![]() |
DIninig ang kaso saWest Kowloon |
Dahil sa galit niya sa isang tagalinis na lagi siyang
sinisigawan, isang Pilipina ang nagwasiwas ng kutsilyo dito sa tangkang
panunugat, kaya naparusahan ng apat na buwang pagkabilanggo.
At dahil inaresto siya at inungkat ang kanyang nakaraan, lumabas
tuloy na overstaying na siya ng anim na taon, kaya nadagdagan ang kanyang parusa
ng 22 linggo sa kulungan.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ayon kay Acting Principal Magistrate Veronica Heung,
magkaiba ang dalawang kaso laban kay Jocelyn Bompat, 38 taong gulang, kaya
marapat na magkasunod niyang pagdusahan ang mga parusa, para sa kabuuang siyam
at kalahating buwan sa kulungan.
Umamin si Bompat sa dalawang paratang sa pagdining kanina as
West Kowloon Courts.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa abogado ni Bompat, nagawa niyang iwasiwas sa tagalinis
ang kutsilyo sa loob ng palingkurang panlalaki ng Mui Wo Recreational Center
noong May 13 sa siklab ng galit dalawang
oras matapos sigawan siya nito, habang nasa labas silang pareho.
Si Bompat, ika nya, ay walang trabaho at nakikitulog lang sa
tabi tabi sa Mui Wo. Lagi siyang sinisigawan ng tagalinis at pinagsasabihan ng
masama, dagdag ng abogado.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa pag-overstay naman ni Bompat, sinabi ng abogado na tumagal
ang kanyang paglabag sa kundisyon ng kanyang paglalagi sa Hong Kong, dahil
hindi niya alam ang gagawin upang maayos siyang makaalis.
Nang tanungin ni Magistrate Heung kung ano ang natapos nito,
sinabi niyang nakatuntong siya sa kolehiyo.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALY |
Dumating sa Hong Kong si Bompat bilang domestic helper noong
2015 pero naterminate noong 2017.
Humingi siya ng 14 na araw na pagpapahaba ng kanyang visa, pero hindi na siya sumipot sa Immigration mula noon.
![]() |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Nabisto lang siyang overstaying noong nakaraang Mayo nang maaresto sa tangkang pananakit.
Binanggit din ng abogado ang paghingi ni Bompat ng tawad sa lalaking inambaan niya ng saksak.
![]() |
BASAHIN ANG DETALYE |
Pero ang paghingi nito ng mas magaang na parusa ay
isinantabi ni Heung, na nagsabing mabigat ang kasalanan ni Bompat at ang pag-amin
lang niya ang tanging nakatulong na mapagaan ang parusa niya
Sa tangkang panunugat, sinimulan niya ang parusa sa anim na
buwang kulong, na nabawasan ng 1/3 kaya naging apat na buwan.
Nagsimula naman ang parusa niya sa overstaying sa 33 linggo,
na binawasan ng 1/3 kaya naging 22 linggong
kulong.
![]() |
PADALA NA! |