Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipina kinasuhan ng sabwatan sa panloloko ng Immigration

Posted on 25 August 2023 No comments

 

Itutuloy ang pagdinig sa kaso sa Oct. 19

Isang sabwatan gamit ang pekeng kontrata sa paglinlang sa Immigration Department para mabigyan ng Domestic Helper visa ang isang Pilipina ang nabunyag sa Shatin Court kahapon (Aug. 24).

Humarap sa korte si Kathleen Vergara, 34 taong gulang, upang harapin ang akusasyon na nakipag-sabwatan siya sa isang Mariel Arante, na pumirma diumano sa pekeng kontrata bilang domestic helper at isang Chan Mei Jien bilang employer. Hindi kasama ang dalawa sa kasong ito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Pindutin para sa detalye

Si Vergara ay inakusahang nagpasok ng pekeng kontrata sa Immigration, na nagresulta ng pagbibigay ng visa kay Arante, kahit hindi dapat.

Ayon sa kaso, nilinlang niya ang Director ng Immigration at kanyang mga tauhan nang sabihin niya sa kanila noong Mayo 2021 na si Arante ay magtatrabaho bilang DH kay Chan.

Nang mabisto noong March 14 na hindi ito totoo, inaresto si Vergara ng Ngau Tau Kok Police.

Pindutin para sa detalye
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero dahil kailangan pa ng dagdag na imbestigasyon sa kaso at may mga lumilitaw pang mga bagong saksi, hiningi ng taga-usig ng dalawang buwang pagpapaliban sa pagdinig

Sumang-ayon dito si Acting Principal Magistrate Kei-hong Cheang at itinakda ang susunod na pagdinig sa Oct. 19.

Hiniling rin ng taga-usig na ituloy ang $2,000 na piyansa ni Vergara, pero may karagdagang kondisyon: na hindi siya makikipag-usap sa mga testigo, at magiging testigo sa kaso.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS
BASAHIN ANG DETALYE

Ang abogado naman ni Vergara ay nagreklamo na hindi kumpleto ang mga dokumento sa kaso na naibigay sa kanya.

Inutusan ni Magistrate Cheang ang taga-usig na bigyan siya ng kopya ng mga dokumentong pwede nang ipasa, pero nag-paalala ito na talagang matagal mabuo ang mga dokumento dahil patuloy pa rin ang imbestigasyon.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Child abuse cases up 30%

Posted on No comments

 

Police say there has been an 80% rise in cases of indecent assault of children

Police have reported more than 700 child abuse cases in the first half of the year, amounting to a nearly 30 percent increase compared with the same period last year.

Roughly half of them, or 359 cases, involved physical abuse. The rest, or 357 cases, related to sexual abuse.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

The increase was attributed to the resumption of normal activities after Covid-19 and also to a heightened  public awareness of the need to protect children.

“A lot of social activities resumed… And that's why more sexual abuses were reported. When [children] return to school or have their social life resumed, they will have more opportunities to encounter different kinds of people like their schoolmates or friends in different activities," senior superintendent Kong Wing-cheung said at Thursday’s press briefing.

Pindutin para sa detalye

Of the 359 cases involving physical abuse, nearly 75 percent of abusers were family members.

Kong said parents might not have intended to hurt their children but adopted wrong methods or failed to control themselves.

Some parents may have hurt their children unintentionally, say police (File photo)

"Parents and caregivers need to pay more attention to their own physical and emotional condition and to talk to other people when they encounter difficulties or seek professional assistance," he said.

As for the 357 sexual abuse cases, 75% were reportedly committed by friends, family members or by their lovers.

Pindutin para sa detalye

Of these cases, 246 involved indecent assault, a whopping 80% increase year-on-year.

The police believe this was largely due to the children’s easier access to social media, particularly through dating apps or online games.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

In these cases, the abusers asked the victims to share naked photos or moved to further assaults.

Kong said studies show that the young victims do not realize that the private images they showed to their online partners could be leaked elsewhere.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

This was what happened in the case of a 13-year-old boy who was sexually assaulted by a 26-year-old man he met on Twitter. The boy’s mother saw their chat record and reported to police.

Kong said the youngest victim of sexual assault is a 9-year-old girl.

BASAHIN ANG DETALYE

He asked parents and teachers to remind children to seek help if online friends start talking to them about sex, or engage in unusual behaviour.

In line with a new bill making it mandatory for teachers, social workers and medical personnel to report suspected child abuse, four additional officers will be deployed to child abuse units in every police district.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Pilipinang di sinipot ang kasong pagnanakaw, inutusang arestuhin

Posted on 24 August 2023 No comments

 

Nangyari daw ang pagnanakaw sa tindahan na ito ng Wellcome sa North Point

Isang 20 taong gulang na Pilipinang residente at walang trabaho ang inutusang arestuhin noong Martes matapos hindi siputin ang pagdinig ng kasong pagnanakaw na isinampa sa kanya sa Eastern Court.

Ilang beses tinawag ang pangalan ni M.J. Gabotero para harapin ang kaso laban sa kanya pero hindi siya nagpakita. Dahil dito ay inutos ni Mahistrado Winnie Mat ang pagpapalabas ng “warrant of arrest” o utos na arestuhin siya, para mapilitan siyang dumalo sa susunod na pagdinig ng kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pindutin para sa detalye

Si Gabotero ay kinasuhan ng pagtangay ng iba-ibang klase ng tinda mula sa Wellcome supermarket sa Two Chinachem Exchange Square sa North Point noong June 2, pero walang ibinigay na kabuuang halaga para sa mga ito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ayon sa sakdal, tinangay niya ang dalawang pakete ng corn chips, isang pakete ng keso, tatlong karton ng gatas,  tatlong bote ng soft drinks, isang pakete ng bacon, isang pirasong broccoli, isang pakete ng bigas, isang bote ng mantika, dalawang lata ng sabaw ng kabute, isang pakete ng tinapay, isang mansanas, dalawang tangerines, at tig-iisang pakete ng spaghetti, hipon, talong, carrots, at ginayat na niyog.

BASAHIN ANG DETALYE

Naaresto siya noon lang June 30 pero matapos siyang imbestigahan ng mga pulis ay pinayagan siyang magpiyansa.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Mag-ingat sa carbon monoxide habang nagluluto: CHP

Posted on No comments

 

Ang carbon monoxide ay galing sa kalan. (Photo: NPR)

Siguruhing may pumapasok na hangin sa kusina kapag nagluluto. Kung hindi ay baka matulad sa tatlong taga-Kowloon na isinugod sa Queen Eizabeth Hospital dahil nahilo at nawalan ng malay habang nagluluto.

Naglabas ngayon ng ganitong babala ang Centre for Health Protection (CHP) ng Department of Health matapos i-report sa kanila ng QEH na isang lalaki at dalawang babae ang dinala sa kanila matapos makalanghap ng carbon monoxide.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon sa CHP, dapat mag-ingat laban sa carbon monoxide dahil ang gas na ito ay walang amoy, walang kulay at walang lasa kaya hindi mapapansing nalalanghap -- hanggang ang epekto nito sa katawan ay nararamdaman na.

Ang sintomas ng paglanghap ng hangin na may mababang konsentrasyon ng carbon monoxide ay pagsakit ng ulo, pagsusuka at pagkaramdam ng pagod.

Pindutin para sa detalye

Kapag mataas ang gas na ito sa hanging nalanghap, makakaramdam ng malabong paningin, kawalang malay, pinsala sa utak, at kamatayan.

Ang tatlong biktima, na may edad 13 hanggang 48, ay nakaramdam ng pagkahilo habang nagluluto sa kani-kanilang bahay noong Lunes, Aug. 21.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Unang dinala ang tatlo sa QEH sa Yai Ma Tei upang lapatan ng paunang lunas, at inilipat sa Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital sa Chai Wan upang doon gamutin. Sila ngayon ay nagpapagaling na.

Sa imbestigasyon, lumabas na ang tatlo ay nagluluto sa kusina na sarado ang mga bintana, at hindi umaandar ang range hood na sumisipsip ng hangin palabas.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Walang nakitang sira ang mga kalan na ginamit ng tatlo, kaya ang konklusyon nila ay tumaas ang carbpn monoxide sa hangin sa loob ng kanilang mga kusina.

Ayon sa CHP, dapat ay laging may maayos na bentilasyon – o bukas na bintana -- ang mga kusina habang nagluluto upang maiwasan ang pag-akyat ng konsentrasyon ng carbon monoxide.

BASAHIN ANG DETALYE

At kung makaramdam ng mga sintomas nito, agad magpatingin sa doktor, dagdag ng CHP.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Pilipinang DH, kinasuhan ng 3 beses na pagnanakaw

Posted on 23 August 2023 No comments

 

Sa Eastern Court dininig ang 3 kaso laban kay Cornelio

Isang Pilipinang domestic helper ang humarap sa Eastern Court ngayon upang sagutin ang isang kaso ng panloloob (burglary) at dalawang kaso ng pagnanakaw (theft) sa isang flat sa Sai Ying Pun.

Pero bago basahin ang kumpletong paratang kay Mishell Cornelio, 36 taong gulang, humiling ang taga-usig ng walong linggo pang palugit upang matapos ang imbestigasyon ng pulis at kumuha ng dagdag na payong legal mula sa Department of Justice.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Pindutin para sa detalye

Pumayag si Magistrate Minnie Wat sa hiling at itinakda ang susunod na pagdinig sa Oct. 18.

Samantala, si Cornelio ay ibinalik sa kulungan dahil hindi siya humiling ng piyansa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ayon sa sakdal, nilooban niya noong July 9 sa isang flat sa Viking Court sa Connaught Road West at tumangay ng cash na binubuo ng 2,300 Taiwan dollar, 490,000 Vietnam dong, 381,000 Korean won, 104 Singapore dollar, 1,400 Thai bath at 9,000 Hong Kong dollar (mga HK$11,970 ang suma).

Inakusahan din si Cornelio ng pagtangay sa tatlong gold chain, dalawang CCTV camera at isang kurtina sa pinto.

BASAHIN ANG DETALYE

Tatlong araw bago naganap ang panloloob, o noong July 6, nagnakaw rin umano si Cornelio mula sa tahanan ding iyon ng isang bracelet na may gold pendant.

Nauna rito, o noong June 8, tinangay din umano niya ang isang gintong kwintas na pag-aari ni Lau Tsz-yan, mula sa bahay na iyon.

Hindi sinabi sa impormasyong galing sa pulis kung kaninong bahay ang nilooban diumano ni Cornelio.

Ayon sa batas, ang pagnanakaw (theft) ay simpleng pagtangay ng bagay ng ibang tao, samantalang ang burglary o panloloob ay nangangahulugan ng paggamit ng pwersa para makapagnakaw.

Mas seryosong kaso ang panloloob, at karaniwan itong dinidinig sa District Court ano man ang halagang sangkot, samantalang ang simpleng pagnanakaw ay sa magistracy lang sinasampa.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Umuwi na ang Pilipinang sinakal ng amo

Posted on No comments




Kuha ni April Jane paglapag sa NAIA

Lumipad na pauwi sa Pilipinas si April Jane V. Dadula, ang Pilipina na nai-video ang sarili noong Biyernes ng gabi habang pinagsisigawan bago sinakal ng among babae na mukhang wala sa sarili.

Ayon kay Dadula, gusto na lang daw muna niyang mapahinga ang isip niya, pero gusto pa rin niyang ituloy ang kaso laban sa kanyang amo. Babalik na lang daw siya sa Hong Kong sakaling ipatawag siya ng mga pulis para tumestigo sa kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Si Dadula ay taga Oton, Iloilo at mag-isang itinataguyod ang kanyang anak na lalaki.

Bago siya umalis ng Hong Kong kaninang 6pm ay pinatira siya ng mga opisyal ng Migrant Workers Office sa kanilang shelter sa Sheung Wan, at tinulungang masingil ang mga dapat bayaran sa kanya mula sa kanyang among lalaki na siyang nakapirma sa kanyang kontrata.

Pindutin para sa detalye

Pagdating sa kanilang bayan ay itutuloy daw niya ang counseling na isinaayos ni social welfare attaché Rem Marcelino at susubukang mag-apply ng mga benepisyo mula sa Overseas Workers Welfare Administration, katulad ng tulong pangkabuhayan.

Nag video si Dadula matapos bumaba sa bahay ng kanyang mga amo sa Lai Chi Kok bandang 9:30 ng gabi noong Biyernes. Gusto daw kasi niyang ipakita ang amo habang hinahalungkat nito ang mga gamit niya at baka may ilagay doon na gamit nila, at tapos pagbintangan siya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon kay Dudula, tatlong linggo pa lang siya sa kanyang mga amo nang magdesisyon siyang umalis dahil hindi na niya makayanan ang ugali ng among babae na laging nakasigaw, lalo kapag nakainom ito sa gabi.

Madalas din daw siyang sabihan na huwag silang pagnanakawan kaya natakot siya na baka tamnan ng sarili nilang mga gamit ang kanyang mga bag.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Bago siya lumipat sa mga ito ay naka pitong buwan daw siya sa kanyang unang amo sa Hong Kong na mabait sana, kaya lang ay nagdesisyong manirahan na lang sa China.

Nang mag-umpisa na siyang mag video ay kitang kita ang pagbaba ng kanyang amo na isang Haponesa daw, nguni’t nang magsisigaw sa video ay Intsik ang gamit na salita.

BASAHIN ANG DETALYE

Halatang hindi nito nagustuhan ang pag vi video ni Dadula dahil bigla nitong hinablot ang Pilipina at inipit ang leeg gamit ang kanyang braso. Makatatlong beses niya itong ginawa bago sumigaw nang parang nababaliw at hinampas ang sarili sa metal na haligi ng gusali.

Ang employer (nakaputing pantaas) habang kinukunan ng video si April Jane

Kinabukasan ay kinumpirma ng mga pulis na inaresto nila ang 48 taong gulang na employer sa kasong “common assault” o simpleng pananakit, at dinala naman sa ospital si Dadula.

Ayon kay Dadula, kinuhanan siya ng pahayag ng mga pulis pagkatapos. Pero sa pagkakaalam daw niya ay pinayagan ng mga pulis na magpyansa ang amo niya.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss