![]() |
Ang carbon monoxide ay galing sa kalan. (Photo: NPR) |
Siguruhing may pumapasok na hangin sa kusina kapag nagluluto. Kung hindi ay baka matulad sa tatlong taga-Kowloon na isinugod sa Queen Eizabeth Hospital dahil nahilo at nawalan ng malay habang nagluluto.
Naglabas ngayon ng ganitong babala ang Centre for Health
Protection (CHP) ng Department of Health matapos i-report sa kanila ng QEH na
isang lalaki at dalawang babae ang dinala sa kanila matapos makalanghap ng
carbon monoxide.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ayon sa CHP, dapat mag-ingat laban sa carbon monoxide dahil ang
gas na ito ay walang amoy, walang kulay at walang lasa kaya hindi mapapansing
nalalanghap -- hanggang ang epekto nito sa katawan ay nararamdaman na.
Ang sintomas ng paglanghap ng hangin na may mababang
konsentrasyon ng carbon monoxide ay pagsakit ng ulo, pagsusuka at pagkaramdam
ng pagod.
![]() |
Pindutin para sa detalye |
Kapag mataas ang gas na ito sa hanging nalanghap,
makakaramdam ng malabong paningin, kawalang malay, pinsala sa utak, at kamatayan.
Ang tatlong biktima, na may edad 13 hanggang 48, ay
nakaramdam ng pagkahilo habang nagluluto sa kani-kanilang bahay noong Lunes, Aug.
21.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Unang dinala ang tatlo sa QEH sa Yai Ma Tei upang lapatan ng paunang lunas, at inilipat sa Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital sa Chai Wan upang doon gamutin. Sila ngayon ay nagpapagaling na.
Sa imbestigasyon, lumabas na ang tatlo ay nagluluto sa
kusina na sarado ang mga bintana, at hindi umaandar ang range hood na
sumisipsip ng hangin palabas.
![]() |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Walang nakitang sira ang mga kalan na ginamit ng tatlo, kaya ang konklusyon nila ay tumaas ang carbpn monoxide sa hangin sa loob ng kanilang mga kusina.
Ayon sa CHP, dapat ay laging may maayos na bentilasyon – o bukas
na bintana -- ang mga kusina habang nagluluto upang maiwasan ang pag-akyat ng
konsentrasyon ng carbon monoxide.
![]() |
BASAHIN ANG DETALYE |
At kung makaramdam ng mga sintomas nito, agad magpatingin sa
doktor, dagdag ng CHP.
![]() |
PADALA NA! |
![]() |
PRESS FOR DETAILS |