Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Paalala ng Konsulado, may parusa sa nagsasangla ng pasaporte

Posted on 20 August 2023 No comments

 

Consul Saret: “Gusto natin silang turuan ng leksyon.” 

Inulit ng Konsulado kanina ang payo na huwag isangla ang passport dahil ito ay labag sa batas at may karampatang parusa.

“Ang inyong passport ay pag-aari ng Republika ng Pilipinas,” paliwanag ni Consul Paul Saret sa Iwas Utang, Iwas Scam seminar ng The SUN at Kasambuhay Foundation, na ginawa sa Konsulado para sa mga lider ng Filipino community. “Paano ninyo maisasangla ang hindi inyo?”

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Sinabi ni Consul Saret na sa unang beses na mahuli ang mga nagsangla ng kanilang passport, ang ipapalit na passport ay may bisang limang taon lamang, imbes na karaniwang 10 taon.

Ibibigay lang ang bagong passport kapalit ng pangakong hindi na nila ito isasangla.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Kaso, base sa aming experience, naisangla na , naibalik na, tapos pagbalik sa amin, nakasanla ulit,” dagdag ni Consul Saret.

Ang parusa sa ganito ay hindi na sila bibigyan ng passport sa Hong Kong. Kung magkaroon sila ng emergency at kinailangan nilang umuwi sa Pilipinas, bibigyan lang sila ng one-way travel document.

Pindutin para sa detalye

“Gusto natin silang turuan ng leksyon,” ika niya.

Kaya upang makabalik sila sa Hong Kong, kailangan nilang magpunta  sa opisina ng Director of Passports ng Department of Foreign Affairs sa Manila, at doon magpaliwanag kung dapat silang bigyan ulit ng passport. Kung minsan,  pinapasa pa sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dahil dito, malamang hindi umabot ang bagong passport sa kanilang nakatakdang lipad pabalik – kung makumbinsi nila ang DFA na karapat-dapat nga sila.

Ang pagkabigo nilang bumalik sa trabaho sa takdang araw ay baka maging sanhi ng kanilang termination.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang panuntunang ito ay ipinatutupad noon pang 2018, aniya.

Sa taong iyon, ay ni-raid ng pulis ang isang loanshark at nasamsam sa kanya ang 800 na nakasanglang passport, na karamihan ay Pilipino at Indonesian.

BASAHIN ANG DETALYE

“Dahil dito, humingi kami ng guidelines mula sa DFA, at ito ang tugon namin sa mga hindi nadadala,” dagdag ni Saret.

Ang tungkol sa pagsasangla ng pasaporte ay isa lamang sa mga mahahalagang usapin na tinalakay sa seminar, na dinaluhan ng 30 lider mula sa 17 malalaking organisasyon ng mga migranteng manggagawa sa Hong Kong, kabilang ang United Filipinos in Hong Kong, Domestic Workers Corner, Social Justice for Migrant Workers, Federation of Luzon Active Groups, Philippine Alliance, UMELA HK, Guhit Kulay at Philippine Association of Hong Kong.



https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Among nanakal sa Pilipina sa kumalat na video, arestado

Posted on 19 August 2023 No comments

 

Kuhang kuha sa video ang pananakal sa Pilipina ng amo

Kinumpirma ng mga pulis na inaresto nila kagabi ang isang employer na nakita sa isang Facebook live feed na sinakal nang ilang beses ang kanyang Pilipinang domestic helper sa labas ng kanilang bahay sa Lai Chi Kok.

Ang mismong helper na si April Jane V. Dadula ang nag video ng kanilang pag-aaway sa kanyang Facebook page. https://www.facebook.com/watch/live/?ref=watch_permalink&v=852196799953702

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon sa pulis, nakatanggap sila ng tawag bandang 9:40pm nitong Biyernes ng gabi tungkol sa kaguluhan sa tapat ng isang gusali sa Sham Mong Road, distrito ng Cheung Sha Wan.

Inaresto daw nila ang isang 46 taong gulang na babae dahil nakita nila sa video na sinaktan nito ang 26 taong gulang na domestic helper niya dahil nagalit nang vini video siya nito.

Pindutin para sa detalye

Dinala nila ang amo sa presinto at patuloy na iniimbestigahan sa kasong “common assault”, samantalang ang biktima ay dinala sa ospital.

Sa kanyang live video, ilang beses na nanawagan si Dadula sa mga nanonood na tumawag ng pulis, pero ang kanyang paghingi ng tulong ay diniretsa kay Pangulong Bongbong Marcos at Senador Raffy Tulfo, na pinuno ng Committee on Overseas Workers Affairs sa Senado.

Pindutin para sa detalye

Marami naman sa mga nag komento ang nagsabi na tigilan na niya ang pagvi video at tumawag na lang ng pulis.

Ganito din ang sinabi ni Assistant Labor Attache Antonio Villafuerte nang tanungin tungkol sa video. “Dapat po tawag siya agad ng pulis to witness it.”

Dagdag ni Villafuerte, agad silang nagpadala ng mensahe sa Facebook kay Dadula pero hindi daw sila sinasagot nito.

Ang employer habang palabas ng gusali kung saan sila nakatira

Ayon naman kay Dadula, ang dahilan ng kanyang pagla live video ay para ipakita na walang lamang nakaw ang kanyang mga gamit na nilabas niya mula sa bahay ng amo matapos siyang magbigay ng pasabi na aalis na siya. Natatakot daw kasi siya na lagyan ng amo ng ibang gamit ang kanyang mga bag at palabasin na nagnakaw siya.

Dahil hindi nagustuhan ng amo ang kanyang pag vi video,  ay pinagsisigawan siya nito at ilang beses na inipit ang leeg ng Pilipina sa kanyang mga braso. Matapos ito ay sumigaw ang amo nang pagkalakas-lakas, at inuntog ang katawan sa isang metal na haligi.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Maririnig ang ilang mga tao sa paligid na kinakausap ang Pilipina nang mahinahon, at sinasabing kumalma siya. Base sa sinabi ng mga pulis, ang mga kapitbahay nila ang tumawag para humingi ng saklolo.

May 3 beses na inipit ng amo ang leeg ni Dadula sa kanyang mga kamay

Natapos ang video sa pag-aayos ng mga gamit ni Dadula, na nakuha pang ngumiti nang ipakita sa camera ang tatak ng isang pares ng kanyang sapatos.

Kaninang umaga ay muling nag post sa kanyang Facebook page si Dadula at ikinuwento na hinuli na ang kanyang amo at dinala naman sya sa ospital bago siya tumuloy sa isang boarding house.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Kuwento niya, tatlong linggo pa lang siya sa mag-asawang amo, na Haponesa ang babae at Intsik ang lalaki. Madalas daw manigaw ang babae lalo na kapag nakakainom ito sa gabi.

Lahad pa ni Dadula, lumipat nang biglaan ang dati niyang amo sa China, kaya agad-agad siyang pumirma ng kontrata sa mga bagong amo kahit hindi siya palagay sa mga ito sa umpisa pa lang.

BASAHIN ANG DETALYE

Katulad ng kanyang pangamba ay hindi na naging maayos ang kanilang samahan dahil lagi daw siyang hina-harass ng among babae at sinasabihan ng “Don’t steal anything from me.” Dahil dito ay natakot siyang baka tamnan ng gamit ng amo ang kanyang mga bag pagkatapos niyang magpaalam na aalis na lang.

Uuwi na lang daw siya, sabi ni Dadula, para mapahinga ang kanyang isip

Dahil sa nangyari ay nagpasya daw siyang umuwi na lang sa Pilipinas para maisaayos ang kanyang mental health. 

Sa isang hiwalay na post ay nagpasalamat naman siya sa mga nagpaabot sa kanya ng tulong pinansiyal, Inilagay din niya ang kanyang Alipay QR code para sa ibang gustong tumulong din.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Pinay na may breast cancer, kulong ng halos 18 taon dahil sa droga

Posted on No comments

 

Ang shabu ay nakapaloob sa mga gomang tubo na ito (Customs photo)

Apat na buwan matapos siyang makitaan ng breast cancer ay naaresto si Nellie A. Pangosban, 36 taong gulang at “recognizance holder” o asylum seeker, matapos tumanggap ng isang pakete na may lamang halos 5 kilo ng “ice” o shabu sa isang carpark sa Yuen Long noong May 20, 2021.

Matapos ang mahabang imbestigasyon ay inamin ni Pangosban, isang dating domestic helper, ang hablang pagtatangka na mag traffic o magpasa ng droga, at nasentensyahan siya ng 17 taon at 10 buwan sa kulungan dahil dito noong August 1ng kasalukuyang taon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon kay Judge Douglas Yau, binawasan na niya ng 1/3 ang dapat  sanang sentensya ng Pilipina na 26 taon at 10 buwan dahil sa kanyang ginawang pag-amin. Pero dahil gumawa siya ng krimen habang pinipigilan nya ang pagpapauwi sa kanya, kailangan niyang patungan ang sentensya ng anim na buwan, na siyag pinakamaiksi na pinapayagan sa ilalim ng batas.

Hindi naman daw niya pwedeng bawasan pa ang sentensya dahil may breast cancer ang akusado dahil hindi ito pinapayagan ng batas.

Pindutin para sa detalye

“Accordingly it is now well established that except in the rarest cases, a prisoner's medical condition is not a matter to which this Court will have regard for mitigation of a proper sentence, though it may well be a matter for the Executive if brought to their attention and deserving of consideration,” sabi ng korte.

“Plainly, therefore, there is nothing before us that would warrant the intervention of this Court, whatever view the Executive may take if it comes to that.”

Pindutin para sa detalye

(Matagal nang sinusunod ang patakaran na maliban sa mga piling kaso, ang kundisyon ng kalusugan ng isang akusado ay hindi nagbibigay-dahilan sa korte na babaan ang kanyang sentensya, liban na lang kung ang Executive ang magsasabi na maari itong ikunsidera.

Pero maliwanag sa kasong ito na walang kahit anong dahilan para baguhin ng korte ang patakaran, o kung ano man ang maging opinion ng Executive, sakali mang makarating doon ang kaso).

Dagdag pa ng hukom, walang pinagkaiba ang aktwal na drug trafficking at “attempted drug trafficking. Ang pinakamataas na parusa na maaring ipataw sa krimeng ito ay habambuhay na pagkakakulong at multa ng $5million.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero pagdating sa ice o shabu, ang nirerekomendang sentensya ay pagkakabilanggo ng 26 taon at 10 buwan.

Nahuli ang Pilipina sa carpark sa tapat ng palikuran ng Ng Ka Tsuen sa Kam Sheung Road, Yuen Long nang tanggapin niya ang pakete na nakapangalan sa isang “Kenneth,” at sinabing ipinagkatiwala sa kanya ang pagtanggap nito.

Lingid sa kanyang kaalaman ay nasabat na ng Customs and Excise Department ang kargamento mula sa Thailand. Nang buksan nila ito ay nakita ang 4,960 gramo ng halos purong shabu na nakatago sa limang rolyo ng gomang tubo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang ginawa ng mga taga customs ay pinalitan ng asukal ang loob ng mga tubo, bago inempake muli ito at dinala sa nakalagay na delivery address na No. 18 Ng Ka Tsuen.

Pagdating doon ay sinalubong sila ng akusado at sinabing siya ang tatanggap para kay “Kenneth”, at nagpakita ng Canadian passport sa pangalan nito. Agad namang tinawagan ng mg taga Customs ang manager ng kumpanya na nag deliver ng kargamento, at sinabi nitong may iba nga daw tatanggap nito, at binigay ang pangalan ni Pangosban.

Nang hilingin nila sa Pilipina na magpakita ng katibayan na siya nga si Pangosban ay naglabas ito kanyang “recognizance document” na nagpapatunay na isa siyang asylum seeker. Doon na siya inaresto.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sa sumunod na pang-iimbestiga ay sinabi ng Pilipina na ang pakete ay para sa isang kaibigan na dapat ay tatawag sa kanya matapos niyang makolekta ito. Hindi daw niya alam ang pangalan ng kaibigang ito, pero alam niya kung paano tawagan. Wala daw siyang tinanggap na pabuya mula dito.

Pero nang hilingin sa kanya ng mga ahente ng customs na magpanggap siyang nakalusot ang kargamento para mahuli ang sino mang tatanggap nito mula sa kanya ay tumanggi sya.

Sa sumunod na video interview sa kanya ng mga awtoridad ay sinabi niya na nakatanggap siya ng alok trabaho mula kay “My Friend” na kaibigan daw ng dati nyang boyfriend. Nakilala niya daw nya ito noong September 2020 pero hindi niya alam ang tunay na pangalan. Basta lalaki daw ito at tinatawag na “Ip-Gu” ng mga kilala nya.

BASAHIN ANG DETALYE

Pagkatapos nito ay tinanggap na niya ang sakdal na pagtatangka na magpasa ng mga droga.

Sa korte ay sinabi ng kanyang abugado na si Pangosban ay may dalawang anak na babae, edad 12 at 14, na parehong inaalagaan ng kanyang nakababatang kapatid. Dati siyang domestic helper na natanggal sa trabaho noong 2019.

Noong January 2021 ay nakitaan ng breast cancer ang akusado, pero dahil sa maagap na paggagamot ay “in remission” na siya ngayon, o hindi na makitaan ng nakamamatay na sakit.

Tinangka ng kanyang abugado na pababain ang sentensya ni Pangosban sa pagsasabing malapit na itong mag 50 bago makalabas sa kulungan, at baka din daw bumalik ang kanyang cancer, pero hindi ito binigyang halaga ng hukom.

Kahit pa daw hindi ang Pilipina mismo ang umangkat ng droga ay malala pa din ang kanyang naging partisipasyon sa tangkang pamamahagi nito.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Pilipina, kulong ng 25 taon dahil nahulihan ng 3.5 kilong droga

Posted on 18 August 2023 No comments
Ang mga drugs sa pakete na ipinadala kay Montano (larawan ng Customs)

Isang Pilipina ang ipinakulong ng 25 taon sa salang drug trafficking matapos magamit ang kanyang pangalan at tirahan sa Sham Shui Po, Kowloon, bilang bagsakan ng padalang mula sa China na may lamang 2.97 kilo ng shabu o methamphetamine hydrochloride at 418 gramo ng ketamine.

Si Alma Montano, 38 taong gulang, may asawa at isang domestic helper, ay nahatulang nagkasala ng 12 hurado sa High Court matapos ang paglilitis noong June 7-30. Pinatawan siya ng parusa ni Deputy High Court Judge Douglas Yau noong July 12.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Kasama niyang nahatulan ang Nigerian na si Ifeanyi Nwokeji, 50 taong gulang na asylum seeker, na nasentensiyahan naman ng 26 taong pagkakulong.

Ayon kay Judge Yau, pinarusahan silang dalawa bilang courier, o tagadala, dahil maliban sa alam nilang may lamang droga ang padala, hindi sila naisangkot sa pag-angkat at planong pagbebenta ng droga sakaling lumusot ito sa mga awtoridad.

Pindutin para sa detalye

Nagsimula ang kaso nang mapansin ng mga Customs officer sa Lok Ma Chau border crossing ang isang kahina-hinalang parcel na dala ng isang truck ng UPS na papasok ng Hong Kong. Ang padala ay nakapangalan at naka-address kay Montano.

Nalaman nila pagkatapos na ang kahon ay naglalaman ng halos tatlong kilo ng shabu, at kalahating kilo ng metamphetamine.

Ilang Customs officers ang nagpanggap na taga-deliver ng UPS at dinala ang parcel kay Montano sa address na nakalagay sa pakete, na Flat A, 2/F, Yan Yip Building, Sham Shui Po.

Pindutin para sa detalye

Matapos niyang ilagay ang parcel sa dalang "red-white-blue bag" (tawag ng mga Nigerian sa bag na ito) at pirmahan ang resibong nagsasabi na natanggap niya ito, inaresto si Montano at dinala sa loob ng gusali.

Nang tanungin kung ano ang laman ng padala, sumagot siya na hindi niya alam. Nang tanungin kung sino ang may-ari nito, sinabi niyang taga-tanggap lang siya nito para sa isang kaibigan. Nang tanungin kung sino ito, sinabi niya na kilala niya lang ito bilang “Baby Loves” at hindi niya alam ang tunay nitong pangalan.

Pagkatapos ng 10 minuto, pumayag si Montano na makipagtulungan sa mga Customs officer na mahuli si Baby Loves.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nakipag-text si Montano dito upang maipasa ang parcel sa kanya. Nagkasundo silang magkita sa kasunod na kanto.

Nang dumating si Nwokeji at makuha ang parcel na nakapaloob sa red-white-blue bag, siya naman ang hinuli ng mga ahente ng Customs. Nagtangka pa siyang lumaban, pero kumalma nang malamang inaaresto siya ng mga taga-Customs.

Sa dami ng drogang sangkot sa kaso, ayon kay Judge Yau, ang angkop na parusa ay nagsisimula sa 25 taon.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Nadagdagan ng anim na buwan ang parusa sa dalawa dahil dalawang klase ng droga ang nakita sa kanila.

Pero dahil tumulong si Montano sa paghuli kay Nwokeji, binawasan ang kanyang parusa ng anim na buwan kaya balik sa 25 taon ang sentensiya niya.

BASAHIN ANG DETALYE

Ang Nigerian naman ay nabawasan ng tatlong buwan dahil sa kooperasyon niya sa mga humuli sa kanya.

Pero dahil may siyam na buwang idinagdag din sa kanya dahil siya ay nagtataglay ng Recognizance Form 8 bilang asylum seeker, naging 26 taon ang suma ng kanyang sentensiya. 

Hindi na dinagdagan pa ng hukom ang sentensya kahit may dati na itong record dahil sa pag-overstay at pananakit, dahil wala naman daw koneksyon ang mga ito sa droga.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

Amount lost in student visa ‘scam’ rises to P1.75M as 2 more complaints recorded

Posted on No comments

 

Mabatid's Facebook post promising a Canadian visa in 3 months

Two more overseas Filipino workers in Hong Kong have filed complaints with the Philippine Consulate about the alleged deceit committed against them by a group of tourists and a fellow OFW which made them pay $18,731 each for fake student visas to Canada.

The new complaints brought the total amount being claimed against former Cebu City Councillor Prisca Nina Mabatid, her partner Russ Mark Gamallo, OFW and blogger Bryan Apostol Calagui and other unknown people linked to the alleged scam to almost P1.75 million.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Another applicant from La Union is said to be still considering filing her own complaint, as she also paid $18,731 to Mabatid’s group, but never got close to getting the assistance promised her in securing a student visa to Canada.

If she does step forward, she will be the 15th OFW to pursue a claim against the alleged fraudster, with the amount involved nearing HK$261,000 or about P1.9 million at current exchange rate.

Pindutin para sa detalye

The first 12 complainants managed to submit their sworn affidavits to lawyers from the Department of Migrant Workers who came to Hong Kong last weekend to personally interview them, and gather their evidence, which included video recordings of the alleged illegal recruitment.

There could be more, as no less than 20 Filipinos were seen queuing up to pay the “promotional” processing fee announced by Mabatid in her recruitment at Sunbeam Theater in North Point on Feb. 19, 2023.

As with the previous complainants, the two OFWs who are friends, said they heard about the “orientation” seminar by the group called PinoyCare Visa Center/Opportunities Abroad Visa Processing Services from Calagui’s posts on his Facebook page.

Pindutin para sa detalye

“I first learned of their recruitment activity from a Facebook post of Calagui in early to mid-February 2021, in which he said the PCVC/OAVPS led by Nina Mabatid and endorsed by popular figures in the Philippines would come to Hong Kong to conduct an orientation seminar about getting into Canada on a student visa,” said one of the complainants.

The two decided to attend the event together, and were so taken in by the promises made by Mabatid and her team that they rushed to borrow money from a financing company so they could take up the recruiters’ ‘promotional’ offer of a $18,000 fee if they paid in cash within three days.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The following month, they remitted a further P5,000 (or about $731) to OAVPS’ bank account in the Philippines in accordance with the recruiters’ instruction, which was supposed to cover their “LCIC fee”.

Unlike the previous complainants who paid the fees at Sunbeam and at a park in Admiralty, the two went to Park Hotel in Tsim Sha Tsui on February 21, 2023 to pay $18,000 each to an unknown member of Mabatid’s group, who issued them a receipt in the name of OAVPS.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Both complainants said they were enticed by the promise that it would only take three months to get their visas issued, that they could bring their immediately family members with them, and that they would be going to Canada not as students, but as participants in a “study and work program” which would allow them to work five days a week, and study for only two days.

Mabatid also assured them that they need not worry about the money for their food and accommodation, as the previous OAPVS applicants who are already in Canada would take them in.

To top it all, she promised to lend them P1million each at no interest, so they could prove their financial capacity to Canadian authorities.

Mabatid's staff counts the money paid for what applicants now call a 'scam'

But reality set in after they paid the money asked by the recruiters. First, they were made to sign an agreement stipulating that they could not ask for a refund if they fail to secure the student visa promised them. Then, they were sent a long list of requirements that they must fulfill before they could move to the next stage of the application.

Neither applicant managed to get to send any of the requirements as they were busy with their respective jobs in Hong Kong and most of the documents being sought could only be obtained from various institutions in the Philippines.

BASAHIN ANG DETALYE

Both tried to back out, but when they asked the OAVPS staff assigned to them if they could do so, they were reminded of the no-refund agreement.

One of the applicants asked her 28-year-old son to take her place as applicant, but he immediately said there was no way he could complete the requirements, and that he might even get mad getting them all sorted out.

She then passed on her place to a friend, who immediately said yes but has so far made no effort to kick-start the application.

Despite the setbacks and not getting any help from the recruiters, the two OFWs remained hopeful they could still pursue their dream of going to Canada. 

But last June, they read the news about a number of complainants who had gone to the police in Hong Kong and the Consulate, to claim they have been scammed by Mabatid, Gamallo, Calagui and the other members of their group, and this made them re-think.

Mabatid and her staff (in black) confront complainants in North Point in June

One of them said that when the news first broke out, she received a surprise call from Mabatid, who inquired whether she intended to pursue her application. When the applicant asked about the allegations of fraud against her, Mabatid told her not to believe this, and should just continue completing the requirements.

That was the last time she heard from the Cebu-based businesswoman, who never replied even after she sent her numerous text messages to inquire about her application.

Both now say they realize they have been duped. They are asking for their money back but would also like the culprits punished, even as they struggle to repay the loan they took in haste, in hopes of finding a rosier future after Hong Kong.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS
Don't Miss