Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Pilipina abswelto sa kasong pagnanakaw

01 June 2023

 


Isang Pilipina ang napawalang-sala sa West Kowloon Court kahapon, May 31, matapos litisin sa kasong pagnanakaw ng mga alahas sa kanyang among taga-Tsuen Wan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
PAPAANO SUMALI? PINDUTIN ITO!

Nabunutan ng tinik si Rovil Deaso, 42 taong gulang, nang basahin ni Magistrate Andrew Mok ang kanyang desisyon sa kaso kung saan inakusahan siyang nagnakaw ng dalawang gintong palawit sa kuwintas na nakasilid sa isang supot na pang-alahas.

Magkano? Pindutin ito!
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Nagkakahalaga umano ang mga alahas ng $4,000.

Hindi pinaniwalaan ni Magistrate Mok ang akusasyon ng amo ni Deaso na si Siu Yee Kwan, na taga Parc City, Tsuen Wan, na ninakaw niya ang alahas noong Oct. 30, 2022 sa kanyang bahay.

BASAHIN DITO

Hindi sapat ang testimonya at ebidensyang inihain ng taga-usig upang patunayan na lumabag si Deaso sa Theft Ordinance, na nagtatakda ng parusang aabot sa hanggang sampung taon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
Don't Miss