![]() |
Sa gusaiing ito sa Stone Nullah Lane in Wan Chai naganap umano ang krimen |
Itinaggi ng isang Pilipino sa Eastern Court kanina ang kasong murder sa pagkanatay ng kanyang girlfriend noong January 2022,, na nagbigay-daan sa pag-akyat ang kanyang kaso sa High Court upang doon litisin.
Iniutos ni Principal Magistrate Ivy Chui na iakyat ang kaso dahil lampas sa kapangyarihan ng Magistracy ang paglilitis ng murder.
Si Bernie Valencia, 42 taong gulang at isang domestic helper na driver, ay unang kinasuhan ng pananakit dahil sa pagbugbog sa ka live-in niyang si Ivy Quiabang, 37 taong gulang, noong Dec. 22, 2021.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero noong namatay si Quiabang noong Jan. 2, 2022, binago ang kayang kaso at naging murder
Ayon sa unang report ng pulis, binugbog ni Valencie si Quiabang sa tinitirhan nila sa 82 Nullah Lane sa Wanchai noong Dec. 22, 2021, pero kinabukasan pa itinawag sa emergency number 999 ang nangyari sa kanya.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALY |
Nakita ng mga pulis na rumesponde na wala nang malay si
Quiabang at may mga sugat sa mukha.
Siya ay dinala sa Ruttonjee Hospital para sa paunang lunas,
pero inilipat sa Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital para sa operasyon sa
pagdurugo sa utak.
Doon na siya namatay.
![]() |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
![]() |
BASAHIN ANG DETALYE |
Ayon sa record ng Overseas Workers Welfare Administration,
si Quiabang ay isang single mother na may dalawang anak sa Isabela.
![]() |
PADALA NA! |