![]() |
Kuha ni April Jane paglapag sa NAIA |
Lumipad na pauwi sa Pilipinas si April Jane V. Dadula, ang Pilipina na nai-video ang sarili noong Biyernes ng gabi habang pinagsisigawan bago sinakal ng among babae na mukhang wala sa sarili.
Ayon kay Dadula, gusto
na lang daw muna niyang mapahinga ang isip niya, pero gusto pa rin niyang
ituloy ang kaso laban sa kanyang amo. Babalik na lang daw siya sa Hong Kong
sakaling ipatawag siya ng mga pulis para tumestigo sa kaso.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Si Dadula ay taga Oton,
Iloilo at mag-isang itinataguyod ang kanyang anak na lalaki.
Bago siya umalis ng Hong
Kong kaninang 6pm ay pinatira siya ng mga opisyal ng Migrant Workers Office sa
kanilang shelter sa Sheung Wan, at tinulungang masingil ang mga dapat bayaran
sa kanya mula sa kanyang among lalaki na siyang nakapirma sa kanyang kontrata.
![]() |
Pindutin para sa detalye |
Pagdating sa kanilang
bayan ay itutuloy daw niya ang counseling na isinaayos ni social welfare attaché
Rem Marcelino at susubukang mag-apply ng mga benepisyo mula sa Overseas Workers
Welfare Administration, katulad ng tulong pangkabuhayan.
Nag video si Dadula
matapos bumaba sa bahay ng kanyang mga amo sa Lai Chi Kok bandang 9:30 ng gabi
noong Biyernes. Gusto daw kasi niyang ipakita ang amo habang hinahalungkat nito
ang mga gamit niya at baka may ilagay doon na gamit nila, at tapos pagbintangan
siya.
![]() |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon kay Dudula, tatlong
linggo pa lang siya sa kanyang mga amo nang magdesisyon siyang umalis dahil
hindi na niya makayanan ang ugali ng among babae na laging nakasigaw, lalo
kapag nakainom ito sa gabi.
Madalas din daw siyang
sabihan na huwag silang pagnanakawan kaya natakot siya na baka tamnan ng sarili
nilang mga gamit ang kanyang mga bag.
![]() |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Bago siya lumipat sa mga
ito ay naka pitong buwan daw siya sa kanyang unang amo sa Hong Kong na mabait
sana, kaya lang ay nagdesisyong manirahan na lang sa China.
Nang mag-umpisa na
siyang mag video ay kitang kita ang pagbaba ng kanyang amo na isang Haponesa daw,
nguni’t nang magsisigaw sa video ay Intsik ang gamit na salita.
![]() |
BASAHIN ANG DETALYE |
Halatang hindi nito
nagustuhan ang pag vi video ni Dadula dahil bigla nitong hinablot ang Pilipina at
inipit ang leeg gamit ang kanyang braso. Makatatlong beses niya itong ginawa
bago sumigaw nang parang nababaliw at hinampas ang sarili sa metal na haligi ng
gusali.
![]() |
Ang employer (nakaputing pantaas) habang kinukunan ng video si April Jane |
Kinabukasan ay kinumpirma ng mga pulis na inaresto nila ang 48 taong gulang na employer sa kasong “common assault” o simpleng pananakit, at dinala naman sa ospital si Dadula.
Ayon kay Dadula,
kinuhanan siya ng pahayag ng mga pulis pagkatapos. Pero sa pagkakaalam daw niya
ay pinayagan ng mga pulis na magpyansa ang amo niya.
![]() |
PADALA NA! |
![]() |
PRESS FOR DETAILS |