Ng The SUN
![]() |
Ipapalabas live sa FB page ng Konsulado ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan |
Piyesta opisyal muli para sa Konsulado ngayong darating na Linggo dahil Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Bagama’t sarado ang mga opisina nito ay may isasagawa itong selebrasyon online simula 9am na tinawag nilang “Kapangyawan Friendship Festival.”
Mapapanood ang programa live sa Facebook page ng “Philippine
Consulate General in
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Walang masyadong detalye ang ibinahagi ng Konsulado tungkol
sa programa, maliban sa magiging espesyal na panauhin sina Klarisse De Guzman,
na tinaguriang “soul diva ng Pilipinas; at si Raki Vega, isang mang-aawit sa HK
Kasama din sa mga magtatanghal ang mga miyembro ng Philippine Alliance HK, Global Alliance HK at Federation of Luzon Active Groups.
![]() |
Pindutin para sa detalye |
Samantala, may isasagawa muling “symbolic” protesta ang ilang lider migrante sa labas ng Konsulado laban sa pwersahang paniningil ng iba-ibang bayarin sa mga overseas Filpino worker.
![]() |
Muli ay apat katao lang ang magsasagawa ng protesta sa labas ng Konsulado (from Jun 1) |
Ayon kay Dolores Balladares-Pelaez, pinuno ng United
Filipinos – Migrante Hong Kong, isasagawa ang protesta sa ganap na 11 ng umaga.
May apat lang na tatayo hawak ang kanilang mga banner at poster, alinsunod sa
panuntunan ng
Dahil sarado ang Konsulado ay hindi na sila makakapanhik sa itaas para doon ituloy ang kanilang protesta katulad ng dati.
Bukod sa mga dagdag at pwersahang paniningil sa mga OFW para sa PhilHealth, Pag-IBIG at life insurance ay ipo protesta din ng mga lider ang biglang pagtaas ng gasolina sa Pilipinas ngayon, dahilan para magtaasan din ang mga bilihin at gastusin.
Samantala, may isasagawa ding photo exhibit at video screening ang grupong Lensational, na ang mga miyembro na mula sa iba-ibang lahi ay pinagbuklod ng kanilang hilig sa pagkuha ng litrato.
![]() |
BAN ON FLIGHTS FROM THE PHILIPPINES LIFTED ON APRIL 1. BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Dahil sa patuloy na pag-iingat dahil sa pandemya ay ilang katao lang ang imbitado sa lugar na pagdarausan sa G/F ng The Centre sa Queen’s Road Centra, simula 2pm. Pero mapapanood ang programa live sa Facebook page ng Lensational.
Ang proyekto ay inilunsad ni Leeh Ann Hidalgo, isa sa mga pangunahin at premyadong miyembro ng Lensational, at pinondohan ng Resolve Foundation.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Tampok sa palabas ang mga trabaho ng mga Pilipino at Indonesian domestic workers na sumali sa ilang workshop na isinagawa ng Lensational noong nakaraang taon, sa kasagsagan ng pandemya.
Paparangalan ang mga kasali sa pagtatapos ng palabas.
![]() |
PADALA NA! |