Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Nagmalupit sa alagang kuneho, pinagsilbi ng libre sa komunidad

Posted on 22 August 2023 No comments
Nakitang may mga sugat ang kuneho at bali ang isang paa (File photo)

Inutusang magbigay ng libreng serbisyo sa komunidad ang isang Pilipina kanina, bilang parusa matapos siyang mahatulan na nagkasala ng pagmamalupit sa hayop nang dalawang beses, dahil sa sugat at bali sa buto sa isang paa na tinamo ng kanyang alagang kuneho.

Sinabi ni Magistrate Tsang Hing-tung ng West Kowloon Courts na mas makabubuting magbigay si Aeprille Anne Esplana, 28 at isang waitress/bartender, ng 80 oras sa Community Service Orders (CSO) Scheme ng Social Welfare Department.`

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Pindutin para sa detalye

Nauna rito, nahatulang "guilty" si Esplana sa dalawang kaso ng pagmamalalupit sa hayop, na labag sa section 3(1) (g) ng Prevention of Cruelty to Animals Ordinance. Nangyari ito matapos ang dalawang araw na paglilitis sa kaso noong August 8 at 9.

Ang pagmamalupit sa hayop ay nangyari noong Aug. 16, 2022 sa inuupahang bahay ni Esplana sa Kwai Chung, New Territories.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Kinasuhan siya ng pulis matapos makita ang kalagayan ng kuneho sa hawla nitong butas ang sahig. 

Matapos masagip ang kuneho ay kinupkop ito ng isang NGO (non-government organization) upang gamutin at alagaan.

BASAHIN ANG DETALYE

Tig-80 oras sana (o kabuuang 160 oras) ang parusa kay Esplana sa dalawang kaso, pero inutos ni Magistrate Tsang na sabay niya itong pagsilbihan.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Job fair para sa mga ethnic minorities, binuksan

Posted on No comments

 

Ang poster para sa 'job fair' na magpapatuloy bukas, Aug 23

Isang libreng "job fair" para sa mga ethnic minorities o mga residente na hindi Intsik ang lahi, ang binuksan ng Labour Department kanina sa MacPherson Stadium sa Mong Kok.

Ang pasinaya, kung saan 43 kumpanya ang lumahok para mag-alok ng trabaho sa mga kwalipikadong aplikante, lalo na ang mga EMs, ay tatagal hanggang bukas. Bukas ito mula 11am hanggang 5:30pm.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Kasali din ang mga kinatawan ng HK Police at Correctional Services Department para paliwanagan ang mga interesado, kung paano makakapasok bilang pulis o bantay sa mga preso na pinapatakbo ng CSD.

Ayon sa Commissioner for Labour na si May Chan, tumaas ng mahigit 53% ang bilang ng mga EM sa Hong Kong, na 300,000 na ang dami ngayon. Hindi kabilang dito ang mga foreign domestic helper na mahigit pa rito ang bilang.

Pindutin para sa detalye

Dahil sa dami ng mga local na residente na umaalis sa Hong Kong ngayon ay binaling ng Labour Department ang pag-aalok ng trabaho sa mga EM, sa pamamagitan ng Racial Employment Programme.

Sa tulong ng mga non-government organizations o NGO ay may 810 EMs na ang sumali sa programang ito simula noong Nobyembre ng 2020, 483 sa kanila ang tagumpay na nakahanap, o nakalipat ng trabaho.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sabi ng isang kawani ng CSD, inaasahan nilang dadami pa ang mga EM na sasali sa job fair sa taong ito. Malaking tulong daw sila para mapanatili ang katiwasayan sa mga kulungan dahil nababawasan ang sigalot sa pagitan ng mga bantay at mga EM na preso.

Ang mga kukuning EM ay tatratuhin daw na katulad ng mga local na Instik. Kailangan nilang ipasa ang pagsusulit para sa English at Chinese sa HKDSE, na kailangang kunin ng mga nagtapos ng high school para makapasok sa kolehiyo.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pero dahil alam nila na medyo mahihirapan ang mga EM sa pagsusulit sa Intsik ay maaring tanggapin din ng CSD ang gradong nakuha nila sa GCE at IB, na hindi nangangailangan ng parehong antas ng husay sa lenggwahe katulad ng sa DSE.

Ang mga dadalo ay aalalayan ng mga tagasalin ng lenggwahe o interpreter kung kinakailangan, para mas maintindihan nila ang mga inaalok na trabaho sa pasinaya.

BASAHIN ANG DETALYE

May magbabahagi din ng impormasyon tungkol sa mga libreng pagsasanay para sa mga alok na trabaho.

Ang mga may tanong ay maaring tumawag sa tel no 2153 3985. 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

MAY FREE INTERNET KA PAG NAG REFER KA SA SMARTONE !

Posted on No comments

 


Gusto mo magka FREE data? Madali lang yan! Sumali ka sa Member Get Member Program ng Barkadahan.

Ang bagong MGM ng SmarTone ngayon ay mas pinaganda at pinabilis makuha ang referral bonus. Kapag nag refer ka ng 1 na mag SmarTone, may $10 Data Bonus ka. At kung maka refer ka ng 9, may $90 Data Bonus ka na pwede ng pangbayad ng 1 month internet ($88 Data Plan)!

Eto pa! Yung ni-refer mo na mag SmarTone, may $10 Data Bonus din siya.

Ang mga data bonus na makukuha niyo ay papasok agad sa SIM card ninyo ng sunod na araw o kinabukasan.

Paano ba makasali? Madali lang!

Dapat ikaw muna ay isang Barkadahan sa SmarTone user para maka refer gamit ang My SIM Account app at kunin iyong Referral ID code.

Para makuha ang code, i-open ang app at i-tap ang MGM purple colored square icon ng Member Get Member program > tap ang Mag-Refer Friends Get $10 > tap > Your Referral ID. i-Copy ang iyong Referral ID at i-share sa iyong mga friends para lumipat o bumili ng bagong SIM ng Barkadahan.

Ang mga bago mong na-refer ay meron din reward na $10 Data Bonus. Para makuha ito, dapat i-enter ang iyong Referral ID code sa app nila. Paano? i-Tap MGM purple colored square icon ng Member Get Member program > tap > Get $10 Para sa Ni-Refer > i-enter Referral ID code.

Dapat ipasok ang code sa loob ng 7 days mula sa pag activate ng SIM ng iyong ni-refer.

Para naman mag-qualify ang nag-refer sa $10 data bonus, dapat meron siyang active o naka subscribe sa data plan. Pag hindi, walang papasok na bonus. Walang limit sa pag refer kaya walang limit din magka bonus.

Sa MY SIM Account app mo rin malalaman kung ano ang status ng iyong mga ni-refer at data bonus. Dito rin malalaman iyong mga Spoints at ano ang iyong mga Free gifts. Para sa ibang detalye ng MGM Offer, tap here

http://www.barkadahansasmartone.com/service-site/BSS/view/english/MGM.html

Latest leaflets tap https://bit.ly/2Uy81zi .

Mas bongga talaga sa Barkadahan, pramis!
Kaya kung hindi ka pa Barkadahan, mag Barkadahan na!

DMW Secretary Susan Ople passes on at age 61

Posted on No comments

 

Secretary Toots passed on at about 1pm today (PTV photo)

Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople passed on at age 61 earlier today, after  a long bout with cancer.

The news was confirmed by the Department of Migrant Workers as well as her family members.

The DMW’s statement read:

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

It is with great sadness that the Department of Migrant Workers announces the passing of our dearest Secretary Susan “Toots” Ople.

Secretary Toots peacefully joined our Creator at around 1PM today, August 22, 2023 surrounded by her family and loved ones.

Pindutin para sa detalye

We shall be releasing more details soon. For the meantime, we ask for prayers for the eternal repose of the soul of our dear Sec. Toots.

We ask as well for prayers for the Ople family.”

Reports said Ople went on medical leave immediately after President Ferdinand Marcos, Jr's second State of the Nation Address (SONA) last month.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

But just before this, she was busy getting her officials to launch one of her dream projects,  the OFW Pass, which is meant to get rid of the overseas employment certificates,  one of the long-standing banes of Filipino migrant workers especially those in Hong Kong.

She also ordered the immediate investigation of an apparent student visa scam that victimized dozens of Filipinos, particularly those working abroad.

During her short stint as DMW Secretary, Ople also sought solutions to the non-payment of wages of OFWs in Saudi Arabia, negotiated for better working conditions for Filipino nurses and other medical workers in countries abroad, and looked into the possible criminal liability of Hong Kong employers who force their helpers to do dangerous window cleaning.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Her death was the third  tragedy to befall her family only in the past month, with two of her older brothers, Felix (Toti) and Blas Junior (Jun) also succumbing to cancer only days apart.

Ople in an online training for the OFW Pass while mourning the death of her brother Toti 

Before being appointed as Secretary of the newly created Department of Migrant Workers, Ople founded the Blas F. Ople Policy Center and Training Institute (Ople Center), a non-profit organization that addressed OFW concerns.

The center was named after her late father  who served as labor minister during the administration of President Ferdinand Marcos Jr.'s father, Ferdinand Sr.

BASAHIN ANG DETALYE

Ople earned her degrees from the University of Santo Tomas and the Harvard Kennedy School and was the first Filipino to sit in the Board of Trustees of the United Nations Trust Fund for Victims of Human Trafficking.

She was also named by the U.S. State Department as one of its human trafficking “heroes."

Ople ran for senator along with President Marcos, Jr in 2016 under the Nacionalista Party but failed to win a seat.

She is survived by her daughter, Estelle.

(MORE LATER)

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Konsulado, may hiling na isabatas na ang paglipat ng mga OFW sa Poland

Posted on 21 August 2023 No comments

 

Kabilang ang Poland sa destinasyon ng mga Pilipinong ito na sumali sa 'job fair' ng DMW

Ang mga Pilipinong nasa Hong Kong ay binibigyan ng employment visa ng Konsulado ng Poland kaya marami sa mga pumupunta doon ngayon ay talagang may trabaho nang naghihintay sa kanila.

Ito ay ayon kay Consul Paulo Saret, bilang tugon sa isang tanong sa katatapos na seminar na “Iwas Utang, Iwas Scam” na magkatuwang na itinaguyod ng The SUN Hong Kong, Kasambuhay Hong Kong Foundation at ng Konsulado.

Sabi ni Consul Saret, sinabi ito sa kanila mismo ng mga opisyal ng konsulado ng Poland sa Hong Kong sa isang pagpupulong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Tinanong kasi siya ni Rodelia Pedro ng Domestic Workers Corner kung may bansa daw ba pwedeng puntahan ng mga OFW sa Hong Kong na legal ang mga papeles. Nahihirapan daw kasi silang sumagot tuwing may nagtatanong kung anong ahensyang legal ang maaaring lapitan ng mga OFW na gustong lumipat sa ibang bansa para doon magtrabaho.

Paliwanag ni Consul Saret, pinagbabawal pa rin ng  Pilipinas ang mag “cross country” o lumipat ang isang OFW sa ibang bansa dahil sa posibilidad na mapahamak sila doon.

“What we have been saying, together with the DMW (Department of Migrant Workers), kapag yung mga vulnerable sector ng ating workforce, kailangan sana po ay i-process muna ng DMW ang kanilang mga papeles,” sabi ni Consul Saret.

Pindutin para sa detalye

“Wala pong third-country recruitment kasi po the government is just looking after your welfare. Kasi po pag napahamak na po (sila), kami ang tatakbuhan. So yun po ang pinakamaganda, para masiguradong mayroon tayong accountability.”

Dagdag pa niya, laging nasa huli ang pagsisisi pagdating sa mga migranteng Pilipino na napapahamak paglipat nila sa ibang bansa na hindi dumaan sa DMW ang kanilang mga papeles.

Sa kabila nito, hindi lingid sa maraming mga Pilipino sa Hong Kong na marami pa rin ang nangangahas na lumipat ng ibang bansa para magtrabaho. Bukod sa Poland, ang paboritong destinasyon  ng mga OFW na umaalis ng Hong Kong ngayon ay Finland, Netherlands, Czech Republic, Hungary at Norway sa Europe, at Dubai sa United Arab Emirates.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Karamihan sa kanila, lalo na ang pumupunta ng Dubai, ay mga na-terminate ang kontrata at ayaw  umuwi ng Pilipinas pagkatapos ng 14 na araw na pinapayagan silang manatili sa Hong Kong.

Pero mayroon ding nag-aayos ng papeles habang patuloy na nagtatrabaho sa Hong Kong. Paglabas ng kanilang visa sa ibang bansa ay agad silang nagbibitiw at nagbabayad na lang ng isang buwang sweldo kapalit ng pasabi, para makaalis agad.

Ang ilan naman ay bigla na lang nawawala, dahilan para mag-alala o magalit ang mga employer na walang kamalay-malay sa kanilang balak.

Sabi ni Consul Saret, nagbibigay na ng employment visa ang Poland sa mga OFW sa HK (File)

Para maiwasan ang mga ganitong pangyayari ay hindi daw binibigyan ng Konsulado ang mga OFW na planong lumipat ng ibang bansa ng sulat sa Hong Kong Police para makahingi sila ng “certificate of no criminal conviction.”

Kabilang ang sulat na ito na dapat manggaling sa Konsulado, sa listahan ng mga dapat isumite sa pulis ng mga nagbabalak lumipat ng Poland. Pati ang sagot ay sa Konsulado idadaan.

“Kaya hindi tayo nagbibigay ng no criminal conviction certificate doon po sa mga pumupnta ng Poland kasi precisely because yun ang policy ng ating government,” sabi ni Consul Saret.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

“To ensure the safety of our kababayan sana po dumaan tayo sa proseso,” payo pa niya.

Hindi naman daw gusto ng Konsulado na ipagkait sa mga OFW ang pagkakataon na makalipat ng bansa at magkaroon ng mas magandang kinabukasan.

“Pero mind you po, ang difference lang ng sweldo dito at sa Poland ay napakaliit. This we heard from the Polish Consulate mismo,” sabi ni Consul Saret.

BASAHIN ANG DETALYE

“Kaya sabi namin po, magdalawang isip tayo. Ang Poland ay napakalayo sa Pilipinas, ito napakalapit. Kung konti lang naman ang difference ng suweldo better stay here.”

Ang Poland ay ilang taon nang kumukuha ng mga manggagawa na nasa Pilipinas, at lahat sila ay kailangang dumaan sa DMW para madali silang matunton at matulungan sakaling magkaroon sila ng problema doon. Proteksyon din ito para hindi sila maharang ng mga opisyal ng Immigration sa araw ng kanilang pag-alis.

Pero dahil sa mahirap, magastos at matagal ang pag proseso ng mga papeles sa Pilipinas ay mas ginugusto ng ilan na pumunta muna sa Hong Kong at dito mag-aplay, kahit batay sa batas ng Pilipinas ay ilegal ang ginawa nilang paglipat ng ibang bansa.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Pilipina na nahuling nandukot sa lasing, kulong ng 8 buwan

Posted on No comments

 

Nakatulong sa kalasingan ang lalaki kaya siya nadukutan

Ipinakulong nang walong buwan ang isang bagong-terminate na domestic helper na Pilipina matapos siyang umamin na nandukot ng wallet ng isang lalaking nakatulog sa kalye sa Central  dahil sa kalasingan.

Hinuli ng isang pulis si A. Fernandez, 34 taong gulang, nang makita nito mismo na dinudukot ng Pilipina mula sa bulsa ng isang lasing ang itim na wallet nito na ang lamang pera ay HK$26.20 at 4.47 British pound.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Nangyari ang pandurukot madaling-araw kahapon (Aug. 20) sa Theater Lane sa Central, kung saan natutulog ang isang puting lalaki na nalasing noong nakaraang gabi sa Lan Kwai Fong, na nasa kasunod na kanto.

Bago siya pinatawan ng sentensiya ay tinanong ni Magistrate Minnie Wat ng Eastern Courts ang kanyang abogado kung naipaliwanag sa kanya kung gaano kabigat ang krimeng nagawa niya.

Pindutin para sa detalye

Nang sumagot ito ng oo, bumaling siya kay Fernandez at sinabing higit sa perang nakita sa wallet ay may laman itong mahahalagang dokumento gaya ng Hong Kong ID, ATM card, credit card at iba pa na maaaring mapasakamay ng mga masasamang loob.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Humiling ang abogado ni Fernandez na bigyan siya ng mas magaang na parusa dahil sa agad na pag-amin niya, na pinagsisihan niya ang nagawa, at wala namang nawala sa nadukutan dahil naibalik agad sa kanya ang wallet.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Idinagdag nito na nagtrabaho si Fernandez nang pitong taon sa Hong Kong bilang domestic helper na walang bahid ang record, at na-terminate lang noong Aug. 8. Nakatakda sana siyang umalis bukas pauwi ng Pilipinas sa pagtatapos ng 14 na araw na pwede siyang mamalagi sa Hong Kong.

Pero sinabi ni Magistrate Wat na maliban sa pag-amin, na agad nagbibigay sa kanya ng 1/3 discount sa sentensiya, wala na siyang nakikitang dahilan para bawasan pa ang parusa ni Fernandez.

BASAHIN ANG DETALYE

Kaya mula sa 12 buwang kulong, ibinaba niya ito sa walong buwan.

Nakulong si Fernandez bago matapos ang ikalawang araw mula nang siya ay maaresto.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Balik-ospital ang Pinay na nakitang wala sa sarili

Posted on 20 August 2023 No comments

 

Nakita si April ng kapwa Pinay na nakahiga sa hagdanan na ito malapit sa Western Harbour tunnel

Pagkatapos ng ilang oras na paghahanap  ay nakita na rin si April M. ng kanyang mga kaibigan nitong Linggo ng tanghali, na ibinalitang umalis ng walang paalam sa bahay ng kanyang amo sa Tsim Sha Tsui noong nakaraang gabi.

Sabi ng kanyang mga kaibigan ay ibinalik sa Queen Elizabeth Hospital si April, kung saan nauna na siyang na-discharge dahil nagkasakit, bago biglang nawala pagkatapos umuwi sa bahay ng kanyang amo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Nakita siya matapos i-post ang isang video sa Facebook page ng Social Justice for Migrant Workers na nagpapakita kay April na nakahiga sa tulay sa Yau Ma Tei papuntang West Harbour Crossing na gulong gulo ang buhok at mukhang hindi alam kung nasaan siya.

Ang kumuha ng video na si Shawn Dayao ay maririnig na tinatanong si April kung sino siya at taga saan siya. Sumagot naman ito na April ang pangalan niya at taga Nueva Ecija sya. Pero nung tanungin uli ni Dayao kung ano ang nangyari sa kanya ay tumayo ito at lumayo papunta sa elevator.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon pa kay Dayao, napansin niyang nangangatog ang mga kamay ni April at parang wala sa sarili. Sinundan daw niya ito hanggang sa ibaba ng tulay, kung saan patuloy itong naglakad na parang hindi alam ang patutunguhan, hanggang pumunta sa madilim na parte ng lugar.

Dahil may dala syang aso ay bumalik na daw si Dayao sa itaas ng tulay at nang huli niyang makita si April ay pabalik na rin daw ito. Dagdag niya sa isang hiwalay na komento, natakot daw siya dahil nakita niyang tumawid si April kahit pula pa ang ilaw sa tawiran.

Pindutin para sa detalye

“Sana po ay matulungan po sya na makauwi sa pamilya niya, kawawa naman si kabayan,” sabi pa ni Dayao.

Agad namang kumalat ang panawagan niya, at hindi nagtagal ay nakita ito ng mga kaibigan ni April na nagpursiging hanapin siya. Nang makita siya ay agad siyang pinakain, at kita sa mga litratong pinost  nila na gutom ito at halatang wala pa rin sa sarili.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Gabi pa lang ng Sabado ay ilang mga kaibigan ni April  ang nag-post na sa Facebook tungkol sa kanyang pagkawala. Itinuloy nila ang paghahanap at paghingi ng tulong matapos lumabas ang video ni Dayao kinabukasan.

Si April (gitna) kasama ng mga kaibigan na nagpursiging hanapin siya

Ayon kay Divina Apostol ng Social Justice, nakausap niya ang isang kaibigan ni April sinabi nito na pagkatapos lumabas ng ospital ng kaibigan bandang tanghali ng Sabado ay dumiretso ito bahay ng amo at pumasok sa banyo.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

“Pagdating niya sa loob ng bahay, akala ng mga kasama niya doon, pati ng amo nya, ay naliligo siya kasi nakalimutan niyang isara ang faucet. Ngayon, nung pumasok si employer sa banyo ay nakita nyang walang tao. Hinanap siya kasi lumabas pala,” sabi ni Apostol.

Matapos siyang makita ng mga kaibigan ay parang hindi na raw sumasagot si April nang maayos sa mga tanong at mukhang may problema, dagdag pa ni Apostol.

BASAHIN ANG DETALYE

Kabaligtaran ito sa mga public post ni April sa kanyang Facebook account kung saan makikita siyang masayahin,  magandang magbihis at madalas sa kasiyahan. Hindi kataka-taka na mag-alala ang mga kaibigan niya nang makita ang kalagayan niya ngayon kaya binalik siya sa ospital.

(Ang mga dumaranas ng depresyon o magulo ang pag-iisip ay maaring tumawag sa hotline ng Overseas Workers Welfare Administration, 6345 9324. O sa 24-hour emotional support hotline ng The Samaritan Befrienders Hong Kong, 2389 2222. Ang mga makakita naman ng isang tao na mukhang gulo ang pag-iisip at nangangailangan ng  tulong ay maaring tumawag sa mga pulis at iba pang rescue services sa  999)   

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss