Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Mideast specialist is new Phl deputy consul general in HK

Posted on 02 November 2018 No comments

By Vir B. Lumicao

An old Philippine hand in the Middle East, Germinia Aguilar-Usudan, has been named as the country’s new deputy consul general in Hong Kong.

The 51-year-old Usudan arrived in the city on Oct 17 and reported for work at the Consulate the following day. She has taken over from Consul Roderico Atienza, who is due to end his tour of duty in January.

“I am happy to be in Hong Kong, First World siya in Asia. I look forward to spending six years in Hong Kong,” DCG Usudan said.


The new deputy head at the Consulate told the SUN in an interview that she is a Bicolana who became a Muslim years after marrying her Maranaw husband, Yusuf Usudan, who also worked at the Department of Foreign Affairs but is now retired.

DCG Usudan said she is confident the experience she acquired in her many years in the Middle East will help her serve the Consulate well.

Consul Atienza has welcomed DCG Germi’s arrival, saying “that means we’ve expanded the officer complement in Hong Kong.”

DCG Usudan has served with the DFA for the past 30 years. Before coming here, she was the director of the DFA’s Office of Middle East and African Affairs with focus on the Gulf States.

Her last Middle East posting was a four-year stint in the Saudi commercial capital Jeddah, where she was moved from the embassy in the capital, Riyadh.

She joined the DFA right after graduating from the University of the Philippines in Diliman with an economics degree in 1988. She took the Foreign Service Officers’ Exam in 1996, while studying law at the University of Santo Tomas. She finished law in 1998 and passed the Bar the next year.

“Ang una kong posting ay Abu Dhabi, tapos na-transfer ako sa Riyadh,” DCG Usudan said.

After her recall to Manila, she was posted in Jakarta. “Para maiba naman, kasi parang nata-typecast na ako sa Middle East, so nag-Jakarta ako.”

But two years later, she was again moved to the Middle East, when a Muslim officer was needed in the Saudi city of Jeddah. She spent the last four years of her stay there.

She said that back in the Home Office, she requested for an Asian posting to be closer to her ailing mother. Sadly, her mom passed away in May, before she could be posted in Hong Kong, her destination of choice.

DCG Usudan noted that there are many Filipinos in Hong Kong who look happier than in other posts she had been to, and the Filipino community seems very active in looking for projects that will help the workers.

She said she will be joined in Hong Kong by her two children, Ameerah, 15, who is in grade 9; and Amiruddin, 13, in grade 7, when their classes end in March next year.

---
TANGKILIKIN PO NATIN ANG ATING MGA SPONSOR:












Nag-abuso, tinerminate

Posted on No comments
Na-terminate si Marissa ng amo kamakailan dahil hindi agad bumalik pagkatapos pumunta sa Macau.

Limang buwan pa lang si Marissa sa Hong Kong at nagtatrabaho sa mag-asawang Taiwanese na may dalawang anak, at may kasamang lola sa bahay, nang tanggalin siya sa trabaho.

Sa umpisa pa lang ay ipinahiwatig na ng amo na may mga hindi dapat gawin si Marissa, kabilang na ang huwag umutang, at magsanla ng pasaporte. Hiningi pa ng amo ang kanyang pasaporte para itanim sa isip niya na hinding hindi niya ito dapat isanla.


Nang makaapat na buwan siya sa amo ay hiniling ni Marissa na bawiin ang pasaporte dahil gusto daw niyang dalawin ang pinsan na nasa Macau. Ngunit dahil nasabi na niya sa amo na ilegal ang pananatili doon ng kanyang pinsan ay hindi siya pinayagang umalis.

Makalipas ang isa pang buwan ay hiningi ni Marissa ang dokumento at sinabing kailangan niya ito dahil magbubukas siya ng account sa bangko. Hindi na niya ito muling ibinalik.

Nang sumapit ang Linggo ay muli niyang sinabi sa amo na gusto niyang pumunta sa Macau, at pinayagan naman siya, pero mahigpit na pinagbilinan na bumalik din kinagabihan dahil aalis ito papuntang Taiwan kinabukasan.

Imbes umuwi ay nag-text lang si Marissa sa amo noong kinagabihan at sinabing kinabukasan na ng umaga siya uuwi.

Akala niya ay ayos lang sa amo dahil hindi ito sumagot. Dumating ng Hong Kong si Marissa alas 11 ng umaga ng Lunes, at dumating sa bahay ng amo ng alas 12:30. Dinatnan niya doon ang mag-asawa at pati lola. Walang sinayang na oras ang amo. Binigyan agad ng termination letter si Marissa, kasama ang sahod, travel allowance at ticket pauwi sa Pilipinas.

Walang ibinigay ng isang buwang sahod kapalit ng abiso dahil ayon sa amo ay ito ang nagpabaya sa trabaho. Sinabi pa ng amo na kung magrereklamo si Marissa sa Labor Department ay handa siyang harapin ito.

Panay ang hingi ng paumanhin ni Marissa sa amo ngunit hindi ito natinag. Kahit umiyak pa siya sa harap nito at kusang ibinigay ang pasaporte ay hindi nagbago ng desisyon ang amo. Idiniin nito na sinabihan na siya na kailangang bumalik siya ng Linggo ng gabi dahil papunta ito ng Taiwan ngunit hindi siya sumunod.

Sising sisi si Marissa dahil mababait ang mga amo, at medyo maluwag pa ang kanyang trabaho dahil katuwang niya ang lola sa gawaing bahay. May sarili siyang kuwarto at binigyan pa ng  koneksyon sa wifi. Ang mas masaklap, hindi pa siya bayad sa mga inutang niya sa Pilipinas para makapagtrabaho sa abroad, at may apat siyang anak na umaasa sa kanya.  Ni hindi din siya makalapit sa pinsang pinagpilitang dalawin sa Macau dahil TNT lang ito doon.

Si Marissa ay 39 taong gulang, tubong Albay at dating nagtatrabaho sa Tai Wai. – Rodelia Villar
---
TANGKILIKIN ANG ATING MGA SPONSOR:












Hinagpis ng ina

Posted on 01 November 2018 No comments
Pilit na inuunawa ni Imelda, 64, ng La Union, ang apat na anak na iba-iba ang mga ugali at karamihan ay hindi siya kinakausap.

Sa katunayan, ang isa sa mga ito ay nag-block sa kanya sa Facebook, samantalang ang kaisa-isang anak niyang lalaki ay sinasabi sa mga kapitbahay na wala na siyang ina.

Hirap na hirap ang kalooban niya noong una pero sa kalaunan ay tinatawanan na lang niya ang mga ito.

Ang akala daw niya noong una ay gagaan na ang pakiramdam niya dahil may mga trabaho na ang mga ito, pero panay problema pa rin ang hatid ng mga ito sa kanya. Iniisip na lang niya na marahil ay may hinanakit ang mga ito sa kanya dahil niya natutukan o nasubayabayan ang kanilang paglaki dahil sa pagtatrabaho sa ibayong dagat.

Maayos naman daw ang kabuhayan na kanyang naipundar, at sapat na sa kanyang pagtanda.

Dangan nga lamang, balintuna ang mangyayari sa kanyang pag-uwi dahil ang mga anak naman niya ang nasa Hong Kong ngayon, samantalang siya ay nasa Pilipinas na.

Balak niyang mag retiro na kapag natapos na ang kanyang kasalukuyang pang-15 kontrata, tanda na halos tatlong dekada na siyang nagtatrabaho sa iisang amo.

Malakas ang loob ni Imelda na sa kanyang pagbabalik ay magkakaayos din sila ng kanyang mga anak, lalo na yung iniwan niyang tagapamahala ng kanilang ari-arian sa kanilang bayan. Bahala na daw ang mga ito kung paano siya ituring dahil hindi man siya naging perpektong ina, sigurado naman siyang mahal niya ang kanyang mga anak. – George Manalansan

Foreign domestic workers must get new HKID cards

Posted on No comments
Foreign domestic workers are among those required to apply for a new Hong Kong identification card as part of the Immigration Department’s plan to start introducing new smart cards starting Dec 27 this year.

An Immigration spokesperson said the replacement process will cover all 8.8 million residents in the city, including foreign domestic workers.

“Every cardholder in Hong Kong must apply for the new smart card during the designated application period for her birth group,” she said, in response to an emailed query from The SUN.

Those who don’t show up for the appointed period risk a $5,000 fine.

The new HKID.
Immigration says the existing IDs issued in 2003-2007 have outlived their optimum 10-year serviceable lifespan and will gradually become more susceptible to damage and malfunction, thus the plan to replace them.

The replacement program is expected to be completed in four years. Law enforcement and government officials will be the first to have their ID cards replaced beginning Dec. 27.

They will be followed by residents (including FDWs) born in 1985 or 1986, who should apply for the replacement between Jan 21 and Mar 30 next year.


This is the first group that was first issued the existing cards in the 2003 replacement exercise, thus their cards are the most vulnerable.

All cardholders can make an appointment online and fill in the form in advance starting Oct 29.


Applicants must show up within the designated period. If they are not in Hong Kong when their age group is called for ID card replacement, they can apply within 30 days of their return to the city.

If they fail to apply for the new HKID within the appointed period without a valid reason, they could be deemed as having violated the law, and face a maximum fine of HK$5,000, the Immigration Department said.

The new ID card features enhanced security, built-in radio frequency identification (RFID) technology and higher-resolution photographs to support facial recognition. It will be pink, light blue and light green in color, with a photo of the card holder on the left and a small stereo laser image of the portrait on the right.

Nine replacement centers set up across Hong Kong and equipped with self-service registration and collection kiosks will be become operational on Dec 27.

The Immigration Department said applicants will not take 30 minutes to complete the process if they register at a self-service kiosk for the new smart ID card. Their new ID card will be ready within 10 working days.




Under the Registration of Persons Ordinance, all Hong Kong residents aged 11 or over –including those allowed to stay here for more than 180 days – must register for an ID card.

Individuals who apply for an ID card from Nov 26 will get the new smart card, as will those who need a replacement for a lost or damaged card. New arrivals, children who have reached the age of 11, and youth who have turned 18 will also get the new card.


Those exempted are travelers in transit through Hong Kong or persons permitted to stay for not more than 180 days; children of consuls aged under 11, consular staff and the head and members of the Office of the Commission of the European Communities in Hong Kong; children aged under 11, except for children of permanent residents who need to apply for permanent IDs in connection with their applications for HKSAR passports.

The aged, the blind and the infirm who have been exempted from registering for an ID card by the Commissioner of Registration are also exempted or excluded.

Lower loan interest sought

Posted on No comments
By Daisy CL Mandap

The consulates of the Philippines and Indonesia have held talks with the Hong Kong government on easing interest rates on loans, seen as one of the reasons why many migrant domestic workers get enmeshed in debt.

This was disclosed by Consul General Antonio A. Morales in his speech at the Oct. 14 launch of a new reintegration campaign for returning Filipino workers at the Philippine Overseas Labor Office in Wanchai.

Consul General Antonio A. Morales
“Last week, I and the consul general of Indonesia met with the Chief Secretary (Matthew Cheung) on the possibility of reducing interest rates and of course, the possibility of prosecuting those who get their (migrant workers) passports, Morales said.

He cited the most recent case of about 400 Philippine passports being seized from the house of a suspected loan shark in North Point. Last year, more than 800 passports, mostly belonging to Indonesians, were seized in a separate operation.



Morales sees the high interest rates on loans as one of the reasons why migrant workers end up saddled in debt.

“Alam ba ninyo na ang interest rate na legal maximum is 60%?,” he said in his speech at the launch of the Comprehensive OFW Reintegration Program (CORP). “So kung mangungutang kayo ng $1,000, $1,600 ang babayaran ninyo. Yan ang legal.”

In the case of the loan sharks, police have revealed that the interest rate charged to migrant workers who are asked to pawn their passports and employment contracts as security, is 125%.

It’s not known what, if any, steps will be taken by the Hong Kong government in response to the appeal by the two consulates. However, someone privy to the talks said the two consuls general were told during their meeting with the Chief Secretary to step up their education campaign to discourage heavy borrowing among their workers.



Consul Paulo Saret, in a separate interview, said the two diplomatic chiefs would call a joint press conference on Oct. 22 but it did not happen for unknown reasons.

Morales said it is part of his advocacy to get more Filipino migrant workers to save and plan for their future so they can avoid the debt trap.

He revealed encounters with some migrants who have been working in Hong Kong for 20 or more years, including those who volunteer at the Consulate, who have not saved for their eventual return to the Philippines.

“It is really tragic,” he said.

But he added, it is unavoidable for some to resort to borrowing due to unforeseen events. “Hindi rin natin mapipigilan ang ating mga kababayan na mangutang.”

So apart from asking the Hong Kong government to lower the legal rate of interest for loans and crack down on illicit loans, Morales said the Consulate has been spearheading effort to provide financial education to Filipino migrant workers.

Helping OFWs prepare for their eventual return home, as the CORP program of the Overseas Workers Welfare Administration plans to do, is another way to help them focus on their goal, and avoid unnecessary and burdensome borrowing.

CORP has teamed up with NGO Atikha in a project called Gear-Up, or “Go, Earn, Accelerate, Reform, Uplift Philippines” to further bring home the message that OFWs must focus on preparing for their eventual return home, with the support of the families they left behind.

Through this collaboration, OFWs will be encouraged to plan for their return from the time they arrive at their first job destination abroad.

According to Roel Martin of  OWWA’s National Reintegration Coordinating Office, OFWs will be asked how long they intend to work abroad, and Atikha will help them plan on how to make this happen.

Martin’s advice on this is, “Kung magpaplano dapat isulat para may babalik-balikan kayo.”

He said the NRCO has drawn up various strategies to help ease the return of OFWs to the country, like teaming up with various government agencies to enhance reintegration, providing more financial literacy classes abroad, drawing up investment opportunities for OFWs, and boosting local employment.

T3 up in HK as weakened Storm Yutu nears

Posted on No comments
Super Typhoon Rosita (Yutu) damaged this  warehouse in Santiago City, Isabela (ABS-CBN photo)

by The SUN

Strong wind Signal No. 3 is in force in Hong Kong as Tropical Storm Yutu, which caused death and destruction in northern Philippines early this week, heads towards the eastern coast of Guangdong on Thursday night.

But the Hong Kong Observatory says there’s little chance of raising the storm warning signal further.

“Unless Yutu takes on a track closer to the Pearl River Delta, the chance of issuing the No. 8 gale or storm signal is not high,” the observatory said in a press release earlier today.

Reports filtering in said the storm, called Super Typhoon Rosita in the Philippines where it packed a wind speed of 140km per hour and gusts of up to 230kph, left at least 15 people dead and about 30 trapped in landslides in northern Luzon.


Earlier, it devastated Saipan and Tinian in the Northern Mariana Islands, and was recorded as the strongest tropical cyclone to pass over the area, packing maximum winds of 180 mph, equivalent to a category 5 hurricane.

But it weakened as it made a landfall in the northern Philippines on Oct. 30, and was downgraded to severe tropical storm as it approached Hong Kong.

The Hong Kong Observatory hoisted T3 at 12:40pm, meaning the winds with mean speeds of 41 to 62 kilometers per hour are expected.

At 2pm, Yutu was about 340 kilometers southeast of Hong Kong and is forecast to move north or north-northwest at about 12 kilometres per hour crossing the northeastern part of the South China Sea.

The Observatory is warning against swimming in the open sea.

“As there are swells, you are advised to stay away from the shoreline and not to engage in water sports,” the weather bureau said.

The observatory advised people to listen to the radio, watch TV or browse its website and mobile app for the latest information on Yutu.

The typhoon cut across Aurora, Quirino, Isabela, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mountain Province, Abra, Kalinga and La Union on Tuesday before it exited to the West Philippine Sea on Wednesday.

Isabela and Quirino suffered the worst from the brunt of the typhoon, the 18th to hit the country this year. Video footages showed houses and commercial buildings wrecked, bridges washed away by flash floods and power lines toppled in the two provinces.

A state of emergency was declared in Quirino, where vast tracts of rice, corn and vegetable farms were damaged.

The National Disaster Risk Reduction and Management Council said Thursday 6 of the fatalities were from the landslide in Natonin, Mountain Province; 6 from landslides in Banaue, Ifugao; 2 from landslides in Tinglayan, and 1 who drowned in Abra.

The number of fatalities may still rise as reports of missing individuals are still coming in, NDRRMC executive director Ricardo Jalad was quoted by local media as saying.
 
 



OFW called ‘You’re the best’ after returning lost wallet

Posted on 31 October 2018 No comments
By Ellen Asis

A Filipino community leader earned praise and reward recently after she returned a wallet belonging to a local resident which she found on a street in Shaukeiwan.
Nilma Carigaba, president of the South Cotabato Workers Association, was told “You are the best” in a Facebook post by the wallet’s owner, Isaac Lam, who also insisted on giving her a $300 reward.




In her own post, Carigaba said: “Thank you, Isaac Lam, for your $300 reward. I returned your wallet which I found on the street. It’s right and just to return the things which doesn’t (sic) belong to me. Once again, thanks for the reward. God bless.”

Carigaba said she was on her way to see a doctor in a family clinic in Shaukeiwan when she spotted something that looked like a pile of garbage on the street ahead of her. But when she got closer she saw that it was a wallet full of cards.





She said she was afraid and nervous at first because she thought someone was playing a trick on her, but she saw everyone around her just walking past. She picked up the wallet and proceeded to the clinic to have her sugar and blood pressure checked.

 All the while she was thinking of the wallet she found, until she gathered enough courage to check its contents. She found a name card with the name Isaac Lam written on it, along with a contact number. She called up the number, and asked the man who answered if he happened to have lost his wallet. Lam reportedly said he did lose his wallet two days earlier. They agreed to meet at the MTR station in Admiralty, where Lam insisted on giving her $300 as reward even if she refused a couple of times.


POLO to conduct free health checks

Posted on No comments
By Daisy CL Mandap

Starting on Nov. 4 and every Sunday thereafter, Filipino migrant workers can drop in on the Philippine Overseas Labor Office in Wanchai and have their blood sugar level and blood pressure checked for free.

The new project is the brainchild of Labor Attache Jalilo dela Torre, who said he was alarmed by the rising number of overseas Filipino workers who are getting sick in Hong Kong.

“Most of the time, it is preventable,” he said. “That’s why it is important that our workers get regular check-ups so they can avoid getting sick.”

The initial batch of volunteers join Labatt Jalilo dela Torre at his office.
He said his office has been compiling statistics which show an alarming increase in the number of OFWs in Hong Kong who are getting seriously ill, or die because such ailments.

In June, then newly arrived welfare officer Virsie Tamayo also expressed concern at the high incidence of cancer among longtime HK OFWs.

She said that in her previous postings in Abu Dhabi and Korea, she did not see the same high rate of occurrence of the disease among OFWs.

Since then, the Overseas Workers Welfare Administration has begun looking at death statistics on OFWs so a comparative study on the causes could be made.

The free medical check-ups is seen as a first step towards helping OFWs maintain a healthier lifestyle.

Helping administer the check-ups are members of the Filipino Nurses Association Hong Kong and the Balikatan sa Kaunlaran Hong Kong chapter.

At least two POLO officers who are registered nurses, are also expected to oversee the examinations.

Aside from the free check-ups, OFWs can also avail of a free advice on breast self-examination. This is the first step towards preventing breast cancer, still the most common cancer to afflict women.

RICO J. PUNO, 65

Posted on No comments
Marami ang nagulat sa biglang pagpanaw ng beteranong singer na si Rico J. Puno (Enrico de Jesus Puno ang tunay na pangalan niya), 65, noong madaling araw ng Oct 30, sa St Luke’s Hospital sa Taguig City. Ayon sa kanyang anak na si Tosca Camille Puno- Ramos, atake sa puso ang ikinamatay ng kanyang ama. Masaya pa raw ito noong nakaraang gabi dahil excited sa kanyang shows at shoot para sa station ID ng ABS CBN. 

Kamakailan lang ay laman ito ng mga balita dahil sa paghahanda niya para sa 40th anniversary concert niya, at ang pagpa-file niya ng kandidatura bilang konsehal ng Makati sa susunod na halalan.

Ang huling presscon na dinaluhan niya ay noong Oct 18, para sa concert na “Sana Tatlo Ang Puso Ko” kasama ang sina Marissa Sanchez at Giselle Sanchez. Namataan din siya noong Oct 21 na kasama ang kanyang anak na si Tosca sa Rockwell Powerplant Mall sa Makati City.

Rico J. Puno
Noong 2015 ay sumailalim ang batikang singer sa open heart surgery, at noong December 2017 ay sumailalim sa angioplasty, at kinabitan bagong pacemaker.

Ilan sa mga awiting pinasikat niya ay ang “ Kapalaran”, “Lupa”, “Macho Gwapito”, “May Bukas Pa”, “The Way We Were”. Isa si Rico sa nagpalaganap, at masugid na promoter ng OPM (Original Pilipino Music), at tuloy-tuloy ang kanyang pag-awit sa mga ibat ibang bahagi ng Pilipinas, at ibang bansa.  May sarili siyang tatak, ang pagkakaroon ng baong “green jokes” sa kanyang sa mga shows, na kinaaliwan ng kanyang manonood.

Hindi lang isang mahusay na singer si Rico dahil siya ay naging TV host, actor-comedian at pulitiko. Naging konsehal siya ng mahabang panahon sa Makati at tumakbo ring vice mayor, pero natalo siya. Noong nakaraang buwan ay muli siyang nagdesisyong tumakbo bilang konsehal. 

Bumuhos ang pakikiramay ng mga kaibigan at kasamahan sa industriya sa pagyao ni Rico. Kabilang na rito sina Lea Salonga, Gary Valenciano, Martin Nievera, Sharon Cuneta, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jessa Zaragoza, Jhong Hilario at marami pang iba,

NORA, NA- ISNAB ULI BILANG NAT’L ARTIST
Noong Oct 24, inilabas ng Malacanang ang listahan ng mga pangalan ng mga bagong hirang na National Artists. Ito ay kinabibilangan nina  Francisco Manosa (Architecture), movie director Eric de Guia, na kilala bilang “Kidlat Tahimik” (films), Ramon Muzones at Resil Mojares (Literature), Ryan Cayabyab (Music), Amelia Lapena Bonifacio (Theater), at Lauro “Larry” Alcala (Visual Arts). Pangungunahan ni Pangulong Duterte ang paggawad ng parangal sa mga bagong National Artists.

Ang mga awardees ay tatanggap ng titulong National Artist, gintong medalya na gawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), citation at panghabang-buhay na benepisyo na hindi nalalayo sa tinatanggap ng mga nasa matataas na puwesto sa pamahalaan. Ang mga buhay na awardees ay tatanggap ng Php200,000 (net of taxes) na cash award, lifetime monthly allowance na hindi bababa sa Php50,000, medical at hospitalization benefits hanggang Php750,000 kada taon, life insurance policy mula sa GSIS o private insurance companies mula sa araw ng pagtanggap ng award, state funeral, place of honor sa mga state functions, national commemoration ceremonies at cultural presentations. Sa mga posthumous awardees, tatatanggap ang kanilang pamilya ng one-time cash award na hindi bababa sa Php150,000. 

Samantala, dismayadong muli ang fans ni Nora Aunor nang hindi na naman napasali ang pangalan ng mahusay na aktres sa mga napili. Ilang taon na rin naman nilang ipinaglalaban na maibigay kay Nora ang karangalang ito dahil para sa kanila, wala nang makakapantay sa husay nito sa pag-arte. Noong 2014, tinanggal din ni dating pangulong Benigno Aquino III. ang pangalan ni Nora sa listahan ng awardees dahil daw sa drug issue na kinasangkutan niya.  Ang paliwanag ni PNoy noon: “Sa aking pananaw yung national artist binibigyan natin ng honor na ito, puri, na ito ay malaki ang ambag sa lahing Pilipino at dapat tularan “.  “ Ang naging problema ko lang dun ay alam naman natin lahat…na-convict po sya sa drugs, “  ang dagdag pa niya.

Bilang reaksyon sa muling pag-iisnab sa kanya, nagpahatid ng mahabang mensahe si Nora. Ang bahagi ng kanyang mensahe:  “Muli, sa administrasyon ni Duterte nagkaroon na naman ng deliberation para sa hihiranging mga National Artist.  Automatic na ang pangalang Nora Aunor sabi ng NCCA sa listahan ng tatanghaling National Artist . Hindi na ako kasama sa deliberation dahil dapat noong panahon pa ni PNoy ay dapat daw ay ipinagkaloob na sa akin ang NA pero hindi nangyari. Dito ngayon sa administrasyon ni Duterte ay naulit uli ang pagtanggal ng pangalang Nora Aunor sa listahan ng National Artist.  Tinanong  ko na naman ang sarili ko. Ano ba ang NATIONAL ARTIST?  Ano ang criteria ng NCCA at CCP para gawing National Artist ang  isang tao? Bakit pa nila ako isinali rito kung  hindi naman ako pala ako karapat dapat?. Kailangan bang sumipsip ka sa administrasyon para ipagkaloob sa iyo kahit hindi dapat na maging sa iyo?

“Tulad ng sinabi ko dati pa ay kung maging  National Artist man ako o hindi ay tuloy  pa rin ang takbo ng BUHAY natin.  Laking pasasalamat ko sa DIYOS  na nakapagtrabaho pa rin ako ngayon at binigyan ako ng mga totoong mga tagahanga , ilang mga kaibigan na tunay na nagmamalasakit , nagtatanggol at nagmamahal ng walang katapusan. Nalungkot lang ako at sumama ang loob ko para sa mga Noranians at mga kaibigan na nagtulung-tulong, naniniwala at nakikipaglaban sa akin mula pa sa Tawag Ng Tanghalan hanggang  ngayon. Ilang years na ba? 51 years na ang nakakaraan.

“Sa mga minamahal Kong mga Noranians, mga kaibigan sa press na nagmamahal pa  rin sa akin, hayaan  na natin ang nangyari.  Kung para sa atin ipagkakaloob din iyan ng  Diyos sa tamang panahon at kung hindi para sa atin kahit anong pilit ang gawin natin Hindi NIYA ito ibibigay. Mas lalo kayong magkaisa,  magkasundo, at magmahalan. Nadudurog ang puso ko para sa inyo. Kalimutan muna po natin iyan. Magmove-on na po tayo at  magsimula  po tayo uli para sa ating magandang layunin para sa ating kapwa.  Ang ONANAY muna ang tanging maialay ko sa inyo na  huwag kalilimutang panoorin.  Iniaalay namin ito para sa inyo.  MAHAL NA MAHAL ko kayong lahat.”

REGINE, NAPIKON SA BASHERS 
Umalma na si Regine Velasquez sa mga taong patuloy na naninira sa kanya sa social media, mula nang lumipat siya sa ABS CBN pagkatapos ng dalawang dekadang pagta-trabaho sa GMA Network. Itinaon pa ang mga sunud-sunod na batikos sa kanyang unang paglabas sa Kapamilya TV shows nitong Linggo, sa ASAP at Gandang Gabi Vice (GGV), kaya halata ang pagkairita ng Asia’s Songbird nang sagutin ang mga ito.

Noong una ay malumanay pang sumagot si Regine ng “my dear, mag-ingat ka sa mga sinasabi mo”, pero patuloy pa rin daw ang pamba-bash sa kanya. “Again WORDS ARE VERY POWERFUL. hindi porket hindi ako nagsasalita eh ok lang na bastusin nyo ko. Hindi kayo ang iniwan ko! Can someone enligh­ten me about cyber crime please. I think it’s about time we put these kinds of people to jail. You think it’s only words that you don’t really hurt us well you’re wrong. #NoToCyberBullying. Dapat hindi na ito pinapalampas hindi natututo eh sobra na. Can you ima­gine if this is our kids! Oh my gosh! Kung ako ang tanda ko naaapektuhan pano pa yung mga bata. Please someone help me with this. Just want to make this clear hindi ako pumapatol, I want to teach these people a lesson. #NoToCyberBullying,” ang sunod-sunod na tweets ni Regine. Pahabol niya pa: “Now guys bullying the bully is NOT the solution. But I am going to do something about this. So help me GOD.”

Sunud-sunod naman na nagbigay suporta ang malalapit sa kanya, tulad nina Ogie Alcasid, Zsazsa Padilla, Daryl Ong, Angeline Quinto, Erik Santos, Jed Madela, Yeng Constantino at Angelu de Leon.

Marami sa mga fans ng Kapuso network ang aminadong sumama ang loob kay Regine nang nagdesisyon itong maging Kapamilya, dahil isa si Regine sa pinakamahusay na talent ng GMA. Alam nilang lalong lalakas ang mga programang sasalihan nito at matatalo sa ratings ang mga katapat na programa ng GMA. Noong Linggo, nag-trending ang unang pagsabak niya sa ASAP, na taped mula sa kanilang naging show sa Australia. Kinagabihan ay pinag-usapan din ang paggi-guest niya sa Gandang Gabi Vice (GGV).

Pero, taliwas sa inaasahan, naglabas ng datos nitong Lunes ang AGB Nielsen na nagsasaad na tinalo sa ratings ng Sunday Pinasaya at Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang mga programang nilabasan ni Regine sa ABS CBN.

Naglabas din ng mensahe si Regine: “Dear bashers, congratulations to everyone in SPS & KMJS and I’m happy that you guys are happy. But just a suggestion, total, sinasabi nyong lahat na hindi ako kailangan ng GMA, sinabihan nyo nga ako na wala akong utang na loob, wala akong loyalty (apparently, 20 years cannot be considered being loyal), na mukha akong pera. Maybe you guys can stop insulting me, my husband and my son. Lumipat lang po ako ng network, hindi ako pumatay ng tao. Again, I’m grateful for my 20 years in GMA. I made a lot of friends there and I have great memories of being a Kapuso. Tutal naman po, nayurakan nyo nang bonggang bongga ang pagkatao ko na para bang may nagawa akong masama sa inyo personally.You guys obviously hate me, gets ko na po. Gets ko rin na hindi nyo papanoorin ang mga shows na gagawin ko sa ABS, tanggap ko na po yon at wala naman pong pilitan ito. Free TV po ito, walang bayad, we are all here to provide you entertainment for free!!, So sa madaling salita, kayo ang panalo dito. Nagmamahal, Kapamilya Regine.”

Sa ngayon ay pinaghahandaan din ni Regine ang concert niyang “Regine at The Movies” na gaganapin sa Nov 17, 24 at 25 sa New Frontier Theater (dating Kia Theater). Siya rin ang kakanta ng theme song ( komposisyon ni Ogie) ng bagong TV series ni Angel Locsin na “The General’s Daughter” na malapit nang ipalabas.

Ang una niyang TV project maliban sa ASAP, ay ang bagong edition ng “Philippine Idol”, kung saan isa siya sa tatayong judges. 

DEREK, MAGIGING KAPUSO NA 
Inamin ni Derek Ramsay na nakikipag-usap sila sa ilang top executives ng GMA Network sa posibleng paglipat niya dito. May mga inalok na raw na mga projects sa kanya, kasama na ang TV series na pagtatambalan nila ni Jennylyn Mercado. Gusto raw ni Derek ang nasabing project dahil dalawang beses na rin naman niyang naging leading lady si Jen sa pelikula, na maganda naman ang mga naging resulta. Pero nakikiusap daw siya na kung sakaling matuloy ito, sana raw ay sa susunod na taon na ito simulan.

Si John Estrada na matalik na kaibigan ni Derek ang isa raw sa humikayat sa kanya na lumipat na rin sa GMA7, kaya malaki ang tsansa na maging Kapuso na rin siya.
Si Derek ay dating Kapamilya actor bago lumipat sa TV5, at nakasama rin niya dito sina Aga Muhlach, Ogie Alcasid, Sharon Cuneta, Janno Gibbs at Willie Revillame, na isa-isa na ring nag-alisan.   

POKWANG, EDDIE GARCIA, PANALO SA QCINEMA FILMFEST
Tinanghal na best picture ang pelikulang “Oda sa Wala”, sa ginanap na 2018 QCINEMA International Film Festival (QCIFF).  Bukod dito, nanalo ring best director si Dwein Baltazar at best actress si Pokwang (gamit ang tunay na pangalan na Marietta Subong) para sa nasabing pelikula.

Si Eddie Garcia ay tinanghal na best actor para sa pelikulang “Hintayan sa Langit”, na nakakuha ng Audience Choice award.

Best supporting actor si Marcus Adoro ( Dog Days) at best supporting actress si Cielo Aquino ( Billie and Emma). 

Ang QCIFF ang nag-iisang international film festival na ginaganap sa Pilipinas. Ang QCIFF 2018 ay bahagi rin ng selebrasyon ng 100 years ng Philippine Cinema, at ipinalabas ang mga pelikulang kasali noong October 24- 30, 2018.

Ano ang hatid ng Nobyembre

Posted on No comments
ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94/06
Makakagawa ka ng magagandang bagay, kasama ang mga kaibigan. Kung magbibiyahe, pag-aralang mabuti kung kakayanin mo ang gastos. Maswerte ka ngayon dahil matutupad ang gusto mo, pero mag-ingat na masira ang relasyon dahil lang sa pagbitaw ng maling salita. Dobleng ingat sa nagmamaneho o paggamit ng delikadong kasangkapan. Kung pipirma ng kontrata, ipagpaliban muna ito ng dalawang araw. Lucky numbers: 7, 19, 26 at 40.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95/07
Maging alerto, huwag magpaloko sa mga inaalok na pampapayat o gamit na magbibigay- swerte sa pag-ibig at pera. May mga itatanong sa iyo tungkol sa trabaho na hindi naman pagmumulan ng away, pero mapipikon ka. Subukang mas maging open o prangka sa pakikipag-usap sa mga kasamahan at bagay-bagay dahil sa totoo lang, hindi ka madaling pakisamahan. Lucky numbers: 19, 22, 33 at 46.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96/08
Hirap kang mag-isip at mag-focus ngayon. Gawin na lang muna ang mga bagay na nakaka-inip at paulit-ulit na trabaho dahil kabisado mo na ito. Nanaisin mong mag-iba na ng trabaho at gawin ang mga bagay na talagang gusto mo at magagamit ng husto ang iyong talento, pero tandaan na hindi lahat ng oras ay magagawa mo ang gusto mo. Susubukan mong balikan ang magandang alaala ng nakaraan; ibaon na ito sa limot, huwag hayaang maapektuhan pa nito ang iyong buhay. Lucky numbers: 17, 24, 31 at 41.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97/09
Masyado kang emosyonal, at nakakaramdam ng biglaang saya at at bigla ring malalim na kalungkutan kaya hindi ka makapag-isip ng maayos. Hindi mahirap ang sitwasyong ito, pero sa isang banda, hindi ka mababagot sa buhay. Maganda ang kalagayang pinansyal, at hindi inaasahang pera ang darating, kaya makakapag-enjoy ka ngayon. Lucky numbers: 9, 16, 37 at 42.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98/10
Matutukso kang sumubok na makipaglaro sa pag-ibig; huwag itong seryosohin dahil mabigat ang kapalit nito. Sa hirap ng ekonomiya sa ating bansa ngayon, mag-ingat ng husto na mabiktima pa ng mga manloloko at mandaraya. Takot at lungkot ang madarama sa pag-iisip tungkol sa kamatayan, sakit, kalungkutan at kabiguan; huwag hayaang sirain nito ang pananaw mo sa hinaharap. Lucky numbers: 15, 29, 30 at 44.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87/99
Bantayan ang mga baraha mo. Mag-ingat sa mga taong itinuturing ka lang na kaibigan habang may pakinabang sa iyo. Maswerte ka sa panahong ito. Mahalagang bagay ang magaganap sa relasyon. Tapat kang magmahal at ipaglalaban mo ang iyong karapatan. Limitahin ang pangangailangan, kung hindi ay lagi ka na lang maghahabol para sa mga bagay na gusto mo, kaya hindi mo nae-enjoy ang ibang bahagi ng buhay. Lucky numbers: 11, 13, 26 at 45.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88/00
Hindi ka gaanong masaya sa resulta ng isang mahalagang okasyon. Masyado kang umasa na maayos ang lahat pero atrasado ang maraming bagay. Mahalaga sa iyo ang relasyon, kaya samantalahin ito para masabi ang mga kahilingan o tapusin agad ang ugnayan kung hindi magkakasundo. Ang labis na tensyon at pag-aalala ang nagdudulot ng pananakit ng ulo, pagkahilo, lagnat at paninigas ng mukha at bibig. Lucky numbers: 3, 18, 26 at 40.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89/01
Masaya ka sa mga araw na ito, may magandang sorpresa at maraming tawanan. May makikilala ka sa pamamasyal o pag-travel sa ibang bansa, na isang banyaga o taong nagbabalik- bayan. Makakaranas ng pagkapagod dahil sa kabiguan, mga gusto mong makamit at mga balakid, lalo na sa iyong trabaho. Sa trabaho, sports o ibang bagay, iwasan ang sobra, dahil sasakit ang iyong katawan. Lucky numbers: 16, 18, 24 at 41.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90/02
Magiging maayos ang lahat para sa iyo. Susubukan mong baguhin ang estado sa lipunan at maging handa sa mga gastusin upang mas maging maayos ang kalagayan at maging ang panlabas na anyo ay kakitaan ng kasaganaan. Pero kailangan mo rin ng kontrol para maiwasan ang problema sa pera. Masaya ang relasyon ngayon dahil mababawasan ang tensyon. Lucky numbers: 5, 11, 19 at 32.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79/91/03
Maganda ang pananaw mo sa lahat ng bagay, walang alalahanin o kalungkutan, at lahat ay parang madali at masaya. Subukang mapanatili ito upang maging positibo ka pa rin pagdating ng mga problema. Magkaiba kayo ng pag-iisip ng mga anak kaya may hindi pagkakasundo. Huwag ipilit ang gusto, palipasin na lang muna ito at maayos din ang lahat. Lucky numbers: 16, 17, 29 at 33.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92/04
May mga mainitang pagtatalo sa pamilya, na ikaiirita mo ng husto. Malaki ang tsansang tumibay pa ang pagsasama sa karelasyon. Pero huwag masyadong maging excited na mapapabuti ang materyal na kalagayan kapag nag-asawa ka na. Huwag magpadala sa pangarap; kung gusto mong matupad ito, kailangang harapin mo ang lahat ng pagsubok at gawin ang nararapat. Lucky numbers: 16, 22, 39 at 43.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93/05
May mga positibong pangyayari sa trabaho at pribadong buhay. Makukuha mo ang lahat ng kailangan mong suporta at proteksyon, at ang gagampanan mong tungkulin ay magiging matagumpay. Ngayon ay mas bibigyan mo ng pansin ang pagkakaroon ng ispiritwal na unawaan. Kung gusto mong bawasan o iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak, magagawa mo ito ngayon. Kakayanin mo rin na mabawasan ang timbang sa dahil sa pagdi-diyeta. Lucky numbers: 5, 18, 25 at 38.

Don't Miss