![]() |
Ang Shatin Court, kung saan nilitis ang kaso ng dalawang Pinay. |
Dalawang Pilipinang nag-overstay ang nakaligtas sa kulong kanina dahil masyadong maiksi ang panahong inilagi nila nang ilegal sa Hong Kong. Ang isa ay ni hindi na rin kinasuhan.
Ang duminig sa parehong kaso ay si Acting Principal
Magistrate David Cheung Chi-wai ng Shatin Magistracy.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Iniurong ng mga taga-usig ang kasong inihain laban kay J. Paine, 36, na nahuling overstay na nang 28 na araw noong May 11, kaya hindi na
tinalakay sa korte ang mga akusasyon sa kanya.
Ayon sa record, dapat ay nakaalis na si Paine noon pang
April 8, 2022 matapos materminate ang kanyang kontrata bilang domestic helper
at nabigyan ng palugit upang maghanap ng panibagong amo.
![]() |
Pindutin para sa detalye |
Dahil sa pag-urong ng kaso, makakauwi si Paine sa Pilipinas
na malinis ang record at pwedeng makabalik sa Hong Kong upang
magtrabaho kung gugustuhin niya.
Si L. Ocampo naman ay naharang ng nagpapatrulyang pulis nito
lang May 7 at inaresto nang itawag nila sa Immigration ang HKID number niya at malamang
paso na ang kanyang visa noon pang April 7.
Dinala si Ocampo, 36, sa Immigration Department upang
imbestigahan at sampahan ng kaso.
Nang iharap siya sa hukom kanina, inamin niya na nag-overstay
siya nang isang buwan.
![]() |
BAN ON FLIGHTS FROM THE PHILIPPINES LIFTED ON APRIL 1. BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Hiniling ng kanyang abugado sa huwes na magaang na parusa
lamang ang ipataw sa kanya dahil malinis naman ang kanyang record.
Sa huli ay binigyan siya ng sentensiyang siyam na araw na
kulong, na binawasan ng 1/3 kaya naging
anim na araw.
Pero hindi makukulong si Ocampo dahil ang ibinigay sa kanya ni
Magistrate Cheung ay isang suspended sentence na tatagal ng 12 buwan. Ang
kondisyon lamang ay huwag siyang magkakasala sa loob ng isang taon, kundi ay pagsisilbihan
niya ang kanyang orihinal na sentensiya at ang parusa oara sa bago niyang kasalanan.
![]() |
PADALA NA! |