Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Booklet tungkol sa cancer, inilathala ng grupong Social Justice

27 May 2023

 Isang mahalagang babasahin tungkol sa breast at cervical cancer ang inilathala kamakailan ng Social Justice for Migrant Workers.

Makakakuha sa kanila ng kopya ng inimprentang booklet na may pamagat na “Breast and Cervical Cancer: Things You Should Know” o sa pamamagitan ng pag download nito mula sa link na ito: https://drive.google.com/file/d/13bBUv429a9xrzLFodEdFi64DYpZz7Y4e/view?fbclid=IwAR2qDvYtqAXgZQsffN0XFZ-cEka7fuY80ejhtpdddW6HxxzujxVfTAfr6YE

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PAPAANO SUMALI? PINDUTIN ITO!

Ang booklet ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa dalawang sakit na karaniwan nang nakikita ngayon sa maraming mga Pilipinang migrante sa Hong Kong. Mababasa dito ang mga sintomas ng dalawang sakit, paano sila maiiwasan, o saan at paano kukuha ng tulong ang mga makitaan ng mga ito.

Inilunsad ang serbisyong pampublikong ito ng Social Justice dahil sa matagal na nilang pakikipag-ugnayan sa mga grupong tumutulong sa mga migranteng nakikitaan ng cancer habang nagtatrabaho sa Hong Kong, kabilang ang Filipino Migrant Cancer Support Society o Filmcass.

Magkano? Pindutin ito!

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ayon sa founder ng Social Justice na si Marites Palma, itinuturing niyang “life saving” ang booklet dahil inaalis nito ang takot sa mga nakikitaan ng cancer sa dibdib o cervix.

“It’s not the end of the world kung nagkaroon ka ng mga ito,” sabi ni Palma, “pero kailangan nating magkunsulta sa doktor kung may nararamdaman tayong kakaiba.”

Pindutin para sa detalye

Dagdag pa niya, mas lalong ma- stress ang isang tao kung hindi nila nalalaman ang mga kakaibang nangyayari sa kanilang katawan.

Sa mga gusto ng libreng kopya ng booklet, maari silang tawagan sa tel no 6872 0498, o makipag-ugnayan sa mga opisyal ng Social Justice for Migrant Workers sa pamamagitan ng kanilang Facebook page.

 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

 

Don't Miss