![]() |
Sa Eastern Court dininig ang 3 kaso laban kay Cornelio |
Isang Pilipinang domestic helper ang humarap sa Eastern Court ngayon upang sagutin ang isang kaso ng panloloob (burglary) at dalawang kaso ng pagnanakaw (theft) sa isang flat sa Sai Ying Pun.
Pero bago basahin ang kumpletong paratang kay Mishell
Cornelio, 36 taong gulang, humiling ang taga-usig ng walong linggo pang palugit
upang matapos ang imbestigasyon ng pulis at kumuha ng dagdag na payong legal
mula sa Department of Justice.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
![]() |
Pindutin para sa detalye |
Pumayag si Magistrate Minnie Wat sa hiling at itinakda ang
susunod na pagdinig sa Oct. 18.
Samantala, si Cornelio ay ibinalik sa kulungan dahil hindi
siya humiling ng piyansa.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
![]() |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ayon sa sakdal, nilooban niya noong July 9 sa isang flat sa Viking Court sa Connaught Road West at tumangay ng cash na binubuo ng 2,300 Taiwan dollar, 490,000 Vietnam dong,
381,000 Korean won, 104 Singapore dollar, 1,400 Thai bath at 9,000 Hong Kong
dollar (mga HK$11,970 ang suma).
Inakusahan din si Cornelio ng pagtangay sa tatlong gold
chain, dalawang CCTV camera at isang kurtina sa pinto.
![]() |
BASAHIN ANG DETALYE |
Tatlong araw bago naganap ang panloloob, o noong July 6, nagnakaw
rin umano si Cornelio mula sa tahanan ding iyon ng isang bracelet na may gold
pendant.
Nauna rito, o noong June 8, tinangay din umano niya ang
isang gintong kwintas na pag-aari ni Lau Tsz-yan, mula sa bahay na iyon.
Hindi sinabi sa impormasyong galing sa pulis kung kaninong bahay ang nilooban diumano ni Cornelio.
Ayon sa batas, ang pagnanakaw (theft) ay simpleng pagtangay ng bagay ng ibang tao, samantalang ang burglary o panloloob ay nangangahulugan ng paggamit ng pwersa para makapagnakaw.
Mas seryosong kaso ang panloloob, at karaniwan itong dinidinig sa District Court ano man ang halagang sangkot, samantalang ang simpleng pagnanakaw ay sa magistracy lang sinasampa.
![]() |
PADALA NA! |
![]() |
PRESS FOR DETAILS |