa bahay ang mga amo at kulang ang oras nya sa pagguhit, kaya lagi syang nagmamadali.

Bilang isang ina at malayo sa pamilya ang pagguhit ang naging libangan niya upang maibsan ang kanyang lungkot at kahit pa tuwing araw ng pahinga niya ginagawa nynag produktibo sa pamamagitan ng pag-guhit.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa taong 2022 ang “scribble” ang pangalawang workshop na ginawa ng Guhit Kulay.

Noong July 26, nagkaroon ng Basic Photography na itinuro ni Jhoan Estrera bago siya tuluyang umalis ng Hong Kong upang magtayo ng sariling negosyo na pagiging litratista ng mga kasal, binyag, at iba pang okasyon.

Press for details

BASAHIN ANG DETALYE


Ang “scribble workshop” ay gaganapin sa Bayanihan Center sa Kennedy Town sa Sept. 18, mula 10 nga umaga hanggang 12 ng tanghali.

Sa mga intresadong sumali mag WhatsApp lang sa numerong ito 59909724 -- Cris.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Hindi pwedeng magkaso kung pumayag sa ilegal na trabaho, ayon sa Labour Tribunal

Posted on 13 August 2022 No comments

 

Hindi umusad ang kaso ng isang Pilipina sa Labour Tribunal pero may natutunan naman siyang paraan kung paano matagumpay na magreklamo laban sa amo.

Feature

Dumulog sa Labour Tribunal ang isang Pilipina upang ireklamo na niloko siya ng kanyang mga amo at singilin ang mga dapat bayaran sa kanya. Hindi pinayagang umusad ang kanyang kaso, pero ang mga dahilan dito ay pwedeng magsilbing aral para sa lahat.

--

Kakaiba ang kasong inihain ni RSV, isang Pilipinang domestic helper, sa Labour Tribunal.

Sa mga kaso na dinudulog sa Tribunal, laging ang nakapirmang amo o kumpanya lang ang inirereklamo ng isa o mahigit pang manggagawa. Pero sa reklamong isinampa ni RSV ay tatlong employer ang kanyang kinasuhan,  na tatawagin nating Defendant 1 (D1), Defendant 2 (D2) at Defendant 3 (D3).

Sinabi ni RSV na sa unang kontrata niya, ang pumirma ay si D1. Sa ikalawang kontrata naman ay pumirma si D2.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Tinanong siya ng presiding officer na si W. H. Pun kung bakit kasama si D3 sa kaso kung hindi naman siya pumirma sa kontrata.

Ang paliwanag ni RSV,  na pinagtrabaho siya kay D3 ng dalawang pumirma ng kontrata, at si D3 din ang nagbayad ng kanyang suweldo,  ay naka-alarma kay Pun.

“Ang sinasabi mo sa akin ay pagkukumpisal ng isang kriminal na gawain,” ika niya. “Ang ginawa mo ay malamang na maging problema para sa iyo.”

Pindutin para sa detalye

Ang pagtatrabaho sa taong hindi pumirma ng kontrata ng isang dayuhang DH ay paglabag sa mga kondisyon nang binigyan siya ng visa, paliwanag ni Pun.

Sumagot si RSV na dumulog nga siya sa Tribunal dahil gusto niyang pa-imbestigahan ang ipinagawa sa kanya.

“Pero wala kaming kapangyarihang mag-imbestiga,” ani Pun.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang tanungin naman niya si RSV kung nagreklamo na si RSV sa Immigration tungkol dito, sumagot ito ng hindi dahil hindi niya alam ang gagawin.

“Kapag ipinilit mo ang ganitong takbo sa iyong reklamo at nakarating ang kaso sa husgado, kahit manalo ka pa, posibleng magkaroon ng resultang hindi mo magugustuhan. Posibleng idemanda ka ng Immigration Department, at kanselahin ang iyong visa.”

Pinayuhan niya sa RSV na kumusulta sa abogado kung gusto niyang ipilit ang ganitong linya ng reklamo.

PRESS FOR DETAILS!

Tinanong naman ni Pun kung saan nakatira ang tatlong inireklamo ni RSV.

Nang sabihin ni RSV na magkakahiwalay sila ng bahay, tinanong siya kung bakit iisa ang address na ginamit niya para padalhan ng kopya ng kanyang reklamo ang tatlo.

Kailangan ng korte ang tamang address ng mga inirereklamo, paliwanag ni Pun, dahil kung hindi nila natanggap ang reklamo, hindi pwedeng umusad ang kaso laban sa kanila.

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love

Nang sabihin ni RSV na umalis na sa Hong Kong si D3, na siyang tunay na may atraso sa kanya, sinabi ni Pun na ang korte ay may kapangyarihan lamang sa mga taong nasa loob ng Hong Kong.

Ang huling tinalakay ni Pun ay ang hinahabol ni RSV na hindi pa nabayarang suweldo, taunang bakasyon at mga statutory holiday.

Pinansin niya na walang paliwanag si RSV kung bakit nagkautang ng ganito ang mga inireklamo niya.

“Kailangan mong ipaliwanag at magbigay ka ng ebidensiya kung bakit dapat kang bayaran para sa mga ito,” ika ni Pun.

Sa huli ay binigyan ni Pun si RSV ng panahong pag-isipang mabuti kung paano niya ipiprisinta ang kanyang kaso. “Ayaw kong pagsisihan mo ang iyong napiling direksyon.” dagdag niya.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Pilipinang may kasong droga, binigyan ng huling tsansa

Posted on 08 August 2022 No comments

 

Nakiusap ang nasasakdal sa korte na ipagpaliban muli ang kanyang kaso (File) 

Pinagbigyan ng Eastern Magistracy ang isang Pilipina sa hiling nitong ipagpaliban ang pagdinig ng kanyang kasong drug trafficking, pero binalaan siyang ito na ang kahuli-hulihang pagkakataong palawigin ang kanyang kaso.

Sa nakatakdang pagdinig ngayon (Aug. 8), humarap si Christine Reynoso, 34, isang residente na nagtrabaho bilang saleslady, kay Magistrate Lau Suk-han na may bagong abogado sa kaso niyang paglabag sa Dangerous Drugs Ordinance.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Agad humingi ng paumanhin ang abogado na hindi niya maayos na maipagtatanggol si Reynoso dahil kailangan muna niyang basahin ang mga dokumentong naipon tungkol sa kaso.

Dahil dito, hiningi niya na ipagpaliban ang pagdinig sa Nov. 7.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
Tumayo ang taga-usig upang tutulan ang hiling ng abogado. Sinabi nito na naantala na nang matagal ang kaso ni Reynoso simula nang ito ay isampa sa Kowloon City Magistracy noong August 25, 2021, hanggang ito ay mailipat sa Eastern Magistracy.

Kaya kung pagbibigyan man ng hukom ang kahilingan, dagdag ng taga-usig, ito na dapat ang magiging huling pagbibigay sa nasasakdal.

PRESS FOR DETAILS!

Tumalima naman si Lau sa parehong hiling. Itinakda niya ang susunod na pagdinig sa Nov. 9 na may kasamang babala na ito na ang huling pagpapaliban sa kaso.

Dahil wala siyang hiling na payagang magpiyansa, ibinalik si Reynoso sa kulungan.

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love

Nahuli si Reynoso ng mga pulis sa isang flat sa Temple Street, Yau Ma Tei, noong Feb. 17, 2021, at nasamsam diumano sa kanya ang pitong plastic bag ng methamphetamine hydrochloride o shabu. Ang dalawang bag ay naglalaman ng 0.63 gramo sa kabuuan, ang anim ay may lamang 14.5 gramo, at ang isa ay may 0.93 gramo naman.

Hindi pa siya nagbibigay ng pahayag kung aamin siya o itatanggi ang mga paratang.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Pinay pinalaya dahil labis ang inilaging panahon sa kulungan kaysa sa sentensya

Posted on 06 July 2022 No comments

 

Pinalaya ng korte ang Pilipina dahil mas matagal pa ang inilagi niya sa kulungan kaysa sa sentensya nya

Isang Pilipina ang pinakawalan agad ngayon (July 6) matapos sentensiyahan ng tatlong linggong pagkabilanggo sa salang pagnanakaw ng Octopus card ng kanyang alaga, dahil sobra na ang inilagi niya sa kulungan.

Ito ang ikalawang kasong kinaharap ni M. B. Grospe, 40, dating domestic helper, mula noong ikulong siya ng limang buwan noong Disyembre dahil iniwan niya sa MTR station ng Hang Hau ang dalawa niyang alaga -- isang lalaki na isang taong gulang at isang siyam na taong gulang na babae -- upang magnakaw ng tsokolate.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Agad umamin si Grospe, isang dating domestic helper, nang basahan siya ng kasong isinampa ng pulis na ninakaw niya ang Octopus card, na nakita sa kanyang mga gamit matapos mawala ito ng kanyang alagang babae.

Lumabas din sa pagsusuri na ginamit niya ang card nang ilang beses, kaya naghahabol ang kanyang amo ng $300.

Tumanggi si Principal Magistrate Bina Chainrai na ipabalik kay Grospe ang $300 sa amo dahil wala itong ipinakitang basehan sa sinisingil.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero dahil binanggit ng abogado ni Grospe na sobra na ang inilagi niya sa kulungan sa dapat na parusang tatlong linggong pagkabilanggo, iniutos ni Chainrai na agad na itong pakawalan. 

Dapat kasi ay noong Mayo pa dapat natapos ni Grospe ang kanyang naunang sentensiya, pero hindi siya pinakawalan dahil sa ikalawang kasong inihain laban sa kanya. Halos tatlong buwan nang nakakulong si Grospe habang dinidinig ang ikalawang kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa kanyang abugado, si Grospe ay hiwalay sa asawa at solong sumusuporta sa kanyang inang 80 taong gulang na, at sa dalawa niyang anak na babae na 18 at 22 taong gulang. Nagsisisi rin siya sa ginawa at gusto nang umuwi sa kanyang pamilya, dagdag ng abugado.

Noong Dec. 4, 2021, sa utos din ni Magistrate Chinrai, si Grospe ay ikinulong nang limang buwan matapos mapatunayan na iniwan niya ang dalawa niyang alaga sa Hang Hau MTR Station sa Tseung Kwan O upang magnakaw ng mga tsokolate sa katabing tindahan.

Press for details

Napansin ng mga tao na walang nagbabantay sa mga bata kaya tumawag sila ng pulis. Habang nangyayari ito ay nahuli naman ng ibang pulis si Grospe sa tindahan ng Best Mart 380, na binalikan lang niya para magnakaw muli.

Hinatulan si Grospe ng dalawang linggo sa salang pagnanakaw ng tsokolate sa Best Mart 380, kung saan siya nahuli, at apat na linggo sa mga naunang pagnanakaw sa parehong tindahan ng maraming iba pang bagay gaya ng 85 pakete ng tsokolate at anim na lata ng luncheon meat.

PRESS FOR MORE DETAILS

Para sa pag-abandona sa dalawang bata sa MTR, pinarusahan siya ni Chainrai ng apat na buwang kulong.

Dahil pinag-sabay nang isang linggo ang dalawang sentensiya, naging limang buwan ang kabuuang parusa kay Grospe.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Pinay, inakusahang nagnakaw ng sari-saring gamit ng amo na nagkakahalaga diumano ng $270k

Posted on No comments

 

Ibinalik sa kulungan ang Pilipina hanggang sa susunod na pagdinig sa Kwun Tong Court

Isang Pilipinang domestic helper ang humarap ngayon (July 6) sa Kwun Tong Court sa dalawang kaso ng pagnanakaw ng mga ari-arian na ang kabuuang halaga diumano ay $270,700, mula sa bahay ng kanyang amo na taga Silver Terrace Road, Tseung Kwan O,.

Binasa ng tagasalin ang sakdal kay Rhea Labrador, 38 na taong gulang, sa harap ni Principal Magistrate Bina Chainrai.

Dahil hindi humiling si Labrador na makapag-piyansa upang makalayang pansamantala, ibinalik siya sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig ng kaso sa Aug . 9.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang dalawang kaso ni Labrador ay ang mga sumusunod:

Para sa unang sakdal na nagkakahalaga ng $267,200 na pag-aari ni Chu Wing Hei:

  • Dalawang pares ng hikaw.
  • Isang kwintas.
  • Isang 10-cent Malaysian ringgit coin.
  • Isang puting card holder.
  • Dalawang bag.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

  • Limang lipstick.
  • Dalawang case ng eye shadow.
  • Isang bote ng face cream.
  • Anim na bote ng pabango.
  • Isang bote ng hand sanitizer.
  • Isang bote ng face concentrate.
  • Isang paper box. 
  • Apat na eyeliner.
  • Dalawang bote ng makeup remover.
  • Apat ng tubo ng cream.
  • Isang bote ng sun cream.
  • Dalawang pakete ng hair conditioner.
  • Isang sabon.
  • Isang cosmetic sponge.
  • Isang bote ng White Flower oil.
  • Isang power bank.
  • Tatlong ball pen.

PRESS FOR MORE DETAILS

Para sa pangalawang sakdal na nagkakahalaga ng $3,500 na pag-aari ni Nancy Ng:

  • Isang pares ng high heel na sapatos.
  • Isang payong.
  • Apat na supot.
  • Apat na Chinese New Year decoration.
  • Dalawang noteboook.
  • 118 red packet na walang laman.
  • Tatlong bote ng pabango.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Pinay natagpuang patay sa bahay ng amo

Posted on 23 June 2022 No comments

 

Ang pasukan sa Sea View Villas, Sai Kung. Image mula sa Google Maps.

Isang Pilipinang domestic helper ang natagpuang patay kaninang umaga sa Sea View Villas, Sai Kung.

Hindi agad ibinigay ng tagapag-salita ng Police ang pangalan ng Pilipina, 48 taong gulang.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hindi pa rin natatanggap ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang opisyal  na report tungkol sa kinahinatnan niya, ayon kay Welfare Officer Virsie Tamayao.

Sinabi ng pulis na tumawag ang amo ng Pilipina sa emergency number na 999 bandang 10:23 ng umaga upang ireport na natagpuan niya ang katulong na walang malay sa kanyang silid.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang mga tauhan ng ambulansiyang  dumating makalipas ng ilang minuto ay kinumpirmang patay na ang Pilipina.

Dahil hindi pa na natutukoy ang sanhi ng kamatayan, inireport nila ang insidente bilang “dead body found”.

Samantala, isa pang domestic helper ang nag-collapse habang nagtatrabaho sa Wong Tai Sin kanna ring umaga.

Hindi masabi ng pulis ang bayang pinanggalingan niya, pero dahil ang edad niya ay 22, malamang na siya ay Indonesian.

Press for details

Ayon sa batas sa Pilipinas, hindi pwedeng magtrabaho bilang OFW ang isang Pilipina kung wala pang 23 taong gulang.

Sinabi ng pulis na tumawag ang kanyang employer sa 999 nang makita siyang nakahiga sa sahig mga 9:10 ng umaga.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nauna rito, nag-reklamo ang helper na masakit ang kanyang ulo at nagdudugo ang ilong.

Dinala siya ng ambulansiya sa Queen Elizabeth Hospital at doon na siya nagkamalay.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Don't Miss