Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

$80M ang premyo sa Mark Six para sa ika-25 anibersaryo ng HKSAR

20 June 2022

Ang makinang ginagamit sa pagkuha ng mananalong numero sa Mark 6.


Masuwerte ka ba?

Ito na ang pagkakataong malaman kung totoo ang iyong pakiramdam: magkakaroon ng $80 million na first prize sa Mark 6 sa bolahang gaganapin sa June 27.

Ang bolahan ay tinawag na Mark Six Hong Kong reunification snowball draw bilang pakikiisa sa selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng Hong Kong Special Administrative Region..

PINDUTIN PARA SA DETALYE
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang biglang laki ng premyo ay dahil papatungan ng $60 million ang nakatayang first prize na inaasahang aabot sa $20 million kung walang mananalo sa regular na bolahan bukas (Martes) ng gabi.

Magsisimulang magbenta ng tiket para sa dito pagkatapos ng bolahan bukas sa mga Off-Course Betting Branches ng Hong Kong Jockey Club, at sa mga Telebet at Interactive Services nito na gaya ng Online Betting Service at Mobile Betting Service.

At upang mas marami ang makabili ng ticket, ang regular na bolahan sa June 24 (Biyernes) ay hindi na matutuloy.

Press for details

Makabibili ng ticket hanggang 9:15 ng gabi sa June 27.

Sa Mark 6, kailangan lang pumusta sa anim na numero mula sa pagpipiliang 49. Kapag nahulaan mo ang anim na numerong mabobola, mananalo ka ng first prize, na lumalaki pagkatapos ng bawa't bolahan na walang nananalo. Kung mahulaan mo ang limang numero at ang extra number, mananalo ka ng second prize.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
 

Simula noong magsimula ang Mark 6 noong 1976, nakapagbigay ito ng mahigit HK$26 billion na tulong sa 20,000 proyekto, maliban sa buwis na naibayad nito sa gobyerno, ayon sa Hong Kong Jockey Club na siyang nangangasiwa nito.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!



Don't Miss