Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Domestic workers groups call for $6,016 minimum wage

Posted on 09 August 2023 No comments

 

The AMCB leaders say employers can afford the $6,106 minimum wage

Foreign domestic workers groups told officials of the Labour Department today that they want their minimum wage to be raised to $6,016 (from $4,730) and their food allowance to $3,065 (from $1,196).

Migrant domestic groups and their supporters met with labour officials for about two hours at the Labour Department office in Central as part of the government’s yearly annual review of the minimum allowable wage (MAW) for foreign domestic helpers.

But despite the lengthy consultation, no assurance was given to the FDW groups that the government will listen to their plea. They were told that as before, the government still needed to consult with employers groups and other stakeholders, and take into consideration other economic indicators before deciding on a new MAW, which is ordinarily announced at the end of September.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

“There’s no clear statement from the government about the fate of our wages, but again we are optimistic that the government will listen to our demands because $6,016 is not a big amount of money and we believe the employers can afford to give this much wage to their domestic helpers,” said Dolores Balladares, spokesperson of the Asian Migrants Coordinating Body.

Asked why the government would deviate from its years-long practice of increasing FDW wages for just about $100 each year, Balladares said it’s because what they are asking for is just enough for them to live decently in a costly place like Hong Kong.

“We deserve to get a living wage,” she said.

PINDUTIN PARA SA DETALY

Asked why they have ramped up their demand for a food allowance, Sringatin, also an AMCB spokesperson said it is because food prices have gone up considerably.

Those on food allowance are also not generally allowed to cook in their employers’ houses, so they end up buying their meals outside, which could cost a lot.

Those who don’t get a food allowance are in a worse situation as they are often made to eat leftovers, said Balladares.

Sringatin said that while employers often say their helpers are free to partake of whatever food is in the house, they would sometimes call the police and accuse their helper of “stealing” their food.

The AMCB leaders stage protest after the 2-hour meeting with labour officials 

The two FDW leaders also called on the government to keep a tight rein on employment agencies who charge illegal fees on FDWs.

According to Sringatin, the recent controversy over passing on to employers the full cost of recruiting domestic workers from Indonesia should be looked into more thoroughly, saying the only ones who would benefit from the increased fees are the employment agencies.

She said that what the recruiters in Indonesia and Hong Kong are charging employers –which is between $16,000 and $20,000- is more than enough for them to make a profit, so the worker should no longer be charged.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Balladares added that while the Philippine government has long ago insisted that it has adopted a no-placement fee policy in the deployment of Filipino domestic workers abroad, in reality, an FDW in Hong Kong is still asked to pay the equivalent of their monthly pay.

During the meeting, the domestic workers also demanded the government drops its “malicious and discriminatory” allegation of job-hopping against FDWs who try to switch jobs while in Hong Kong, and instead, allow them to freely change employers.

BASAHIN ANG DETALYE

They also called for the scrapping of the two-week rule, which gives a FDW whose contract is prematurely terminated only 14 days to remain in Hong Kong; legislate working hours for FDWs, ensure employers give days-off and statutory holidays to their FDWs, allow direct hiring, stop the overcharging and illegal collection of fees by employment agencies; and lift the entry ban on Nepalese migrant workers.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

2 buwang kulong dahil sa sideline

Posted on 08 August 2023 No comments

 

Isa sa mga gusali sa Laguna Verde

Isang Pilipinang domestic helper ang nasentensiyahan kanina sa Shatin Courts ng dalawang buwang pagkabilanggo matapos siyang umamin na nagtrabaho siya sa tatlo pang bahay maliban sa tirahan ng kanyang tunay na employer.

Tig-dalawang buwang kulong sana ang parusa kay M. Concepcion, 41 taong gulang, sa bawa’t kaso ng ilegal na pagtatrabaho pero inutos ni Acting Principal Magistrate Cheang Kei-hong na sabay sabay niya silang pagsilbihan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
PINDUTIN PARA SA DETALY

Ang kanyang tatlong kaso ay pawang “breach of condition of stay”,  na tinutukoy sa Section 41 ng Immigration Ordinance at nagtatakda ng parusa sa mga lumalabag dito.

Isa sa mga kondisyon ng visa na ibinibigay sa lahat ng domestic helper ay ang pagbabawal sa pagtatrabaho na labas sa bahay ng kanilang amo.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS
BASAHIN ANG DETALYE

Ang unang kaso ni Concepcion ay ang pagtatrabaho ng part-time sa Flat C ng 11th floor sa isang tower sa Parc Palais sa Wylie Road, Kowloon.

Ang ikalawang kaso ay ang pagtatrabaho nang ilegal sa Flat B sa 22nd floor ng isang tower sa Laguna Verde sa Hung Hom.

Ang ikatlo ay ang pagtatrabaho nang ilegal sa Flat D sa 22nd floor ng isa pang tower sa Laguna Verde sa Hung Hom.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

 

Kasong pagnanakaw ng alak at credit card, inurong

Posted on No comments

 

Mamahaling alak ang sinabing ninakaw ng Pilipina, pero hindi napatunayan

Umuwing malaya ang isang Pilipina kanina matapos iurong ng taga-usig ang dalawang kasong pakikisabwatan sa pagnanakaw ng Champagne at credit card.

Nabawi rin ni N. Carreon, 41 taong gulang na domestic helper, ang $5,000 na nakalagak sa Eastern Court bilang piyansa upang makalaya siya noong dinidinig pa ang kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
PINDUTIN PARA SA DETALY

Inutos ni Principal Magistrate Ivy Chui na tuluyan nang iurong ang mga kaso matapos sabihin ng taga-usig na plano nilang iurong ang mga kaso dahil lumabas sa imbestigasyon at konsultasyong legal na mahina ito

Ayon sa reklamong isinampa ng pulis sa Wanchai, nakipagsabwatan si Carreon sa ilang taong hindi binanggit ang pangalan, upang nakawin ang isang botelya ng Moet Champagne mula sa isang lalaking puti noong Nov. 12, 2022.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS
BASAHIN ANG DETALYE

Sa araw ding iyon, nakipagsabwatan ulit si Carreon diumano na nakawin ang tatlo pang botelya ng Moet Champagne at isang HSBC Mastercard credit card ng nasabing lalaki.

Kinasuhan siya sa ilalim ng Section 9 ng Theft Ordinance at Secxtion 159A ng Crimes Ordinance.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Filipino teenager drowns in Sai Kung

Posted on No comments

 

Family and friends of the victim rushed to Eastern Hospital where the victim was declared dead

A 19-year-old Filipino male was found drowned while swimming with friends in Sai Kung yesterday afternoon.

The police received a report from hikers in the area at 3:35pm about a person who drowned at Sheung Lok’s Four Pools on Sai Wan Road. The victim was fished out of the waters by his friends and hikers.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Officers who arrived at the scene found the victim unconscious, and immediately administered cardiopulmonary resuscitation (CPR) but failed to revive him.

A helicopter from the Government Flying Service dispatched to the area then flew him to the Pamela Youde Nethersole (Eastern) Hospital in Chai Wan, where he was certified dead  at 5:09pm.

PINDUTIN PARA SA DETALY

The police say an autopsy will be conducted to determine the exact cause of death.

About three hours after the tragedy, friends and family members of the drowned teenager were seen to gather tearfully at the accident and emergency department at PYNEH.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

A number of them looked like they had rushed to the hospital from the beach, while others appeared to have gone them from work.

BASAHIN DITO

Earlier reports said the victim and three of his friends had gone swimming at Pool No 3 at Sheung Lok’s four Pools. It was not clear how he got separated from the rest of the group, and drowned.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Nahuli sa tangkang pananaksak, nabistong overstay

Posted on 07 August 2023 No comments

 

DIninig ang kaso saWest Kowloon

Dahil sa galit niya sa isang tagalinis na lagi siyang sinisigawan, isang Pilipina ang nagwasiwas ng kutsilyo dito sa tangkang panunugat, kaya naparusahan ng apat na buwang pagkabilanggo.

At dahil inaresto siya at inungkat ang kanyang nakaraan, lumabas tuloy na overstaying na siya ng anim na taon, kaya nadagdagan ang kanyang parusa ng 22 linggo sa kulungan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon kay Acting Principal Magistrate Veronica Heung, magkaiba ang dalawang kaso laban kay Jocelyn Bompat, 38 taong gulang, kaya marapat na magkasunod niyang pagdusahan ang mga parusa, para sa kabuuang siyam at kalahating buwan sa kulungan.

Umamin si Bompat sa dalawang paratang sa pagdining kanina as West Kowloon Courts.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa abogado ni Bompat, nagawa niyang iwasiwas sa tagalinis ang kutsilyo sa loob ng palingkurang panlalaki ng Mui Wo Recreational Center noong May 13 sa siklab ng  galit dalawang oras matapos sigawan siya nito, habang nasa labas silang pareho.

Si Bompat, ika nya, ay walang trabaho at nakikitulog lang sa tabi tabi sa Mui Wo. Lagi siyang sinisigawan ng tagalinis at pinagsasabihan ng masama, dagdag ng abogado.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa pag-overstay naman ni Bompat, sinabi ng abogado na tumagal ang kanyang paglabag sa kundisyon ng kanyang paglalagi sa Hong Kong, dahil hindi niya alam ang gagawin upang maayos siyang makaalis.

Nang tanungin ni Magistrate Heung kung ano ang natapos nito, sinabi niyang nakatuntong siya sa kolehiyo.

PINDUTIN PARA SA DETALY

Dumating sa Hong Kong si Bompat bilang domestic helper noong 2015 pero naterminate noong 2017.

Humingi siya ng 14 na araw na pagpapahaba ng kanyang visa, pero hindi na siya sumipot sa Immigration mula noon.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Nabisto lang siyang overstaying noong nakaraang Mayo nang maaresto sa tangkang pananakit.

Binanggit din ng abogado ang paghingi ni Bompat ng tawad sa lalaking inambaan niya ng saksak.

BASAHIN ANG DETALYE

Pero ang paghingi nito ng mas magaang na parusa ay isinantabi ni Heung, na nagsabing mabigat ang kasalanan ni Bompat at ang pag-amin lang niya ang tanging nakatulong na mapagaan ang parusa niya

Sa tangkang panunugat, sinimulan niya ang parusa sa anim na buwang kulong, na nabawasan ng 1/3 kaya naging apat na buwan.

Nagsimula naman ang parusa niya sa overstaying sa 33 linggo, na  binawasan ng 1/3 kaya naging 22 linggong kulong.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Akusado sa pagpatay ng GF, lilitisin sa High Court

Posted on No comments

 

Sa gusaiing ito sa Stone Nullah Lane in Wan Chai naganap umano ang krimen

Itinaggi ng isang Pilipino sa Eastern Court kanina ang kasong murder sa pagkanatay ng kanyang girlfriend  noong January 2022,, na nagbigay-daan sa pag-akyat ang kanyang kaso sa High Court upang doon litisin.

Iniutos ni Principal Magistrate Ivy Chui na iakyat ang kaso dahil lampas sa kapangyarihan ng Magistracy ang paglilitis ng murder.

Si Bernie Valencia, 42 taong gulang at isang domestic helper na driver, ay unang kinasuhan ng pananakit dahil sa pagbugbog sa ka live-in niyang si Ivy Quiabang, 37 taong gulang, noong Dec. 22, 2021.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
PINDUTIN PARA SA DETALYE


Pero noong namatay si Quiabang noong Jan. 2, 2022, binago ang kayang kaso at naging murder 

Ayon sa unang report ng pulis, binugbog ni Valencie si Quiabang sa tinitirhan nila sa 82 Nullah Lane sa Wanchai noong Dec. 22, 2021, pero kinabukasan pa itinawag sa emergency number 999 ang nangyari sa kanya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
PINDUTIN PARA SA DETALY

Nakita ng mga pulis na rumesponde na wala nang malay si Quiabang at may mga sugat sa mukha.

Siya ay dinala sa Ruttonjee Hospital para sa paunang lunas, pero inilipat sa Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital para sa operasyon sa pagdurugo sa utak.

Doon na siya namatay.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS
BASAHIN ANG DETALYE

Ayon sa record ng Overseas Workers Welfare Administration, si Quiabang ay isang single mother na may dalawang anak sa Isabela.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss