Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ibayong tulong sa pagrehistro ng SIM card, isasagawa simula bukas

06 January 2023


Makakahingi ng tulong sa pagrerehistro ng SIM card sa 25 MTR station, katulad ng sa North Point

Simula bukas, Jan. 8 ay pag-iibayuhin ang pagtulong sa mga kailangang magrehistro ng kanilang SIM card sa 25 istasyon ng MTR sa Hong Kong.

Kailangang mairehistro lahat ng mga SIM card na kasalukuyang ginagamit hanggang Feb. 23, kundi ay hindi na maaring gamitin ang numerong nakatalaga sa mga ito.

Ayon sa isang pahayag na ipinalabas ng gobyerno ngayong araw ng Sabado, ang mga “support stations” sa mga MTR station na nagbibigay ng tulong sa pagrerehistro ay bukas mula 9am hanggang 6pm araw-araw.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pindutin para sa detalye

Bukod sa pagsagot sa mga katanungan, maari din silang tumulong na irehistro ang isang SIM card gamit ang mismong telepono ng may-ari ng numero.

Libre ang mga serbisyong ito. Kailangan lang dalhin ng nagpapatulong ang kanilang HKID card, ang SIM card na pinaparehistro at isang mobile phone na maaring padalhan ng mensahe para makumpleto ang pagrerehistro.

Ang mga edad 16 pababa ay kailangang may kasama na edad 18 pataas para matulungan sa pagrerehistro. Ang mga personal na detalye ng kasamang nakatatanda ay irerehistro din bilang seguridad.

BUY NOW PRESS HERE

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang listahan ng mga MTR station kung saan maaring magpatulong ay narito: https://gia.info.gov.hk/general/202301/07/P2023010600584_410154_1_1673053360048.pdf

Bukod sa mga MTR station ay maari ding magpatulong sa alin mang tindahan ng service provider o ng mga kumpanya kung saan nakakabit ang linya ng telepono, o sa mga “service counter” sa 18 sangay ng post office.

Maari ding magpatulong sa 18 post offices, kabilang ang General Post Office sa Central

Narito ang listahan ng mga post office kung saan may “service counter” para dito: https://gia.info.gov.hk/general/202301/07/P2023010600584_410155_1_1673053360055.pdf

Muling nagpaalala ang gobyerno na kailangang marehistro ang mga SIM card bago sa takdang panahon para patuloy na magamit ang numero ng telepono na nakatalaga bawat isa sa mga ito.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

HOW TO AVAIL? PRESS HERE

Tinatawagan din ang mga kapamilya at kaibigan ng mga dapat magparehistro na paalalahanan silaa tungkol dito, at kung kinakailangan, ay tulungan sila na maisagawa ito.

Dapat daw gawin ito sa lalong madaling panahon para maiwasan ang pagmamadali sa mga huling araw na itinakda para sa pagrerehistro.

PINDUTIN PARA SA DETALYE 

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lang sa website na ito: www.ofca.gov.hk/simreg o tumawag sa hotline ng Office of the Communications Authority, 2961 6699.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss