Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Halina at mag-aral ng taekwondo, anyaya ng UPTO

Posted on 12 May 2023 No comments

 

Nanumpa ang mga bagong miyembro ng UPTO-HK sa harap ni Consul General Raly Tejada

Balik-aksyon muli ang United Philippine Taekwondo Organization – Hong Kong, pagkatapos ng tatlong taon na pamamahinga dahil sa pandemic.

Ayon sa kanilang founder na si Mercy Permales na isa mga kilalang manlalaro ng taekwondo sa hanay ng mga Pilipino sa Hong Kong, balik na sa kanilang pagsasanay, pero bago ito ay humirang muna sila ng mga bagong opisyal ng kanilang grupo, na agad namang nanumpa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Naganap ang kanilang panunumpa sa Konsulado noong Mayo 7 sa harap ni Consul General Raly Tejada, na nagsabing bilib siya sa grupo dahil alam niyang mahirap na laro ang taekwondo. Kailangan daw ay physically at mentally fit ang isang tao para makasali dito.

Kailangan din daw na malakas ang iyong self-control para hindi magamit ang nalalaman para makapanakit. Biro pa niya, “Baka mamaya ay may nakaaway kayo at bigla niyo na lang banatan, ha?”, dahilan para magtawanan ang lahat.

 
Pindutin para sa detalye

Sabi ni Congen, “proud” daw siya sa grupo dahil sa kanilang pagpasok sa sport na napakahirap. Bukod pa dito ay para din daw silang mga “ambassador” na nagbibigay ng magandang imahe para sa bansa.

“Please continue what you are doing now, representing our country, ang using your skills para sa ikabubuti ng lahat,” dagdag pa niya.

Ang mga founder na pawang blackbelter na sina Padua, Jacinto at Permales

Alinsunod sa layon ng UPTO na palaganapin ang taekwondo sa hanay ng mga migranteng Pilipino, lalo na ang pagtuturo ng self-defense sa mga kababaihan, ay tumatanggap na silang muli ng mga gustong sumali sa kanilang grupo.

“Bukas ang grupo sa mga nais matuto, mapa bata man o may edad, basta walang major operation o acute asthma ay welcome po,” sabi ni Permales.

Magkano? Pindutin ito!

“Don’t worry po at hindi naman tayo ng-eensayo dito para sumali sa Olympics. Our priority is the safety of our members. Pare-pareho po tayong nangangamuhan dito sa Hong Kong kaya safety first,” dagdag pa niya.

Ang UPTO, na itinatag sa Hong Kong halos 11 taon na ang nakakaraan, ay ang kauna-unahang grupo ng taekwondo na ang mga miyembro ay mga Pilipino. Pero ang nagtatag dito at nananatiling taga-suporta nila ay isang ekspertong Intsik na kilala sa pangalang Grandmaster Tze Hong Lai.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Si Lai ay isa sa mga founding member ng grupong CTA, o China Hong Kong National Taekwondo Alliance, kung saan kabilang sa mga miyembro ang UPTO at dahil dito ay nakakasali sa mga pagsasanay katulad ng advanced poomsae course, referee course at sparring referee course.

Narito ang listahan ng kanilang mga hinalal na opisyal para sa taong 2023-2024, at nanumpa sa harap ni Consul General Raly Tejada:

Pindutin para sa detalye

Founding Members:

Mercy D. Permales - 3rd Dan WTF

Federico C. Jacinto - 3rd Dan WTF

Ednalyn Padua  - 3rd Dan WTF

 

Head Instructress:

Wilma M. Colobong - 2nd WTF

Assistant Head Instructress:

Ruth Delos Santos - 2nd WTF

 

Instructress:

Lorena S. Jaro - 3rd Dan WTF

Ruth Delos Santos - 2nd Dan WTF

Madeline B. Bristol - 2nd Dan WTF

Marilyn O. Anorico - 1st Dan WTF

Sofia M. Talite - 1st Dan WTF

 

Secretary:

Mylene L. Adtoon - Red Black Belt

Assistant Secretary:

Bernadeth S. Rivas - Red Black Belt

 

Treasurer:

Evelyn E. Beduya - 1st Dan WTF

 

Business Manager:

Letecia D. Cayudong - 1St Dan WTF

 

Demonstration Team Leaders:

Lorena S. Jaro - 3rd Dan WTF

Ruth Delos Santos - 2nd Dan WTF

Sofia M. Talite  -1st Dan WTF

Jocelyn C. Austria - 1st Dan WTF

 

PINDUTIN PARA SA DETALYE
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Bail refused for 4 Pinoy asylum-seekers accused of sexual assault on girl

Posted on 11 May 2023 No comments

 

Hindi pinayagan ng korte na magpiyansa ang 5 nasasakdal 


Four Filipino and one Bangladeshi recognizance holders accused of assaulting and committing indecent conduct towards a 10-year-old girl on Jan 3 in Yuen Long, were denied bail when they appeared in Tuen Mun court on May 10.

The five were sent back to jail after Principal Magistrate Don So agreed to the prosecution’s request for an 8-month adjournment, and opposition to allow the accused to be released on bail.

The next hearing of the case has been set down for July 5, but the defendants are allowed to make another bail application on May 17.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

In opposing the bail application, the prosecution said the accused might return to the place where the offence took place, interfere with the investigation, or jump bail.

The prosecutor added that all four separate charges pertain to the same incident that happened on Jan 3 in a flat on Kun Um Road in Yuen Long.

The prosecution is still seeking further legal advice, she said.

First to be charged with “indecent conduct towards a child under 16 years” and “common assault” was Benhur Macaraig, 46. Police charged him on Jan 12, indicating they arrested him about 48 hours earlier.

Magkano? Pindutin ito!

In the charges against him, his co-defendants were not identified by the police.

On Jan 14, police charged defendants Julie Arcega Jr., 32, and Gina Villareal, 51, with the same offences.

The fourth Filipino defendant, Jimwoel Macaraig, 53, was charged on Jan 17 while Bangladeshi MD Moazzim Hossain was charged shortly later.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

At Wednesday’s hearing, Arcega, a former construction worker, raised his bail offer to $8,000 from $5,000 previously, but his request was still denied.

J. Macaraig and B. Macaraig did not indicate the amount they were offering for bail, but their bids were also rejected.

During the committal hearing of the cases, the prosecutor said B. Macaraig was also facing a separate charge of wounding, and had three past criminal records. In addition, he jumped bail on immigration cases, the prosecutor said.

Pindutin para sa detalye

According to the charges, the five defendants were neighbors of Girl X in the Tuen Mun village.

At the initial hearing, the prosecution said the victim was alone in the Tuen Mun flat when the defendants barged in and assaulted her.

No other details of the alleged offences were mentioned.  

PINDUTIN PARA SA DETALYE
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Filipina dies in Macau after getting whitening injections

Posted on 10 May 2023 No comments

 

Items seized from the Indonesian's flat included syringes and vials of the whitening chemical

An Indonesian domestic worker surnamed Endang has been arrested in Macau after a Filipina worker who received unauthorized glutathione injections from her has died.

This was according to the Macau News Agency, which reported the story on May 8.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

The Filipina, said to be in her ’30s, had shown symptoms of H1N1 flu, including high fever, for days, before she went to the Indonesian’s unit near Rua da Ribeira do Patane to receive the glutathione injections.

The next day, the Filipina was taken in critical condition to Hospital Centre S. Januario after her symptoms worsened, and she was diagnosed with H1N1 flu. 

Magkano? Pindutin ito!

She died on May 6, with the preliminary findings showing the cause of death as complications from the flu virus.

Police then went to the suspect’s home and arrested her on suspicion of practising medicine without a licence. Seized from her flat were a large number of syringes, as well as the medicine used in the injections.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

During an initial investigation, Endang reportedly admitted administering the whitening jabs to at least 10 domestic workers and fellow Indonesians, and collecting M1,000 patacas for each session of four injections at one-week intervals.

Her whitening medication and paraphernalia were reportedly brought in from Indonesia.

Pindutin para sa detalye

An investigation is now being carried out to determine if the Filipina had died from H1N1 or from complications from the whitening treatment.

Following the incident, Macau’s Health Bureau has urged the public to visit only licensed clinics run by qualified practitioners when seeking beauty treatments.

Officials also pledged to step up regulations and crack down on illicit practitioners.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Pinay na sangkot sa money laundering, di nakadalo sa korte dahil sa sakit

Posted on 10 May 2023 No comments

 

Baka hindi raw sapat ang isang buwan para gumaling ang nasasakdal, ayon sa korte

Nakatakda sanang tanungin nang pormal ang dalawang akusado sa kasong sabwatan sa paggamit ng HKID card ng ibang tao at money laundering pero hindi ito natuloy nitong Martes, ika-9 ng Mayo, sa Shatin Court dahil maysakit ang isa sa kanila.

Ayon sa tagausig, si Lea Fonte ay nakaratay sa ospital dahil sa isang karamdaman.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang kanyang kasamang nasasakdal, si Ricardo de Austria, ay dumating sa korte at humarap kay Mahistrado Cheng Lim-chi.

Nagtaka si Cheng dahil wala ang kanyang kapwa nasasakdal na si Fonte dahil lumang kaso na raw iyon.

Magkano? Pindutin ito!

“Gusto sanang kuhanan ngayon ng prosekusyon ng samo (plea) ang dalawang nasasakdal, ngunit nasa ospital daw ngayon ang unang akusado. Sa katunayan ay nagpadala siya ng sulat mula sa ospital,” sabi ng tagausig.   

Matapos basahin ng hukom ang sulat ay hiniling ng manananggol ni Fonte na ipagpaliban ang pagdinig nang isang buwan.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pero ayon kay Cheng, batay sa sulat ay kinakailangang magamot muna si Fonte sa kanyang karamdaman. Baka hindi raw sasapat ang isang buwan para gumaling ang nasasakdal, kaya  itinakda ng mahistrado ang susunod na pagdinig sa ika-4 ng Hulyo.

Pinalawig ng hukom ang piyansa nina Fonte at De Austria hanggang sa bagong petsang itinakda para sa pagdinig.

Pindutin para sa detalye

Walang binanggit sa korte tungkol sa detalye ng mga sakdal laban sa dalawa na sabwatan sa paggamit ng ID ng ibang tao, at sa kinasasangkutan nila umanong money laundering, o ang paglilinis ng perang galing sa krimen.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Filipina torture claimant found guilty of drug possession

Posted on 09 May 2023 No comments

 

The Eastern Court magistrate asked how the defendant could pay for two flats 

A 39-year-old mother of six was found guilty Monday in Eastern Court, of a charge of possession of less than a gram of a dangerous drug after failing to convince the magistrate during trial that a packet of cannabis resin found in her rented room in Causeway Bay was not hers.

The defendant, M. Manrique, who arrived in court more than half an hour late for the verdict, was calm after Magistrate Minnie Wat Lai-man pronounced her ruling.

But Manrique broke into tears after the magistrate ordered her detained before her sentencing on May 22 pending a report from the Drug Addiction Testing Centre.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

The defendant, a non-refoulement applicant, cried uncontrollably saying no one would look after her two young daughters, before she was led away by the court police staff.

Manrique, who had two previous cases involving drugs, was arrested on Jan 21, 2022 by police who searched her rented rooms in a flat at 10 Yiu Wa Street  in Causeway Bay and found a small plastic bag containing 0.6 gram of cannabis resin.

Two police officers also found instruments used for smoking the illegal drug and resealable plastic packets for packing them.

Magkano? Pindutin ito!

During her trial last month, the two officers gave evidence in court about their visit to the subdivided flat as part of an ati-illegal drugs operation. They found out that Manrique was renting two rooms, identified as Rooms A and C, for $5,500. 

While the first officer, Prosecution Witness 1 (PW1), was interviewing the defendant outside the rooms, PW2 searched the two rooms and found the packet containing the prohibited drug in Room C.

The defendant said she was staying in Room A and used the other room for her belongings. She denied that the drug found in Room C belonged to her and said someone else could have placed the stuff in the room.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Magistrate Wat, however, said no one else could have hidden the illegal drug in Room C as it was locked.

Besides, it took the two officers 10 minutes to wait outside the flat for Manrique to open the door and did not know what happened inside during that period, Wat said. 

The magistrate also said she had doubts about how Manrique was able to pay for the $5,500 rent when she was receiving just $1,800 monthly rental allowance from Social Welfare and yet was also able to remit money to her four other children in the Philippines.

Pindutin para sa detalye

Wat said the evidence given by the police officers, in particular PWC 2 who conducted the room search, was straightforward and credible. As such, the prosecution had proved their case against the defendant beyond reasonable doubt.

In mitigation, the defense lawyer said Manrique was divorced from her husband and has six children, aged between 13 and 18 years old.

Four of them live in the Philippines, while the two younger ones were born in Hong Kong and are staying with her here. The lawyer said one of the children had passed away.

The lawyer pleaded for a lenient sentence, citing that the amount of cannabis resin was 0.69 gram only and that his client’s case was possession of illegal drugs, not drug trafficking.

Wat deferred the sentencing to May 22 pending the DATC report.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Naki-zumba at nakipagsaya ang OWWA admin sa HK

Posted on 09 May 2023 No comments

Si Admin Arnell habang humahataw kasama ang mga OFW sa HK (OWWA photo)

Humataw nang todo si Administrator Arnell Ignacio ng Overseas Workers Welfare Administration nang dumalo sa “Balik Saya sa Hong Kong” na ginanap sa Chater Road noong Linggo, Mayo 7.

Ginulat niya ang isang grupo ng mga nag su zumba nang bigla na lang siyang pumagitna at sumabay sa kanilang maindayog  na pagsasayaw.


Ang “Balik Saya” na palabas

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

 sa iba-ibang lugar na maraming mga overseas Filipino workers ay ibinalik ng OWWA pagkatapos ng tatlong taong pagtigil dahil sa pandemya.

Ayon kay Ignacio, gusto nyang ibalik ang saya ng mga OFW na nalulungkot, lalo na iyong mga bagong labas pa lang ng bansa.

Magkano? Pindutin ito!

Ang pasinaya sa Hong Kong na idinaos sa pakikipagtulungan ng Konsulado at iba-ibang sponsor na kumpanya ay inumpisahan sa isang parada at Flores de Mayo, at sayaw ng iba-ibang grupo sa umaga.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pagka tanghali ay bumuhos ang malakas na ulan, pero hindi naman natinag ang mga bisitang galing ng Maynila sa pagbibigay-aliw sa mga manonood.  Naging tampok na panauhin sina Cesar Montano, Rita Daniela, Boobay at Boobsie.

Binisita ng mga taga OWWA ang mga OFW na nakatira sa Bethune House

Bago ang kasiyahan ay dinalaw ni Ignacio ang mga OFW na nakatira sa shelter ng Migrant Workers Office at ang Bethune House Migrant Women’s Refuge upang pakinggan ang kanilang mga hinaing at magbigay ng kaunting tulong-pinansyal.

...at pati ang mga problemadong OFW na nasa shelter ng MWO

Muli ay ipinarating  sa kanya ni Edwina Antonio, executive director ng Bethune House, ang kahilingan ng mga OFW na nagka Covid dati na bigyan din sila ng ayudang US$200 na ipinagkait sa kanila dati dahil daw kulang sila sa pruwebang dokumento.

Pindutin para sa detalye

Dagdag ni Laila Besana ng United Filipinos in Hong Kong sa isang komento sa Facebook account ng OWWA, “Mas masaya sana Overseas Workers Welfare Administration kung urgent ang aksyon kung ang OFWs ay humihingi ng tulong.”

“Huwag tabunan ng 1 araw na kasiyahan ang mga claimants ng Covid-19 assistance na hanggang ngayon ay wala pa.”

PINDUTIN PARA SA DETALYE
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!


Pinay na nag-overstay nang 2 taon, 7 linggong makukulong

Posted on 09 May 2023 No comments

 

Ikinulong pa rin ng mahistrado ang Pilipina kahit nagsabi itong payag na siyang umuwi

Isang 40-anyos na Pilipinang dating domestic helper ang ipinakulong kahapon, Mayo 8, ng isang mahistrado sa Shatin Law Courts matapos umamin sa sakdal na ilegal na pamamalagi sa Hong Kong nang dalawang taon matapos mapaso ang kanyang visitor visa noong 2015.

Humarap si Maricar Sotingco, isang single mother, kay Magistrate  Cheng Lim-chi  upang umamin sa sakdal na pananatili sa Hong Kong nang labag sa batas pagkaraan ng Agosto 13, 2015.

Ayon sa tagausig, dumating sa Hong Kong si Sotingco noong Setyembre 20, 2013 upang mamasukan bilang kasambahay ngunit naputol ang kanyang dalawang-taong kontrata bago ito matapos at hindi siya umuwi sa Pilipinas bago lumipas ang kanyang dalawang linggong palugit upang manatili at maghanap ng bagong amo.

Pagkaraan ng halos dalawang taong pag-overstay ay nagpasiya si Sotingco na sumuko sa Hong Kong Immigration Department at naghain ng “non refoulement application” para hindi mapauwi nang sapilitan.

Nabanggit ng tagausig na si Sotingco, isang high school graduate, ay may anak na babae na ngayon ay 18 taong gulang na at lumaki sa piling ng kanyang ina. Sinabi ring habang nasa Hong Kong ay nagkaroon ng anak na lalaki ang nasasakdal na ngayon ay 7 taong gulang na.

Ayon naman sa kanyang tagapagtanggol, nagpasiya si Sotingco noong Setyembre 8, 2021 na umuwi na lamang silang mag-ina sa Pilipinas upang makapiling nila ang kanyang panganay na anak at ang kanyang ina.

Sinabi rin ng abogado na sa pananatili ni Sotingco sa Hong Kong ay hindi siya nagtrabaho nang labag sa batas at napanatili niyang malinis ang kanyang record.

Bilang parusa ay pinatawan ng mahistrado si Sotingco ng walong linggo sa kulungan, pero sinuspindi ang pitong araw sa sentensya, kaya 7 linggo na lang ang kanyang ilalagi sa preso.

Habang siya ay nasa piitan, ang kanyang anak ay inilagay sa pangangalaga ng Hong Kong Social Welfare Department. 

   

 

Don't Miss