![]() |
Kabilang ang Poland sa destinasyon ng mga Pilipinong ito na sumali sa 'job fair' ng DMW |
Ang mga Pilipinong nasa Hong Kong ay binibigyan ng employment visa ng Konsulado ng Poland kaya marami sa mga pumupunta doon ngayon ay talagang may trabaho nang naghihintay sa kanila.
Ito ay ayon kay
Consul Paulo Saret, bilang tugon sa isang tanong sa katatapos na seminar na “Iwas Utang, Iwas
Scam” na magkatuwang na itinaguyod ng The SUN Hong Kong, Kasambuhay Hong Kong
Foundation at ng Konsulado.
Sabi ni Consul
Saret, sinabi ito sa kanila mismo ng mga opisyal ng konsulado ng Poland sa Hong
Kong sa isang pagpupulong.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Tinanong kasi
siya ni Rodelia Pedro ng Domestic Workers Corner kung may bansa daw ba pwedeng
puntahan ng mga OFW sa Hong Kong na legal ang mga papeles. Nahihirapan daw kasi
silang sumagot tuwing may nagtatanong kung anong ahensyang legal ang maaaring lapitan
ng mga OFW na gustong lumipat sa ibang bansa para doon magtrabaho.
Paliwanag ni Consul Saret, pinagbabawal pa rin ng Pilipinas ang mag “cross country” o lumipat ang isang OFW sa ibang bansa dahil sa posibilidad na mapahamak sila doon.
“What we have
been saying, together with the DMW (Department of Migrant Workers), kapag yung
mga vulnerable sector ng ating workforce, kailangan sana po ay i-process muna
ng DMW ang kanilang mga papeles,” sabi ni Consul Saret.
![]() |
Pindutin para sa detalye |
“Wala pong
third-country recruitment kasi po the government is just looking after your
welfare. Kasi po pag napahamak na po (sila), kami ang tatakbuhan. So yun po ang
pinakamaganda, para masiguradong mayroon tayong accountability.”
Dagdag pa niya, laging nasa huli ang pagsisisi pagdating sa mga migranteng Pilipino na napapahamak paglipat nila sa ibang bansa na hindi dumaan sa DMW ang kanilang mga papeles.
Sa kabila nito,
hindi lingid sa maraming mga Pilipino sa Hong Kong na marami pa rin ang
nangangahas na lumipat ng ibang bansa para magtrabaho. Bukod sa Poland, ang paboritong
destinasyon ng mga OFW na umaalis ng
Hong Kong ngayon ay Finland, Netherlands, Czech Republic, Hungary at Norway sa Europe, at Dubai sa United
Arab Emirates.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Karamihan sa
kanila, lalo na ang pumupunta ng Dubai, ay mga na-terminate ang kontrata at
ayaw umuwi ng Pilipinas pagkatapos ng 14 na araw na pinapayagan silang
manatili sa Hong Kong.
Pero mayroon ding nag-aayos ng papeles habang patuloy na nagtatrabaho sa Hong Kong. Paglabas ng kanilang visa sa ibang bansa ay agad silang nagbibitiw at nagbabayad na lang ng isang buwang sweldo kapalit ng pasabi, para makaalis agad.
Ang ilan naman
ay bigla na lang nawawala, dahilan para mag-alala o magalit ang mga employer na
walang kamalay-malay sa kanilang balak.
![]() |
Sabi ni Consul Saret, nagbibigay na ng employment visa ang Poland sa mga OFW sa HK (File) |
Para maiwasan ang mga ganitong pangyayari ay hindi daw binibigyan ng Konsulado ang mga OFW na planong lumipat ng ibang bansa ng sulat sa Hong Kong Police para makahingi sila ng “certificate of no criminal conviction.”
Kabilang ang
sulat na ito na dapat manggaling sa Konsulado, sa listahan ng mga dapat isumite
sa pulis ng mga nagbabalak lumipat ng Poland. Pati
ang sagot ay sa Konsulado idadaan.
“Kaya hindi tayo
nagbibigay ng no criminal conviction certificate doon po sa mga pumupnta ng
Poland kasi precisely because yun ang policy ng ating government,” sabi ni
Consul Saret.
![]() |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
“To ensure the
safety of our kababayan sana po dumaan tayo sa proseso,” payo pa niya.
Hindi naman daw
gusto ng Konsulado na ipagkait sa mga OFW ang pagkakataon na makalipat ng bansa
at magkaroon ng mas magandang kinabukasan.
“Pero mind you
po, ang difference lang ng sweldo dito at sa Poland ay napakaliit. This we
heard from the Polish Consulate mismo,” sabi ni Consul Saret.
![]() |
BASAHIN ANG DETALYE |
“Kaya sabi namin
po, magdalawang isip tayo. Ang Poland ay napakalayo sa Pilipinas, ito
napakalapit. Kung konti lang naman ang difference ng suweldo better stay here.”
Ang Poland ay ilang taon nang kumukuha ng mga manggagawa na nasa Pilipinas, at lahat sila ay kailangang dumaan sa DMW para madali silang matunton at matulungan sakaling magkaroon sila ng problema doon. Proteksyon din ito para hindi sila maharang ng mga opisyal ng Immigration sa araw ng kanilang pag-alis.
Pero dahil sa mahirap, magastos at matagal ang pag proseso ng mga papeles sa Pilipinas ay mas ginugusto ng ilan na pumunta muna sa Hong Kong at dito mag-aplay, kahit batay sa batas ng Pilipinas ay ilegal ang ginawa nilang paglipat ng ibang bansa.
![]() |
PADALA NA! |
![]() |
PRESS FOR DETAILS |