Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Extended sa Jun 11 ang ‘Thankful Week’ para sa mga pamilyang may FDH

29 May 2023

 

Ang masayang samahan ng employer at FDH ay isa rin sa mithiin ng Mission for Migrant Workers

May dalawang linggo pa para magpadala ng maiksing video ang isang foreign domestic helper kasama ang kanyang employer para sa “Thankful Week” o Araw ng Pasasalamat ng mga pamilyang may FDH na ang layon ay panatilihin ang maayos nilang pagsasama sa iisang kabahayan.


PINDUTIN PARA SA DETALYE!


Ito ang ipinahayag ng Labour Department ngayong Lunes, May 29.

Imbes May 28 ay June 11 na ang bagong deadline para sa pagpapadala ng video na may habang mga 20 segundo, at kung saan ang FDH at ang kanyang employer ay nagbibigay ng pasasalamat at pagpupugay sa isa’t isa..

Magkano? Pindutin ito!

Bibigyan ng 4 na libreng tiket sa Ocean Park ang employer at FDH sa video na mapipili. Hindi ilalabas sa publiko ang mga video, ayon sa LD. 

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Maaring ipadala ang video sa pamamagitan ng link sa cloud storage, video sharing platform o social media at ipadala sa event webpage ng Labour Department (www.fdh.labour.gov.hk/thankfulweek ) o sa pamamagitan ng WhatsApp, nang hindi lalampas sa June 11.

Hindi ilalabas sa publiko ang mga video, ayon sa LD.

Pindutin para sa detalye

Kasalukuyan nang pinag-aaralan ng LD ang mga naipadala nang video. Ang mga tiket para sa Ocean Park ay ipapadala sa kanila pagkatapos makumpirma ang kanilang relasyon bilang FDH at employer.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lang ang event page ng LD dito: www.fdh.labour.gov.hk/thankfulweek  o tumawag sa tel no 3582 8976.

 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Don't Miss