![]() |
Nakatulong sa kalasingan ang lalaki kaya siya nadukutan |
Ipinakulong nang walong buwan ang isang bagong-terminate na domestic helper na Pilipina matapos siyang umamin na nandukot ng wallet ng isang lalaking nakatulog sa kalye sa Central dahil sa kalasingan.
Hinuli ng isang pulis si A. Fernandez, 34 taong gulang,
nang makita nito mismo na dinudukot ng Pilipina mula sa bulsa ng isang lasing ang itim na wallet
nito na ang lamang pera ay HK$26.20 at 4.47 British pound.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Nangyari ang pandurukot madaling-araw kahapon (Aug. 20) sa Theater
Lane sa Central, kung saan natutulog ang isang puting lalaki na nalasing noong
nakaraang gabi sa Lan Kwai Fong, na nasa kasunod na kanto.
Bago siya pinatawan ng sentensiya ay tinanong ni Magistrate
Minnie Wat ng Eastern Courts ang kanyang abogado kung naipaliwanag sa kanya
kung gaano kabigat ang krimeng nagawa niya.
![]() |
Pindutin para sa detalye |
Nang sumagot ito ng oo, bumaling siya kay Fernandez at
sinabing higit sa perang nakita sa wallet ay may laman itong mahahalagang
dokumento gaya ng Hong Kong ID, ATM card, credit card at iba pa na maaaring
mapasakamay ng mga masasamang loob.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Humiling ang abogado ni Fernandez na bigyan siya ng mas
magaang na parusa dahil sa agad na pag-amin niya, na pinagsisihan niya ang
nagawa, at wala namang nawala sa nadukutan dahil naibalik agad sa kanya ang wallet.
![]() |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Idinagdag nito na nagtrabaho si Fernandez nang pitong taon
sa Hong Kong bilang domestic helper na walang bahid ang record, at na-terminate
lang noong Aug. 8. Nakatakda sana siyang umalis bukas pauwi ng Pilipinas sa
pagtatapos ng 14 na araw na pwede siyang mamalagi sa Hong Kong.
Pero sinabi ni Magistrate Wat na maliban sa pag-amin, na
agad nagbibigay sa kanya ng 1/3 discount sa sentensiya, wala na siyang
nakikitang dahilan para bawasan pa ang parusa ni Fernandez.
![]() |
BASAHIN ANG DETALYE |
Kaya mula sa 12 buwang kulong, ibinaba niya ito sa walong
buwan.
Nakulong si Fernandez bago matapos ang ikalawang araw mula
nang siya ay maaresto.
![]() |
PADALA NA! |
![]() |
PRESS FOR DETAILS |